Hindi na dapat pa akong umasa na mabibigyan ng higit pa sa pisikal na pangangailangan ang namamagitan sa amin ni Victor. Kailangan kong tanggapin na pampalipas oras lamang niya ako tuwing nalulungkot siya. Isa lang akong panakip butas para makalimutan niya si Aaliyah. Iyon lang ang tanging tungkulin ko sa kanyang buhay. Linggo ngayon, wala akong trabaho kay Aling Sita. Kaya naman nagsimba ako. Inaya ko si Fin para may kasama sana ako, kaso ay hindi naman siya nag reply sa text ko. Baka tulog pa yun. Paglabas ko ng aking unit ay siya namang pagpasok ni Diego sa kanila. Natigilan pa siya sa pagbubukas ng pinto dahil nakita niya ako. Lumapit ako sa kanya. "Good morning," bati ko. "Morning," sagot niya. Nag iwas siya ng tingin at agad na pumasok sa loob ng kanilang apartment. Napabuntong h

