Chapter 10

2166 Words
Parang kinurot ang puso ko dahil sa kanyang sinabi. Iniisip niya na tulad din ako ng ibang babae na iiwan at sasaktan siya. Pero hindi ako ganun. Kahit na ganito ang set up namin, ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang saktan siya. "Victor," pinilit ko ulit siyang harapin kaso ay pinigilan niya ako. Nanginginig na ang kanyang mga balikat. Kinagat ko ang labi ko. Bakit parang mas nasasaktan ako para sa kanya? "Kapag may dumating... iiwan mo din ako. Gano'n naman lahat, Aria. Nangiiwan," paos na ang kanyang boses. Hindi ko na alam kung ano pa nga ba ang dapat kong sabihin para lang lumuwag ang kanyang kalooban. Gusto kong iparating sa kanya na hindi mangyayari ang kanyang mga iniisip. Ngunit alam ko rin naman na hindi niya paniniwalaan ang sasabihin ko. Pabalik-balik ang haplos ko sa kanyang braso. Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siya sa kanyang pag iyak hanggang sa siya na mismo ang tumigil. Unti-unti ay naging maluwag ang yakap niya sa akin. Nang bumitiw siya sa yakap ay agad ko siyang hinarap. Pula ang kanyang mga mata at ilong. Hindi ko na makilala ang Victor na matapang at nakakatakot. Ang tinitingnan ko ngayon ay ang Victor na mahina at kailangan ng pagmamahal. Naninikip ang dibdib ko dahil sa aking nakikita. Sinubukan kong hawakan ang kanyang pisngi ngunit bigla na lamang siyang tumayo, kaya naman napatayo rin ako mula sa pagkakaupo sa kanyang kandungan. "Just... just forget it. Huwag mo na lang isipin ang sinabi ko," aniya. Hindi siya nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Ramdam ko ang pagkagulat niya pero hindi ko iyon pinansin. Gusto ko lang iparamdam sa kanya na may mga tao pang handang magmahal sa kanya. Tulad ko. Masyado lang siyang basag ngayon kaya hindi niya pa binubuksan ang kanyang mga mata. Pero darating din ang panahon na mamumulat ang mga mata niya at makikita ang mga taong maaari at posibleng magmahal sa kanya. "Ayos lang yan, Victor. Ako... hindi kita iiwan," malambing kong sabi at mas hinigpitan pa ang yakap. Pumikit ako, itinapat ang aking tainga sa kanyang dibdib. Naririnig ko ang mabilis na t***k ng kanyang puso. "No," kumalas siya sa aking yakap. Nagkatinginan kami. Wala ng kahit na anong emsyong ang nakalagay sa kanyang mga mata. Bumalik na naman siya sa Victor na nakakatakot at matapang. "Iiwan mo rin ako kapag may nagustuhan ka ng iba..." matigas niyang sabi. Umiling ako. Inabot ko ang kanyang mga kamay at nilagay ang mga ito sa aking pisngi. "Ikaw..." sambit ko. "Ikaw lang ang gusto ko, Victor." Mabilis na dumaan ang gulat sa kanyang mga mata. Mabilis din namang napalitan yun ng matalim na tingin. "Tss..." binawi niya ang kanyang mga kamay. "Uuwi na ako," tinalikuran na niya ako at nagmamadaling lumabas ng aking apartment. Napabuntong hininga na lang ako. Lumipas ang mga araw na hindi nagpakita sa akin si Victor. Wala rin naman akong natatanggap na tawag o mensahe mula sa kanya. Hindi ko na tuloy alam kung ano nga ba ang nangyari sa kanya. Halos mabaliw na ako sa kakaisip. Madalas tuloy mapansin ni Fin na wala ako sa sarili at alam niya ang dahilan kung bakit. "Oy, 'te. Wala ka na naman sa sarili," puna sa akin ni Fin habang pauwi kami. Naging mahaba ang gabi namin ngayon ngunit hindi ko naramdaman ang pagod dahil sa mga iniisip ko. Bumuntong hininga na lang ako sa kanyang sinabi. "Si Papa V na naman ba ang dahilan?" tumigil kami sa paglalakad para makapag abang na ng jeep. Yumuko ako. Tinamaan na naman kasi ako sa kanyang sinabi. Si Victor lang naman ang dahilan kung bakit wala ako sa sarili nitong mga nakaraang araw. "Alam mo, Ria..." sabi ulit ni Fin. Hinawakan niya ang aking balikat. "Mahirap talaga 'yang sitwasyon mo. Nagpapakita lang siya sayo pag gusto niya. Talaga bang kaya mo ang ganyan?" Nag angat ako ng tingin dahil sa kanyang sinabi. Parang pinipiga ng husto ang aking puso. Sobrang bigat nito. Hindi ko na alam kung tama pa nga ba ang aking paghinga. Magsasalita pa lang sana ako ngunit may humila sa akin. Nanlamig ang aking katawan. Amoy pa lang niya, alam kong siya na. "Victor..." sambit ko at tumingin sa kanya. Ang mga mata niya ay direktang nakatutok sa akin. Walang emosyon ang mga ito. Tulad ng madalas kong nakikita sa kanya. Maayos ngayon ang kanyang buhok at nakasuot siya ng kulay itim na t-shirt. Nilipat niya ang tingin kay Fin. "Ihahatid ko kayo..." malamig niyang sabi. Bumaling ako kay Fin. Nakatingin din siya kay Victor. "Uhm..." hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil muling nagsalita si Victor. "Let's go," aniya bago kami talikuran. Nagkatinginan na lamang kami ni Fin. "Narinig kaya niya yung sinabi ko?" may bahid ng pangamba ang tono ng boses niya. Lumapit siya sa akin at kumapit sa aking braso. "Hindi ko siya napansin." "Hindi naman... hindi naman niya suguro narinig," iling ko. "Tara na..." sinundan na lang namin si Victor sa paglalakad. Agad niyang pinatunog ang kanyang sasakyan pagdating namin. Bumaling siya sa amin ni Fin.  "Get in," utos niya. Akmang sasakay na kami nang bigla na naman siyang magsalita. "Aria, sa harapan ka sumakay..." matigas ang kanyang boses ngunit ang mga mata niya ay hindi makatingin ng maayos sa akin. "Sige," nahihiyang sabi ko at kinagat ang aking labi. Hindi ako kumportable sa aming byahe. Pakiramdam ko kasi ay narinig ni Victor ang pinag uusapan namin ni Fin kanina. Natatakot ako na, kapag kaming dalawa na lang ang nasa biyahe mamaya, pagalitan niya ako. "Dito na ang bahay namin," ani Fin nang makadating na kami sa tapat ng kanilang bahay. Agad naman itinigil ni Victor ang kanyang sasakyan. Nilingon ko siya sa likuran. "Uh, Ria... una na ko," paalam niya. Lumipat ang tingin niya kay Victor. "Papa... I mean, Sir Victor... salamat po sa paghatid. Ingat po kayo." Liningon siya ni Victor at tumango. "No problem." Pagbaba ni Fin ay mas lalo akong hindi naging kumportable. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Parang lalabas na ito sa aking katawan. Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri. Nanlalamig na ang aking mga palad dahil sa kabang nararamdaman. "How are you?" tanong niya na siyang ikinagulat ko. Tumingin ako sa kanya, nasa daan ang kanyang mga mata. "Ayos lang naman ako."  Sinungaling, Aria. Tumango siya sa aking sagot. "That's good," hindi pa rin niya ako tinitingnan.  Hindi na ulit kami nag usap hanggang sa makadating na kami sa aking apartment. Ang buong akala ko ay ihahatid lang niya ako hanggang doon sa kanto, ngunit laking gulat ko nang sumama pa siya sa akin hanggang dito. Binuksan ko agad ang ilaw pagpasok namin. "Dapat hindi ka na sumama dito," dumiretso agad ako sa aking kama. Gusto ko nang humiga para makapag pahinga. Kaso ay nahihiya naman ako kay Victor. Kaya naman umupo na lang muna ako. Tumalim ang tingin niya sa akin dahil sa aking sinabi. Kinabahan ako bigla. Mali ba ang sinabi ko? Hindi ba niya ito nagustuhan? Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Gusto ko sanang lumayo pero nahuli niya ang aking mukha. Inangat niya ang aking baba para mabaling ang atensyon ko sa kanya. Nakanunot ang kanyang noo. Pinilit kong ilihis ang mga mata ko sa kanya ngunit hindi ko magawa.  "Hindi mo ba ako namiss?" tanong niya.  Hindi ako nakasagot dahil sa gulat. Ang isang kamay niya ay humaplos sa aking hita. Napasinghap ako dahil sa kanyang ginawa. "Ako, namiss kita..." ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Mas lalo akong napasinghap sa kanyang ginawa. Gusto ko siyang pigilan ngunit iba ang sinasabi ng aking katawan. "I missed you..." sambit niya bago paulanan ng halik ang aking leeg.  Napapikit na lang ako napatingala sa nangyayari. "I missed you so much..." naglakbay ang kanyang halik hanggang makarating ito sa aking labi. Isang mainit na halik ang agad niyang iginawad sa akin. Tila kinuryente ang buong katawan ko dahil sa kanyang ginagawa. Ang kamay niyang nasa hita ko ay unti-unti na ring naglakad patungo sa butones ng aking pantalon. Nawawala na ako sa aking sarili. Ang isang kamay niya ay tumungo sa aking batok para mas lumalim pa ang mainit niyang halik. Sinuklian ko ang kanyang ginagawa. Kumapit ako sa kanyang balikat. Sa tuwing ginagawa sa akin ni Victor ang ganitong bagay, nawawala talaga ako sa katinuan. Nagiging baluktot na ang aking pag iisip. Ang tanging inaalala ko na lang ay si Victor, ang mga halik niya, at ang mga manyayari. Ilang beses na naming nagawa ang ganitong bagay pero parang bago pa rin sa akin ito. Kakaibang pakiramdam ang hatid niya sa bawat sulok ng aking katawan. Ang init na ibinibigay niya sa akin ay kakaiba. Siya lang ang tanging nakakagawa nito sa akin. Hindi ko na namalayan kung ano ang mga sumunod na nangyari. Hindi ko alam kung paano namin natanggal ang damit ng isa't isa. Hindi ko na matandaan kung paano ito nangyari. Basta ang alam ko, marahas na siyang gumagalaw ngayon sa aking ibabaw. Kinagat ko ang labi ko. Pinilit kong idilat ang aking mga mata kahit na nababaliw na ako sa sensasyong nararamdaman ko. Gusto ko siyang tingnan sa bawat paggalaw niya. Gusto kong makita ang bawat emosyon na niya sa tuwing ginagawa namin ito. "Sht!" ungol niya at mas binilisan pa ang paggalaw sa ibabaw ko. Naghanap ako ng makakapitan. Kinuyom ko ang aking mga kamay sa aking unan para mapigilan ang nagbabadyang ungol sa aking bibig. "Ahh... Victor..." bulong ko. May kakaiba na akong nararamdaman. Malapit na ako, alam ko na gano'n din siya. Hinawakan niya ang aking mga binti at inayos ang mga ito sa pagkakayakap sa kanyang baywang. Hinalikan niya ang aking labi. Pumikit na ako dahil hindi ko na kaya. Sumasabay na ang t***k ng puso ko sa bawat galaw na ginagawa niya. Nang maramdaman ko na ang pagsabog sa aking kalooban ay doon ko lang naramdaman ang panghihina. Bumagal na rin ang galaw ni Victor hanggang sa tumigil na siya. Pareho kaming hinihingal. Pawis na pawis din ang aming mga katawan dahil sa nangyari. Ngumiti siya ng tipid sa akin bago umalis sa aking ibabaw. Hinila niya ang kumot at tumabi sa akin. Tinakpan niya ang aming mga katawan. Nagsiksikan kami sa aking maliit na kama. Hindi na ako gumalawa dahil baka malaglag siya kapag ginawa ko iyon. "Thank you," bulong niya. Tumagilid kami ng higa para hindi kami mahirapan sa aming posisyon. Nilagay niya ang isang kamay sa aking baywang para ilapit ako sa kanyang katawan. Ang isang kamay naman niya ay nagsilbing unan ko. Nginitian ko na lamang siya sa kanyang sinabi. Ang pangungulila ko sa kanya nitong mga nakaraang araw ay bigla na ang naglaho. Makita ko pa lang siya, nawawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Nagiging mas malalim na talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa bawat araw na hindi ko siya nakikita ay hinahanap ko siya. At sa tuwing nakikita ko siya, ayoko na siyang pakawalan. Gusto ko ay manatili na lang siya sa aking tabi. Pumikit na ako. Ayoko ng mag isip pa. Ang iisipin ko na lang ay ang ngayon. Dapat masaya ako dahil nagpakita na sa akin si Victor. Kahit na hindi ko alam kung ano ang dahilan niya kung bakit hindi siya nagpakita sa akin nitong mga nakaraang araw. Nang imulat ko ang aking mga mata ay maliwanag na sa labas. Napangiti ako dahil hindi pa rin nagbabago ang posisyon namin ni Victor. Nakayakap pa rin siya sa akin. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Banayad ang kanyang paghinga. Magulo na ng kaonti ang kanyang buhok. Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi. Mapula ito at tila inaanyayahan akong halikan ito. Napangiti ako sa aking naisip. Dahan-dahan kong idinampi ang aking labi sa kanya.  "Good morning," bati ko kahit na hindi naman niya naririnig dahil tulog pa siya. Maingat kong tinanggal ang ang kanyang kamay na nakayakap sa akin. Babangon na ako para makapaghanda ng aming agahan. Mabuti na lang ay natanggal ko ang kanyang kamay ng hindi siya nagigising. Inabot ko ang kanyang t-shirt na nasa aming paanan at isinuot ito. Tatayo na sana ako ngunit nagulat ako nang gumalaw si Victor. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ulit ako pahiga. Bumagsak ako sa kanyang dibdib. "Uhh.. Victor..." nag angat ako ng tingin sa kanya. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata at marahan ang kanyang paghinga. Tulog pa rin siya. Sinubukan ko ulit kumawala kaso ay nagulat na naman ako nang bigla siyang magsalita. "Hmm... Aaliyah..." napapaos niyang sabi sabay haplos sa aking buhok. Nabingi ako sa kanyang sinabi. Kung kaninang paggising ko ay masaya ako, ngayon naman, pakiramdam ko ay hindi ko na kayang ngumiti dahil sa aking narinig. Hanggang ngayon ay si Aaliyah pa rin talaga. Hindi ko siya kayang tapatan sa puso ni Victor. Kailangan kong tanggapin na pisikal lang ang namamagitan sa amin. At ang lahat ng ipinapakita niya ay matatamis na kasinungalungan lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD