Gusto kong suntukin ang sarili ko dahil sa aking sinabi. Ang gago ko talaga! Hindi ako nag iisip. Pinairal ko na naman ang init ng ulo ko. Fck.. mas lalo lang nagalit sa akin si Aria. I didn't mean to say those words. Damn, kaonting oras lang naman kasi ang hinihingi ko sa kanya. Kahit limang minuto lang. Mahirap bang ibigay 'yon? Pinunasan ko ang gilid ng aking mga mata. Uuwi na lang ako. Wala na si Aria dito, eh. Ano pang gagawin ko? Kinuha ko ang susi ko. I beeped my car. Itutuloy ko na lang ang pag inom sa condo. Nawala na ang epekto ng alak sa aking katawan dahil sa sinabi niya. Mas masakit pa 'yon kaysa sa sampal niya. She's right, though. I'm a piece of s**t. Simula nang mawala siya sa buhay ko, nawalan na ako ng direksyon. But this piece of s**t loves every bit of her being. Ti

