Gumuho ang mundo ko sa aking nalaman. Nanlumo ako. Tngina! Gusto kong magwala. Gusto kong ilabas ang galit at sama ng loob ko. Ang luha sa mga mata ko ay kusa ng tumulo. "Victor... anong nangyari?" tanong ni Calyx pagbalik ko ng aking sasakyan. Hindi ako sumagot. Humigpit ang kapit ko sa manibela. Pumikit ako ng mariin. Patuloy pa rin sa pagtulo ang aking mga luha. Kinakapos na ng hangin ang aking katawan. "Ang gago ko!" pinaghahampas ko ang manibela. Hinawakan ni Calyx ang aking balikat para awatin ako. "Victor..." Hindi ko maramdaman ang sakit sa aking palad kahit sobrang lakas ng aking paghampas. "Tngina... may asawa na siya," nanghina ako. Tumigil ako sa paghampas. Tinakpan ko ang aking mukha ng aking mga palad. Hindi na ako nahihiyang ipakita kay Calyx ang pagiging mahina ko.

