Lumapit agad sa akin si King para yakapin ako. Nanatili lamang akong nakatulala. Parang hindi pa ma-proseso ng utak ko ang aking nalaman. "You're 7 weeks pregnant, Aria. Akala ko ay alam mong buntis ka," bulong niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa kin. Napailing ako. Hindi ko alam! Ang akala ko ay normal lang ang nararamdaman ko tuwing umaga. Akala ko normal lang ang aking pagsusuka at pagkahilo. Napapikit ako ng mariin. Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon? Hindi ko naisip na maaari akong mabuntis. Matagal ko nang nakaligtaang inumin ang birth control pill ko. Ang tanga ko talaga. "Huwag mong gawin 'to sa sarili mo. Be strong... lalo na't magkakaanak ka na." Napahawak ako sa aking tiyan. Pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako. Hindi ako makapaniwala na magkaka anak na ako. Inalalaya

