Tinupad ni Vitor ang kagustuhan kong lumayo na siya sa amin. Binigyan ko na siya ng pagkakataon na makilala siya ng anak namin. Ngunit hindi naging madali 'yon sa akin. Lalo na kay JD. I thought that was enough. But JD cried almost everyday. Hinahanap niya palagi si Victor. Kahit na anong ibigay ko sa kanyang bagong laruan, hindi pa rin siya tumatahan. Sa panahon na 'yon, doon ko napagtanto na kailangan talaga ng ama ni JD. Kaya naman umuwi kaming lahat sa Pilipinas. Ayoko na rin itago pa si JD sa lahat ng tao. He deserves to know the world. Hindi ko na ipagkakait pa ito sa kanya. Nagkita ulit kami ni Victor. Dinalaw niya ang puntod ng mga kinilala kong magulang. Hindi ko inaasahan na magkikita kami. Wala na yata talaga akong magagawa kung ang mismong tadhana na ang gumagawa ng paraan pa

