Tumulo ang mga luha ko. It's been a year... Inalis ko na ang tingin sa langit. I wiped my tears away. Pinilit kong ngumiti. But still... I'm so empty inside. Isang oras na lang ay bagong taon na. Dapat ay bagong buhay na din, diba? Pero bakit hindi ko magawa? Pumasok na ako ng bahay. Naabutan ko naman si JD at lolo na papalabas. Tumigil ako sa kalagitnaan ng hagdan. Gano'n din sila. "Sigurado ka ba na hindi ka sasama, Aria?" tanong ni Lolo sabay karga sa anak ko. Tinutukoy niya ang party na dadaluhan nila. "Hindi na po. Dito na lang ako," ngumiti ako at inayos ang buhok ni JD. "Oh sige. Huwag mo na lang i-lock ang mga pintuan. Hindi na ako nagdala pa ng susi," aniya. Bakit hindi siya magdadala ng susi? Baka matulog lang naman ako, eh. Hindi ko na siguro sasalubungin ang alas dose.

