NAGISING ako sa ingay ng aking alarm clock, nag set nga pala ako ng alarm kanina. Bitin tuloy tulog ko, 6:00 am ang aking sinet kailangan ko na rin pa lang kumilos ng mabilis baka malate pa ako sa klase. Hindi na nga ako nakapasok kahapon eh dahil sa trabaho. 8:30 a.m ang simula ng klase ko eh ayoko naman na malate kung pabagal bagal ang kilos ko.
Andito na ako ngayon sa kusina, katatapos ko lang din maligo at ngayon naman eh kasalo ang pamilya Demoro. Kaya heto ako ngayon akward. Kaunti lang tuloy nakuha kong pagkain.
"Kathy, later na lang pala tayo mag usap pagkatapos ng klase mo." Basag naman ni Ferdus sa katahimikan.
"A-ahh s-sige." Bakit ba ako nauutal? Yun lang naman sinabi ni Ferdus, hayss baka dahil sa tingin ni Manang Fercia!
"Ehem" biglang nasamid si Sir Dosdir, at ngayon naman ay nakatingin sa akin. May problema ba sa akin?
"Darling ito water, bakit ka naman nasamid eh antahi-tahimik natin dito sa hapag." Pag aalo naman ni Manang Fercia sa kaniyang asawa. Pag nandito ang asawa ang bait niya, hindi niya ako sinusungitan or tinatarayan
"Pag ba tinawag kitang manang magagalit ka sa akin?" Tanong naman ni sir Dosdir sa kaniyang asawa, and wait, manang??? Yun tawag ko kay Ma'am Fercia sa aking isipan. Baka pinag titripan niya lang si Ma'am, sweet naman pala si Sir kung ganon.
"Mana- nang- gal ng lakas sa tuwing nagsasalpukan tayo sa gitna ng kagabihan" muntik na akong mabulunan sa sinagot ni sir. Juskoo, may ganitong side pala si Sir
"I'm sorry Kathy, ganyan talaga si Ama kay Ina. Parang bata." Bulong ni Ferdus na katabi ko.
Tinanguan ko na lamang ito at pinag patuloy ang pagkain.
Nang matapos kaming kumain ni Ferdus ay dumaretso na kami sa labas para makasakay na sa kotse.
"Tara na Maru." Saad naman ni Ferdus kay kuya Maru.
"Wag mo kakalimutan na mag uusap tayo mamaya pagkauwi mo sa bahay. Maliwanag?"
"Oum" tila ba nabaluktot ang dila, bakit naman kasi ibang iba ngayon si Ferdus, hindi ako sanay na ganito siya.
Nang makarating na kami sa eskwelahan ay nauna na naman siyang lumabas at lumakad patungo sa loob. Weird, kanina lang eh ayos ayos siya tapos ngayon parang iwas na iwas na naman sa akin. Akala ko naman okay na kami.
Habang ako'y naglalakad hindi ko maiwasan na mapaisip dahil sa nangyari kaninang madaling araw bakit puro tuyong dugo ang damit ni Ferdus ? May kaaway ba siya?
"Huy! Lalim ng iniisip mo ah, care to share?" Pag gulat sa akin ni Dhalia
"Ah kasi yang pinsan mo ang weird eh" dapat ko ba talagang sabihin sa kaniya ang nangyari kaninang madaling araw?
"Huh? Pano mo naman nasabi na weird si Ferdus? Ano ba ang nangyari?" Sabihin ko na nga sa kanya para hindi na ako mag isip pa.
"Kasi naman kaninang madaling araw eh nagising ako, bumaba ako sa kusina para magkape dahil hindi ako nakakakain ng gabihan... So eto nga, habang nagkakape ako eh bigla na lamang sumulpot yang pinsan mo, akala ko pa nga magnanakaw ang depungol na yon.. tapos ito pa ha, nakita ko puro tuyong dugo ang damit niya. Basag ulo ba ang pinsan mo?" Pagkasabi ko sa kaniya nito ay tila ba natigilan siya, may alam kaya itong si Dhalia?
"Ah, talaga ba nakita mo siya sa ganong sitwasyon? Diko alam na basag ulo pala ang aking pinsan" Akala ko naman may alam siya. "Ay siya tara na sa room baka maunahan pa tayo ng prof."
Ferdus'pov
'Ferdus, mag ingat ingat ka naman sa mga kinikilos mo kung ayaw mong mabuking'
Isang mensahe ang sumagi sa aking pandinig na nanggaling kay Dhalia. Ano naman ang ibig sabihin nito? Kaya naman nakipag usap ako sa kaniya gamit ang isipan.
"Hey Dhalia, what do you mean?"
'That Kathy, she saw you yesterday night, and she said that your clothes is full of blood stain. Ano ba ang pinag gagagawa mo? Saan kaba nag punta?... Be careful for what your showing to her.' Nakalimutan ko pala na nakita niya ako sa ganoong sitwasyon. The hell!
"Ow, that night! s**t. Don't worry. Wala naman siyang malalaman, and yesterday I was in the war because of Grey. Nambabae na naman kasi, and worst of that the girl he kissed is wife of a drug lord. That Grey is full of shits by these things." Kung hindi ba naman kasi babaero tong lalaking to eh hindi sana kami mapapaaway.
'ow that silly boy! Let's end this conversation. My class is starting na, Take care bebe boy! Mwua. I'll take care of your girl haha!'
My Girl? That a bullshit, ni hindi nga kami lagi magkasundo.
"Pre, pagaya sa no.8, it's so difficult ack!.... What is the value of X huh? X is just a f*****g past, wala na siyang Value!" Wtf?! Lalake ba tong gunggong na ito?
"Mr. Wilson! What the hell are you talking about?! This is a math problem not your Miserable Past in life! Don't over the bakod okay?! Just forget your past! Argh!" Pardon? Ngayon ko lang napansin na may teacher nga pala kami at may pinapasagutan sa amin. And what the hell? That teacher is a part of l***q? O c'mon habulin talaga ng bakla si Grey. Natatawa akong silipin ngayon si Grey na ngayon ay nakanganga sa harapan. Amd yeah, sino ba naman hindi magugulat? Yung teacher mo na maskulado ang katawan ay biglang sisigaw ng ganoon at may pa irap pa.
"What the hell Ferdus? Bakla na naman ba nasa harapan natin?" Biglang sabi sa akin ni Grey na hanggang ngayon eh nakatingin sa prof namin, at ang gago lang narinig pa ng prof ang sinabi niya.
"shock Mr. Grey? So what if I'm a part of l***q? There's a problem with that? Ikasisira ba ng buhay mo ang pagiging bakla ko?" Ows, grabe naman to parang inaapi ni Grey ah.
"Wala naman po akong nabanggit na masama tungkol sa lgbt sir. I'm sorry if na-offend ka sa narinig mo." Sincere na paghingi ng tawad ni Grey, totoo naman kasi eh wala naman binanggit na masama tungkol sa pagiging part ng l***q.
" Thanks for that kung hindi mo minamasama. So back to the quiz class! Ayoko na mauulit ang nangyaring ito Mr. Willson, it's that clear? " Tumango na lamang si Grey at pinag patuloy ang pagsasagot.
Nang matapos ang klase namin ay hindi ko maiwasan ang ngiting pang asar kapag nakikita ko si Grey na hanggang ngayon eh basungot ang mukha.
"Ano pre? Ayos ka lang ba? Hahaha" Pang aasar naman ni Theo kay Grey
"Tsk! Akala mo naman kasi inapi ko ang baklang yon, may sinabi ba akong masama don? Wala naman diba, tas babanat pang ikasisira ko raw pagiging bakla niya" iyamot na salaysay ni Grey
"Ang sabihin mo habulin ka lang talaga ng bakla, iyan ang napapala ng mga babaero eh" Pang aasar ko naman sa kaniya
"Tigilan niyo na lamang ako, hmpk!" Nagsitawanan na lamang kaming tatlo nila Theo at Rod, habang si Valir naman ay parang walang pake sa paligid at sa cellphone lang naka tutok.
Nakasakay na ako sa kotse at hinihintay ko na lamang si Kathy para makauwi na at may pag uusapan pa kami. Well, mag sosorry lamang ako sa kaniya at kakausapin ko siya tungkol sa mga bagay bagay tulad na lamang ng magsasabay kami sa tuwing papasok at pag uuwi sa school para mapalapit siya sa akin at makilala ko ang babaeng yon.
"Hi kuya Maru, sorry now lang ako. May tinapos pa po kasi ako eh" sabi ni Kathy na kadarating lang
"Okay lang iha, pumasok kana at para makaalis na tayo andyan na rin sa loob si Sir Ferdus naghihintay" sagot naman ni Maru kay Kathy na parang nagulat pa dahil narito na ako sa loob at naghihintay. Pumasok na siya sa loob at umupo na sa may gilid ng sasakyan.
"Sorry, napag hintay ko ba kayo ng matagal? May tinapos pa kasi ako eh." Biglang sabi ni Kathy sa akin
"It's okay, hindi naman ganoong katagal" nginitian ko siya bago ko ipinikit ang aking mata dahil sa nararamdaman kong pagod.
"Ah, nga pala yung tungkol sa pag uusapan natin pwede ba na kapag nakuwi na ako? Mga 10pm lang naman gising ka naman siguro non hehe" Kumunot ang aking noo sa narinig, ani naman ang gagawin nito? At tsaka bakit ang uwi eh 10?
"Bakit ka naman uuwi ng 10pm? Saan ka naman pupunta at ano gagawin mo? Curious na tanong ko sa kaniya.
"Ah basta, uuwi rin naman ako eh." Tiningnan ko siya ng naka kunot ang aking noo, basta? Sa dinami ng tanong ko sa kaniya basta lang ang isasagot niya. Nang magtama ang aming mata ay nginitian niya ako, kaya naman iniwas ko ang aking tingin. Naiilang ako hindi ako sanay na ganon siya, pero kailangan kong sanayin hindi pwedeng hindi baka mamaya masira pa ang diskarte ko.
Kathy's pov
Narito na ako ngayon sa resto at tinitingnan ang bawat tao sa loob, inutusan kasi ako ni sir Clark na subaybayan ko na lang daw muna ang ikot ng resto, lalo na raw ang mga empleyado. Minsan daw kasi eh may nagkakagulo dahil sa mga empleyado na umaasta na parang sila ang may ari.
Habang nagmamasid ay nag vibrate ng sunod sunod ang cellphone ko, gustuhin ko man tingnan ay nagpasya ako na mamaya na lang tingnan dahil pag nagkataon na may maganap at hindi ko agad mapansin ay ako ang malilintikan.
"Hi ma'am, si sir po pala na saan?" Tanong sa akin ng isang empleyado na may hawak na mga papeles, kung tutuusin ay maganda naman siya ang kaso nga lang nasobrahan sa make up at ang kaniyang suot pa ay parang luluwa na ang kaluluwa dahil sa kaiksian "Ma'am? Si sir po asan?"
"Ah, andon sa office. Bakit may iaabot kaba?"
"Ahh oo meron po, pwede ko pa bang puntahan si Sir?" Panigurado may gusto to kay sir, pero sorry siya hindi niya makikita si Sir dahil ang bilin niya rin sa akin ay bawal daw magpapasok sa office ng hindi ko pinapaalam at dahil na rin sa busy siya.
"Ah, saglit lang sasabihin ko sa kaniya, ano pala pangalan mo?"
"Denice po ma'am, iaabot ko lang sana tong feedback galing kay ma'am Michelle yung nag pa catering." Pangalan lang naman tinanong ko, detalyado pa talaga ang sinabi niya. Tinanguan ko na lamang siya at pumasok sa loob kung na saan si Clark. Syempre kumatok na muna ako bago pumasok.
"Ahm sir, may gusto raw pong iabot sa inyo yung Denice, Feedback daw po." Nilingon naman niya ako at hinilot ang sintido, halata sa kaniya ang pagod "sige sir sasabihan ko na lamang na maya maya siya bumalik, mukhang pagod po kayo eh"
"No need, kunin mo na lang sa kaniya yung papel at ikaw na ang magbigay sa akin." Tinanguan ko na lamang si Sir at lumabas na para sabihan si Denice.
"Miss Denice, ako na po ang magbibigay kay sir." Dismayado niyang iniabot sa akin ang papel saka umalis. May gusto talaga to kay sir
Bumalik ako sa loob para ibigay kay Clark ang papel, halata sa itsura niya na kulang siya sa tulog. May problema kaya?
"Ahm sir, hindi naman po sa nang hihimasok ako ha. Napansin ko po kais na parang kulang kayo sa tulog at para pong namomoblema kayo. May problema po ba?" Nang matapos kong banggitin ang mga salitang iyon ay hindi ko maiwasan ang kabahan, baka mamaya ako pa ang pagbuntungan nito dahil sa pakikialam ko. Tiningnan niya ako at nagbuntong hininga siya bago niya ako sagutin
"Wala naman, wag mo na lamang ako pansinin. Kung may problema man ako eh kaya ko na to sanay na akong harapin ng mag isa ang problema." Ngumiti siya sa akin ng tipid, halata rin sa kaniya na parang pilit lang ang ngiti.
"Sir, hindi lahat ng problema ay dapat mo lang sarilinin. Kailangan mo rin ang tulong ng iba. Kung gusto mo po ng tulong eh andito lang po ako baka po may kaya akong solution sa problem nyo po hehe"
"Tss. Kailangan ko kasi ng isang babae na magpapanggap na girlfriend ko" halata sa kaniya ang pag kadismaya. So after all wala siyang jowa?? Sa gwapo niyang yan?
"Sir? Wala kayong jowa? Weh? Sa gwapo mong yan?" Huli na ng mapagtanto kong kung ano na lamang ang lumabas sa aking bibig kaya naman nakagat ko ang aking ibabang labi. Napangiti naman siya ng takpan ko ang aking labi dahil sa hiya.
"Wala akong girlfriend, baka gusto mo mag apply?" Gulat ko siyang tiningnan. "Just kidding, wala sa wisyo ko ang makipag relasyon." Hmmpk! Nawala tuloy kilig koo dahil sa kidding kidding na yan! Akala ko naman eh may pag asa na ako, lupaypay again ang aking kipay. Napanguso na lamang ako sa kaniya.
"Haha, bakit ganyan reaction mo? What if ikaw na lang mag pretend na girlfriend ko? Dagdagan ko na lang sahod mo. Okay lang ba sayo?" Ayoko mag pretend huhu! Gusto ko totohanan walang eme. Pero payag na rin ako sayang rin extra income hahaha tas experience na rin magkajowa kahit panandalian lang.
"Okay lang sir, pero mas maganda sana kung tototohanin natin." Natatawang saad ko kay sir na ikinatawa rin niya.
Pumayag naman ako sa pakikipag sundo kay Clark bilang gf niya, panandalian lang naman daw yon. Need niya lang talaga na may maipakilala siya sa kaniyang lolo, kung wala raw siyang maipakilala baka matanggalan siya ng shares sa company at pati itong pinaghirapan niya ay maaari ring kuhain ng kaniyang lolo. Hindi naman niya raw ito kayang labanan, miski ang magulang niya ay hindi kayang kunsintihin ang kaniyang lolo. Grabe nga mayaman nga sila kaso wala naman silang freedom, kung ano gusto niyang gawin ay dapat ipaalam muna sa kaniyang lolo. Naikwento pa nga niya na may kapatid siya na pwedeng gawin kung ano ang gusto nito, Siya kasi ang panganay kaya may responsibilidad siya sa lahat ng gusto ng kaniyang lolo.
Akalain mo yun may paganon sila, kung sino ang panganay eh susunod sa lahat ng pinapagawa sa ayaw man o sa gusto.
Nang matapos ang trabaho ay agad din akong nag paalam kay sir Clark, nagmadali na rin akong makauwi baka kasi pumutok na naman ang butche ni Ferdus eh may pag uusapan nga kami.
" Oh iha andyan kana pala, kumusta naman ang 2nd day mo roon? " Usisa sa akin ni Manang Sonya habang siya ay may inasikaso rito sa kusina.
"Ayos lang naman po, kayo po bakit po gising pa rin kayo? Diba po wala naman ng gawain sa ganitong oras." Ganitong oras ay alam kong hindi na naglalalabas ang mag asawang Demoro, ang alam ko rin ay maaga itong mag si tulog.
"Ay iha, inihahanda ko lamang ang mga gagamitin bukas ng umaga. May bisita kasi na darating, eh ayoko naman na bukas ko pa paghahanapin ang mga ito. Oh nga pala, kumain kana ba?"
"Sipag nyo naman po manang, nako wag na po kayong mag abala pa busog pa naman po ako. At nga po pala si Ferdus po ba ay nasa kaniyang silid?" Baka kasi pag kumatok ako sa kwarto niya eh wala pala roon ang kumag na iyon.
"Ah, mukhang nagiging close na kayo iha ah maganda yan. Nasa kwarto iha hindi naman yan naglalalabas, sa tuwing may pupuntahan lang sila ng barkada niya eh saka lang. Bakit mo pala na itanong? Ikaw ha aminin mo, nagkakamabutihan na ba kayo?" Bigla tuloy akong natawa sa sinabi ni Manang
"Oy kayo manang ha issue ka hahahah, wala lang po yun may pag uusapan lang po kami."
"Aysus, osya sige tumaas kana at mag palit kana para mapuntahan mo na yon" naiiling akong tumaas dahil sa mga kalokohan na sinasabi ni Manang.
Nang makapag palit ako ng damit ay lumabas na ako rin agad ako at dumaretso sa tapat ng kwarto ni Ferdus. Kakatok na rin sana ako ng kusa itong bumukas at inuluwa si Ferdus na walang pang itaas, kaya naman napatalikod agad ako.
"Ba't ngayon ka lang? 10:46 na ah, ang sabi mo sa akin ay mga alas dyis. Ano ba pinag gagagawa mo sa buhay?" Nakatalikod pa rin ako sa kaniya, bwukanang ito sinabi ko nga na MGA alas dyis hindi ko naman sinabi na saktong 10pm.
"Ay sorry naman, wala naman akong sinabi sayo na saktong 10 pm ako makakauwi ah." Nakatalikod kong sagot sa kaniya, aba baka mamaya eh tumulo pa laway ko dahil sa kakisigan ng katawan niya. Akalain mo yon, may tinatago rin pala tong gunggong na ito.
"Okay fine. At bakit ka ba nakatalikod dyan ha? Pumasok ka dito sa kwarto ko." O M G huhunes, wala ba siyang pakiramdam? Babae ako tas wala siyang tapis sa pang itaas tas papapasukin niya aoo loob?
"Loko ka talaga, magdamit ka muna at papasok ako dyan. Hmpk!" Narinig ko naman siyang umismid at umalis sa likoran ko. Siguro ay magdadamit na ang mokong na iyon.
"Okay na nakadamit na ako! Pumasok kana daming arte" aba ako pa ang maarte?
"Anong maarte don aber? Babae ako no tas papapasukin mo ako ng nakahubad ka? May sapak ka ba talaga sa ulo?" Hindi na lamang niya ako pinansin at iginawad niya ako sa sala, wow naman laki ng kwarto ah, prinsepeng Prinsepe ang peg.
"Laway mo tutulo" napabalikwas ako dahil sa sinabi niya at sinamaan ko naman siya ng tingin. Para nagagandahan lang naman sa kwarto niya. Tsk.
"Ano pag uusapan natin?" Ako na ang umuna, anong oras na rin eh gusto ko na matulog at para makapag pahinga na rin may pasok pa bukas.
"About us" ano naman pag uusapan sa pagitan naming dalawa, tiningnan ko naman siya na parang nag tataka. "Okay, sorry sa lahat ng inasal ko sayo sa nakaraang araw, sa mga pag sigaw ko sayo at sa mga sinabi ko sayo na hindi maganda." Mag sosorry lang naman pala eh bakit dito pa sa kwarto niya.
"Uhm, pati na rin dun sa nangyari tungkol kay Ina. Hindi kasi ako sanay na may nambabastos sa kaniya. Alam ko mali ang sinabi niya tungkol sayo, pero mali ka rin naman na sagot sagutin mo siya lalo na't nasa pamamahay ka namin." Tila nabuhusan ako ng maligamgam na tubig dahil sa sinabi niya. Pasensya naman kung nasagot ko sang nanay niya, hindi ko naman naiwasan na sumabog at makipag sagutan.
"Sorry, diko napigilan na sumagot sa iyong Ina." Tinanguan niya lamang ako.
"At ito pa, sa tuwing papasok tayo at uuwi galing school ay magsasabay tayo. Simula yan bukas. At kung may problema ka, sabihin mo na rin sa akin. Maliwanag?" Ano naman nakain nito? At naisipan niyang mag sabay kami.
"Eh diba nagsasabay naman talaga tayo, bakit mo pa sinasabi yan?" Tila ba natameme siya sa aking sinabi, totoo naman kasi. Pag pupunta kaming school ay pag uuwi eh nag sasabay naman talaga kami. Weird mo now Ferdus.
"Ah basta, kung ano ang gusto ko ay susunod ka. Kung ayaw mo na nagkakagulo at nagkakasagutan tayong dalawa ay sumunod kana lang sa sasabihin ko. Maliwanag?" Kanina ang ayos ayos niya tas ngayon para na naman siyang nireregla. Gulo mong kausap Ferdus.
"Oo na po, pero kapag may gusto rin akong gawin sa buhay ko eh wag kang kokontra ha. Wag mo akong gawing alila mo na sa lahat ng gusto ko ay susundin ko. May limit yon ha."
"Sige deal. Lumabas kana at matulog" yun lang? Walang kiss? Jok . Tumayos na ako at naglakad papuntang pinto. "Saglit." Kaya naman napahinto ako at bumaling ulit sa kaniya. "Saan ka nang galing kanina? Ano ang ginawa mo? Ilang oras kang wala."
"Dami mo naman tanong, nag trabaho lang ako. Wag kang mag alala hindi ako nag lalakwatsa." Tiningnan niya lamang ako at tinuro na ulit yung pinto hudyat na pinapalabas na ako. "Walang goodnight kiss?" Kalokohang tanong ko na kaniya namang ikinunot ng noo niya. "Choss lang."