Kathy's pov
Ngayong araw ang simula ng aking trabaho kaya naman masaya akong naghahanda ng susuotin.
Nang matapos ako sa pag aayos ng sarili ay nakangiti pa rin akong lumabas ng silid.
"Ayos na ayos ah, may pupuntahan?" Nawala bigla ang ngiti sa aking labi ng marinig ko ang boses ng lalaking nag mamagaling.
"Eh ano naman po sa iyo kung may pupuntahan ako?" Inis na sabi ko sa kaniya na ikanakunot ng kaniyang noo
"FYI miss Kathy, dito ka nakatira sa pamamahay ko. May karapatan akong malaman kung saan ang gayod mo, responsibilidad kita, namin. Kung may mangyaring masama sayo makakaabala ka pa." Responsibility mukha niya, aba at kinausap ako ngayon ah di na galit? Wapakels
"Ay ganon ba. Don't worry, walang mangyayari sa akin okay, hindi ako makakaabala sa inyo. Una na ako ha, bye!" Nakangising saad ko sa kaniya na parang ng aasar.
Nang makarating ako sa resto, dali dali kong kinuha ang mga papeles na gagamitin mamaya ni sir Clark.
"Ay ma'am, nakita mo ba si Sir? Hinahanap kasi siya ng kuya niya." May kuya pala si Clark
"Maka ma'am ka naman dzai, andun sa office niya"
"Sige po salamat" nginitian ko na lamang ito at tinanguan. At po? Daig ko pa ang may ari ng resto nito ah
Nang macompile ko na ang mga papels ay naglakad na ako pabalik sa office ni Sir, baka pag patagal tagal ako tanggalin niya agad ako.
"Ay! Naku, bago ko pa naman to mahanap at maiayos. Hayss" tiningnan ko kung sino ang nakabunggo sa akin, isang gwapo na nakakaakit ang kulay asul na mata
"Sorry miss, tulungan na kita" napatango na lamang ako sa kaniya, sino ba naman di matatameme eh ang gwapo ng kaharap ko ngayon.
"Ayan okay na, sorry ulit ha. Una na ako" magpapasalamat sana ako sa kaniya kahit na binangga niya ako eh tinulungan pa rin naman ako kaso nga lang dali dali eh. San punta non, parang di customer eh parang papuntang office.
Tiningnan ko ang hawak kong papeles gulo gulo pa rin kahit na hawak ko na lahat, kaya naman habang naglalakad ako eh inaayos ko na para di sayang ang oras.
Nang matapos ko ito ay sakto namang nasa tapat na ako ng office ni Sir Clark, kaya naman kumatok na agad ako.
"Come in"
"Good morning po Sir, ito nga po pala ang mga papeles na sinabi nyo sa akin." Tinanggap naman niya agad ang mga papeles na aking kinuha sa stock room.
"Uh Clark? You should introduce me to this beautiful lady" Diko namalayan kanina na may tao palang kasama si sir Clark sa loob ng office na ito. Nang matingnan ko naman ito ay agad naman siyang ngumiti at kinawayan pa ako. Juskooo dalawang pogi ang nasa paligid ko ngayon. Hindi ko tuloy alam ang magiging reakyson ko sa kaniyang pag ngiti.
"Uhm! Kathy, this is my Brother Grey. Kuya this is Kathy my assistant" ng sabihin niya ito ay ngumiti na lamang ako dahil nahihiya ako, dahil na rin sa nangyari kanina siya yung nakabanggaan ko.
"Ow, what a beautiful name miss Kathy. I'm sorry again for what happened a while ago. I'm Grey, brother of Clark, nice to meet you!" Englishero ampota
" It's okay sir, I'm Kathy assistant po ni sir Clark"
"Wait, what happened? Why my brother apologize to you? Hmm. " Nagtatakang tanong naman si Sir
"Ah bro, lately kasi I accidentally bumped her and ang mga papel na hawak niya ay nahulog sa sahig." Wow lalaking nag coconyo huh, infairness ang gwapo niya magtagalog.
Tinanguan na lamang ito ni sir Clark, ako naman eh hindi mapakali. Aba ako solong babae dito eh tas nakatingin pa sa akin yung kuya ni Sir nakakailang.
"Ahm sir, may I go out?" Biglang napatingin sa akin si Sir, tinitingnan niya kasi isa isa ang mga papeles.
Sinenyasan niya na lamang ako na maaari akong lumabas, kaya naman tumingin ako sa kuya niya at tinanguan bilang respeto na din.
-
Nag aabang na ako ng masasakyan pauwi, hindi daw kasi ako masusundo ni kuyang naghatid sa akin kanina. Nakakahiya nga din humigi agad ako ng swledo kahit kalahati lang ngayong unang araw ko, ipang papasahe ko kasi. Mabuti nga at pumayag si Sir.
"Hey Kathy! Sabay kana sa akin. Wala masyadong dumadaan na sasakyan dito." Kaya pala huminto ang Isang sasakyan sa harap ko si sir Clark pala.
"Ay naku sir huwag na po at tsaka nakakahiya po hehehe."
"Ay nako! Tatanggalin agad kita kapag di ka sumunod, atsaka delikado rito. Kaya sumakay kana lang okay?" No choice, ayokong mawalan agad ng trabaho aba ay kasisimula ko lang tas tatanggalin agad. Hindi naman siguro masamang tao si Clark, muka namang pag kakatiwalaan. At tsaka kilala ito ni Manang Sonya.
Nakakahiya man sumakay na lang ako. Atsaka 7pm na mahirap nga at madilim din sa lugar na ito.
Nagpasalamat ako kay Clark sa paghatid sa akin, mabuti na lang talaga at hindi katulad nung kumag na yon si sir, gusto pa nga niya akong ihatid hanggang sa loob ng bahay, kaso di ppwede syempre nakikitira lang naman ako rito. Diko na nga nasabi sa kaniya ang direksyon eh dahil sa hiya, alam naman din niya kung saan dahil kilala nga niya si Manang Sonya.
Hinintay ko munang makaalis si sir bago ako pumasok sa loob, para na rin pasasalamat.
Nang makaalis na si Sir ay agad akong pumanhik sa loob.
"Where have you been?! Buong araw kang wala ah. Hindi ka rin pumasok sa school kanina diba? Ano ba pinag gagagawa mo sa buhay? Tandaan mo nakikitira ka sa isang bahay! Alam naman siguro ang dapat at hindi dapat diba? Paano kung may nangyari sayo ha?! Abala ka pa!" Hindi pa ako nakakatuloy sa loob ng bigla na lamang itong bumungad sa aking harapan at pagsalitaan ako. Wala naman siyang alam.
"Chill! I'm here na okay?!! Walang nangyari! Buong buo ang katawan oh! At pwede wag kang sulpot ng sulpot! At oo alam ko ang dapat sa hindi! Hindi naman na ako bata na pagsasabihan pa! Alam ko ang ginagawa ko! Pasensya ha kung nakikitira lamang ako! Pasensya!" Bwiset! Ganda ganda ng mood ko kanina tas sisirain niya lang!
"Oh alam mo naman pala eh! Then why are you acting that you didn't know your responsibility to this house huh! Alam mo ang dapat diba-" naputol ang sasabihin niya ng biglang sumigaw si Sir Dosdir
"That's enough Ferdus! Nag usap na tayo diba?! Ano na naman tong ginagawa mo ha? Malaki na si Kathy! Alam na niya ang dapat niyang gawin!"
Oh diba mas mabuti pa tatay niya nakakaintindi, pinag lihi ata yung mag ina sa sama ng loob at sa kainisan. Alam ko naman sa sarili ko na responsibilidad kong mag paalam sa kanila dahil nakikitira lang ako.
"Pero ama, pinag sasabihan ko lang naman siya! Hindi gawain ng isang babae yon." Pinagsasabihan o pinapahaiya?
"Enough! Mag usap ulit tayo bukas ng umaga bago ka pumanhik sa eskwelahan, maliwanag?" Wala nang naging imik si Ferdus at tinanguan na lamang ang kaniyang ama.
"Pag pasensyahan mo na ang aking anak iha. Tumuloy kana sa loob at mag palit, dumaretso kana rin sa kusina para kumain."
Nagpasalamat na lang ako sa ama ni Ferdus at tinungo ang aking silid.
Mabuti na lang at dumating si Sir Dosdir, kung hindi baka nagsisigawan pa rin kami hanggang ngayon. Pati problema ba non kung ngayong oras ako nakauwi at hindi nakapasok eh trabaho naman ang pinuntahan ko, maige sana kung lakwatsa ang ginawa ko para pagsalitaan ng ganon.
---
NALIPUNGATAN ako sa aking pagtulog, siguro dahil sa kagutuman ko. Hindi nga pala ako nakakain kaninang alas syete, pati mabuti na rin yon para hindi ko makasabay sa pagkain yung mag ina.
Ala una na rin pala ibig sabihin ang haba ng aking naitulog ngayon, siguro'y dahil sa kapaguran kanina sa pag tatrabaho ko nanibago ata ang aking katawan, ilang buwan na rin naman na hindi ako nagkikilos.
Nang makarating ako sa kusina ay agad akong nagtimpla ng kape, mabuti na lamang at may stock lagi silang tinapay sa ibabaw ng ref.
Habang hinihigop ko ang aking kape at kinakain naman ang aking tinpay, may narinig akong kuloskos sa may pintuan. Kinabahan ako sa aking narinig dahil para itong magnanakaw.
Nag tago ako sa may ilalim para hindi ako makita nito, baka mamaya eh hambalusin ako mahirap na ayoko pa mawala. Nang bumukas ang pinto papunta sa likuran nakita ko ang anino ng isang lalaki. Kaya naman sinilip ko ito ng patago para makita kung magnanakaw ba talaga ang pumasok.
"Arh! Fvck sakit sa ulo." Nang marinig ko ang boses niya ay agad naman akong nabunutan ng tinik.
At saan naman nang galing si Ferdus ng ganitong oras? At para bang pagod ito dahil dumaretso siya sa ref para kumuha ng maiinom.
Tumayo na ako sa aking pinagtataguan at tinuloy ko na lamang ang aking pagkain. Wala na ako pake kung nagulat ko man siya.
Wala naman ata siyang pake kung sumulpot ako bigla bigla sa kaniyang likod o tabihan, ako pa ang nabigla sa ang nakita, bakit puro tuyong dugo ang kaniyang braso at damit. Ano naman kaya ang pumasok sa utak nito.
"Oh bakit ganyan itsura mo? Ako pa talaga pinag sabihan mo kanina kung bakit ganon na lamang ang uwi ko kanina, ikaw pala tong naglalakwatsa" Hindi niya man lang ako tinugon at daretso upo na lamang siya, siguro nga ay dahil sa kaniyang pakikipag away.
"Ayan dika na makausap sa pakikipag away mo, ikaw dapat ang pinag sasabihan eh hindi ako."
"Okay, shh. I'm sorry for being rude a while ago." Pagod na salaysay niya.
"If you're tired go to your room and rest. " Oh pak! Napa english na rin ako haha
"Yeah, I gotta go. And btw. Let's talk tomorrow." Pagkasabi niya nito ay tumayo siya kaagad at dumaretso sa kaniyang silid. And what? We'll talk tomorrow? About what?
Nang matapos na rin ako sa aking pagkain ay niligpit ko na agad ang aking pinag kainan at hinugasan. Pagkatapos nito ay dadaretso na ako sa silid para matulog ulit, mag aalarm na lamang ako bukas may pasok pa sa school