[ Kabanata 12 ]

1334 Words
Ferdus'pov Argh! Ano ba yan akala ko naman hindi ako mahihirapan sa babaeng yon. Paano ko siya mapapalapit sa akin kung ganon na lamang ang nangyari noong isnag araw. Bakit naman kasi ganon na lamang ang galit o inis sa pagitan nila ni Ina. "Oh pare bakit parang stress ka na diyan? May nangyari ba?" Tanong ni Rod na kalaro si Grey sa pag bibilliard. "Nothing" yun na lamang ang aking nasabi sa kaniya, ayoko muna tong pag usapan at mas lalo ata akong maiinis. Pumanta ako sa pwesto ng billiards na pinag lalaruan ng dalawa at nakisali habang may hawak akong beer. "Bro, nga pala may kambal ba si Luciana?" Tanong ni Grey, aba nagsasalita din naman pala ito. At teka ha kambal? "Bakit mo naman natanong yan Grey? Eh nung pinakilala sa atin ni Ferdus si Luciana eh wala naman nabanggit na may kambal siya" sabat naman ni Rod. "Yeah, Rod is right. Sa tagal naming nagsama ni Luciana wala siyang nababanggit sa akin, tulad na lamang nung hindi niya pagsabi na may kabit pala siya. Kaya wala naman siguro siyang kambal. Bakit mo natanong?" Yuxk! Bat may pahugot pa ako. "Bro, nagtanong lang ako siguro eh namalikmata lang ako sa aking nakita hahaha bakit parang nababakla kana sa hugot mo" binato ko na lamang sa kaniya ang pang kulay ng tako at nagsimula na kming maglaro. Kathy's pov Kasalukuyan akong naghahanda ng aking sarili dahil ngayon ako mag aapply sa isang resto na sinabi sa akin ni Manang Sonya. Nagawa ko na din naman ang aking resume kaya naman handa na akong umalis sa pamamahay na ito este handa na ako sa magiging trabaho ko. "Oh iha, Nakapag meryenda ka naman na ba bago mag ayos? Halatang pinag handaan mo talaga ah." Habang pababa ako ng hagdan ay nakasalubong ko itong si Manang. "Ah hindi na po kailangan Manang, hindi pa naman po ako nagugutom." "Ay sya nga pala, nasabihan ko na ang isa sa mga maghahatid sayo. Hindi kasi pwede si Maru para maghatid sayo, may ginagawa pa kasi ang lalaking iyon" "Naku, ayos lang po manang. Maraming salamat po sa inyo inasikaso niyo pa po talaga ang pag alis ko." Sabay yakap ko kay manang. "Baka kasi maligaw ka eh kaya may sinabihan ako na maghahatid sayo sa resto. Goodluck Kathy!" Nang maglalakad na sana ulit ako eh nakasalubong ko naman ang Ama ni Ferdus kaya naman yumuko ako sa kaniya at bumati. "Good afternoon din sayo iha. Matanong ko lang, bakit ganiyan ang iyong suot? May pupuntahan ka ba?" "Ah opo, mag aapply po kasi ako." Para makaalis na impyernong mansyon na ito. "What do you mean about sa makaalis sa impyernong mansyon na ito?" Wtf?! Bakit niya narinig iyon?? Hindi ko ba nasabi sa isipan ko at bumukas ang aking labi? "Ah eh, wala po iyon hehehe pasensya na po sa aking nasabi" "Ahh ganon ba, sige mag ingat ka na lang iha. Goodluck!" Tumuloy na ako sa aking paglalakad at tumungo sa saksakyang tumigil sa may pintuan, kaya naman pumasok na ako kagaad. Nang makarating ako sa resto na aking pag aapplyan ay hindi ko maiwasan na mamangha dahil sa ganda nito. Hindi ito tulad sa dati kong pinag tatrabahuhan sa Laguna. Maliit man ito ngunit maaliwalas lalo na sa loob dahil ang katabi nito ay ilog na pwede ring sumakay sa isang bangka na hugis bahay ang mga customer "Good morning ma'am. This way po ang vacant sit " Isang waitress ang lumapit sa akin. "Ah hindi na po, sa katunayan po pinapunta po ako rito ng manager para sa aking interview." "Ay ganon ba! Pasensya ka na, ano ang iyong pangalan? May nabanggit nga sa amin na may isang mag aapply" "Ako nga po pala si Kathy De Guzman" "Ayun! Ikaw nga, halika samahan na kita sa loob." Nakangiti niyang saad sa akin, at pumasok na kami sa isang silid na kung saan naroon ang manager. Nagpasalamat na lang ako sa isang employee na naghatid sa akin, at nagpaalam naman siya na magsisimula na ulit sa kaniyanh trabaho "Good morning" hindi ko namalayan na may pumasok na pala sa loob at dumaretso ito sa isang table, siya siguro ang manager. Pero teka nga, parang namumukhaan ko ito. Hmmm, infairness ang gwapo ng manager ah. "Miss? Mag aapply ka ba or tutulala ka lang sa office ko?" Natauhan ako sa kaniyang sinabi "I'm sorry Sir, Ako nga po pala si Kathy De Guzman, 19 yrs of age kasalukuyan pong nag aaral ng kolehiyo. Kahit po anong posisyon ang ibigay nyo sa akin ay tatanggapin ko po, makakita lang po at makapag ipon. Majanitor man po o taga hugas ng pinggan ay tatanggapin ko po." Okay ng maging desperada sa trabaho, basta makakita ng pera at makaipon ayos na. "Ah so ikaw pala yung sinasabi sakin ni nay Sonya. Sige akin na yang resume mo" agad ko naman itong binigay sa kaniya Habang tinitingnan niya ang aking resume hindi ko rin maiwasan na kabahan, gusto ko na kasi magkaroon ng trabaho kapag nakaipon ako ng pera maaari na akong umalis sa mansyon na yon. "Ah Business Ad pala kinukuha mo at ang major mo ay finacial, kung tatanggapin man kitang assistant ko makakaasa ba ako na hindi mo ako bibigyan ng problema?" Tila ba nabuhayan ako sa kaniyang sinabi, kaya agad naman akong tumango at sumagot sa kaniya "Makakaasa po kayo sir, gagawin ko po ang best ko" "Nga pala sinabi mo na rin na next week pa mababago ang sched mo sa school right? So, next week na din ikaw magsimula as assistant ko. And btw, you look familiar" sinasabi ko na nga ba eh familiar sakin to, tamo naman familiar din ako sa kaniya "Ahm oo nga po sir eh parang nakita na rin kita, hindi ko lang po alam kung saan hehe" Ilang segundo niya pa ako pinakatitigan, siguro ay iniisip niya kung saan Niya ako nakita, kaya naman napaisi din ako. Ah alam ko na kung saan.... "Alam ko na kung saan kita nakita miss" naunahan niya ako "Yeah same to you sir hehe, ikaw po yung lalaki na pinagsabiban yung babaeng nanggulo sa resto sa Laguna right?" Pag sisigurado ko rito, baka mamaya eh iba pala kami ng iniisip "Oo ako nga, wow ang liit naman ng mundo. At ano ang ginagawa mo rito sa Batangas? ang pagkakaalam ko employee ka roon sa restong yon diba?" "Ah sir mahabang kwento po hehe" madaldal din pala itong lalaking to, huhu siya yung krushyyy ko ang liit nga ng mundo thank you Lord! Kahit na may nangyari sa akin eh binigyan mo naman ako ng rason na maging masaya "Ah ganon ba, sige umuwi kana muna basta next week ang simula mo okay? See you next" hindi ko mapigilang mapangiti at kinilig dahil sa kaniyang ngiti na nakakahumaling, ang kaso nga pala may girlfriend siya huhu Nang makauwi ako sa mansyon bumalik na naman ang aking pakiramdam sa mansyong ito, hays konting tiis na lang Kathy makakaalis ka rin dito. Hindi mo na makikita ang demonyitang nanay ni Ferdus at ang lalaking yon, bait baitan lang pala nasa loob din naman ang kulo. "Where have you been?" "Ay! Kabayong palaka! Hayy ano ba yan Ferdus, kung hindi ka naman ulupong naging kabute ka pa bigla bigla na lang susulpot sa kusina" "So? This is my house Kathy, maaari akong pumunta saan mang sulok ng pamamahay na ito. At teka nga, bakit ganyan ang suot mo?" Hindi ko naman inaangkin bahay nyo no dzuh. May sinabi ba ako sa kaniya na hindi siya pwedeng magpunta kung saan saan mang lugar dito sa pamamahay nila wala naman. "Pake mo kung ganito ang suot ko? At tsaka pwede bigyan mo muna ako ng mapayapang araw kahit ngayon lang ha." Ngiting saad ko naman sa kaniya na kaagad namang pagtaas ng kilay niya. Sasagot pa sana siya ngunit naitaas ko na kaagad sa kaniyang pagmumukha ang dala dala kong bag at daretso akong umalis sa kaniyang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD