[ Kabanata 13 ]

1760 Words
Kathy's pov Kakauwi ko lang galing school at ngayon naman inayos ko ang mga papel na ginamit ko kanina, nabago na rin ang schedule ko sa school kya naman bukas na bukas makakapag simula na ako sa aking trabaho "Hindi ata mawala ang iyong ngiti sa labi iha ah. Ano meron?" "Ay! Andyan na pala kayo manang, eto manang masaya kasi bukas na ang simula ko sa pag ttrabaho" nakangiti kong saad kay manang Sonya "Ay ganun ba, congrats iha. Paano ba yan kapag nakaipon kana eh iiwan mo na ako rito." Nalungkot ang kaniyang mukha sa kaniyang sinabi. "Ito talaga si manang, bukas pa nga lang ako magsisimula eh. Pati matagal pa po yon ilang dekada pa ang aking kakayurin para makaipon. At kung mangyari po na makakaalis na ako rito eh bibisitahin ko kayo at laging tatawagan" nginitian ko si manang para mabawasan ang lungkot sa kaniyang mukha. "Siya sige iha, tutuloy na ako sa aking ginagawa ha. Kumain kana din sa kusina may nakahanda naman na dun sa lamesa" Tumango na lamang ako kay manang at nagpasalamat sa kaniya. Nang matapos ako sa aking pagkain ay agad ko namang inimis ang mga pinagkainan ko, baka mamaya eh madatnan pa ako dito ng demonyita pagsalitaan pa ako ng masama. "Ah iha, may itatanong lang sana ako sa iyo" nagulat ako ng biglang may nagsalita sa aking likuran. Dito ata nagmana si Ferdus "Nakakagulat naman po kayo Sir, tsaka ano po ba ang inyong itatanong? Mukhang mahalaga po iyan ah." "Haha pasensya kana iha kung nagulat man kita. Ang tanong ko lang naman sa iyo, may problema ka ba sa bahay na ito? Napapansin ko kasi na hindi ka rin naglala-labas ng kwarto mo, dati naman ang hilig mong manood sa sala." Ay! Tumpak kayo dyan sir! Ang problema ko rito ay ang asawa nyong demonyita at anak nyong nagmamagaling. "Ahm wala naman po sir hehe, naging busy lamang po ako sa aking pag aaral." Alangan namang sabihin ko kay sir ang problema ko rito e baka mayari rin ako. " I see, pero sana iha kung may problema ka man dito sa bahay, sa aking asawa at sa anak o sa iba na narito, maaari mo naman sabihin sa akin. Hindi mo na kailangang itago." Pakshit! Nababasa ba niya nasa isip ko?? The F! Or baka alam niya talaga ugali ng mag ina niya kaya ito ang sinabi niya sa akin. Ngumit ako kay Sir saka ko siya sinagot " ahm sir, wala po talaga akong problema busy lamang po talaga ako sa aking pag aaral. Salamat po sa concern" ayokong sabihin sa kanya kung ano man ang problema ko sa kaniyang mag ina, dzuh baka mamaya eh sugurin ako non tas sabihin eh nagsumbong pa ako. "Mabuti naman kung ganon, Alis na ako iha may kailangan pa akong sabihin sa anak ko." Tila ba may pagkadismaya ang kaniyang pagkasabi non. Hmm bahala sila ah problema na nilang mag ama yon. Narito ako ngayon sa aking tinutuluyang silid sa mansyong ito. Kamusta na kaya ang aking kaibigan na si Shanice, s**t! Matawagan nga yon ilang linggo na kaming hindi nag uusap non ah. [ Ay wow! Buhay ka pa palang babae ka! ] Anong akala nito sa akin patay na? Hindi lang ako nakatawag sakanya ng ilang linggo gagawin na akong patay "Gaga, hindi pa ako patay no' pasensya na ha at ngayon lang ako nakatawag sa iyo." [ Ano naman pinag gagagawa mo at ngayon mo lang naisipan na ako'y iyong tawagan? ] "Busy lang ako sa pag aaral, tas naghanap ako ng mapapasukan. And good news nakahanap na ako, makakaipon din ako" [ Bakit mo naman kailangan mag ipon beh? Eh diba para kang princesa dyan, kung ako dyan eh hayahay ang buhay, libre na ang tutulugan pagkain at pati na rin ang pagpasok sa ekwelahan. Bakit kapa mag hahanap buhay? ] Ay kung alam lang nito ang aking sitwasyon ay maiuurong niya lahat ng sinabi nya ngayon. "Basta kailangan ko ng pagkakakitaan, saka ko na rin ikkwento kung bakit. Btw. Kamusta ka naman na dyan?" [ Eto ayos lang, umuwi kana baby dina ako galit huhuhu miss na kitaaa wala na akong taga timpla ng kape sa tuwing mag jojogging akooo ] parang bata naman "Sige kapag nakaipon na ako eh babalik na ako dyan. Mag hintay ka lamang at ako'y babalik" Nang matapos ang aming pag uusap ay bigla akong nakaramdam ng antok, tanghali naman kaya pwede akong matulog. Ferdus'pov Papunta ako ngayon sa silid ng aking ama, bakit naman kaya ako pinatawag? Wala naman sigurong naging problema o baka naman may mensahe na kailangang paghandaan. "Sir, andyan na po pala kayo kanina pa po kayong inaantay ng inyong ama" isang tauhan ni Ama at pinagbuksan niya ako ng pinto kaya naman daretso akong pumasok sa loob at bumati sa aking ama. "Magandang tanghali ama, bakit nyo po ako pinarito?" Hindi ko mabasa ang expression ng kaniyang mukha, may naging problema ba? "Oo Ferdus may problema, problema na maaari mong ibagsak sa mission na iyong ginagampanan" nakalimutan ko nga pala, nababasa ni ama ang aking isipan. Sa lahat ay siya lamang ang may kakayahan na makabasa ng iniisip ng bawat isa, ang kaibahan nga lang sa aming mga ordinary vampire ay hindi namin mababasa ang isipan ng kung sino man ang mauupo sa trono kagaya na lamang ng aking ama, walang sino man ang makakabasa ng kaniyang iniisip. "Ano po ba ang nangyari Ama? Bakit nyo po nasabi na may problema sa magiging resulta ng aking mission?" "Hindi ito tungkol ng resulta sa iyong mission Ferdus! At kung tinatanong mo kung bakit? Para sabihin ko sa iyo, kailangan mong paaumuhin ang babaeng iyon para sa pagtatagumpay mo sa misyong ito! Pero ano ang gingawa mo? Bakit mo hinahayaan na malayo ang loob niya sa iyo? Nakalimutan mo na ba ang mission?! Ferdus hangga't narito pa ang babaeng iyon at nasa puder pa natin siya ayusin mo na ang relasyon sa pagitan nyo! Akala mo ba hindi ko sinusubaybayan ang kilos na ginagawa mo? At isa pa, huwag mong hayaan na maging dahilan ang iyong Ina sa paglayo ng babaeng iyon sa atin. Hindi lang ako nakapag isip ng mission na ito, kasama ko ang mga hepe ng bawat ranggo. Kaya hangga't maaga pa Ferdus ayusin mo na ang pakikipag relasyon sa babaeng iyon. Malaiwanag?" s**t! Buong akala ko si Ama lamang ang nakapag isip ng mission na ito, kung hindi ko ito mapagtatagumpayan maaaring mapahiya ang aking ama, at maaaring hindi ko mapalitan ang trono. "Naiintindihan ko ama, patawad sa maling hakbang na aking iginawad. Hindi ko po nakakalimutan ang mission na inyong binigay sa akin. Napag taasan ko lamang siya ng pananalita dahil sa pag sagot niya kay Ina. Asahan nyo po na hindi na ito mauulit pa" "Mabuti naman at naiintindihan mo, at tungkol sa iyong Ina. Ako na ang bahalang kumausap sa kaniya. Maaari ka nang lumabas" Tumango na lamang ako kay Ama at nagpasalamat sa paalala niya sa akin. Argh!! Bakit kasi ganoong babae ang napili ni Ama, ang hirap paaumuhin. "Bro? Mukahang problemado ka ngayon ah." tanong sa akin Theo. Narito kami ngayon sa hide out na lagi naming pinag tatambayan, pumunta ako rito para mag aliw kaso mali ata akala ko. Sa halip na aking makakalimutan ang nangyari kanina eh dito pa ata ako magiging bakla dahil sa mga tukmol na ito. "Onga bro? May problema ka ba?" Sunod naman na tanong ni Grey "Share naman dyan, parang others ah" Isa pa tong si Rod "Wala naman, maglaro na lamang tayo ng billiards" "Aysus si change topic! Simula bata bro magkakasama na tayong apat, kilala na natin ang isa't isa" si Theo na seryosong nakatingin sa akin na para bang sinusuri ang pagkabampira ko "Oo nga naman papi Ferds!" Lokong gatong ni Valir "Hayaan nyo na muna si Ferdus, sasabihin din naman niya sa atin kung may pinoproblema siya. Siguro eh nagpapalamig pa yan bago sabihin sa atin" Saad Naman ni Dave na abala sa paglilinis ng kaniyang Violin Hindi na lamang kumibo ang mga ito dahil sa sinabi ni Dave, kaya naman naglaro na lamang kami ng Billiards. "Ahm, Ferdus. Nga pala naalala ko yung tinanong ko sa iyo kung may kakambal ba si Luciana. Kahapon kasi may nakasalubong ako kahawig na kahawig ni Luciana, sayang nga lang at diko naabutan itatanong ko rin sana sa kaniya kung kaano ano niya si Luciana" hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang sinabi ni Grey, pero kilala ko ito eh hindi to basta basta mag sasalita ng walang saysay. "Baka namamalik mata ka lang Grey, at tsaka respeto sa ating papi Ferds" Saad naman ni Troy na abala rin sa paglalaro sa kaniyang cellphone. Pero siguro nga namamalik mata lang si Grey. "Hindi pre eh, kilala niyo ako hindi ako nagsasalita ng walang katuturan, at itong sinasabi ko sa inyo totoo. Kahit ako di makapaniwala sa aking nakita, kung kayo lamang ang nakakita panigurado na magugulantang din kayo. Halos walang pinag kaiba ang itsura nilang dalawa" seryosong tugon ni Grey kay Troy at isa isa kaming tiningnan na para bang sinasabi na maniwala kami sa kaniya. "Saka na natin yan intindihin, siguro kung isa pa sa atin ang makakakita sa babaeng iyon doon tayo magtaka. At Ferdus, pasensya na kung ngayon ko lang ito nasabi sayo sa inyong lahat. Simula noong pinakilala mo sa amin si Luciana, may kakaiba akong naramdaman sa kaniya bukod sa pagtataksil niya sa iyo. Isang araw nga nakita ko siya may kausap na isang matandang lalaki na may takip ang kaliwang mata na para bang may tinatago sila dahil palinga linga si Luciana sa paligid. Yun lang naman ang aking nakita at naobserbahan, mali naman siguro ang inaakala ko noon" Seryosong saad naman ni Valir "Himala at may nasabi ka ding kaseryosohan" natatawang saad naman ni Troy. Sa mga narinig ko ngayon galing sa aking mga kaibigan, hindi ko na rin maiwasan na magtaka, lalo na sa sinabi ni Valir. Noon kasi nagpapaalam ng madalas si Lucian na lalabas muna at may gustong bilhin, minsan nga kapag gusto kong sumama sa kaniya hindi niya ako pinapasama at kaya naman na daw niya. Hindi naman na ako nag atubili na makipag talo noon dahil sa pinag kakatiwalaan ko siya at mahal ko siya noon. "Wag mo na muna kaisipin ang mga bagay na narinig mo ngayon. Focus kana muna sa mission bro!" Paglapit sa akin ni Dave na kakatapos lang maglinis ng kaniyang mahal na Violin. Tinanguan ko na lamang siya at nginitian bilang sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD