[ Kabanata 11 ]

1225 Words
Kathy's pov Hanggang ngayon hindi maalis ang sinabi sa akin ni Ferdus noong isang araw, hindi ko naman aakalain at hidni ko ginusto na mapunta dito sa kanilang lugar, masyado pati akong nababaguhan sa lugar na ito no hirap pa akong makahanap ng mapapasukan na trabaho. Next sem naman daw eh mababago na ang schedule ng pagpasok sa school kagaya noong pinasukan ko, mabuti naman para maisisingit ko ang aking trabaho kapag nakahanap na ako. Nang pababa na ako sa hagdan para makakuha ng maiinom na juice at kung may snacks naman ay hihingi ako sa kila manang, nang makasalubong ko ang ina ni Ferdus na ansama na naamn ng tingin sa akin. "Good evening po" nakangiti kong salubong sa kaniya "Walang good sa akin kapag ikaw ang bumati." Taray nito ah, kung hindi lang ito ang may ari ng mansyon eh masasampiga ko itong matandang to kahit pa nanay siya ni Ferdus "Grabe naman po yan, edi evening po ma'am. Ayun oks na ba yan ma'am?" "Kung hindi lang ikaw ang kinuha ng aking asawa napalayas na kitang bata ka." Anong nakuha? Ano ako batang ampon sa mansyong ito? Dzuh aalis din ako dito no kapag nakahanap na ako ng trabaho. "Chill, aalis din ako rito. Nahanap lang ng tiyempo ma'am." "Mabuti naman at naisipan mong umalis sa pamamahay ko. At kung dumating man ang araw na iyo, wala ng mambibwiset sa araw ko at mas lalong mawawalan na ng isang pulubing gaya mo" Pagkasabi niya iyo ay humakbang na siya pataas ngunit mabagal kaya naman maririnig niya pa ako. "Likewise ma'am. Siya nga po pala may tanong po ako" kaya naman tumigil siya sa paghakbang at tiningnan niya muli ako ng inis na titig. "Pinaglihi po ba kayo ng nanay niyo sa sama ng loob? Kasi po mula sa labas at loob na kaanyohan nyo po eh nakalukot dahil sa sama ng ugali nyo." Wala eh sumabog na ako sa inis. "Wala kang karapatan na pagsalitaan ang aking Ina!" So may karapatan ang ina niya na sabihan ako ng isang pulubi? Isang sigaw na nagmumula sa itaas at galing ito kay Ferdus. Napayuko na lamang ako sa kaniyang sinabi, hindi ko naman siya masisisi kung bakit ganon na lamang siya sumigaw. Dahil ina niya yon at ako ay hamak na isang tao na nakikitira lang sa kanila. "Dito ka na nga lang nakikitira at umaasa, may gana ka pang sabihin yan?! Ang kapal din naman ng mukha mong babae ka!" sabat naman ng ina ni Ferdus. "Pasensya na po kayo at napag salitaan ko kayo, kayo rin naman po ang may kasalanan kung bakit ko iyon nasabi sa inyo. Pasensya na po ulit ma'am." "Sa susunod na marinig ko na pagsalitaan mo na naman ang aking Ina, hindi ako mag dadalwang isip na ikaladkad kita palabas." No need na ikaladkad mo, kusa akong aalis dito maghintay lang kayong mag ina kayo. Nang matapos ang sagutan na iyon ay dali dali akong pumunta sa kusina para kuhanin ang inumin at snacks, wala na akong pake kung sabihan man nila ako na ang kapal ng mukha ko para makakuha pa rin ng maiinom at makakain. "Ayos ka lang ba iha? Narinig ko ang lahat." Ani ni Aling Sonya na mayora sa mansyong ito. Ngumiti na lamang ako ng mapait sa kaniya at saka sinagot. "Opo ayos lang po ako" "Ano ba ang pakay mo rito iha, at ako na ang mag aasikaso." Namiss ko sa kaniya si lola "Bakit iha? Bakit ka umiiyak?" Hindi ko namalayan na napaiyak na ako dahil sa pangungulila sa aking lola. "Namimiss ko lamang po ang aking lola, sa kaniya po kasi ako lumaki." "Ah ganon ba iha, oh eto ayaw mo naman akong sagutin kanina kung ano ang pakay mo kaya ito pinaglagay na kita ng maiinom at isang pancake." Tinanggap ko naman agad ito at sinimulang kainin. "Nga pala iha, narinig ko na aalis ka rito?" "Opo eh, kailangan ko rin po kasing tumayo sa sarili kong mga paa. Sa katunayan nga po naghahanap na ako na maaari kong pasukan na trabaho para makaipon at makaalis dito." "Hindi ba't sa pahapon ang iyong klase? Paano ka makakapag trabaho kung gayon ang iyong oras ng pag aaral?" "Ah yun po, next sem po mababago na yung schedule ng first year. Kaya maaari na po akong makapag trabaho sa lagay na iyon" "Ikaw ba ay marunong mag silbi sa isang resto? Kung marunong ka at may alam sa gawaing iyon maaari kitang ipasok doon." Tila ba nabuhayan ako sa sinabi niya sa akin, sanay na kaya ako sa trabahong yon, waitress to diba. "Waitress po ba ang tinutukoy nyo sa akin Manang Sonya?" "Oo iha, may kakilala kasi akong may may-ari ng isang resto, at pwede kitang tulungan na maipasok roon." "Sige po manang, tatanggapin ko po. Kung hindi nyo po naiitanong eh yan po ang aking trabaho sa Laguna." Mabuti na lamang at sinabihan ako ni manang sonya about dun sa trabaho na iaalok sa akin. Dahil don nabawasan ang aking inis sa mansyong ito. Clark's pov Kasalukuyan akong nag aasikaso ng mga papeles dito sa aking office ng pumasok ang aking secretary na si Dani. "Sir, may tumatawag po sa telepeno" hindi ko na ito tiningnan pa at sinenyasan ko na lamang na ipagpatuloy ang sasabihin niya. "Manang Sonya daw po ang ngalan niya, may sasabihin daw po siya sa inyo." Si manang Sonya pala ang tumawag, ano kaya ang nangyari sa kaniya? Sana naman eh walang nangyari. "Sige, tell manang sonya na hintayin ako ng ilang minuto. Ako na ang tatawag sa kaniya" ayoko naman kasi na pag antayin si manang ng bukas pa ang telepeno niya. Tunay na Ina na kung ituring ko ito. Tinapos ko lang ang mga ilang babaguhin sa mga files na sinend sa akin ng isang engineer, magpapatayo kasi ako ng bagong branch ng cafe ko. Kinuha ko ang aking cellphone para matawagan na si Nanay Sonya. "Hello Nay, bakit po kayo napatawag kanina? Pasensya na po at ako eh natagalan tinapos ko lang po yung gawain ko" [Naku, ayos lang iyon iho. Napatawag lang ako dahil may hihilingin lang sana ako sa iyo] Ano naman kaya ang hihilingin ni Nay Sonya [Ahh iho, kasi may kakilala ako na naghahanap ng trabaho, eh nasabi ko sa kaniya na may kakilala ako na pwede niyang pasukan, ikaw lang kasi yung kilala ko iho, kailangan kasi nung taong yon ng trabaho. Kung maaari lang naman iho at kung hindi pwede eh sasabihan ko naman siya.] Ah yun lang naman pala. "Ay nako Nay Sonya, kapag ikaw ang nagsasabi sa akin at may favor hindi ko tatanggihan yan. At ang sagot ko sa favor mo eh pwedeng pwede ko siyang kunin. Ilang taon na ba siya Nay?" [Ah eh iho, wari ko'y mag kasing edad lamang kayo. Siya ay nakikitira lamang kaya kailangan niya talaga ng isang trabaho para makaipon.]Wala ba siyang pamilya? "Ah sige manang, pasabihan na lamang siya na gumawa ng resume. At sa Saturday 5pm punta siya sa cafe" [Sige sige iho, maraming salamat tiyak na matutuwa amg batang yon.] Ito ang pinaka nagustuhan ko kay Nay Sonya, bukod sa masipag at mapagmahal, matulungin pa siya sa kapwa. Nang matapos ang aming usapan ni Nay Sonya, inasikaso at inayos ko na ang mga gamit sa office para makauwi na at makapag pahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD