Kasalukuyan akong nagtitipa sa laptop na pinahiram sa akin ni Ferdus, may kailangan akong tapusin ngayong araw tungkol sa aming project proposal.
May kumatok sa aking pinto kaya naman sinabihan ko na lamang na pumasok at di ko to nabigyang pansin dahil sa aking ginagawa. "Ahm ma'am, pinapababa po kayo ni Sir. Magtatanghalian na raw po kasi"
"Pakisabi na lamang po na mauna na po silang magtanghalian may kailangan pa po kasi akong tapusin." Hindi na muli itong nagsalita at narinig ko na lamang ang pag sarado ng pinto.
Nang matapos ako sa aking ginagawa ay kaagad akong humilata sa aking higaan dahil sa pagod na aking nararamdaman
Bigla na lamang bumukas ang pintuan ng aking kwarto kaya naman napatingin ako rito at dina ako nagtaka kung bakit walang katok man lang.
"Akala ko ba ay may ginagawa ka? Eh bakit nakahilata ka dyan?" habang may bitbit na pagkain na agad naman niyang inilapag sa bakanteng espasyo ng lamesa. "Halos katatapos ko lang din. Humiga ako para makapag pahinga na muna. At naks ano kita jowa? May padala dala ka pa ng food ha."
"Tsk! Tumayo kana lang dyan at kumain na muna." pagkasabi nito sa akin eh agad rin naman siyang lumabas ng kwarto. Ano naman kaya nakain non. Tumayos na ako tinugo kung saan naroon ang pagkain na kaniyang inihanda.
Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ito at bumaba para hugasan.
"Hindi naman kita anak para ituring na isang Prinsesa diba?" Hindi ko namalayan na nasa kusina pala ang mahal na Reyna. "Opo, tama po kayo hindi nyo po ako anak kaya hindi marapat na ituring akong isang prinsesa. At wag po kayong mag alala may tama na sa akin ang inyong anak kaya magiging daughter in law nyo po ako." Isang biro lamang ang sinabi ko para naman mag iba ang ekpresyon ng kaniyang muka, pero mas lalo pa ata itong naging bugnot dahil sa aking sinabi.
" At ang kapal rin pala ng iyong mukha iha, nakakapag taka kung bakit nagustuhan ka ng mag ama ko."
"Kayo lang naman po ata ang may ayaw sakin eh. Kung ayaw nyo po sa akin eh derestuhin nyo na lamang po. As if na gusto ko rin naman kayo." Ano porke ba mahal na reyna siya gaganyanin na niya ako? No way! Mali ang sinabihan niya.
"Mabuti hindi ka manhid para maramdaman mong ayaw ko sayo."
"Hindi naman po talaga. At bakit ko papangarapin na magustuhan nyo ako? Dzuh yung anak nyo pa ang papangarapin kong magustuhan ako." Padabog kong nilagay ang hugasin sa lalabo kaya naman nabigla siya sa aking ginawa.
"Wag ka ng mangarap ineng na magustuhan ka ng anak ko. Sa kasadistahan at kaputakan mo pa lang eh dika na pasado." Parang bata kung magtaray ah. Sayang naman at umalis na din may sasabihin pa sana ako. And yeah di naman din ako aasa na magustuhan ako ni Ferdus no.
Tinapos ko na agad ang aking hugasin at dumaretso ako sa aking kwarto, laking gulat ko na lamang nasa loob ng kwarto si Ferdus
"Ah pinapangarap mo pala na magustuhan kita?" Hindi ako makagalaw dahil sa kahihiyan at sa sobrang lapit ng kaniyang mukha. At s**t! Narinig ba niya lahat yari ako nito. "Oy hindi no, mali ka lang ng dinig. Mag linis ka na ng tenga mo baka puro luga na yan o tutule. Alis nga dyan sa daan mahihiga ako."
"Tsk! Dyan kana nga. Baka mamaya eh may marinig na naman ako galing sayo, baka mamaya din eh pinagpepyestahan mo na katawan ko" yuck! Para siyang bakla hahaha. Hindi ko akalain na ganito ang kaniyang ugali, dahil noong unang pagkikita namin eh sobrang suplado niya sa akin.
Nakalimutan ko pa lang ibalik ang laptop niya, mamaya ko na lamang ibalik iidlip lang ako saglit.
Pagkagising ko dumaretso na muna ako sa cr para makapaligo alas dos na pala isang oras na lang eh aalis na kami papuntang School.
Nang makarating na kami sa school, nagulat na lamang ako sa naging kilos ni Ferdus. Sa tuwing pumapasok kami ay lagi siyang nauuna na lumabas ng sasakyan, ngunit iba ngayon hinintay niya ako sa may labas kanina habang inaayos ang aking gamit sa loob ng bag, sinabayan niya rin ako sa paglalakad pero nakakailang dahil sa mga mata na nakatitig sa akin.
"Ahm Ferdus, mauna kana kaya nakakailang naman kasi mga titig ng mga estudyante oh" sabi ko sa kanya habang naglalakad na nakayuko
"Tsk" Inismiran na lamang niya ako at binilisan niya ang kaniyang mga hakbang para mauna siya sa akin.
Nang makarating na ako sa aking room ay ganoon rin ang naabutan ko, mga nagsisitinginan sila akin. Nakayuko tuloy akong naglakad patungo sa aking upuan.
"Hoy, bat kayo magkasama ng aking pinsan? Ano meron sa inyo? Usap usapan kayo kanina eh." Usisa naman ni Dhalia
"Wala namang meaning yung pagsabay namin sa daan, siguro lang eh napataon na magkasabay ang lakad namin"
"Eh ano naman yung sa kotse na inantay ka niya? Kita ko kaya yon no" mapang asar na tinig niya sa akin. Kaya naman wala akong lusot dito sa babaeng to, magkakaroon na din ata ako ng makakasama dito school. Wala na akong nagawa kundi sabihin na lang sa kaniya ang totoo pati wala namang masama don at pinsan naman niya ang sinabihan ko.
"Ah ganon ba, tanong lang ha kasi iba pakiramdam ko sayo, Tao ka ba?" Gulat ko itong tiningnan dahil sa kaniyang tanong, hindi ko alam kung matatawa ako dahil sa seryos niyang mukha at sa kaniyang tanong.
"Anong klaseng tanong yan. Siyempre naman hahaha ano ba ang naamoy mo at parang hindi ka makapaniwala na tao ako? Bakit hindi ka tao? Hahaha"
Nang mabanggit ko ito ay biglang nagbago ang kaniyang expreesion ng mukha, seryoso na naging parang nagbiro sa kaniyang tinanong.
"Ano ka ba naman, jok lang yon" siraulo pala tong pinsan ni Ferdus, magjojoke eh sa ganoong tanong.
Nang matapos ang klase ay kaagad akong lumabas ng aking room para tingnan kung nakaabang na ba si kuya Maru na susundo sa amin ni Ferdus.
Ferdus'pov
Papunta ako ngayon sa isang stock room ng school na sinabi sa akin ni Dhalia dahil may itatanong daw siya.
Nang makarating ako sa room na iyon, nakita ko si Dhalia na nagkukulkol sa kaniyang cellphon. Nang kumatok ako sa bukas na pinto ay agad niya akong binalingan ng tingin saka ngumiti.
"Mabuti naman at narito kana mahal kong pinsan" nakangiting saad nito sa akin, ano naman kaya ang itatanong nito.
"Ano ba itatanong mo? Pwede namang sa text na lang eh. Saka baka nag iintay na sa labas sila Maru"
"Okay chill, ito na po. Bakit may tao dito sa ating school?" Tsk, yun lang naman pala ang tanong niya, sabagay tama din naman ang ginawa niya na kami lang ang mag uusap. Hindi naman ito balingbing sa aming pamilya kaya naman maaari kong sabihin sa kaniya ang totoo tungkol dito.
Luminga linga pa ako sa paligid para tingnan kung may tao bang nakamasid sa amin, ng mapag tanto ko na wala eh saka na lang ako umimik "ganito kasi yan dhalia, ang babaeng iyon ay aking mission na binigay ni ama at ito ay kahulihulihang mission, kailangan ko siyang mapangalagaan sa ating nasasakupan kapag may nangyari sa kaniyang masama tiyak na hindi ko mapag tatagumpayan ang mission na ito. Kung maaari ay wala kang pagsasabihan tungkol dito, lalo na kay Kathy. Ayokong malaman niya na ginagamit siya bilang mission ko, kapag nalaman niya ang tungkol dito tiyak na magagalit yon at baka masira ang aking plano na mapalapit siya sa akin."
"Parang hindi mo naman ako kilala, makakaasa kang wala akong pagsasabihan. Iingatan ko rin si Kathy para hindi kana masyadong mahirapan don. Mabuti na lang at naging kaklase ko siya."
Nang matapos ang aming pag uusap ay agad rin akong nag paalam sa kaniya, paniguradong matagal na naghihintay si Kathy sa akin para makauwi.
Nang makarating ako sa sasakyan ay naabutan kong natutulog si kathy sa upuan kaya naman agad kong sinenyasan si Maru.
Habang ako'y nakamasid sa bintana, naalarma ako sa pag galaw ng katabi ko. Kaya naman umusod ako sa kaniyang tabi para maisandal sa aking balikat ang kaniyang ulo, baka kasi mauntog siya dun sa may bintana kaya ko ginawa yon.
6days past wala pa naman akong nakikitang mali sa mga nasasakupan ko, mabuti naman at wala ni isang tumangka na may gawing masama sa tao na nakapalibot sa aming Unibersidad.
Napalinga ako sa aking pintuan ng may kumatok. "Ferdus? Andyan ka ba sa kwarto mo? May hihiramin sana ako." Si kathy lang pala. Kaya naman agad akong tumayos at pinag buksan siya, tiningnan ko siya ng nagtatanong.
"Ah hiramin ko sana ulit yung laptop mo hehe, kung pwede at kung hindi mo naman gagamitin."
"Bumili ka kaya ng sarili mong laptop hiram ka ng hiram." Iinisin ko na kuna ito bago ko pahiramin.
"Eh kung may pera lang ako edi sana nakabili na ako."
"Edi maghanap ka ng trabaho mo, hindi yung naasa ka lang sa iba." Biglang nag iba ang kaniyang itsura dahil sa aking sinabi.
"Wag kang mag alala, nahanap lang ako ng tiyempo para makapag hanap. Sasauluhin ko lamang ang mga daan dito sa lugar nyo. At kung may mahanap ako hindi na ako aasa sa inyo, lilipat na lang din ako. At salamat na lang, hindi ko na hihiramin laptop mo. Kung ayaw mo magpahiram wag ka na lang sana kumuda at kung mang lalait ka lang. Again thank you!" Tulala akong nakatingin sa pinto na kaniyang pinag alisan ng pwesto, hindi ko naman aakalain na mamasamain niya ang sasabihin ko. Ano ba yan Ferdus, paano mo makukuha ang loob non kung ang pangit ng mga naiisip mo sa halip na mainis lamang eh nagalit pa.
Habang pababa ako ng hagdan para makapag tanghalian hindi ko pa rin maiwasan ang maiyamot sa aking sarili dahil sa nangyari.
Nang makarating ako sa hapag kainan, hindi ko mapigilan na hanapin si Kathy.
"Good afternoon iho, halika at kumain na tayo." Ani sa akin ng aking Ina. Nginitian ko na lamang siya at umupo sa upuan para masimulan ang pagkain.
Hindi ko pa rin maiwasan na isipin si Kathy, kumain na kaya yon? Kaya naman ng matapos akong kumain ay lumapit ako sa isang taga pag silbi at nagtanong. "Ah manang bumaba ba si Kathy kanina para mananghalian?"
"Ay naku sir, pinuntahan ko nga po siya kanina sa kaniyang silid para tawagin dahil inutos sa akin ng inyong ama, ngunit ang sabi niya sa akin eh wala daw po siyang gana." Tumango tango na lamang ako kay manang at nagpasalamat.