Luciana's pov
Walang oras o araw na hindi ko naiisip si Carlos, ano na kaya ang kaniyang itsura sa ngayon? Sana naman ay hindi siya gaanong nahihirapan sa nangyari sa amin. At kay Ferdus, hindi ko naman aakalain na mangyayari ito sa pagitan namin dahil sobrang mahal namin ang isa't isa, aaminin ko naman na kasalanan ko kung bakit kami humantong sa ganitong buhay sa aming tatlo si Carlos ang mas nasasaktan, nasasaktan siya dahil sa nagpatukso ako na mahalin siya kahit bawal. Nangyari ang araw na nahulog ang loob ko sa kaniya dahil sa pagtulong niya noong ako ay pilit kinukuha ng aking ama, masasabi ko na siya ay mahusay makipag laban kahit na magkaiba ang uri namin.
"Ayos lang ba iyong pakiramdam binibini?" Tanong nito sa akin ng matapos siya pakikipag laban sa mga tauhan ng aking ama. Tumango na lamang ako rito bilang sagot at inalalayan ako upang makalakad.
Wala noon si Ferdus para tulungan ako dahil inaasikaso niya ang mission na binigay sa kaniyan ng kaniyang ama.
"Nabalitaan ko ang nangyari sa iyo mahal ko, may masakit ba sayo? Patawad at wala ako sa tabi mo noong nangyari bagay na iyo."
"Maayos naman na ang pakiramdam ko kaya wala kana dapat pang ikabahala."
"Ano ang naisipan mo at tumango ka sa ibaba ng bundok?" Ng araw na iyon ay gusto ko lamang mamasyal dahil nababagot na ako sa palasyo.
Hindi naman ako nagalit o nagtanim ng sama ng loob kay Ferdus dahil sa hindi niya ako nasasamahan, naiintindihan ko kung bakit niya ginagawa ng mga mission na binibigay sa kaniya dahil tungkulin niya ito bilang Prinsepe.
Sa isang araw na nagtapat ako ng nararamdam ko kay Carlos, tinanggap niya ako ng buong pagmamahal.
"Ahm Carlos, may ipagtatapat sana ako sa iyo tungkol sa aking nararamdaman."
"Gayon din ako binibini may nais din akong ipaalam sayo tungkol sa aking busgo ng dadamin."
Nang masabi ko ang lahat ng nararamdam ko sa kaniya gayon din ang tungkol sa amin ni Ferdus, at kung ano ang aking taglay at ang aking kaanyohan hindi niya ako nagawang ipagtabuyan.
"Hindi yan hadlang para hindi kita mahalin binibini, at kung iniisip mo na kaya kitang saktan dahil sa anyo mo nagkakamali ka. Una pa lang na nagkita tayo at saktong nasa peligro ka, doon pa lamang ay alam ko na kakaiba ang inyong mga mata at wangis. Kaya huwag kang mag alala, pinapangako ko sa iyo na hindi kita sasaktan at hidni kita pagtatabuyan. At hindi kita pag mamadaliin, kausapin mo muli ako rito sa ibaba ng bundok kapag ayos na ang lahat at ang tungkol sa inyong relasyon na nag ngangalang Ferdus."
Pinangako niya sa akin na kahit anong mangyari ay ipaglalaban niya ako, at iyon nga ang ginawa niya noong kami ay nabisto mismo ng Ama ni Ferdus. Hindi pumayag si Carlos na maghiwalay kami, hindi naman ganoon kasama ang ugali ng mahal na hari. Sa katunayan ay binigyan pa nito si Carlos ng isang misision upang ipakita na totoo ang nararamdaman niya sa akin kahit na magkasalungat ang aming mundo.
"Papayagan ko lamang kayo na magsama at mamuhay kung mapagtatagumpayan niyo ang ibibigay kong mission. Ito ay tanda na kapag nagtagumpay kayo ay para talaga kayo sa isa't isa." Noong sinasabi ito ng mahal na Hari labis ang aking takot, dahil hidni ko maiwasan na mag isip kung tatanggihan ba ni Carlos ang hamon na ito o ipaglalaban niya pa rin ako. "Tinatanggap ko po ang iyong mission"
"Kung gayon, ang mission mo ay taga pangala ka ng mga hayop na pag mamay ari sa ibang syudad, wag kang mag alala dahil may kapalit ito. Tila ba ang mission na ito ay isang trabaho lamang na pag iipunan mo para sa inyong dalawa ni Luciana. Ngunit, hindi mo isasama sa lugar na iyon si Luciana, mag isa ka lamang na tutungo roon. Ang mission na ito ay tumatagal lamang ng isang taon." Makakaya ba namin ang isang taon na hindi magkikita?
"Sumasang ayos ho ako sa inyong hamon, iisipin ko na lamang kung paano ko bubuhayin si Luciana at ang magiging pamilya namin. Hindi ako susuko Luciana, mabilis lamang ang isang taon na ito pagkatiwalaan mo sana ako mahal ko." Tumango ako sa kaniya na may ngiti sa aking labi.
"Hindi pa dyan natatapos ako hamon, hindi lang ikaw ang haharap ng pagsubok tao, kundi si Luciana rin. Hidnito ito mission para sa iyo Luciana alam mo ang batas ng mga bampira kaya maaari lamang na may kaparusahan ang ginawa mo. At bilang parusa magbabago ang iyong wangis sa loob ng isang taon. Magiging ganap na paniki ka at sa oras na dumating na matapos ang taon babalik ang iyong wangis bilang isang tao ngunit mawawala ang bisa ng pagiging Bampira mo." Tumango na lamang ako bilang sagot at hindi ko na inisip ang paghihirap dahil ito ay para rin sa amin.
Nang mangyari ang lahat, wala na akong naging balita pa kay Ferdus. Labis ko rin itong nasaktan dahil sa aking pagiging taksil.
Ilang buwan na lamang ang aking iniintay upang makapiling muli ang aking mahal, at upang makahingi sa personal ng kapatawaran sa nagawa ko kay Ferdus.
Third person
"Hanggang ngayon hindi nyo pa rin natutukoy kung nasaan ang magaling kong anak?!" Sigaw nito sa mga tauhan na kaniyang inutusan para mahanap ang isang anak na sumuway sa kaniyang utos kaya bigla na lamang nawala na parang bula ang kaniyang plano.
"Pasensya na pinuno, masyadong tago ang naging hakbang ng kabilang partido sa pagkawala ng inyong anak." hindi maiwasan ng pinuno ang magwala kaya naman ang mga tauhan na nakapalibot ay nanginginig na sa takot.
"Magsilayas na kayo sa aking harapan. Bago pa maglaho ang isa sa inyo."
Sa isip nito tila ba gusto na niyang lusubin ang kabilanh partido at walang itira miski isa sa mga nasasakupan doon. ' Magaling ka Dosdir, pero hindi pa dito matatapos ang laban ko. Uubusin ko lahat ng nasasakupan mo at sa oras na ako ang mag wagi kahit kuko pa ng magiging apo mo ay hindi ko palalagpasin.'
"Bakit naman ganiyan ang inyong mukha ama?" Galit na tiningnan si Luciara na kapapasok lang sa kaharian.
"Anong ginagawa mo rito?! Diba ang sabi ko sayo subaybayan mo lang ang mga galaw ng kabilang partido!"
"Wala pa naman po akong nakikita na kakaiba sa mga galawan nila."
"Kung gayon ano pa ang ginagawa mo rito ha?!" Sa kabila ng pagiging bulag ng kaniyang ama sa pagmamahal, ginagawa niya parin ang lahat ng inuutos sa kaniya upang mapansin siya nito at mabigyan ng halaga. "Wala naman po ama, pasensya na. Aalis na lamang ulit ako." Tiningnan na lamang ito ng kaniyang ama kaya naman dali dali siyang umalis.