[ Kabanata 9 ]

2653 Words
Ferdus' pov "Good morning iho, mamaya nga pala natin susunduin ang iyong ina. " Bungad sa akin ni ama ng makaupo na ako sa hapag kainan. Bakit wala pa ata ang babaeng iyon? She's still sleeping? " Good morning ama, nga pala hindi pa ba bumababa si Kathy? " " ah na una na siyang kumain. Kung hinahanap mo siya nasa kaniyang kwarto may tatapusin lang daw. " Napatango na lamang ako sa aking ama at pinagpatuloy ang kain. Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako sa aking ama na bumalik sa aking silid, naitanong ko na rin sa kaniya kung anong oras namin susunduin si Ina. Saktong nasa pinto na ako ng aking kwarto ay siya namang paglabas ni Kathy, ano problema nito? Nakasimangot ang mukha. "Morning po" bati niya sa akin ng makita niya ako at tuluyan na umalis. Problema kaya ng babaeng yon? Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi siya sundan para itanong kung ano ang bumabagabag sa kaniya o kaya naman kung ano ang problema niya. Sinundan ko siya hanggang sa kusina, kaya sumandal na lamang muna ako sa pader habang siya naman ay tahimik na naglalagay ng maiinom at bakas pa rin sa kaniya ang lungkot. "Hoy babae, ano problema mo?" Gulat siyang tumingin sa akin at kalaunan ay umiling na lamang. "Tell me what's your problem?" Kaya naman napatingin siya ulit sa akin na nagtataka. "Kailan kapa nagkaroon ng pake sa akin?" Malumanay na saad niya. "Sabihin mo na lang kung ano ang bumabagabag sayo. " "Eh kasi naman, gusto ko ng pikachu na toy yung kasing laki ko. Eh wlaa naman akong mahanapan na trabaho para makaipon at mabili gusto ko. " Wtf! Seriously? Yun lang kinalulungkot niya. " The hell! Para yun lang nagkakaganyan kana? Akala ko naman kung ano na problema mo, nagtanong pa ako. " " Oh bakit sinabi ko ba sayo na tanungin ako kung ano problema ko? Ikaw tong sumunod sa akin diba. Letse ka" tila ba binuhusan ako ng tubig na may yelo dahil sa sinabi niya, inismiran ko na lamang ito at bumalik sa aking kwarto. The hell Ferdus?! Seriously sinundan mo yung babaeng yon para tanungin kung ano ang problem, tas yun malalaman mo kung bakit ganon kalukot ang itsura ng babaeng yon dahil lang sa walang pambili ng pikachu. Iwinaksi ko na lamang ang nangyari at pumunta na ako sa cr para makapaligo at makapagbihis dahil ngayong araw nga ang sundo namin sa aking ina at kalahating oras na lamang ay aalis na kami rito sa palasyo para salubungin sa airport si Ina. "Iho? Nakahanda kana ba? Nasa ibaba na ang iyong ama at iniintay na lamang po kayo para makaalis na." Sabi sa akin ng mayordoma ng mga taga pag silbi, tinanguan ko na lamang ito at lumabas na ng silid. Naabutan ko si ama na nasa loob ng sasakyan, hindi ba namin kasama ang babaeng yon? "Kay tagal mo naman ata iho? Diba ang sabi mo sa akin kanina ng matapos kang kumain ay dadaretso kana agad sa iyong kwarto para magpalit?" Tanong sa akin ni ama, kasalanan naman kasi ng babaeng yon eh. Kung hindi sana ganoon ang kaniyang pag iitsura edi sana dina ako mag aabalang magtanong. "Ah may ginawa pa po ako ama. Pasensya na." " Hindi natin maisasama si Kathy, siguro ay may pinoproblema. Kaya hindi ko na lamang inaya." Kung alam mo lamang ama ang kaniyang problema nako baka matawa ka lang. Tamo pati ama ko napansin ang kaniyang kadramahan dahil sa pikachung yon. Tinanguan ko na lamang ang aking ama at binaling ang atensyon ko kay Maru "Maru let's go, baka nakalapag na si Ina at maghintay pa siya ng matagal. " Nang makarating kami sa airport ay saktong paglabas naman ni Ina, kaya naman agad siyang dumaretso sa amin at isa isa kaming niyakap ni ama, ang mga gamit naman na dala ni ina ay inasikaso ng mga taga pag silbi. "Iho, kamusta na ang mission mo? Binalita ito sa akin ng iyong ama. " Tanong sa akin ni Ina habang kami ay naglalakad patungo sa sasakyan. "Ayos lang naman Ina, hindi pa naman po ako nakakaencounter ng mali sa mga nasasakupan natin dahil don." "Mabuti naman kung ganon, dumaretso na muna tayo sa isang restaurant at kumain, hindi kasi ako nakakain ng ayos kanina dahil sa nagmadadali ako." "Mabuti pa nga darling, kumakain kaba ng ayos sa France? Namamayat ka ata sa aking paningin? Hmm?" Pagsusuri ni ama kay Ina. "Kanina lang hindi ayos ang aking kain dahil nga sa pamamadali." Nang makarating kami sa restaurant na aming kakainin ay hindi pa rin matigil ang paguusap ng mag asawa habang kumakain. Akala mo naman hindi nagkita ng isang taon, hello narito anak niyo. "Iho anak, tapos kana ba kumain? Makakaalis na tayo kung tapos kana." Biglang tanong sa akin ni Ina, kaya naman tumango na lang ako bilang sagot. "Oh tara na nga para naman makapag pahinga kana din mamaya, baka pagdating ng gabi eh wala kang lakas." The hell! Para silang bata at seriously?! Nasa tapat pa nila ako para pag usapan yon. "Ano ka ba Dosdir! Mahiya ka nga sa anak mo, papalitan ka na nga ng trono tas ganyan pa din ugali mo." Natatawang saad ni Ina kay ama. Palabas na kami ng restaurant ng bigla kong naalala ang pikachu na naging dahilan ng pagkalungkot ni Kathy kanina dahil sa tapat ng resto pala ay mayroong tindahan ng mga teddy bear, kaya nag paalam muna ako sa kanila na mauna na sila sa sasakyan. Pumasok ako ng sa store at hinanap kung ano ang itsura ng isang pikachu. Kaso hindi ko talaga alam ang itsura nito. "Ahm sir? Ano po ang hanap natin?" Biglang sulpot ng isang babae, sa kaniyang suot halata sa kaniya na isa siyang saleslady. "May Pikachu ba kayo rito na kasing laki nitong si Max? " "Meron po sir, actually kaharap nyo na po." Amp. Alin dito ang Pikachu? Yes, naririnig ko ang salitang ito sa mga bata pero ni isang beses ay hindi ko ito nakita o napanood man lang, hindi naman kasi ako tulad ng batang palanood ng cartoon ang ginagawa ko lang noon eh magbasa ng libro tungkol sa history ng mga bampira. Tanga naman kasi nitong saleslady eh hindi bagat kinuha na lamang niya para malaman ko. "Ah miss. Alin dito ang Pikachu? Diko alam kung ano itsura non." Daretsang saad ko rito, kaya naman nanlaki ang mata niya sa gulat dahil sa sinabi ko. "Ah ito pong color yellow sir" tinuro nito sa akin ang nasa harapan kong kulay dilaw na malaki ang mata na itim na itim at may kulay pulang bilog sa magkabilang pisngi. "How much is this?" "15,750 po sir" bibilhin ko ito para mapalapit sa akin ang babaeng yon. Kaso nga lang di siya ganoong kalaki na gusto niya. "Sige bilhin ko ito." Tumangi ito sa akin at pumanta sa may stockroom para ayusin. Pagkatapos ko itong mabayaran ay dali dali akong pumunta sa aming sasakyan, nakalimutan ko na naghihintay nga pala sa akin si Ama at Ina. "Kinatagal mo naman ata anak? At ano yang dala mo?" Tanong sa akin ni Ina. "Pasensya na Ina, binili ko lamang ito para kay Kathy gusto niya kasi itong mabili kaso wala raw siyang pera, at isa pa para narin mapalapit siya at mapadali ako sa mission." "So Kathy pala ang pangalan ng babaeng yon. Mabuti pa siya at binilhan mo samantalang ako na Ina mo at kauuwi lang eh walang kang binigay hmp!" Tampo na saad sa akin ni Ina, hindi ko naman siya kinalimutang na bilhan, dahil kanina inutusan ko na si Maru na bimili ng isang necklace. " Akala mo lang iyon Ina. Ito po oh mas magarbo pa nga yan kesa rito sa binili kong pikachu. " Ngumiti naman si Ina ng pagkalawak lawak. Nang makauwi na kami ay naabutan namin si Kathy na kumakain ng meryenda, kaya naman napatigil siya sa pagkain ng makita niya kami at dalu dali siyang tumayo at yumuko sa aming tatlo. " Magandang hapon po sa inyo, pasensya na po kayo at naabutan nyo po akong kumakain." "Ano ka ba naman iha, ayos lang sa amin iyon tinuturing na kitang anak na babae" saad naman ni Ama kay Kathy. "Hi iha, ako nga pala Si Fercia ang Ina ni Ferdus." Nakangiting pakilala ni Ina "Magandang hapon po sa inyo ma'am ako nga po pala si Kathy. Kinagagalak ko po kayong makilala" tinanguan na lamang siya ni Ina at dumaretso siya sa kwarto kasama si Ama para makapag pahinga. "Oh Pikachu mo, wag ka ng mag inarte ha para isang toy lang. Ano ka bata?" Nang makita niya ang inabot kong pikachu halos tumulon siya sa tuwa. Bata nga talaga. "Thank you!! Ano naman naisipan mo at binili mo ako ha. Bait mo naman ata sa akin ngayon" sabi niya sa akin na hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. "Wala lang, gusto mo bawiin ko yan?" Bigla siyang umiling na parang bata na inaagawan ng candy, kaya hindi ko napigilang mapangiti. Iniwan ko na si Kathy sa may kusina na mag isa at dumaretso ako sa aking kwarto upang makapag pahinga. Mapapalapit ka din sa akin Kathy, at magtatagumpay ako sa mission. Kathy's pov Nawala ang aking lungkot dahil sa binigay sa akin ni Ferdus, akalain mo yon may kabaitang taglay din naman pala. "Ah iha hindi ka pa ba magaayos ng dadalhin sa school? Ilang oras na lamang ay aalis na kayo. " May pasok nga pala ngayon, 1:20 pa lang naman eh may isang oras pa ako para makapag ayos. "Ah tataas naman na po ako pagkatapos ko rito sa aking kinakain" Tinanguan na lamang ako ng isang taga pag silbi at dumaretso sa garden kung saan namamahinga ang ibang taga pag silbi. Habang nakasakay kami ni Ferdus sa sasakyan hindi ko maiwasan na mapangiti, hanggang ngayon eh hindi ko makalimutan na may Pikachu na akong makakatabi sa pag tulog. "Para kang baliw sa kakangiti mo" natatawang saad sa akin ni Ferdus "Eh sa masaya ako dahil sa binigay mo ih" "Tsk! Bayaran mo yon hindi yon libre" napasimangot naman ako sa sinabi niya, ng makita niya ang aking naging reaskyon ay bigla siyang natawa. Grabe dagdag kapogian ang ngiti sa kaniyang labi, bakit kasi minsan lang to ngumingiti. "Waka akong pang bayad! Akala ko naman bigay mo na sa sa akin yon!" Pagmamaktol ko sa kaniya na lalo niyang ikinatawa kaya naman inirapan ko ito kahit na nakakahumaling ang ngiti niya. "Just kidding. Ang cute mo pala kapag naiinis hahahha" ah ganon kaya naman pala tawang tawa dahil iniinis lang ako. "Letse ka talaga!" Sabay hampas sa kaniyang braso na ikinatawa lamang niya. "Okay enough na, andito na tayo sa school. Mauuna akong lumabas ayoko naman na makita ka nila na kasama ako, baka kung anong isipin nila sayo at may gawin." Bago siya lumabas ay hinarap niya ako at ginulo ang aking buhok ng nakangiti, letse talaga tong kumag na to oh guluhin ba naman tong buhok ko. Naglalakad na ako patungo sa aking room ng biglang may tumabi sa akin na isang babae, namukhaan ko naman ito agad dahil sa kaniyang hairstyle. "Kamusta naman ang unang araw mo sa eskwelahang ito?" Tanong niya sa akin habang naglalakad patungo sa aming silid aralan. "Ah ayos lang naman, salamat ulit kahapon" tumango siya siya sa akin at ngumiti "Ako nga pala si Thea, ikaw ano nga ulit pangalan mo?" "Ah ako si Kathy, ikaw Thea kamusta naman ang pag aaral mo dito? " "Ayos lang din naman, tahimik lang ang buhay ko rito gayon din ang mga nag aaral, ewan ko lang ngayon kung magiging tahimik pa" tahimik at kung magiging tahimik pa? Ano naman ang gusto niyang iparating? "Bakit mo naman nasabi na kung magiging tahimik pa? May mga nangyayari ba rito sa eskwelahan?" "Ah wala naman, sa susunod na lang ulit tayo mag usap Kathy pasok na ako sa room ko." Hindi ko namalayan na narito na pala kami sa Building at katapat na ang aking room, kaya naman nag paalam na rin ako sa kaniya. Nang matapos na ang klase ay kaagad akong lumabas ng building at dumaretso sa may gate, wala pa si kuya Maru kaya naman maghihintay ako rito. "Miss? Bat nag iisa ka ata." Tanong naman ng isang lalaking mukang depungol at may kasama pang ibang depungol. Diko na lamang ito pinansin. "Pre, suplada ah hahaha di man lang ikaw sinagot." Sabi naman ng isang kasamahan na depungol. " Miss, kung ako sayo sagutin mo ang tanong ko. Baka mamaya eh di mo namamalayan na nauubos na ang mga dugo mo, kakaiba pa naman ang iyong amoy." Adik ba to? Sa ganda ng school na to may nakakapasok na katulad ng mga gunggong na to? "Alam nyo mga kuya, pasalamat na lang kayo kasi sa magandang school kayo pumasok at bumabawi. Bakit ba kasi kayo tinanggap dito? Muka naman kayong skwater eh." "Matigas ka talagang babae ka ha, heto sa--" hindi na niya nagawa pa ang paggsalakay sa akin ng pigilan siya ng isang lalaki. "Anong ginagawa nyo sa babaeng ito?" Boses pa lang niya eh alam na alam ko kung sino ito, mabuti na lamang at duamting siya para tulungan ako sa mga depungol na to. " M-mahal n-na p-prinsepe b-binibigyan lang namin s-siya ng l-leksyon." Anong nagawa ko sa kanila para bigyan ako ng leksyon? "Aba, kuyang mukang adik na depungol at gunggong pa, ano ginawa ko sayo para bigyan ako ng leksyon ha? At sino ba sa atin ang lalapit para tanungin ako kung nagiisa ako? Eh ano naman sayo kung ayaw kitang sagutin? Ano ka gold?" "Hhmm? So Kathy, ano ang dapat kong gawin sa mga ito? At kung hindi ko sila naabutan eh baka kung ano pa ang nangyari sayo." ano nga ba dapat gawin sa mga yan, eh diba siya ang Prinsepe kaya marapat lang na siya na lang ang gumawa ng kaparusahan. " Ikaw na lang mag isip, tutal Prinsepe ka naman rito sa eskwelahan at ikaw ang may alam. " Sabay sabay naman natakot ang mga gunggong na ito dahil sa aking sinabi. "Mahal na Prinsepe, patawarin nyo po ako hindi ko po alam na kakilala nyo ang taong ito." Makatao to ah ano siya hayop?sabagay hindi naman siya mukang tao eh. "Kaya ganyan ang asal nyo? Ganon ba yon? Kung hindi ko kilala ang mga tao na nasa paligid mo eh maaari mo ng saktan at gawan ng masama?" Binitawan na ni Ferdus ang braso ng lalaking kinulang sa aruga at tinawag ang mga tauhan na nakapalibot na ngayon sa amin at may sinabi siya na kinatungo ng mga ito at isa isang lumapit sa mga gunggong. "Sa susunod na makita ko ulit na may gawin kayong masama, hindi lang ito ang mararanasan nyo." Isa isa ko namang tiningnan ang mga depungol at aking inasar ang mga ito. "At ikaw naman! Anong naisipan mo at dito ka pa naghintay ng masasakyan? Sa susunod na makita mong wala pa ang sasakyan itext mo ako ha." Napatango na lamang ako sa kanya hindi ko siya matingnan dahil sa hiya na aking nararamdaman. Habang naghihintay kami ni Ferdus kay kuya Maru ay hindi ko mapigilan na lingunin siya. "Oh bakit mo ako tinitingnan?" Kinasungit naman nito "Napatingin lang hindi tinitingnan." Pagsisinugaling ko sa kaniya para hindi na siya makapag isip pa. Kalaunan naman ay dumating na si kuya Maru at humingi naman siya ng pasensya sa amin dahil natagalan siya na makaon kami. Nang makauwi na kami ay pinadaretso kami sa hapag kainan. Lagi naman ganito eh kaya nasasanay na ako, para na nga akong bampira sa lagay na ito sa gabi gising na gising dahil sa klase, mga alasdose na nga ng madaling araw ako natutulog dahil masama ang matulog ng busog. At minsan ay kapag may aasikasuhin or pupuntahan kinululang ang aking tulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD