Ferdus'pov
Kakailanganin ko pa lang mapalapit sa babaeng iyon para wala akong kahirap hirap na mapasunod siya sa akin. Kung hindi man ito uubra eh pipilitin ko na lamang ito.
"How's your mission pre" kasama ko ngayon si Valir sa aking silid na pinagsasanayan, mag wowork out daw siya eh.
" it's okay, it seems a bit difficult because of the attitude that the woman has. "
" You can do it Pre! Just understand the behavior of that woman. "
" That woman is easy for me, the only problem is our subordinates." Tinanguan na lamang ako nito at pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.
Mabuti na lamang at wala pa akong nakikitang mali sa aking nasasakupan, at sa nagdaang linggo ay wala pa akong na eecounter na mangahas na saktan ang babaeng mission ko.
" I'm done, aren't you done yet? Maybe later your muscle will explode haha" Tiningnan ko naman si Valir at inaayos na niya ang kaniyang ginamit.
"I'm going to finish too. Just wait for me there in the living room, and let's go to Hide out together"
"I will go to the bathroom of your room first, I will clean my body and change my clothes" tinanguan ko na lamang ito at pinag patuloy ang aking ginagawa.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ako at niligpit ang mga pinaggamitan ko. Pagkalabas ko ay nakita ko si Valir na kausap ang babaeng madaldal.
" Hey Ferdus! your guest turned out to be pleasant. you didn't tell me she was so beautiful. "
" Hala ano ka ba, Valir maliit na bagay! " Nakangitng saad nito kay Valir at may paghampas pa sa braso na ikinatawa lamang ni Valir.
"Tsk" Nagagaya na ata ito kay Grey sa pagiging bolero sa mga babae. " Taas muna ako Valir. Linis muna ako bago tayo umalis. " Tinanguan na lamang ako nito at binaling ulit ang atensyon sa babae.
" Saan kayo pupunta ni Sir? " Dinig kong tanong ni Kathy kay Valir habang ako ay pataas na para maglinis.
Kathy's pov
Nakakatuwa naman tong kausap si Valir, di tulad ni Ferdus na kailangan pa atang bigyan ng malaking halaga para makausap ng ayos.
" Valir let's go. " Aya naman ni kumag na kakababa lang. Makasama kaya? Wala naman din akong ginagawa dito sa palasyo. Ang tanong lang eh papayag kaya si kumag?
" Sama ako " sabi ko at sabay pa silang tumingin sa akin at bigla silang nagkatitigan, ano problema? Sasama lang naman ako kailangan pa nilang magtitigan? Ano sila bakla.
"Hindi pwede." Sabi na eh di papayag itong si kumag, eh kung kay Valir kaya baka sakaling pumayag ito na isama ako. Tumingin ako kay Valir at ngumiti ng abot sa tenga " Valir, isama nyo na ako please? Wala naman kasi akong gagawin dito ih. " Pag papaawa ko sa kaniya para mapayagan ako.
"Ahm, Kathy gusto ko man na isama ka kaso bawal talaga eh. Sa susunod na lamang isasama kita." Nadismaya ako sa sagot ni Valir. Narinig ko naman ang pag ismid nitong si kumag.
" Let's go na Valir, baka nag hihintay na sila. At ikaw wag kang aalis dito ng hindi ka nag papaalam sa akin." Letse kang kumag ka
" Saan naman ako pupunta? Eh wlaa nga akong alam sa lugar na ito. "
" Kung nabobored ka dito sa loob, pwede mo naman isama si Maru. " Pagkarinig ko sa sinabi niya ay tila ba nasiyahan ako.
" Talaga? Sige sabi mo yan ha." Nakangiti kong saad sa kaniya. Dahil dito naisipan kong bisitahin si Shanice wala namang pasok ngayon dahil linggo.
"Tsk. Basta sabihin mo lang sakin kung saan ang punta mo, maliwanag?" Para akong patatango nito dahil sa saya na aking nararamdaman, makikita ko na ulit sa Shanice.
Umalis na sila at ako naman ay tinungo ang kwarto at dalidaling tinawagan si Shanice para sabihin na bibisitahin ko siya mamaya.
[ Hello. Bakit ka napatawag? ]
" May ginagawa ka ba now? "
[ Wala naman, bakit ba? May problema ka ba dyan? ] para naman akong sira na tatawagan lamang siya sa tuwing may problema ako.
" Tangek! Wala akong problema. Bibisitahin lang sana kita dyan mamaya napaka mo, pag tinawagan ka may problema agad? Hmmpk "
[ Ayy talaga ba?? Sigee wala naman akong ginagawa. Anong oras ang punta mo rito? ]
" Mga 10 am. Maliligo lang ako. "
[ Oh siya sige sige, see you! Imissyouu!! ]
Binaba ko na ang tawag at dumaretso na ako sa cr para makaligo na at makapag ayos na agad.
Pagkatapos kong maligo ay tinawagan ko si Ferdus, ngunit hindi naman siya sumasagot. Sasabihin niya na sabihin ko sakanya kung saan ako pupunta eh di naman siya nasagot. Text ko na lang.
'hey, punta ako sa Laguna para bisitahin ang aking kaibigan.'
Pagkatext ko sa kanya ay inayos ko na ang aking sarili at bumaba para kausapin si kuya Maru.
" Good morning po ma'am. Ano po kailangan nyo? " Isang taga pag silbi ang bumungad at nagtanong sa akin.
" Maaari ko po bang malaman kung nasaan si kuya Maru?" Tumango na lamang siya at tinuro sa akin kung nasaan ang pwesto ni kuya Maru at siya na ang lumapit para sabihin.
" Maru, hinahanap ka ni ma'am " sabay tingin sa akin ni kuya Maru.
" Ano iyon iha? May kailangan ka ba? " Tanong sa akin ni kuya Maru ng makalapit siya sa akin.
" Ah kuya, papasama lang po sana ako sa Laguna. Nakapag sabi naman na po ako sa Prinsepe. "
" Ah ganon ba, saglit lamang at aking tatawagan ang mahal na Prinsepe para ipag paalam ulit kita. " Tumango na lamang ako rito, aba tingnan mo nga naman yung kay kuya Maru sinagot ang tawag tas sa akin hindi abnormal ata ang lalaking yon ah. " Ah iha, tara na? Pumayag naman ang mahal na Prinsepe." Tumango ako rito at tinungo namin ang sasakyan at sumakay na.
Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasan ang mapangiti habang nakamasid sa bintana dahil sa saya na aking nararamdaman at makikita ko na ulit si Shanice. Biglang tumunog ang aking cellphone at nakita kong nagreply si kumag.
'k. Take care, sinabihan ko na si Maru na bawal kang gabihin ng uwi.' ano parang tatay lang peg? Noong nakaraan naman hindi siya ganito makitungo ah.
To: kumag na Prinsepe
' opo tay hindi ako magpapagabi ng uwi.'
Binaling ko na ulit ang tingin ko sa bintana at kalaunan ay tumunog ulit ang aking cellphone.
From: kumag na Prinsepe
Tsk!
Kung ganyan lang naman ang reply nya sana hidni na lamang niya nisend, sayang ang load.
" Ah iha, saan ba rito sa Laguna tayo tutungo? Andito na kasi tayo. " Hindi ko namalayan na narito na pala kami sa SPC.
" Ah kuya Maru sa Rizal, dun sa kantong pinag hintuan nyo sa akin noon. "
" Ah sige iha. Dadaretso ba natin yung kantong yon? " Tanong ulit sa akin ni kuya Maru habang nagmamaneho.
"Opo kuya." Tumango na lamang ito sa akin at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Biglang tumunog ulit ang aking cellphone at nakita kong tumatawag si Shanice.
[ Oy be ano nasaan kana? 10:13 na wala ka pa ]
"Chill be malapit na po "
[ Oh sige sige, tawagan mo ako kapag nasa tapat kana ha. Mwua! ]
Nandito na kami sa tapat ng dati kong inuupahan, hindi ko na tinawagan pa si Shanice at nagpaalam ako kay kuya Maru na aalis na ako sa loob ng sasakyan.
" Kuya Maru nga pala, umuwi ka po muna. Tawagan ko na lamang po kayo kapag magpapakaon na ako, baka po kasi maghintay kayo ng matagal ih. "
" Hindi maaari iha, pinababantay ka kasi sa akin ng mahal na Prinsepe. "
" Ay sige po kuya, sumama na lamang po kayo sa akin sa loob. " Tinungo namin ni kuya Maru ang itaas at pinagbuksan naman kami ng isang binata na animoy kasing edad ko lamang.
" Magandang araw po, sino po sila? Ano po pakay niyo rito? " Tanong nito sa amin.
" Ahh ako nga pala si Kathy, andito ako para bisitahin ang aking kaibigan na si Shanice. " Bago pa siya makapag salita ay naunahan na siya ni Aleng bebang.
" Aba Kathy, ikaw ba yan? Halika at pumasok kayo sa loob. Gabo pakitimpla sila ng maiinom na juice. " Pinaupo kami ni Aleng bebang sa sofa. " Iha, kamusta naman ikaw ngayon? Bat naparito ka?"
" Ah aleng bebang bibisitahin ko po kasi si Shanice, namimiss ko na po kasi siya."
" Ay ganon ba, saglit lamang at aking tatawagin sa kaniyang silid." Tumango na lamang ako rito. At dumaretso siya para tawagin si Shanice.
" Hoy bes!! Bakit dimo na ako tinawagan. Gaga ka ba, akala ko naman pinaprank mo ako na pupunta ka talaga dito e. "
" Tangek! Bakit ko naman hindi itutuloy eh namiss na kita!! " Nagyakapan kami ni Shanice at nagtawanan dahil sa parehas naming naging reaskyon. "Nga pala kamusta ikaw dito? Kamusta sa school? "
" Ah ayos naman ako. Sa S-school a-ayos lang din naman ako doon. " Parang may problema ata ito kapag tintukoy ang school. Pero sabi naman niya eh ayos lang siya wag na lang akong maging nega.
Mahabang oras ang naging kwentuhan namin ni Shanice, naikwento niya din sa akin ang paghihiwalay ni Clara sa aking ex boyfriend, tamo aarte arte pa siya at makikipag away sakin maghihiwalay din pala sila.
" Oh paano ba yan Kathy, sa susunod na lamang ulit tayo magkikita. Bawal ka naman kasing gabihin, kung wala lang pasok bukas eh baka dito na kita patulugin para mahaba haba ang oras natin. "
" Kaya nga eh, sasabihan naman kita kung kelan ulit ako makakabisita rito. Ikaw ha mag ingat ingat ikaw rito okay? "
" Ikaw din don no, pati dzuh sa lakas kong to hahaha sige na baka gabihin pa kayo eh. Magiingat po kayo kuya sa daan ha." Paalala niya kay kuya Maru habang pababa na kami ng bahay at tinungo ang sasakyan. "Shala beh naka kotse kana ngayon ha, paampon naman." Biro ni Shanice sa akin
" Kung pwede nga lang kitang isama roon eh matagal ka ng nandoon hahaha. Oh siya sige una na kami ha. Tawagan na lang ulit kita. Mag iingat dito. Bye! " Tumango ito at kumaway sa amin at pinaandar na ni kuya Maru ang sasakyan.
Habang nasa biyahe kami eh biglang tumunog ang aking cellphone at nakita kong tumatawag si Ferdus, aba himala ata at tinawagan ako nito.
[ Hello. Asan na kayo? Bat dika pa umuuwi? ]
"Chill lang mahal ko, pauwi na ho kami" sinadya ko talagang sabihan ang mahal ko para inisin
[ Tsk. Ingat. ] Tamo bigla akong binabaan siraulo talaga to.
Ferdus'pov
Pagkauwi ko hinanap agad ng aking mata si Kathy, bakit hanggang ngayon eh wala pa rin siya? Kaya naman naisipan ko itong tawagan. At sinagot naman niya agad ito.
"Hello. Asan na kayo? Bat dika pa umuuwi?"
[ Chill lang mahal ko, pauwi na ho kami ] what the hell!
"Tsk! Ingat. " Ito na lamang ang aking naging sagot sa kaniya.
"Oh bro bakit parang naka jackpot ka dyan sa ngiti mo ah? Sino ba ang iyong tinawagan?" Kasama ko ngayon si Grey, sumama siya dito sa bahay dahil wala naman daw siyang gagawin sa bahay nila at tinatamad siyang mambabae. And what? Ako nakangiti?
"Hoy bro! Ano? May nagpapatibok na ba ulit? " Naalarma naman ako sa sinabi niya.
" Tsk. Wala may naisip lang ako kanina kaya siguro ako nakangiti. " Sagot na lamang dito at tumango siya sa akin habang ang ngisi ay mapang asar kaya naman binato ko sa kanya ang isang unan dito sa sofa. At biglang bumukas ang pinto at niluwa ang babaeng kanina ko pang inaantay na makauwi.
"Mabuti naman at umuwi ka ng hindi ginabi. " Bungad ko sa kaniya. Si Grey naman ay hindi alam kung ano ang magiging reakyson niya. Hindi pa nga pala niya alam ang tungkol sa aking mission, wala siya noong napag usapan naming magkakaibigan ang tungkol dito.
"Eh sabi mo bawal akong gabihin kaya umuwi na ako. " Marunong din naman pala tong sumunod.
"Okay, kumain kana at pagkatapos mo tumungo ka sa kwarto mo para makapag pahinga." Tumango na lamang siya at naglakad patungong hapag kainan, kahit na para naman siyang nagulat sa aking inasal sa kaniya, well ito ang plano ko ang mapalapit siya sa akin.
"Hoy bro! Sino yung chix na yon? At bakit iba ang amoy? " Tanong naman nitong si Grey
Sinabi ko ang lahat tungkol sa aking mission at mabilis naman niya itong naunawaan.
" Akalain mo yon bro, ang ganda naman ng mission mo "
"Yung totoo Grey nahiya ka pa eh. Ang sabihin mo ang ganda ni Kathy, dyan ka naman magaling sa pagkilatis ng babae."