Shanice's pov
Kamiss naman kaagad yung bruhildang yon, sabi niya tatawagan ako kapag nakarating na siya doon pero hanggang ngayon wala pa din tawag, nakaisang gabi na di pa rin pero siyempre di pwedeng mag isip ng masama baka napagod siya sa biyahe kaya siguro dina nakatawag, wala kasi akong load eh para matawagan siya, dina rin ako makakapag paload ngayon dahil papasok na ako sa school
Andito na ako sa school at naglalakad patungo nga sa aking room ng mahagilap ng aking mata si ma'am Luciara. Mabuti na lamang at di nya ako napansin na nakamasid sa kaniya, kaya dumaretso na lamang ako sa aking room.
" Good morning class! Nabalitaan nyo naman siguro ang nangyari sa isang estudyante na nakipag away no? Kaya wag na kayong maging basag ulo ha para hindi kayo magaya sa kaniya." Ani ni ma'am Celeste. Aba naman kaibigan ko yung pinag uusapan ah di naman nila alam kung ano ang tunay na nangyari eh.
" Ms. Shanice Flores? Are you listening? " Ay patay nag didiscuss na pala to. " Y-yes ma'am "
" Okay, I thought you are not listening. So back to the topic....Philippine history is important to understand and know the things that happened in the past for you to appreciate the future and present situation of the country."
"Good morning po ma'am Celeste, pinapatawag daw po lahat ng teacher may meeting daw po kayo. Thank you po. " Ssg President ng school
" Okay class, hanggang dito na lamang muna at may meeting daw kami ngayon. If mabilis na matapos ang aming meeting at may 30 mins pa sa oras natin babalik ako at magpapaquiz tungkol sa discussion ko kanina mabilis lamang yon at 5 items lang. " Jusko tong teacher na to konting discuss quiz agad. At ang malala pa yung important lang narinig ko. Hingi na lamang ako ng reviewer sa kaklase ko. " Oy may reviewer ka dyan nakapag take notes ka? " Ani ko kay Anna na aking katabi
" Oo, ito oh pasensya sa sulat di gaanong maintindihan. " Mabuti na lamang at may katabi akong mahilig mag notes. " Salamat ha."
Nakalipas ang ilang minuto ay hindi na bumalik pa si ma'am Celeste, mabuti naman para walang quiz hindi ko rin mabasa ng ayos yung notes nitong si Anna eh.
" morning 1B ! " Bigla akong kinabahan sa tinig na iyon dahil ang nag mamay ari ng boses na yon ay si ma'am Luciara.
" Good morning po ma'am " Hindi ako nag response tulad ng mga kaklase ko.
" Miss Flores? Invisible ba ako para sayo? " Nakangising tanong sa akin ni ma'am na kaagad ko namang kinailing . " Bakit hindi mo ako binati? " Hindi nawala sa kaniya ang ngisi kapag nasa akin ang atensyon niya.
" I-I'm s-sorry m-ma'am, masama l-lang p-po a-ang aking p-pakiramdam. " Kinabahan kong salaysay
"Ow I see. All of you sit down, except you Ms. Flores." Mas lalo tuloy akong kinabahan, para akong mahihimatay dahil sa kaba. "Erase the board Ms. Flores, wag masyadong kabahan yan lang ipagagawa ko sayo." Nagsitawanan ang aking mga kaklase. Naglakad na ako patungo sa board at sinimulan ang pagbubura, hindi parin tumitigil si ma'am kakatingin sa akin, kahit nakatalikod ay ramdam ko ang kaniyang titig.
Nang matapos ko itong mabura at malinis lumapit ito sa akin at may binulong " Wag na wag mong ipagkakalat ang nakita mo ha, may pinag usapan tayo. Pumunta kana sa upuan mo, bago pa magbago isip ko" Tumango na lamang ako at dali daling umupo sa aking upuan. Nagsimula na si ma'am Luciara sa kaniyang klase, at ako namn eto hidni mapakali dahil sa kaniya. Sa araw araw hindi ko maiwasan ang ganitong nararamdaman dahil kay ma'am.
Ferdus'pov
" Sir gising na ho ba kayo? pinapatawag ka po ng iyong ama, may bisita po kayo. " Isang taga paglingkod ang kumatok sa aking silid. " Pakisabi na maliligo lamang ako." Dali dali na akong naligo at nagbihis kaagad, at dumaretso na sa hapag kainan. May isang babae na nakaupo, sino naman kaya ito.
" Magandang umaga ama! " Bati ko sa aking ama at tumingin sa isang babae na kausap kanina ng aking ama, akmang babatiin ko ito ngunit napatigil ako dahil familiar ang babaeng nasa harapan ko ngayon at kakaiba ang kaniyang amoy, wag lang sabihin na siya ang mission ko "Magandang umaga iho, siya nga pala ito ang bisita natin at siya rin yung tinutukoy ko sa iyo." Ngumiti sa akin ang aking ama, at ako naman ay tila ba hindi maproseso ang kaganapan ngayon.
" Magandang umaga po sa inyo. Mr? " Napatingin ako sa babaeng kaharap namin ngayon ni ama. "Sir?" Ulit nito sa akin, ngunit parang naputulan ako ng dila
" Anak? Ayos ka lang ba?" Turan sa akin ni Ama "Pasensya na iha siguro ay nabigla lamang siya na may bisita ako ngayon. " Tumingin sa akin ang aking ama at para bang tinatanong ako nito gamit ang kaniyang mata.
" Paumanhin binibini, my name is Ferdus. " Walang emosyon na sagot sa babaeng kaharap ko. Naiinis ako bakit kasi babae pa, mahihirapan ata akong paaumuhin ang babaeng to halatang pasaway.
" Siya po ba ang tinutukoy niyong nag iisang anak na lalaki? " Tanong naman nitong babae, at bakit ba siya salita ng salita eh nasa hapag kainan kami.
" Oo iha siya nga ang tinutukoy ko" aba pinag usapan ba nila ako.
" Ow, bakit parang mas bata po kayo kesa sa kaniya. At para po bang hindi niyo siya anak kasi ang bata nyo pong tingnan. " Daldal naman nito, ganito ba ang taong babae, sa susunod di na ako mag aabala na makipag uganayan pa sa isang tao kung ganito kadaldal.
" Hahaha iha palabiro ka pala. " Ngayon ko lamang ulit nakita ang aking ama na ganitong ngumit at tumawa. " Hindi po ako nagbibiro, totoo lamang po ang aking sinabi. " Sagot naman nitong madaldal na ito.
" Nga po pala, asan po ang inyong asawa? Paumanhin hindi lamang po ako sanay na hindi umimik hehe. " Butii naisipan niyang humingi ng pasensya.
" Nasa France siya ngayon iha, may inaasikaso lang. " Kailangan ko munang pigilan ang babaeng to kakadaldal
"Ahm miss, pwede maya na yang mga tanong mo? Kumakain kasi tayo." Para naman siyang natauhan sa sinabi ko. " Ahm pasensya na po sir!"
Kathy's pov
Napahiya naman ako kanina sa hapag kainan dahil sa kadaldalan ko, pero infairness ang gwapo nung anak ng Hari kaso mukhang may saltik eh jok masyado atang masungit. Familiar nga din sa akin ang pagmumukha nitong kumag na ito diko lang alam kung saan ko siya nakita or baka kahawig lang.
Shit na malagkit hindi ko na natawagan si Shanice, mag papaliwanag na lamang ako sa kaniya mamaya.
" Iha? Andyan ka ba sa kwarto? " May biglang kumatok siguro eh siya yung naghatid sa akin kagabi dito. "Opo, bakit po? May kailangan po ba kayo?" Saka ko siya pinagbuksan at may daldala itong damit.
"Ah iha, ito nga pala ang susuotin mo sa school. " Inabot sa akin ni ate yung uniform na aking susuotin. "Salamat po!"
Alastres na ng hapon at andito ako ngayon sa kotse na sinakyan ko noong ako ay inihatid dito sa palasyo. Iniintay lang namin si Ferdus, ngayon ang unang araw este gabi ko sa paaralan na kanilang pag mamay ari, bakit kayanl sa gabi ang pasok ng mga mag aaral doon at ano kaya ang itsura ng school na iyon.
"Sorry Maru natagalan" Andito na pala tong masungit na Prinsepe. Kaya umisod ako sa dulo ng upuan para makaupo siya, bat kasi itong malapit sa akin ang binuksan niyang pinto eh nakaupo na ako. " Magandang umaga po Sir" nakangiting saad ko rito, baka mapatapon ako ng wala sa oras kung hindi ko ito babatiin lalo na't nakatingin ang isang tauhan na nasa passenger seat.
"Tsk!" Kinasungit talaga, siya na nga yung binabati eh sa ganda kong to? Iismiran lang. Syempre jok lang.
"Miss, Paalala ko lang sayo hindi mo kabisado ang lugar na pinasok mo. Kaya kung gusto mo ng tahimik na buhay sumunod ka sa sasabihin ko. " Biglang saad naman ng prinsepe.
"Ay naks, humahaba din pala ang mga linya mo no? " Napatigil ako sa aking ngisi dahil sa kaniyang tingin, di pala pwedeng biruin ang lalaking to.
" Seryoso ako " Matigas niyang saad sa akin, kaya naman napatango na lamang ako rito. "At pwede ba wag kang umasta na parang matagal mo na akong kilala. "
"Okay, sorry naman. "
Inirapan na lamang ako nito at dumaretso ang tingin sa bintana, kaya naman ginaya ko na lamang siya at tumingin na din sa bintana. Hanggang ngayon ganito pa rin ang dadaanan? Hindi ka masisikatan ng araw dahil sa mga naglalakihang puno.
Tumigil ang sinasakyan namin kotse, siguro ay naririto na kami sa eskwelahan. Kaya naman tumingin ako sa harapan at ganon na lamang ang pagmulat ng aking mata dahil sa gulat. Napakaling gusali naman nito, at ang mga estudyante ay kaniya kaniyang lakad at nakikipag usap sa mga kasamahan nila.
"Give me your phone." Kaagad ko naman itong binigay sa kaniya. "Call me or text me if you need something.". Sasagot pa sana ako ng makalabas na siya ng sasakyan.
"Kung dimo napapansin miss, ayaw niya po na makita siya ng ibang estudyante na may kasamang iba." Saad naman ni kuyang nakaupo sa passenger seat. Tumango na lamang ako rito at saka inayos ang aking palda at mga gamit.
"Sige po kuya, labas na po ako ingat po sa byahe. " paalam ko sa kanila at tuluyan na akong lumabas. Grabe talaga tong school na to pang mayaman lang talaga.
Pumasok na ako sa loob at ang tanga ko sana nagpasama ako dun sa isang tauhan para naman may guide ako rito. Hidni ko nga alam kung sa ang Dean's office eh. Naalala ko binigay nga pala sa akin ni Ferdus ang no. niya
' hi. Its me Kathy, saang parte ba ang Dean's office? Diko pa kasi alam ang sched ko at section.'
Sana naman ay mag reply agad siya para naman hindi ako mahuli sa klase ko.
Habang palinga linga ako para hanapin ang Dean's office, mabuti na lang at nagreply agad si Ferdus
From: 09xxxxxxx
Sent a photo.
Ah nasa kaniya na pala ang sched ko pero di man lang niya binanggit sa akin. At ang yung paalala lang niya sa akin ang sinabi niya. Saan ko naman hahanapin tong room ko, yung Dean's office nga diko pa alam room pa kaya.
"Aray ko naman, magdahan dahan ka nga miss at tumingin ka sa dinaraanan mo. " Hidni ko nalamalayan na may nakabangga na pala ako. " Pasensya na miss, hindi ko sinasadya. Palinga linga kasi ako dahil hinahanap ko ang room ko bago lang kasi ako dito. "
" Ay ganon ba. Teka ano ba course mo?"
"Ahh Business Ad po. 1st year. " Tumango naman siya at biglang ngumiti.
"Same pala tayo ng course, maaari kitang samahan at ituro kung saan ang iyong silid. Ano ba ang section mo? "
"Ah kung ganoon maraming salamat, hindi ko alam kung ano gagawin ko rito kung hidni pa kita nabunggo hehe. 1A ako. " Hinila niya na lamang ako at nagpadala na lamang ako sa kaniya.
Nang makapunta na ako mismo sa loob ng eskwelahan, iba agad ang naging pakiramdam ko. Hindi lang dahil sa mga matang nakatitig sa akin, kung di pati ang mga weirdong nakapalibot. Halos wala kang makikitang butas o hidni ka masisikatan ng araw dahil lahat ng iyong madaraanan ay may bubong. Hindi naman din siya ganoong kainit kahit na tagong tago ang lugar na ito.
"Ayan ang Building ng Business Ad. Dun tayo sa second floor. 1B ako kaya magkalapit lamang ang ating silid. " Nakangiting saad nito sa akin, tinunguan ko na lamang ito at saka nagpasalamat.
" Maaarin bang magtanong sa iyo? Habang naglalakad tayo paroon sa aring silid? " Tanong naman niya sa akin, kaya tumango na lamng ako bilang sagot. Wala ata ako sa mood umimik dahil sa tensyon na bumabalot.
"Paano mo nalaman ang lugar na ito? Tila ibang iba ka sa amin, ang iyong amo-" hindi niya natapos ang tanong dahil sa mga nagsisigawang estudyante.
"Wahh ang Prinsepe!"
" Ang gwapo niya talaga"
"Swerte ng magiging girlfriend niya. "
" At ako yon "
"Kapal"
Ilang mga sinasabi ng mga kababaihan na nakapalibot sa daan. Bakit siya nandito sa building namin? Eh iba naman ang course niya.
Dumaretso ito sa akin at may binulong. Kaya hindi ko maiwasan ang hiya dahil sa daming mata na nakatingin. "Kapag may nagtanong sa iyo tungkol sa pagkatao mo wag kang sasagot. Kung ayaw mong may mangyari sayo na hidni maganda " At Bigla na lamang din siyang umalis. At teka nga bakit naman nalaman niya ang pinag uusapan namin nitong kasama ko.
"Kilala mo ba ang Prinsepe?" Tanong sa akin ng kasama ko. At Prinsepe pala tawag sa kaniya dito ha.
" Ah hindi may sinabi lang siya sa akin. Siguro alam niyang baguhan ako rito? Kaya niya ako pinuntahan. " Para akong tanga kakasinungaling.
"Ah sabagay. Pero hidni naman siya ganoon sa mga bagong pumasok dito sa eskwelahan. "
"Ah baga, hayaan na natin. Baka malate pa tayo anong oras na din kasi eh. Sige salamat ulit sa pag tulong na mahanap ang aking silid. " Tinanguan na lamang ako nito at dumaretso na siya sa kaniyang silid.
Pumasok na ako sa silid na tinuro sa akin kanin noong babaeng kasama ko, at tinungo ang kasulukang bahagi at doon ako umupo. Hindi ko maiwasan ang hiya dahil sa mga matang nakatitig sa akin, ang iba naman ay pinag uusapan ako dahil sa palinga linga ang mga magkakasama.
Ilang minuto ang nakalipas ay dumating ang isang lalaki na medyo may kaedadan na siguro nasa 40's na siya, pero di naman siya halatang tumatanda dahil sa maskuladong pangangatawan.
" Good evening class. I heard na meron daw kayong bagong kaklase. Tama ba? " Sabi ng aming tc, at ang mga kaklase ko naman ay kanya kaniya ang tingin sa akin kaya naman nag taas ako ng kamay. "Ow ikaw ba yon miss? " Tumango na lamang ako rito dahil sa aking hiya na nararamdaman.
"Introduce yourself miss. " Tumayo ako agad sa aking upuan at ngumiti.
"Hi, I am Kathy De Guzman, 19 yrs of age. From brgy. Tala, Rizal, Laguna." Mabilis kong pakilala, ng makaupo na ako sa aking upuan hindi ko pa rin maiwasan ang tensyon na aking nararamdaman, lalo na kanina habang nagpapakilala ako iba ang tingin sa akin ng mga kaklase ko.
Habang may dinidiscuss ang aming guro at ako naman ay nakikinig biglang may nagsalita sa aking tabi.
"Hi! Ako nga pala si Dhalia Demoro" nakangiting saad nito sa akin. Isa siyang Demoro? Kaano ano niya ang mahal na Hari at si Ferdus?
"Hehe hello po." Nahihiyang tugon sa kaniya.
" Ano ka ba huwag kang mag po sa akin, magsing edad lamang tayo. At wag kang mahiya. "
Ngumiti na lamang ako rito, at pinagpatuloy ang pakikinig sa sinasbi ng aming guro.
" Human resource management is the way in which a company hires new employees and trains those new workers. And its Importance to improve productivity"
Nang matapos ang klase ay naabutan ko si Kuya Maru na nag aabang sa labas kaya naman agad ko itong nilapitan.
" Hi kuya! Kanina pa po ba kayo? "
"Ah hindi naman iha, kadarating ko lang din, pumasok na ikaw sa loob. " Tumango na lamang ako kay kuya Maru at hinihintay lang namin si Ferdus.
Habang nag aanatay ay bigla kong naisip si Shanice, kaya naman aking kinalkal sa bag aking cellphone para matawagan siya.
[ Hello! Mabuti naman at naisipan mong tumawag Kathy. ] Bungad sa akin
" Pasensya na ako'y nalate si jokjok aking ka date. "
[ Ehuho. Ano kamusta na ikaw dyan Kathy. Madami ba pogi dyan? ]
" Yan talaga Shanice? Dimo ba ako tatanungin kung bakit di ako nakatawag agad sayo? At kung may nangyari ba sa akin? Huhuhu "
[ Bakit?! May nangyari ba?? May masakit ba sayo? Ano nararamdaman mo? Punta ba ako dyan? ] Aligagang saad sa akin.
"Hahaha! Jok lang Shanice. Eto ayos lang naman. Pauwi na din ako galing school. Tampo na ako sayo, saka mo lang ako tatanungin ng ganyan kung dipa ako nag inarte. "
[ Eh ikaw kasi di mo agad ako tinawagan hmpk! At teka bakit ngayon pa lang uwian niyo? 10 pm na ah. ]
" Ah, mamaya na ako mag kwento sayo pagkauwi ko. Okay? Ikaw kamusta na dyan? " Mamaya ko na lamang sasabihin sa kanya pag kauwi " Let's go home Maru! " Kapapasok lang ni Ferdus kaya naman itong kausap ko eh parang nasa palengke at sumisigaw dahil sa narinig.
[ Hoy ano yan. Sino yon? Bakit may kasama kang lalaki? ]
" Mamaya na tayo mag usap pagkauwi ko okay? Love you! Mwua. " Magsasalita pa sana siya ngunit pinatay ko na ang tawag.
"How's your first day in School? " Tanong sa akin ni Ferdus
" Ahh, ayos lang naman. Nga pala kilala mo si Dhalia? "
" She's my cousin. " Tipid niyang sagot at sumandal sa upuan at saka pumikit.
" Ah, nga pala bakit ganoon ang school? Bakit tuwing mag aalas syete ay saka lamang binubuksan ang mga bubong sa daan? Hindi naman siguro baliktad ang utak niyo no para ganong style ang gawin. " Natatawang tanong ko sa kaniya dahil hindi ako makapaniwala.
" Just don't mind it. And keep quiet. " Uunahan niya ang pagtatanong tas pag ako aawatin na agad.
Nakauwi na kami at pinadaretso kami sa hapag kainan. Sa wakas makakakain na ako ng maayos di tulad kanina sa school andami kasing nakatingin.