Ferdus'pov
Hindi ko alam kung bakit pinapatawag ako ngayon ng aking ama sa kaniyang silid. Kaya pagkatapos kong sagutan ang aking homework ay dumaretso na agad ako sa office. Nakailang katok ako sa pinto bago ako sagutin ng aking ama.
" Pumasok ka Ferdus. Paumanhin at ngayon lamang ako nakatugon, dahil kinausap ko ang isa sa ating taga pag silbi para sunduin na ang taong paninilbihan mo bilang mission. " Hindi na ako nagulat pa sa sinabi ng aking ama, dahil inaabangan ko ito at pinaghandaan.
" Sana ay iyong matapos ang mission na ito, dahil inaasahan ko ang iyong tagumpay bilang taga pag mana ng trono, at inaantay kong makarating ka sa araw na iyong papalitan ang aking trono. Huwag mo sana akong biguin at ipahiya, dahil ito na ang kahuli hulihang mission na iyong gagampanan."
" Asahan mo aking ama na hindi kita bibiguin. " Lakas loob kong sagot sa aking ama dahil sigurado naman na akong magtatagumpay ako sa mission na ito. " May isang katanungan ako ama. Isa bang lalaki ang taong pinadala mo rito? " Kung lalaki ito madadalian akong lapitan ito at kaibiganin, madadalian din akong pakiusapan ito na lumayo sa kapahamakan.
" Sa pagdating niya, malalaman mo rin kung ano uri ang taong ito." Tila ba may kutob ako na babae ang taong ito, bahala na kung babae man o lalaki basta gagawin ko ang makakaya ko upang magtagumpay.
Matapos ang usupan namin ay bumalik na ako sa aking silid upang mamahinga na lamang, wala ako sa mood para lumabas o magensayo.
Kathy's pov
Sa haba haba ng aking binyahe, diko akalain na nakatulog pala ako kakamasid sa daan. Hanggang ngayon ay umaandar parin ang sasakyan, at tila ba papunta itong kasulukan.
" Ahm kuya, malayo pa po ba? Saang bayan po ba sa Batangas ito? At tila ba anlayo, at bakit ganito ang ating dinaraanan puro puno. Bundok ba ang ating tatahakin? " Nakakapag taka lamang dahil ito ang dinaraanan namin, dahil kung mayaman ang mga taong pumapasok sa Unibersidad na iyon, bakit sa isang bundok na lamang ang kanilang paaralan?
" Ah miss opo, sa kasulukan pa po ang inyong paaralan at malapit rin po ang inyong titirahan. " Titirahan? As in bahay kaya? Wag niyang sabihin na libre na naman itong ibibigay sa akin. Kinaswerte ko namang tao
" As in bahay na titirahan? Kasi kung bahay man, wala po akong pambayad at hahanap pa ako ng aking trabaho para makapag bayad sa bahay na iyong tinutukoy."
" Opo miss, bahay nga po at wag po kayo mag alala dahil libre din po ang bahay na iyong tutuluyan. " Grabe naman si Lord, may nangyari nga sa akin na hindi maganda tas ngayon puro blessing. Yay!!
Ilang oras ang naging byahe ay nakarating na kami sa isang palasyo??? O to the M to the G!! Wag niya lang sasabihin na dito ako manunuluyan dahil omg talaga dina ako aalis!!
" Ma'am narito na po tayo, iniintay ka na po ng Mahal na Hari " Mahal na Hari? Juskoo ano ba yan. Ano tong papasukin ko. Prinsesa ba ako na nag ka amnesia at ako ang nawawala nilang anak? Haha jok!
Para akong tanga na nakatulala sa mga nadadaanan ko, dahil simula pa lang ng pagkababa ko sa sasakyan nanliit ako sa aking sarili dahil ba naman sobrang taas at ganda ng mansyon o d kaya tawagin nating palasyo. Tapos yung mga maid jusko mga nag hanay para tuloy akong prinsesa nito.
" Iha? Ako nga pala si Mayora Sonya, ihahatid kita kung saan inaantay ka ng Mahal na Hari. " Wala lumabas sa aking bibig na salita at sumunod na lamang sa Mayora.
" Magandang tanghali Mahal na Hari. Narito na po ang babaeng pina sundo niyo kay Maru. " Halos lumuwa na ang aking mata sa gulat, pati ba naman ang lame ay napaka laki? Ganito ba talaga sila kayaman?
" Miss? Miss? Kinakausap ka ng Mahal na Hari " pagkuha ng atensyon niya sa akin, ni hidni ko na pala napansin na kinakausap na daw ako ng Mahal na Hari
" Pasensya na ho kayo, nagulat lamang po ako sa lugar na ito. " Pahingi ko ng pasensya sa Mayora. Tinuro niya naman ang nasa harap kong lalaki na nakaupo sa dulo ng lamesa at sobrang ganda ng inuupuan nito, marahil ay siya ang Mahal na Hari. " Pasensya na rin po kayo sa aking inasal Mahal na Hari nadala lamang po ako ng emosyon. " Nginitian niya ako at saka tinuro ang isang upuan para makaupo ako.
" Wag mo ng problemahin iyon iha, naiintindihan kong nabigla ka lamang sa mga nakikita mo. " Nakakahiya naman ang kaniyang pananalita sa pagitan namin, halatang yayamanin. " Siya nga pala iha, ako ang nagbigay sayo ng opportunity na makapasok ng libre sa aking paaralan. At ako din ang nakausap ng dati mong principal, nasabi rin niya sa akin ang tungkol sa paglipat mo. May ganoon pa rin pa lang ugali ang mga tao ngayon. Dahil lang sa kanilang kapangyarihan o nakakataas sila ay maaari na nila itong gawin sa mga nasasakupan, ngunit ito ay isang kamalian. Mabuti na lamang at sa aking unang nakipag usap ang iyong principal, kung hindi baka sakaling mahirapan ka pang humanap ng iba at kukuha sayo ng libre." Sa hinaba haba ng sinabi ng Hari ay tumango na lamang ako at ngumiti
" Kumain ka muna iha, bago ka pumanhik sa iyong silid. Sinabi na ba sa iyo ni Maru na dito ka maninirahan? "
" Hindi po eh, kung di nyo po mamasamain ang tanong ko, bakit po dito ako manunuluyan? " Nakakahiya man ay gusto ko ng kasagutan dahil nalilito ako kung ano ang aking iisipin , bakit kasi ganito na lamang? Alam kong mabait akong tao at pero anlaki laki ng pinalit na sa akin at palasyo pa ha.
" Ahm iha, ayaw mo ba? Wala rin naman kasi kaming anak na babae, at iisa lamang ang anak namin at nag iisang lalaki ito na maaaring makapalit ng trono. " Di ako satisfied sa sagot ng Hari, ganon pa man ay magpapasalamat na lamang ako sa pagtanggap nila sa akin.
" Kung ganon po, maraming salamat po! Asahan nyo po na hindi ako magiging pabigat, Mahal na Hari. " Nginitian niya na lamang ako at tinuro niya naman ang mga pagkain na nasa harapan ko hudyat na simulan ko na ang pagkain.
Pagkatapos kong kumain ay nagpasalamat muli ako sa Hari, at inutusan niya ang isang taga pag silbi na ihatid ako sa aking silid na gagamitin.
" Maswerte ka iha, pero mag iingat ka pa rin sa mga nakapaligid sa iyo lalo na kapag nasa eskwelahan kana. " Tumango na lamang ako bilang sagot.
" Ako na po ang mag aayos ng aking kagamitan, maaari na po kayong lumabas at makapag pahinga. " Nakakahiya eh baka mamaya makita nila ang panty kong kulay lavander at bulaklak na disenyo.
"Sigurado ka ba iha? Kaya mo bang mag isa na ayusin lahatt ng gamit mo? "
" Opo kaya ko naman na po, sige na po at para makapag pahinga na kayo" ngiti kong saad sa kaniya. Tinanguan na lamang ako nito at saka lumabas. Sinimulan ko na rin ang pag aayos ng aking mga gamit upang matapos na agad at makapag pahinga sa malambot na kama, grabe eh pati kwarto ang ganda para talaga aong prinsesa.