[ Kabanata 5 ]

1363 Words
Kathy's pov Ngayong araw ko malalaman kung saan ang bago kong School, kakalungkot lang na parang nabalewala yung natake kong course at napag aralan ko. " Oy Kathy ngayon mo malalaman kung saan ang bago mong School no? Samahan na kita, absent muna ako ngayong araw para masamahan kita. " Hays isa pa itong si Shanice, maiiwan ko siya rito mag isa. " Okay lang ba sayo? Baka marami kang gawain ha. Pati kaya ko naman to, pwede ko naman sabihin sayo mamaya kung saan eh. " Nakakahiya din naman kung aabsent siya para lamang ako masamahan. " Ay sabagay Kathy hehe. Sige sabihan mo na lamang ako ha, mag iingat ka doon okay? Sana lang eh malapit. " " Oumm sige, pumasok kana sa room mo daretso ako sa Principal para makuha ko na mga kailangang ipasa sa bago kong papasukan. " Tumango na lamang ito at umalis na para pumunta sa kaniyang room. " Oh ano kamusta Kathy. May malilipatan kana ba? " Heto na naman tong babaeng to, dahil sa kaniya kung bakit ako mapapalipat ng school. Diko na lamang ito pinansin at daretsong pumunta sa office ni Principal. Pagkapasok ko sa office agad akong pinaupo ni ma'am. Inaayos niya na ang mga papeles kong kakailanganin sa bago kong papasukan. " Kathy, lahat itong hawak kong papel ay ibibigay mo lamang sa bago mong School sila na ang bahala ditong mag asikaso, dahil lahat naman ng kailangan doon eh hawak ko na. " " Opo ma'am, may kalayuan ba itong papasukan ko ma'am ? " " Oo, Kathy. Sobrang layo nito sa ating bayan, ito na lamang kasi ang libreng tatanggap sa iyo. Mabuti na lamang at kakilala ko ang may ari ng eskwelahang iyon. Kung hindi ko ito tatanggapin eh baka matagalan pa akong makahanap at hindi mo matapos itong school year. " Tama nga naman ang sinabi ni ma'am, baka hindi ko ito matapos kung kung hindi ko pa ito tatanggapin at matatagalan siya sa paghahanap ng panibago kong papasukan wala naman akong choice kudi tanggapin ito. " Maaari ko na po bang malaman kung Saan? " " Sa Batangas iha, Empires University ang pangalan ng School. " Empires University? Mukhang mayayaman ang pumapasok ritong mga estudyante, sa ngalan pa lamang ng Unibersidad ay talo na sa ganda. Ngunit kung ganitong kaganda at kung mamahalin ang eskwelahang ito bakit ganon na lamang nila ako tanggapin, bakit libre? Siguro ay sinabihan ng aming Principal ang school na yon kung gaano ako naghihirap sa buhay. Pasalamat na lamang ako at may tumanggap pa sa akin. Magpapaalam na ako sa Principal para maiayos at maihanda ko na ang mga gamit na aking dadalhin. " Sige po ma'am mauuna na po ako, salamat po dahil kayo ang humanap ng bago kong papasukan. " Tumango na lamang ito sa akin at dumaretso na ako palabas. Nang makauwi ako ay kaagad kong inayos ang mga gamit na aking gagamitin at aking dadalhin. Nakapag impake na din ako ng ilang gamit. Bukas ako aalis dito sa paupahan at mamayang gabi sa kwarto ni Shanice ako matutulog, kakausapin ko din siya sa tungkol dito. Ferdus'pov Habang nasa kwarto ako at nag iisip tungkol sa mission na binigay sa akin kahapon ni ama, hindi ko namalayan na hindi ako naka attend ng first class. Kaya dali dali akong kumilos at tinawag si Maru para ihatid ako sa school. " Mr. Demoro, where have you been? Bakit late ka sa klase ko? Wala naman nabanggit ang iyong ama at ina na dahilan para mahuli ka sa klase ko. What happened? I'm sure you have a reason right?" Hayss bakit kasi hindi ako mapakali ng bigyan ako ng mission ng aking ama at hidni ko na rin naisip na may klase pa ako. " I'm sorry for that Miss. I'm late because of traffic, 'right traffic'. " Sana man lang eh maniwala itong babaeng to, alam ko naman kung bakit lagi niyang inaagahan ang pagpunta niya sa tuwing time na ng subject niya. May tama sa akin tong gurong to eh. Napa 'oh' na lamang siya at kalaunan ay pinaupo na ako. " Bakit na late ka bro? " Bulong sa akin ni Valir na katabi ko sa upuan. " Nawala sa isip ko ang klase, iba nasa isip ko ngayon. " Nginisian na lamang ako nito at binalik ang atensyon sa harap para makinig. " Mr. Demoro, are you listening? " Ako na naman ang nakita nito. " Yes, miss." Tamad kong sagot. " If you're listening in my discussion. So Confucius known as what? " "the first teacher in China who wanted to make education broadly available and who was instrumental in establishing the art of teaching as a vocation." " Alright I thought you are not listening. Sorry for that. " Ang sabihin mo gusto mo lang na mapansin kita. Hindi ko na lamang ito sinagot pa at tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa discussion niya. Kathy's pov Ngayon na ang aking pag alis sa paupahan at ngayon ko na din maiiwan si Shanice, kung alam ko lang sana ang mangyayari diko na lang sana pinatulan si Clara. " Oy Kathy ha yung sinabi ko sayo, mag iingat ka sa Batangas, tumawag ka kaagad kapag may nangyari at kung may kailangan ka. Alam mo naman na tayo na lang dalawa ang magkasama. Tumawag ka din agad kapag nakarating kana ha" pag papaala sa akin ni Shanice " Akala mo naman abroad pupuntahan ko e no? And yes ma'am tatawagan agad kita. Mag iingat ka din dito ha, tumawag ka din kapag may nangyari. Hahanap din ako don ng bagong trabaho. " " Oh siya sige ika'y lumarga na, baka gabihin ka don pagpunta don. " Kaya inayos na namin ang mga maleta na aking dadalhin at ibinaba na, tumawag na din pala ng trycicle si Aleng bebang, nako mamimiss ko ang tiktilaok niya. " Oh pano ba yan Kathy, mag iingat ka sa bago mong uupahan. Kapag naman uuwi ka rito eh welcome na welcome ka sa aking paupahan, para ko na rin kayong anak. " Yumakap pa sa akin si Aleng bebang bago pumasok loob. " Oh bes, yung sinabi ko sayo ha tawagan mo ako okay? Wag kang magpapabaya doon ha. Wag mo akong mamimiss baka mabilaukan ako tuwing kumakain eh ayaw ko pang mamatay, jok! " Mangiyak ngiyak niyang sambit sa akin. " Ano ka ba naman, sino ba Naman may sabi sayo na mamimiss kita ha? Sa kapangitan mong taglay? " Tumawa ako at napasimangot na lamang siya sakin. " Are naman joke lang yon! Siyempre mamimiss kita, at tatawagan Kita kapag nakarating na ako doon. Mag iingat ka rin dito ha." Muli ko itong niyakap at nagpaalam na, nakakahiya naman kay manong driver na nag asikaso ng aking gamit para ilagay sa sakayan tas pinag intay ko pa. Naghihintay ako sa kanto ng masasakyan ng jeep ng biglang may kotseng humarang sa akin. " Hi miss! Are you miss Kathy De Guzman? " Aba bakit naman alam nire ang aking pangalan, hindi naman ako mayaman at gaanong kakilala para malaman nito. " Ahm sir? Paalala lang ha, hindi po kasi ako mayaman at paalis ako para makapunta sa aking bagong paaralan. Kung kikidnapin nyo ako wala po kayong makukuha sa akin. At saka mas mayaman naman siguro kayo sa akin. " " Nagkakamali kayo ng iniisip miss Kathy. Hindi po ako holdaper at hindi mo ako masamang nilalang. Ako po ay isang taga pag silbi, galing sa Emperial University. " Ay shala may taga pagsilbi ang school?? Tas naka kotseng mamahalin. Tama nga ang aking hinala na mayayaman ang pumapasok roon. Pero " tekaa nga po, kung gayon eh ano po ang ginagawa nyo rito? At bakit ako ang hanap mo? " " Ahm miss, sinusundo po kasi namin kayo, dahil kayo po ang inutos sa akin ito po ang aking ID card para maniwala po kayo. " Ay ganon infairness mararanasan kong sumakay sa kotse malalamigan din puday ko. " Oh siya sige kuya, muka naman kapani paniwala ang sinasabi mo." Pumasok na ako sa kotse at hinayaan na lamang na mag drive si kuyang taga pag silbi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD