[ Kabanata 4 ]

3388 Words
Kathy's Pov Linggo ngayon at ako'y naghahanda ng aking maisusuot, sisimba ako ngayon para naman mabawasan ang aking kasalanan, aayain ko pa si Shanice para may kasama ako. Dumaretso na ako sa may pintuan ng kwarto ni Shanice para sabihan na sumama sa akin. "Shanice? Gising kana ba? Ayain sana kita sumimba, para Naman mabawasan kasalanan mo. ". " Oo, sasama ako kumain kana din muna dyan, gagayak lang ako at ipag handa mo na din ako ng makakain para mabilis tayo at makapunta agad don, baka maubusan pa tayo ng mauupuan. " Diko na lamang ito sinagot at tumungo na lang ako sa kusina at dumaretso na din sa lamesa at para maka kain na din. Kumakain ako ng biglang bumukas na ang pinto ng kwarto ni Shanice at lumabas na, at para bang hindi Simbahan ang pupuntahan, pupunta ata ito sa mall dahil sa kaniyang suot. " Anong kaartehan yan Shanice?Simbahan pupuntahan natin hindi mall." Natatawang saad ko kay Shanice. " Wag mo nang problemahin suot ko, tapusin mo na yang pagkain mo at magbuhos kana din. " Pagkatapos ko kumain dumaretso na agad ako sa aking kwarto para makapag palit na nang damit. Simple lamang ang aking suot, pantalon at isang plain white t-shirts na aking itatak in, color white na sapatos, oh diba simple lang. Ayoko naman magdress dahil diko naman hilig magsusuot non. " Ano kathy tapos kana ba dyan? Tapos na ako kumain. " Sumilip ito sa aking kwarto, diko pala ito na lock buti na lamang at tapos na din akong magpalit. "Oo tapos na ako. Bumaba kana at tumingin ng masasakyan, susunod ako. " Ani ko dito dahil mag aayos pa ako, dipa ako nakakapag suklay eh. Pagkatapos kong mag ayos bumaba na ako at sakto naman na may trycicle na sa baba. Sumakay na kami ni Shanice at nag paalam kay aleng bebang. Ferdus'pov Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama at nagpapahinga, katatapos ko lang mag gym at magsanay. Nang biglang tumunog ang aking cellphone. Sinulyapan ko ito at nakitaa kong tumatawag si Theo, sinagot ko naman ito agad. "Hello Ferdus? Busy ka ba today? Ayain sana kita birthday ng aking ina may kaunting salo salo, sinabihan ko na rin sila Grey wala naman daw sila gagawin kaya makakapunta sila. " " Sunod na lamang ako Theo, katatapos ko lang kasi mag ensayo. Pasabi sa kanila na susunod ako at wag sila kamong mag abala para puntahan ako dito sa bahay." " Sige sige, restwell. " Diko na lamang ulit sinagot si Theo at bumalik ako sa kama para makapag pahinga na. Lumipas ang ilang oras nag gayak na ako ng aking susuotin, nautusan ko na rin ang aking taga pagsilbi na si Maru na bumili ng isang painting dahil ito ang aking ireregalo sa ina ni Theo. Bumaba na ako at tinawag si Maru para makapunta na ako sa bahay nila Theo, nandun na rin ang aking ina at ama siguro dina ako sinabihan dahil alam naman nila na kaibigan ko si Theo. " Maru Let's go! Wilmer's house. " Makalipas ang ilang oras, narating na namin ang bahay nila Theo kung saan din ginaganap ang kaarawan ng kaniyang Ina. " Oyy, buti dumating ka! Akala ko naman di kana makakarating dahil sa pagod." Salubong sa akin ni Theo, tinanguan ko na lamang ito at inaya na ako sa loob , tumungo kami kung saan nagkukumpulan ang aming mga kaibigan. " Theo, where's tita? I want to greet her and also I have a gift for her I'm sure na magugustuhan niya ang regalo ko. " Tanong ko na may ngisi sa labi, minsan Kasi nagseselos si Theo sa akin dahil sa trato sakin ni tita Malia. " Andun sa loob kasama si mama Fercia ko. " Bawi naman nito sa akin hahahaha, nagpaalam muna ako sa kanila para batiin si Tita Malia. Sakto naman na pagkapasok ko sa loob ay naguusap sila ni Ina. " Oh iho andyan kana pala, halika at iyong batiin ang Tita Malia mo. " Pag papalapit sa akin ni Ina " Good evening tita Malia! Happy birthday po." " Ow my Ferdus! Thank you at nakapunta ka. Where's my gift? " May ngiti sa labi na saad sa akin ni Tita tila ba excited siyang makita ang aking regalo. " I'm sorry tita Malia, I don't have a gift for you, nakalimutan ko dahil nagmamabilis ako papunta rito." Naging malungkot naman ang naging itsura niya. " I'm just kidding tita Malia, nasa car masyadong malaki kasi kaya hindi ko nabitbit papunta rito." Pag susuyo ko kay tita Malia. " Uhmm, excuse me tita , ina. I gotta go, theo and our friends are waiting for me. Take care of yourself." " Okay iho, thank you sa gift. Akala ko naman kinalimutan mo na akong regaluhan. " Nginitian ko na lamang si tita Malia at niyakap. Lumabas na ako at tinungo ang pwesto ng aking mga kaibigan na nag iinom habang si Grey ay kung sino sinong babae ang hinahawakan, babaero talaga tong kumag. " Kamusta Ferdus ang ensayo mo kanina? Ito oh inom ka muna. " Tanong at pag aya sa akin ni Dave, ngunit inilingan ko na lamang ito dahil wala ako mood para uminom at dahil na rin sa nararamdaman kong pagod. Kathy's pov Lunes ngayon kaya inihanda ko na ang aking uniform sa school pati na rin ang uniform sa resto, wala na kasing natira don dahil nilabhan ko na yung mga nagamit ko. Tatlong pares lang naman kasi ang uniporme bawat employee. " Mga bata aba'y gising na kayo, lunes na lunes wag kayong babarog barog. Pasalamat kayo at ginigising ko pa kayo tuwing umaga. " Biglang sigaw naman ng lola bebang nyo. "Gising na ho kami kanina pa, at alam po namin na lunes ngayon. " Saktong paglabas ko sa aking kwarto ay siyang sagot naman ni Ericka na isang kasamahan namin dito sa paupahan. Diko na lamang pinansin ang mga tao dito sa loob at tinungo ang kwarto ni Shanice. "Shanice? Labas kana at sabay tayong mag almusal. " " Oo sige Kathy mauna na ikaw inaayos ko pa yung dadalhin ko." Di ko na ito sinagot at dumaretso na lamang ako sa hapag kainan at daresto akong kumain. Nang matapos ako kumain ay saktong pag labas naman ni Shanice, kinatagal naman nitong mag ayos ng gamit. "Kinatagal mo namn ata ha Shanice. " " Hinalungkat ko pa kasi sa damitan yung uniform sa resto. Diko kasi natandaan kung saan ko nailagay eh naligo na din ako at nagbihis. Oh tapos ka naman na atang kumain ika'y tumayo na at maligo, baka malate pa tayo." Tumango na lamang ako at naglakad patungo sa aking kwarto para maligo at magbihis. Shanice's pov Kanina habang nasa kwarto ako nagsinungaling na lamang ako kay Kathy na may hinahalungkat ako sa aking damitan kaya natagalan ako, sa totoo nyan ay balisa ako dahil naalala ko ang nangyari nung nakaraang sabado. Bwiset naman kasi yung teacher namin sa Ethics eh. *Flashback* Habang naglalakad ako patungo sa aking room hindi ko naman sinasadya na mabangga si ma'am Luciara " Ano ba naman yan! Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo?" " Pasensya na po ma'am, hindi ko naman po sinasadya." Nakatungo kong sagot sa aking guro dahil sa kahihiyan at takot na aking nararamdaman. " Sa susunod na dadaan ka tumingin tingin ka sa dinaraanan mo! Maliwanag?. " Galit na saad sa akin ni ma'am Luciara. Nang tumingin ako sa kanya para humingi ulit ng tawad nagulat ako sa aking nakita, dahil hindi ito normal sa isang tao, super Pula ng kaniyang mga mata. " Ma'am pasensya na po kayo, hindi ko naman po talaga sinasadya. Hindi ko din po alam na may sakit kayo at nabangga ko pa kayo. Pasensya na po ma'am. " " Anong sinasabi mo na may sakit ako? ". Tila ba may bahid sa kaniya na binabantaan ako gamit ang kaniyang ngisi sa labi " D-dahil p-po sa m-mata niyo m-maam ." Dahil sa kaniyang ngisi hindi ko maiwasan na mautal dahil sa takot. Lumapit ito sa akin at mahigpit na hinawakan ang aking braso papalapit sa kaniya at tsaka may binulong " Sa oras na may pinagsabiban ka sa nakita mo tungkol sa aking mata, lahat ng dumadaloy na dugo sa iyong katawan ay uubusin ko." Nakangising sabi sa akin ni ma'am Luciara at kusa na lamang akong napatango dahil sa kaba. At bigla na lamang itong naglaho sa aking paningin. *End of Flashback* Kaya ngayon hindi ko alam ang aking iisipin, hindi ko din alam kung makakaya kong tumingin sa mga mata ni ma'am Luciara at kung kaya ko ba itong makita. " Hoy! Bakit tuleley ka dyan? " Tanong sa akin ni Ericka na hanggangg ngayon eh nasa hapag kainan pa din " Pake mo! Close tayo?" Inirapan ko na lang ito at hindi na muling pinansin. Kathy's pov Katatapos ko lang maligo at mag ayos ng aking sarili, diko alam kung bakit pakiramdam ko may tinatago sa akin si Shanice, simula pa kahapon napansin ko na ito dahil sobrang tahimik niya simula nung sumakay kami ng trycicle papuntang Simbahan. Pero kung meron man at di nya sasabihin okay lang ayoko naman na pangunahan siya, at alam ko din naman na sasabihin niya din yon if meron man. " Hoy Kathy ano na tapos kana ba dyan? Tapos na ako kumain, tara na sa labas at para makakuha ng masasakyan baka malate pa tayo. " Biglang sigaw ni Shanice. " Ay uu tapos na, palabas na nga e" Sabi ko at tuluyan ng lumabas. Bumaba na kami ni Shanice sa bahay na inuupahan namin para mag abang ng trycicle, naninibago talaga ako dito sa kaibigan ko sobrang tahimik hindi naman siya ganito eh, sa tuwing nag aabang kami lagi yan may sasabihin at ikkwento para hindi kami maboring kakaantay ng sasakyan. " May problema ka ba Shanice? Ang tahimik mo naman ata ngayon. " Nagulat pa siya sakin ng tanungin ko ito sa kaniya at kalaunan ay inalis na niya ang pagkakagulat sa mukha. " Ha? Wala naman, atsaka wala akong maikwento sayo eh. " Akmang sasagot pa ako sa kanya ng pigilan nya ako. " Oh wag kana madaming tanong at may sasakyan na tayo. " Diko na lamang ito pinansin pa at winaksi ko na lamang ang iniisip ko tungkol sa tintago nito sa akin at tinungo na lang namin kung na saan ang sasakyan. Nakarating na kami sa Unibersidad at itong si Shanice eh parang hindi mapakali ano kaya nangyayari sa kanya. " Ano ba nangyayari sayo ha Shanice, may problema ka ba dito sa school? " Dina ako mapakali kaya tinanong ko na siya. " Wala naman Kathy, wala lang talaga ako sa mood ngayon, baka siguro eh malapit na akong magkaron ng regla. Sige mauna na ako ha, ingat ikaw. Bye! " Akmang sasagot pa ako eh bigla bigla na lamang tumakbo, feeling ko talaga may tinatago ito sa akin at aalamin ko yon. " Bakit ba kasi tinatanggap ang isang tulad nito dito sa school, nakakasira lang siya ng image ng school eh. " Diko pala napansin itong clown na to sa daan. Parinig pa ng parinig. Diko na lang sana ito papansin ng hilahin niya ako pabalik para makaharap ko siya. " Ano ba bitawan mo nga ako! Ano ba problema mo ha?!" Inis na sabi ko dito, baka hindi na rin ako makapag pigil sa araw araw niyang pagpaparinig at pagsira ng aking araw. " Ikaw! Ikaw ang problema ko, pwede ba umalis ka na lang dito sa school at humanap ng iba. Okay ba yon ha? Nakakairita ka! At isa pa pwede bang layuan mo na si Gerald? Diba wala na kayo at nasa akin na siya! Kaya pwede layo layuan mo siya! Wala ng kayo! " Aba problema ko ba na habulin ako. " Aba! Hindi ko kasalanan na yang boyfriend mo e lumalapit pa sa akin! At ano? Paaalisin mo ako dito sa school? Bakit ikaw ba may ari nito ha?! At isa pa kung ayaw mo akong makita ikaw ang umalis. Napaka babaw ng reason mo! " Akmang aalis na ulit ako ng bigla niya akong sabunutan at iharap sa kaniya at bigla niya akong sinampal, hindi na ako nakapag pigil kaya pinatulan ko na " Oh my gosh! Guys tingnan mo sila Kathy nagsasabunutan" isa sa mga estudyante na nakamasid " Oo nga! Pigilan nyo" " Sira ka wag tayong mangielam " " Bakit hindi siya tulungan nila Athena." " Kawawa naman si Clara, siya napupuruhan" " Ms. De Guzman and Ms. Samson! Follow me in my office!!! " Napatigil kami ni Clara sa pagsasabunutan ng bigla kaming sigaw ni tanda este ng principal at sumunod na kami sa kanya habang galit pa rin ang tingin sa akin nitong si Clara at ng kaniyang alipores. " Go explain this " ani ng Principal " Ma'am si Kathy po ang may kagagawan at siya po ang sumugod sa akin. " Sumbong naman ni Clara kaya sumagot na rin ako. " Ma'am hindi po totoo yan, naglalakad lamang po ako ng hilahin niya ako at sabunutan, hindi naman po porket siya ang napuruhan siya na yung biktima dito. " " Hidni po totoo yan Principal, si Kathy po ang nag umpisa" isa sa alipores ni Clara. Panigurado ako masisisi dito marami sila at iisa lang ako. At lalo na may kapit si Clara dito dahil mayor ang tatay niya " Okay. Miss De Guzman I'm sorry to tell you this, pero hindi kana maaaring pumasok sa paaralan na ito. Mangyari na humanap ka na ng bago mong papasukan. " Parang guguho na ang aking mundo sa aking narinig, halata ko din na parang napilitan lamang itong gawin sa akin. " You may go miss Samson, kailangan ko pang kausapin si miss De Guzman dahil sa nangyari. " May ngisi sa labi ni Clara bago niya tuluyang lisanin ang silid na ito. " Miss De Guzman, I'm sorry for this. Kailangan ko ang trabahong ito hindi ako maaaring matanggal kapag hidni ko ito gagawin. Lahat ng nangyari ngayon sayo eh planado, sinabihan na ako ng magulang ni Clara. Alam ko kung gaano ka kabait at kasipag na bata." Wala din naman akong magagawa kung ganito na ang nangyari. " Pero ma'am hidni ko po alam kung saan ako pupulutin nito, hindi ko po alam kung saan ako hahanap ng panibago kong papasukan. " Mangiyak ngiyak kong turan sa Principal " Wag ka mag alala miss De Guzman, ako na ang hahanap ng bago mong papasukan. Pasensya na kung ginawa ko ito kailangan ko lang talaga tong trabaho ko. Bilang pag bawi ako na lang ang hahanap. Sasabihan kita agad kapag nahanapan kita. " Pag hingi niya ng tawad sa ginawa niya, alam kong mabait din itong Principal namin. Kaya pag kakwan ay tumayo na ako at dumaretso sa aking silid, umupo ako sa aking upuan at nagmukmok. Dahil sa nangyari hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko tila ba gumuho na aking mundo at para bang pinag kakaisahan ako ng nasa paligid ko. " Good afternoon po! Dito po ba si Miss Kathy De Guzman? Pinapatawag po siya ng Principal ngayon na din daw po!." May isang estudyante ang pumasok at hinanap ako para sabihjn ang inutos sa kaniya. Dumaretso na lamang ako sa office kung na saan ang Principal, kumatok ako at pinapasok naman niya ako agad at pinaupo. " Miss Kathy good news nahanapan agad kita ng mapapasukan mo. " Good news ba to eh pinag bagsakan na nga ako ng langit at lupa. " Hindi mo na poproblemahin ang bayad, aasikasuhin ko na lamang ang mga kailangan mo para makapasok kana sa bago mong papasukan. Alam ko na mahirap para sayo dahil magsisimula ka ulit ng panibago, pero alam ko Naman na kaya mo itong lagpasan. Good luck sayo Kathy. " Hayy buhay, sa halip na tuloy tuloy ang aking pag aaral pero naudlot ito dahil kay Clara. Kaya ko ito, isipin ko na lamang na walang nangyari at isipin ko na lamang na bagong yugto ng aking buhay. Tinapos ko lamang ang klase ngayon at dumaretso na paguwi. Hindi ko na naantay si Shanice dahil sa nararamdaman ko ngayon. Nagmumukmok ako sa kwarto ng biglang kumatok si Shanice sa pintuan. " Kathy? Papasukin mo ako. " Siguro nalaman na niya ang nangyari sakin. Tumayo ako para buksan ang pintuan at pinapasok siya upang makapag usap kami. " Bakit dimo ako inantay? Akala ko naman eh di pa kayo uwian kaya pumunta ako sa room mo. At ang sabi sa akin ng kaklase mo eh may nangyari. Tell me ano yon? " Pag alala sa akin ni Shanice. "Si Clara kasi, bigla bigla na lang niya ako guguluhin. Eh ayon nauwi sa away. At eto pa ha hindi na ako maaaring pumasok sa school. Pinalipat ako. " " What?!!! So maiiwan ako don mag isa? At si Clara jusko hindi ka talaga tinigilan non ha. " Inis na saad ni Shanice " Oo eh, sa ngayon inaasikaso na ng Principal yung mga kakailanganin ko sa bago kong papasukan. Hays diko nga alam kung malapit ba rito sa atin. Baka pag malayo eh lumipat ako ng mauupahan. " " Hays! Bwiset naman kasing babae yon. Pag malayo yang papasukan mo okay lang sa akin na maiwan dito sa paupahan, alam ko naman kung gaano mo gustong makapag tapos. Gusto man kitang samahan eh ang kaso baka nga malayo." " Yaan na ah, nandito na eh wala na tayong magagawa. Magkikita pa naman tayo sa trabaho, sana nga lang eh may oras ako sa trabaho kung wala baka tumigil ako sa aking pag aaral. " " Basta mag iingat ikaw don sa lilipatan mo ha. Osya sige ako'y babalik na muna sa aking kwarto, marami pa akong gagawing assignments. " Paalam sa akin ni Shanice at bumeso sa akin bago pumanhik sa kaniyang silid. Sa tagal ng aking pag iisip tungkol sa nangyari ngayon, unti unting pumikit ang aking mga mata sanhi ng pag ka antok na nararamdaman. Ferdus'pov " Sir, pinapatawag po kayo ng inyong ama sa kaniyang silid. " Isang taga pag silbi ang pumasok sa silid na aking pinag sasanayan. Tinanguan ko na lamang ito at niligpit ang mga bagay na ginamit ko sa pag eensayo. At tinungo na ang silid kung nasaan ang aking ama. " Magandang gabi aking ama, pinatawag mo daw ako? " Tumango ito sa akin at tinuro ang upuan na kaniyang kaharap. " Pinapunta kita rito para sabihin sayo na may isa kang mission. " Mission? Bakit ngayon na lamang ulit ako binigyan ni ama ng mission. " Mission na dapat mong ma accomplish, dahil isa itong pagsubok para hatulan kita na karapat dapat kang umupo sa aking pwesto. Hidni ito gaanong kadali Ferdus. " Tila ba kinabahan ako sa turan ng aking ama, hindi ito tulad ng dating binibigay niyang misyon. Siguro ito na ang huling mission na aking gagampanan kaya ganito na lamang ang turan ng aking ama. " Anong mission ba ito ama? Tila ba may kahirapan ito tulad ng pinaparating mo sakin. " " Tama ka Ferdus, may kahirapan nga ito. " Tumigil siya sa kaniyang sasabihin at pinakatitigan ako ng ayos. " Ang mission na ito ay tayo lamang ang nakakaalam. May isang tao akong tinanggap na maaaring pumasok sa ating paaralan. Pinahihintulutan kitang makisama sa taong ito, dahil siya mismo ang iyong mission. Dapat mo siyang pangalagaan sa mga nasasakupan nating Bampira, ang mission na ito ay dapat na mapasunod mo ang mga bampirang mag nanais patayin ang taong ito. Kung mapatay ng isang Bampira ang taong ito at hindi mo napasunod ang mga bampira, hindi pa ito ang panahon para ibigay sayo ang trono. Maliwanag ba sayo? " Paliwanag sa akin ni ama. Tila ba kay hirap ng mission na ito lalo na at may mga bampirang suwail. " Ang misyong ito ay dapat tumagal lamang ng limang buwan. " Pagdagdag nito sa sinabing mission. " Naiintindihan ko ama. Ibibigay ko ang lahat ng aking kakayanan, para maipakita ko sa Iyo ama at sa lahat na kaya kong mamuno sa ating mundo. " " Kung gayon, maaari ka ng lumabas at pag isipang mabuti ang mission na ito. " Tumango na lamang ako bilang sagot at lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD