chapter 3

1215 Words
"Lander hindi mo naman kailangan pa na ihatid ako," saad ko ng ihatid na naman ako ni lander halos dalawang linggo niya na 'yon ginagawa at paulit ulit kong sinasabi na tigilan niya na ako pero patuloy padin siya sa pang liligaw saakin. Naiilang nadin ako at hindi talaga ako kumportable pero dahil nag titipid ako sa pamasahe ay sumasabay nalang ako sakaniya. Okay na 'yon para makadagdag sa gastos sa pag aaral ko. "hayaan mo na ako via, I really like you." saad niya at sinubukang hawakan ang kamay ko pero agad din akong napaatras. "Wala akong maipapangako sayo kundi ang pagkakaibigan lang lander, Hindi pa ako handa makipag relasyon at busy din ako sa pag aaral." "it's fine mag hihintay ako kung kailan ka ready," umiling ako at napabuntong hininga, sa huli ngumiti nalang ako at nag pasalamat sa pag hatid niya. Umuwi nadin siya agad matapos akong ihatid, wala din naman akong balak na papasukin siya sa apartment namin dahil wala din naman akong maiooffer bilang pasasalamat sa paghahatid niya saakin. "Via !!!!!!!!!" umalingaw ngaw ang boses na yon pag pasok ko palang ng gate sa campus, Sa boses palang ay kilalang kilala ko na kung sino. "via, kanina pa kita tinatawag," saad niya at binunggo pa ang balikat ko. Hingal pa siya habang nag sasalita dahil sa pag takbo. "ang lakas ng boses mo nakakahiya," "e pano ayaw mong huminto," ngumuso pa ito. "Ano bang problema?" tanong ko dahil kapag ganito siyang late ay malamang may nakalimutan na naman siya. Madalas ay nauuna siya saakin pumasok. "nakalimutan ko yung pinapagawa ni sir hehe," sabi ko na nga ba. Kinuha ko ang notes ko at binigay sakaniya masaya niya naman niya yong kinuha at niyakap ako. "Thankyou via!" nag katawanan nalang kaming pareho, hindi naman siya madalas na mag patulong saakin tungkol sa mga pinag aaralan namin dahil isa din siya sa matatalino na kaklase ko. Malamang ay tinanghali na siya nang gising dahil nag addict na naman sa pag lalaro ng online games. Naging mabilis lang ang klase at nang palabas na ako ng campus ay natanaw na naman namin ni mary si lander sa labas ng gate kausap niya uli ang mga barkada niya at ang ilang mga babaeng sikat sa school na agad na sumimangot sakin. "Hindi talaga tumitigil si lander noh," saad ni mary "oo," "off mo ngayon di ba? tara,* aya sakin ni mary at hinawakan ang pulsuhan ko nag patangay nalang ako kung saan niya balak pumunta. "lander aalis kami ni via nexttime mo na siya ihatid," saad ni mary ng madaanan namin si lander hindi na niya inantay pa ang sagot ni lander at pinapasok na ako sa kotse niya. "saan naman tayo pupunta mary?" tanong ko dahil mukhang masaya siya at excited. "sa crush ko sisilipin ko lang siya," nakangiti niyang sabi at pinaandar na ang kotse. "talaga may crush kana akala ko pa naman ay wala kang interes sa lalake, o wag mong sabihing babae 'yon?" tanong ko dahil hindi manlang pumasok sa utak ko na magkaka gusto siya sa lalaki kadalasan kasi pag nakakakita siya ng lumalapit sakaniyang lalaki ay parang nandidiri siya. "hoy! grabe ka sakin!" sigaw niya na natatawa. "so babae ba o lalake?" tanong ko dahil curious talaga ako kung sino ang crush niya. "malamang lalake noh!" singhal niya "grabe via ang gwapo niya!" kinikilig niyang saad. "saan mo naman siya nakilala?" "actually friend siya ni daddy, bumisita siya sa bahay kaya duon ko siya nakilala," "okay," napaisip ako sa sinabi niya kung ganon ay kaibigan ng dad niya so ilang taon na kaya yon, tatanungin ko na sana siya ng tumigil ang sasakyan sa isang restaurant katapat nuon ay napakataas na building. "tara na via andiyan siya," bumaba nadin ako ng kotse at sinundan siya na pumasok sa isang restaurant. pag pasok ay umupo kami at siya naman ay umorder agad ng juice. "Mukhang nag cr siya via," saad ni mary, tumango nalang ako at uminom muna ng juice, nakita ko pa ang pag ayos ng upo ni mary ay pag takip menu sa mukha niya. "mukha tayong stalker nito mary," kunot nuo kong saad, siya naman ay mukhang kinikilig sa kinauupuan. "via nakakahiya lumapit," kagat labi niyang saad. "saan ba diyan ituro mo," bulong ko, at ng ituro niya ay halos mapairap ako ang layo namin at halos hindi ko makita dahil natatabunan pa ng ibang kumakain. "lumapit tayo hindi ko makita, napaka layo natin kung makatago ka riyan," saad ko at kinurot ang tagiliran niya. "awww, eto na di ka kasi relate wala kang crush," irap niya na natatawa, tumayo nadin siya at nag simulang lumapit akala ko ay lalapit lang kami ng pwesto pero laking gulat ko ng umupo siya mismo sa harap ng sinasabi niyang crush niya, wala nadin akong nagawa kundin umupo kahit gustong gusto ko na umuwi, nakayuko ito at busy sa tinatype sa laptop. "Hi ajax," napatingin agad ito kay mary at sinara ang laptop. Duon ko nakita ang itsura niya totoo ngang gwapo ito maitim at makakapal ang kilay matangos ang ilong mapulang labi. kahit nakaupo kami ay kitang kita kung gaano kalaki ang katawan niya saamin. Sa tingin ko din ay matanda ito ng ilang taon. "what are you doing here?" saad niya sa baritonong boses, lumipat ang tingin niya saakin at agad nag likot ang mata ko at ibinaling sa iba ang tingin. "wala, nagugutom lang kami ng kaibigan ko kaya kakain kami," nakangiting saad ng kaibigan ko pero mukhang nag pipigil itong kiligin sa harap ng crush niya. "what do you want to eat," tanong niya at lumipat ang tingin saakin na parang ako lang ang tinatanong. Yumuko nalang ako at siniko ang kaibigan kong natulala na habang nakangiti sa lalaking 'yon. Nang matauhan si mary ay tumikhim ito. "ano, pasta at juice nalang samin ajax." kumunot ang nuo nito at tinawag ang waiter para mag order. "you should call me sir or tito I'm older than you, you're my friends daughter right?" "yup, pero you're not that old for me." rinig kong sagot ni mary habang nakayuko ako at binaling nalang ang atensyon sa pagkain. hindi ko na narinig ang sagot ni ajax at nag patuloy nalang kami sa pagkain. "Kailan ka pupunta uli sa bahay ajax?" tanong ni mary, nakaupo padin kami at si mary ay mukhang walang balak tigilan ang crush niya na tahimik lang. "I don't know when." simpleng sagot nito at pinunasan ng tissue ang labi. tumango tango lang si mary ngumiti ng matamis dito. "cr lang ako wait," saad ni mary at iniwan akong nakaupo habang nasa harap ko ang crush niya ay pakiramdam ko biglang tumahimik ang paligid at tanging kaming dalawa lang ang narito. "thankyou sir sa food," mahina kong saad habang nakayuko. "sir?" he chuckled. "a tito? tanong ko dahil sabi nya kanina matanda siya saamin. Duon ko narinig ang tawa niya na nakapag kabog ng dibdib ko. Tumayo siya at duon ko lalong nakita kung gaano siya kalaki at katangkad. Yumuko siya hanggang sa mapantay sa tainga ko ang bibig niya. "daddy," bulong niya, napatayo ang balahibo ko ng maamoy ko pa ang mabango niyang amoy, Pag tayo niya ng tuwid ay ngumisi siya at nag lakad na papalayo. Naiwan akong tulala at pinoproseso ang sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD