chapter 2

1104 Words
"A-ano?" Akala ko lamang ay may ipapagawa siya tulad ng mga ibang studyante pero ang ligawan ako ay talagang nag pa gulo sa utak ko. tumitig ako sa mga mata niya baka sakaling mabasa ko kung nag bibiro ba siya o ano pero wala akong makitang emosyon duon kahit nakangiti ito sa'kin. "Bakit?" muli kong tanong, Luminga pa ako at hinanap ng mga mata ko ang mga kaibigan niya dahil baka pinag titripan lamang ako ng mga ito. "Dahil gusto kita," simpleng saad niya at naka paskil padin ang ngiti. "Bakit ako?" Alam kong hindi ako ang mga tipo niyang babae na mayayaman at magaganda, simple lamang ako at walang kolorete sa mukha hindi tulad ng mga naging babae niya na sexy at mga mamahalin ang mga suot. Samantalang ako ay simple lang mahirap. "I just like you." napaawang ang labi ko at sa huli ay bumuntong hininga. "wala akong panahon makipag lokohan sayo lander," saad ko at tumalikod na at nagsimulang humakbang palayo sakaniya. Nakakailang hakbang pa lamang ako ng maramdaman ko ang kamay niya na humawak sa kamay ko. "wait, via seryoso ako let me court you." hawak padin niya ang kamay ko at may iilan na nakatingin saamin, tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at hinarap siya. "pwede ba tigilan mo na ako," inis kong saad at nag mamadaling umalis dahil pinag titinginan na kami at ayokong malink sa playboy na katulad niya. Akala ko ng sinabihan ko siya na tigilan ako ay titigil siya pero hindi. Patuloy padin ang pag papadala niya sa kung sino sino ng bulaklak pagkain at chocolates. Umabot na ng isang buwan at ganun padin. "Tsaga ni lander ah, ngayon ko lang nalaman na marunong pala siya manligaw." saad ng kaibigan kong si mary kaklase ko siya at matagal na kaming mag kakilala dahil same kami ng course at matagal ng kaklase. Hawak niya ang isang tangkay ng pulang rosas at binabasa ang maliit na card duon. "always take care," basa niya at natatawa. "hindi ko alam kung anong gagawin ko sakaniya para tumigil siya," nangalumbaba ako at bumuntong hininga. Muli siyang natawa sa sinabi ko. "gaga ka wag mo nalang pansinin mapapagod din 'yon, di naman 'yon sanay na nanliligaw malamang ay susuko din 'yon." napabaling ang tingin ko sakaniya at nakangiti ito habang tinataas baba ang kilay. "sana nga, naiinis na ako dahil pinag chichismisan na ako sa school." naiinis ako dahil kumalat na ang balita na nililigawan ako ni lander dahil do'n ay nakuha ko ang atensyon ng karamihan ng studyante at hindi ako kumportable lalo na kapag tinitingnan ako. "wag mo ng pansinin, tara na kain nalang tayo." yaya niya at tumayo. "Nag titipid ako, ikaw nalang busog pa naman ako." saad ko at binuksan na lamang ang notes ko. "halika na libre ko," wala na akong nagawa kundi nag patinuod sa pag hila niya sa'kin. Napangiti nalang ako habang hawak niya ang braso ko. Alam ko na marangya din ang buhay niya pero napaka simple niya at hindi namimili ng kakaibiganin hindi tulad ng iba kong kaklase na naka depende sa estado mo sa buhay kung paano ka nila pakitunguhan. Bumili siya ng spagetty at juice at dessert na chocolate cake pareho kami ng kinain dahil kung anong hilig kong kainin ay gusto din niya. "tsss feelingera ang arte siya ng nililigawan ng isang lander nag iinarte pa." rinig kong malakas na saad ng nasa kabilang table. Si hilary nakilala ko siya dahil naging classmate ko siya nuon pero lumipat din ng course. Agad namang napabaling ang tingin duon ni mary at sinamaan ng tingin si hilary. Malakas niyang binaba ang tinidor at nag salita. "inggit ka lang dahil di ka niligawan dahil panget ka!" nakita ko ang pag singhap ni hilary at dalawang kasama nito napatakip pa sila ng bibig. "excuse me! ako panget?" eksaherada nitong saad at kumuha pa ng salamin para tingnan ang sarili. Nakita ko ang ilang mga studyanteng kumakain na mga natatawa. "oo ikaw panget! tingnan mo itsura mo sa itsura ng kaibigan ko, mukha kalang kuko niya sa paa!" muling nag tawanan ang mga nakikinig samin. "you b***h!" napatili ang si hilary sa inis. "mary tama na," saad ko at hinawakan ang kamay niya dahil mukhang hindi din siya mag papatalo. "tara na friend," hila ng kasama ni hilary at umalis duon sa table. Natawa nalang ako sa kaibigan kong muling kumain na parang walang nangyari. "baliw ka talaga," natatawa kong saad. "kumain ka nalang dyan," tinuro niya gamit ang tinidor ang pagkain ko habang nag salita na puno pa ang bibig. pinag masdan ko siya habang kumakain maswerte ako at may kaibigan akong gaya niya nuong unang taon ko dito ay madalas akong pag tawanan at walang nakikipag kaibigan sa'kin kaya madalas akong mag isa pero ng dumating siya at naging kaibigan ko ay hindi na ako natatakot o nahihiyang pumasok hindi nadin ako nabubully at masaya na akong papasok dahil alam kong may isa na akong kaibigan sa school at sapat na 'yon. Matapos ang klase ay sabay na kaming palabas ng gate ni mary natanaw ko agad si lander at sigurado akong ako ang kakausapin niya napabaling naman ang tingin ko sa katabi niyang si hilary hindi ko alam kung ano na naman ang pakulo nila. "Hi via! nag aalala ako sayo ng malaman ko na pinag salitaan ka ni hilary, kaya kinausap ko siya na tigilan ka." saad agad ni lander ng makalapit kami sa pwesto nila. "S-sorry Via," si hilary na tumingin saakin ngunit ng mabaling ang tingin niya sa katabi kong si mary ay tumalim ang tingin nito, sinulyapan ko si mary at nakita ko ang pag angat ng isang kilay nito at pag ngisi na mukhang nang aasar pa. "ayos lang hilary," saad ko dahil wala naman saakin 'yon sa tingin ko kami pa nga dapat ang mag sorry dahil napahiya siya kanina at ngayon naman ang mary na to mukhang natutuwa pang asarin si hilary na mukhang naiinis lalo sa pag ngisi niya. "Hindi ko na uulitin," saad ni hilary at bumaling na kay lander. "okay na lander," saad nito kay lander at matamis na ngumiti, nauna nadin itong umalis matapos mag paalam kay lander. Halatang dahil lamang kay lander kaya siya humingi ng tawad. "pero sana tigilan mo na lander ang pag bibigay ng kung ano ano sa'kin, ayokong mag karoon ng koneksyon sayo at wala akong panahon magkaroon ng boyfriend." tumango lamang siya at nag simula kaming mag lakad muli ni mary. "Wag ka basta bastang maniniwala sa babaerong yon via," saad ni mary at nilingon muli si lander na nakatanaw lamang sa'min.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD