"Hoy Aeyu! Aeyu Tan!", sigaw ng hindi ko alam kung sino kasabay pa ng paghampas sa hita ko na naging dahilan para mapabalikwas ako ng bangon pero nakapikit pa din ang mata.
"Ano ba?!", pagalit ko ding sabi sabay mulat ng mata na sana ay hindi ko na lang ginawa.
Nanlalaki ang mga mata ni mama na diretsong nakatingin sa akin at nakalagay pa ang isang kamay sa kanyang bewang.
Kahit naman sino siguro ang tumingin sa kanya ay talagang matatakot.
Para syang halimaw sa postura nya.
"Ano na namang pumasok sa kokote mo at nandito ka na agad sa bahay?! Sa pagkakatanda ko ay mamaya pang alas-syete ang uwian mo?! Baka nakakalimutan mo? May inaalagaan kang grades!", sunod-sunod na sabi ni mama na naging dahilan ng paglunok ko.
Sasabihin ko naman sa kanya ang totoo. Pero syempre, hindi yung tinamad ako.
"Bigla kase akong dinatnan mama, nakalimutan kong magdala ng extra pads at pang-baba. Saka don't worry mama, nagpaalam naman ako kay tan- este Teacher Jenneth", muntik ko nang masabing tanda, buti napigilan ko ang matabil kong bunganga.
"Hay nako ey-ey! Osige na! Kunyare nakumbinse ako ng makaluma mong palusot. Bumaba ka na doon at magluto ng hapunan natin, masyado akong napagod sa trabaho, iidlip muna saglit", mahabang sabi ni mama, dahil nafi-feel ko yung pagod nya, minasahe ko ang balikat ni mama.
"Don't worry Mrs. Zaine Tan! Ako na ang bahala sa hapunan natin. Ikaw, mag-relax ka lang! Ako nang bahala sa lahat!", pang-uuto ko sa kanya na naging dahilan ng pagtawa nya. Akmang hahampasin nya ko ngunit hindi natuloy dahil tumakbo na ko paalis sa kwarto.
"Pahinga ka lang dyan mama!", sigaw ko pa at nagtungo na sa kusina.
Nag-umpisa na kong maghiwa ng mga sangkap para sa gagawin kong sinigang na baboy. Pagkatapos kong hiwain ang mga ito ay pinakuluan ko na sa isang kaserola.
Habang hinihintay kong maluto ang ulam namin ni mama, napagpasiyahan kong bisitahin ang account ko sa online dating app na kinabaliwan ko kagabi.
@Laki_alaga sent you a message (8)
Yan agad ang bumungad sa akin. Magmula pala kagabi ay hindi ko na nabuksan 'tong app na 'to.
Matiyaga sya huh? Matiyagang mangulit tsk!
At dahil medyo na-curious ako sa messages nya, binuksan ko ito.
Bakit naman kase sya lang ang nagmemessage sakin? Wala na bang iba? Hanep!
@Laki_alaga
Uy miss?
Miss-is ko?
Flat!
Assumera!
Mahal ko!
Ms. Virgin_Fresh_Pa_Sa_Tahong!
Patikim naman ng tahong mo!
Vc?
Yan ang tumambad sakin pagkapindot ko ng messages nya.
Langya! Wala na ba syang masabi at puro ganyan ang laman ng mess nya?
Takte! Ang boring naman nya kausap kung ganoon. Para kase sa akin, mas gusto kong kausap yung matured, yung maraming alam na usapan, yung malawak yung isip, yung hindi nauubusan ng topic.
Gusto ko din yung lalaking mas gustong pag-usapan ang future plans kesa sa kabastusan at walang kwentang asaran lamang ang alam.
Pero dahil wala naman talagang ganyan, pinatulan ko na din 'tong malaking alaga na 'to. Sabayan ko na lang tutal nabobored na din ako.
Replying to @Laki_alaga
Ano na naman jutay? Jutay pero laki_alaga ang un? Okay ka lang?
@Laki_alaga sent you a message.
Tsk. Gusto mo lang makita alaga ko e, baka kapag tinuklaw ka nito, maiyak ka sa sakit.
Ang bilis naman nyang magreply! Hanep! Hindi naman halatang inaabangan nya reply ko?
Okay Aeyu the assumera alert!
Replying to @Laki_alaga
Oo na lang sir.
@Laki_alaga sent you a photo.
Pagkapindot ko sa sinend nya ay talaga namang lumuwa ang mata ko! Grabe! Takte! Naka-drugs ba 'to?
Nagsend ba naman ng picture ng alaga nya! Hindi alagang aso, hindi alagang pusa o kung ano pa man!
Alaga! Kargada! Manhood! Pennis! As in!! Sinend nya!
ANG. LAKI.
Yun lang ang masasabi ko.
Nagising ako sa pagde-daydream ng marinig ko ang gumagalaw na takip ng kaserola.
Kumukulo na pala ang niluluto ko takte.
Hindi ko na nireplyan pa si laki alaga at naisipan ko nang tawagin si mama para kumain.
Tulala pa din ako dito sa kisame ng kwarto ko habang nagdadalawang-isip kung bubuksan ko pa ba yung dating app ko.
Panigurado puro pang-aasar agad bubungad sakin don.
Malamang sa alamang ay gagawa nya ng meaning ang hindi ko pagrereply.
Baka isipin nya pang pinagnasaan ko ang alaga nya! Duh!
Pero dahil dakilang marupok ako, binuksan ko pa din yung app syempre.
@Laki_alaga
Uy miss!
Wag mo namang pagnasaan ang alaga ko.
Uy joke lang HAHAHAHA
Umuwi ka na baby
'To na, seryoso na talaga ko miss
Niloloko lang naman kita e HAHAHA
Yan yung bumungad sa akin pagkabukas ko ng messages nya.
Replying to @Laki_alaga
Hindi na talaga kita rereplyan kapag puro kalokohan 'yang nasa isipan mo. Magseryoso ka naman.
@Laki_alaga sent you a message.
'To na future ko! Papakilala na ko ng maayos okay?
Hindi ko na alam ang nangyare. Hindi ko din alam kung bakit kausap ko na sa phone 'tong laki alaga na 'to.
Yes, nag-voice call kami.
At eto ako, kinikilig-kilig ang tumbong dahil sobrang gwapo ng boses nya! As in! Takte! Feeling ko naiihi na ko sa kilig!
Nagagwapuhan ako sa boses nya e samantalang naka-voice changer naman sya. Hanep! Takot na takot malaman ang boses! Siguro boses tuko sya!
"So anong year mo na ngayon?", pagtatanong nya.
"4th year nga. Education.", sabi ko sa kanya. Panigurado hindi 'to maniniwala hanep.
"Seryoso? Sa height mong 5'2? 4th year? Kaliit mo.", pang-aasar nya sakin.
"Anong magagawa ko? Maliit ako e. Kasalanan ko ba yon?", sabi na mang-aasar 'to e! Hanep sya!
"Hindi ka ata natutulog sa tanghali nung bata ka kaya ganyan ka kaliit hahahaha", saya-saya nya pa? Hanep!
"Teka nga! Bat ba kase puro sakin ang usapan? Ikaw? Anong year mo na?", hindi naman ata pwedeng ako lang ang magsasabi ng impormasyon ko! Unfair naman!
"4th year na din ako. Engineering.", sagot nya naman.
"Same-same pala tayo e!", halos pumalakpak na ang tenga ko nang malamang magka-edad lang naman pala kami.
"Same ka dyan?! Magkaiba tayo. Maliit ka, matangkad ako.", nang-asar pa nga!
"Tangina mo po, sagad!", medyo naiirita na din ako sa kanya takte. Panay asar!
"Joke lang, wag kang manggigil dyan. Kwentuhan na kita wag kang mag-alala hahaha", nagningning naman ang mata ko sa narinig.
"Sige sige! Makikinig ako. Behave lang ako dito", humiga pa ko sa kama para dama ang pagkekwento nya.
"Iisang anak lang ako ng magulang ko. Mayaman ang magulang ko pero ni minsan hindi ko ginusto 'yon. Bawat galaw ko kailangan pino, bawat desisyon ko dapat dadaan sa kanila. Hindi pwedeng tatanga-tanga. Kailangan maging matalino. Alam ko naman ang kapalaran ko. Gagawin nila akong aso na sunod-sunuran sa gusto nila. Kahit pagpapatayo ng mga bahay, gusali, at iba pang establisyimento ang gusto ko, bandang huli, makukulong lamang ako sa isang opisina. Uupo at aasikasuhin ang business ng magulang ko na ipinundar ng mga lolo at lola ko.", ramdam na ramdam kong nasasakal sya base sa kwento nya.
"Hindi nila yon gagawin tae! Sa pagkakaalam ko, hindi kayang pigilan ng magulang ang kasiyahan ng kanilang mga anak. Nandyan sila para gumabay sa gusto natin at hindi ang humadlang dito.", pagpapagaan ko sa loob nga para naman gumaan yung atmosphere sa amin.
Masyadong nakaka-tense ang mga sinasabi nya. Ramdam na ramdam ko yung hinaing nya.
"Siguro nga iba ang pananaw nyo. Iba kase ang sitwasyon ko. Pero hayaan mo na. Basta ikaw ang kasama ko sa pagtanda hahahaha", ramdam kong namula at nag-init ang pisngi ko sa sinabi nya.
Aba! Kahit biro yon, malaki ang epekto non sakin!
"Sira ka!", grabe sya mang-asar! Tagos sa buto ko! Masyadong malaki ang epekto sa akin!
Marami pa kaming napag-usapan, marami syang naikwento sa akin pero masyado syang maingat. Hindi nya hinahayaang mabanggit ang mga masyadong personal na impormasyon tungkol sa kanya.
Mag-aalas dos na ng madaling araw nang maisipan naming matulog na.
Hindi ko man lang namalayan ang oras. Ngayon lang ako nakaramdam ng antok.
Sobrang sarap nya kaseng kausap.
Akalain mo yon? Nung una puro kalokohan lang sya pero madami naman palang alam.
Medyo humahanga na tuloy ako sa kanya!
Ang matured nya mag-isip, pero sobrang isip bata naman kapag asaran na! Lakas mang-alaska!
Natandaan ko pa yung usapan namin bago nya ko tawagan.
Sabihan ba naman akong flat! Tarages! At sinabihan pa kong assumera! E totoo namang kinukulit nya ko.
Napabalikwas ako ng bangon pagkatapos kong mapanaginipan si tanda! Grabe! Halos ma-chop chop ako ni Teacher Jenneth gamit ang palakol nya! Grabe! Parang totoo yon!
Napatingin ako sa phone ko kung anong oras na. At sobrang nanlumo ako nang makitang malapit nang mag-9! Utang na labas! Hindi man lang ako ginising ni mama!
7:00 am ang pasok ko ngayon! Patay na! First sub pa naman si tanda! Panigurado nanlilisik na ang mata non! Kaya naman pala ganoon na lamang ang panaginip ko. Hanep!
Mabilisan akong naligo at nagbihis. Hindi ko na nagawa pang mag-almusal dahil late na late na talaga ko!
Hindi na mabilang sa daliri ko ang mga sasakyang dumaan sa aking harapan pero hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakakasakay sa jeep na rumoronda sa amin.
"Takte! Late na late na ko!" , naiinis kong kausap sa sarili ko.
Kung hindi ba naman kase ako nagpakatanga at nagpakapuyat dun sa nirecommend sakin ni Erin na online dating site o app ba yon ay hindi aabot sa ganito.
Napuyat ba naman ako! Masyado akong naaliw at nagpadala sa kilig! Dakilang marupok pa naman ako!
Asaran lang dapat yun e! Hindi ko naman inakalang aabot sa point na tatawag sya sakin. Shocks! Nakakakilig pa naman yung boses nyang chipmunks. Voice changer pa kase!
Pero syempre! Hindi ko pa din mapapalampas yung mga pang-aasar nya sa akin! Grabe sya!
PEEP!
Naggising ako sa aking pagmumuni-muni nang narinig ko ang pagbusina ng jeep. Tumawid nga pala ako kanina dahil mag-aabang ako ng sasakyan papasok. At dahil kanina pa pala ko binubusinahan ni mamang tsuper, sumakay na ko agad para naman mawala na yung pagkunot sa noo nya!
"Ay putangina!" Hindi pa ko nakakaupo ng maayos nang umandar agad ng mabilis ang jeep na sinasakyan ko! At tarages! Kamalas-malasang napaupo pa ko sa katabi ng uupuan ko sana. Napapikit ako sa kahihiyan na nararamdaman ko sa mga oras na 'to.
" Enjoying my lap huh? ", natauhan ako nang may malamig na boses lalaki ang bumulong sa tenga ko. At noon ko lang narealize na nakaupo pa pala ko sa hita nya.
Agad naman akong umalis sa lap nya at umupo sa hindi pa okupadong espasyo sa tabi nya.
Hindi na lang ako umimik at yumuko na lamang dahil sobrang nahihiya na talaga ko!
Sa gitna ng byahe ay nakaramdam ako ng antok, at dahil nga pinuyat ako ng malaking alaga kagabi, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
" Oo na, pakisabi na lang hindi ako makakapasok ngayong umaga gago! May nangyare kamo! Tarantado! Gawan mo ko ng letter! Gago! "
Nagising ako sa pagkakatulog nang makarinig ng di kaaya-ayang salita malapit sa akin. Minulat ko ang mata ko at ganon na lamang ang gulat ko ng makita kung nasaan ako! Syempre sa jeep! Pero bakit sa jeep?! Nasa school na dapat ako sa mga oras na 'to! Patay na!
" If you don't mind, pwede ka na bang umalis sa balikat ko gayong gising ka na naman?" , doon ko ulit narealize na nakasandal pala ko sa balikat nitong katabi ko.
Sya pala yung maingay kanina na syang dahilan ng paggising ko.
" Late na ko Ms. Sleepyhead, at kung hindi mo napapansin, ikaw ang dahilan. You owe me a lot today Ms. ", yun lang ang sinabi nya at iniwan akong mag-isa dito nang nakanganga.
Yes nakanganga! Ngayon ko lang kase nakita ang hitsura nya. Mamula-mula ang labi, mapupungay na mga mata, mahahabang pilik-mata at matangos na ilong na mas nakadagdag ng pagiging ma-appeal nya! Takte! Ang hot nya pa!
Naimagine ko tuloy yung nangyare kanina na pag-upo ko sa lap nya. Malaki kaya? Napatampal ako sa noo ko nang marealize na late na pala ko! Aeyu! Gaga ka talaga! Inuuna mo pa ang kalandian mo!