At dahil late na ko, bumaba na din ako sa jeep at tumakbo na lamang papunta sa school. Medyo malapit lang kase ang school sa terminal ng mga jeep.
Tagaktak na ang pawis ko, bukod sa tumakbo ako e kainitang tapat pa. Mag-aalas onse na din kaya.
Pagkadating ko sa gate ay narinig ko pang binati ako ni manong guard. Tinanguan ko lamang sya dahil nga madaling-madali ako sa pagpasok.
Buong umaga naming teacher si tanda. Panigurado nandon pa yon.
Pagkadating ko sa tapat ng room ay agad akong sinalubong ng matatalim at nakakatakot na tingin ni Teacher Jenneth.
"Sorry I'm late po", tanging nasabi ko kasabay ng pagyuko ng aking ulo. Habol habol ko pa din ang hininga ko hanggang ngayon.
"Late? Patapos na ang klase Ms. Tan, ganyan ba ang pasok ng isang Dean's Lister?, I know this is just the first time, but hindi ko maiwasang ma-disapoint. Now here you are, nakayuko lang? Not defending your side huh?", sunod-sunod na sabi nya.
"Sorry po", hindi ko alam, wala akong masabi e, tanging pagyuko lang ang alam ko ngayon.
Barumbado ako sa isip ko, sinasagot-sagot ko sya sa isip ko pero kapag actual na sagutan na, natututop ang bibig ko.
"See you later in my office Ms. Tan, tapos na ang exam. And obviously, late ka. You just waste a hundred points today.", yan ang sabi nya bago ako lampasan na talaga namang nagpalaki ng mata ko.
May exam? Bakit hindi ko alam?
Pag-angat ko ng ulo ko ay mga titig mula sa aking classmate ang bumungad sa akin.
Umiwas na lamang ako ng tingin at umupo sa designated sit ko.
Ang pinaka-ayoko sa lahat e yung pinapahiya ako sa klase, yung mamemention ang pangalan ko sa walang kwentang bagay.
Totoong nakakahiya, kung noong highschool ay tinatawan-tawanan ko lamang yan, ngayon ay hindi na. Matured na ang isip ko.
Nasasaktan na din ako kapag ganito ang scene.
"Hoy Aeyu girl! Bakit ka ba nalate? Saka minessage kita kahapon na ah! Sabi ko may exam tayo kay Miss Jen", tila inoobserbahan pa ko ni Erin sa paraan ng pagtitig nya sakin.
Ang tanga ko kase! Hindi ko man lang naisip buksan ang messenger ko.
"Masama ang pakiramdam ko kahapon Erin. Saka hindi ako nag-online kagabi kaya hindi ko nakita ang chat mo.", palusot ko na lamang.
"It's a no no! Tigilan mo nga akooo! Online ka kaya kagabi! Pati nga sa online dating app online ka e! Hoy! Baka naman ma-addict ka dyan ah!", oo nga pala. Sinabi ko sa kanya yung username ko.
Marahil nakita nya. Online din pala ang gaga.
"Oo na! Takte naman kase! Masama bang humanap ng jowa? Saka first time ko lang nalate, OA lang talaga yang tanda na yan", sabi ko na lang sa kanya.
"Gaga ka kase! Sa daming araw na pwede kang malate, bakit ngayon pa? Gaga ka girl! 400 points kaya yung inexam namin kanina. Lagot ka ngayon. Baka nakakalimutan mo, naghahabol ka ng grades dahil halos .5 na lang e mawawala ka na sa DL.", sabi nya na talaga namang nagpakaba sa akin.
May allowance na binibigay sa aming mga DL, malaking tulong yon samin ni mama. Malaki din kase yung binabayaran ni mama dito para sa tuition fee ko tapos tubig at kuryente pa, pagkain, pang-araw araw na gastos at iba pa.
"Babawi naman ako Erin. Sige na sis, punta na ko kay Teacher Jen.", yun na lang ang nasabi ko at naglakad na ko papunta sa office ni tanda.
Sobrang okupado ang isip ko habang tulalang naglalakad dito sa corridor. Iniisip ko yung grades ko. Nung nakaraan din kase ay kinausap ako ng isa kong teacher. May possibility daw na matanggal ako sa pagiging DL.
"s**t!", nagulat na lang ako ng may nabunggo na pala akong isang bulto ng lalake. Napa-angat ako ng tingin at ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makita ang hitsura nya.
Siya yung kanina sa jeep! Pinagmasdan kong muli ang mukha nya, ang peaceful sana kaso nakakunot ang noo.
"Tapos ka na?", sabi nya sakin na nagpabalik sa akin sa katotohanan.
"S-sorry.", nauutal na sabi ko dahilan ng pagngisi nya.
"Tsk", yun lang ang huling lumabas sa bibig nya at iniwan na naman akong tulala.
Pagkatapos kong sundan ng tingin ang papalayo nyang pigura, dimiretso na ulit ako papunta sa office ni Teacher Jen.
Kumatok muna ako bago ako pumasok.
"Sit down Ms. Tan", utos nya sa sinunod ko yan lang ang sabi nya
"Tatapatin na kita, hindi talaga ako nasisiyahan sa grades mo lately. Lalo mo pa kong ginalit sa ginawa mo ngayon. Okay lang malate kung may valid reason yet you chose to stand there without uttering any word, without defending your side and reason. So obviously, walang balidong rason para bigyan kita ng special exam. Papasa ka pa din naman anyway. Ang kaso lang, mawawala ka sa Dean's Lister.", pagpapaliwanag nya sa akin.
Naiintindihan ko naman ang gustong iparating ni Teacher Jen.
"Sorry po ma'am. Sorry for disappointing you po, I'll try my best po para bumalik sa dati yung grades ko. Saka kung matanggal man po ako sa DL, at mawalan ng allowance, siguro po may mas ibang deserving at nangangailangan kesa sa akin."
Marami pa kaming pinag-usapan ni Teacher Jen. Humingi din sya ng tawad sa mga sinabi nya sa room. Nagpadala daw sya sa disappointment na naramdaman nya sa akin at nakalimutang nasa room kami.
Sa totoo lang, mabait naman sya. Binigyan nya din ako ng payo about sa mga future plans. Dapat daw mag-set na ng goals at iwasan na ang mga lakwatsa. Matanda na daw kami at sa susunod na taon, kami na ang papalit sa kanila.
Tama naman si Teacher Jen.
Nakarating ako sa room namin nang hindi ko namamalayan.
Masyado akong nilamon ng mga thought of the day ni Teacher.
"Hoy Aeyu?! Ano na? Nilamon ka na ba ni Teacher? Baka kaluluwa ka na lang ah!", paranoid na sabi ni Erin na nagpairap sa mata ko.
"Timang hahaha, pinagsabihan nya lang ako. Naiintindihan ko naman sya. ", nilaro-laro ko ang buhok ko habang tumitingin-tingin pa sa bintana.
"Pa-sulyap sulyap na lamang~", pakanta kanta pa si Erin. Halata namang nagpaparinig lang sakin ang gaga.
"Timang hahaha", inirapan ko pa sya.
Nagulat na lang ako nang may pumasok sa room namin. Hindi sila familiar sakin.
Mas lalong lumaki ang mata ko nang makita kung sino ang huling pumasok sa room namin.
Walang iba kundi yung lalaki kanina at lalaki sa jeep.
Shocks! Mukhang pinagtatagpo talaga kami ni mareng tandhana.
"Later, 5:00 pm. Meeting sa gymnasium. Buong college students ng Flynn University. Para 'to sa gaganapin na pageant next week.", yun lang ang sinabi nya na naintindihan ko dahil hindi ako masyadong maka-concentrate dahil nadidistract ako sa aura nya.
Napasinghap ako nang magtama ang paningin namin. Nangunot naman ang noo nya.
Dahil dakila akong maloko, nginitian ko sya. Nilabas ko yung pinakamatamis kong ngiti. Para maihi sya dyan.
Laking gulat ko nang kinindatan nya ko. Napakurap pa ko ng mata.
Totoo ba yon? Mas lalo akong napanganga nang ngumisi sya.
Ano yon? Bakit may paganon? Ang cool ng aura tapos gumanon? Mukhang maloko. Tsk, tsk, tsk.
Humarap ulit ako sa kanila at bumalik na naman sya sa dati nyang aura, malamig kuno.
Hindi ko na namalayan ang oag-alis nila dahil nakakaramdam na naman ako ng antok. Wengya!
"Hoy Aeyu girl! Tara na sa gym! Late na tayo ng 30 minutes! Aey!!! , nagising ako sa sigaw at pagyugyog sa akin ni Erin. Sya lang naman ang malakas ang loob na gagawa ng ganyan sa akin.
Minulat ko na lamang ang mata ko at nag-angat ng ulo. "Anong oras na ba?", tanong ko sa kanya kaya tumingin sya sa relo nya.
"5:30 na! Nako Aey! Kapag tayo na-special mention! Lagot ka talaga sakin!", pagsesermon nya pa sa akin.
"5:30? Weh?", tinignan ko pa ang relo ko para makasigurado.
"Takte naman Aey! Tatanong tanong tapos hindi paniniwalaan, bakit ganyan kayo?", humugot pa ang lukaret!
"Eto na nga. Paiyak ka na eh.", tumayo na ko at nag-ayos ng sarili. Nakakahiya naman kung pupunta ko doon na mukhang bagong gising.
Marami pa namang boylet doon! Buong college department yon inday! Baka makahanap ako ng forever doon! Baka pagbigyan ako ni kumareng destiny!
Nang ma-satisfied na ko sa hitsura ko, hinila ko na si Erin papunta sa gym.
Filipino time nga naman. Pagpasok kase namin sa gym eh halos nagdadaldalan lang naman sila. Naririnig din namin ang mic test.
Hindi pa pala nakaayos nako. Tamang-tama lang na nagpalate kami.
Maya-maya lang ay pumunta na sa stage yung grupo ng college student kanina.
Syempre nangunguna na naman si Mr. I dunno.
May mga nauna sa kanyang nagsalita. Walang kamatayang pagbati.
Yung sumunod naman eh puro kaplastikan.
Kesyo salamat daw sa pagpunta, salamat daw sa mga mahal na guro, mga namumuno at iba pa.
Syempre meron ding nagdasal, wala akong laban dyan. God is good all the time!
Marami pa silang pinagsasabe na hindi ko naman naintindihan.
Iisa lang naman ang tinitignan ko. Ang sabi ko kanina, maraming boylet. Marami nga, pero biglang nawala ang interes ko sa kanila.
Mas gusto ko na yung nasa stage.
Anakan mo ko! Gusto kong sumigaw pero nakakahiya! Baka mamaya mapagkamalan pa kong baliw.
Gusto ko na syang r**e-in sa harap ng maraming tao pero dahil hindi ako tanga para gawin yon, sa isip ko na lang sya momolestyahin.
Kawawa naman sya.
Mas lalo akong napatitig sa kanya nang siya na ang nagsalita.
"I'm Bright Montero. Editor in Chief ng Journalism dito sa Flynn University. Since last year na natin dito, I, in behalf of my members and contributors, decided to make a program next month, Mr. and Ms. Flynn to be exact. Ang perang malikikom ay gagamitin sa pagpiprint ng mga books na ipapamigay ng school natin sa mga batang hindi nagkaroon ng pagkakataon na mabigyan ng sapat na edukasyon. Every course needs 2 representative, 1 boy and 1 girl. Hope yah'll partipicate with us. Thank you.", mahabang pagpapaliwanag nya.
Nagising na lamang ako sa pagpapantasya ko sa kanya ng kinalabit ako ni Erin.
"Nakapost na sa page ng school yung DL ngayon girl!", sabi ni Erin sa akin habang nakatingin sa phone nya.
"Bakit wala ka?", hinanap nya pa nang hinanap ang pangalan ko.
Tinignan ko din sa phone ko. Wala nga.
"Hindi ko alam", patay malisya kong sabi.
"Nako! Aeyu girl! Okay ka lang ba?", pagtatanong nya.
"Oo tae! Tara na nga. Tapos na naman ata announcement nila.", hindi ko na hinayaan pang magreklamo si Erin dahil hinila ko na sya palabas.
Naglalakad na ko papasok sa kanto namin nang makita ko yung kaklase ko nung elementary. Si Jessa.
Nginitian nya ko kaya tinanguan ko sya.
"May anak ka na pala?", manghang sabi ko.
"Ah oo, si Jennicah. Panganay ko. Tapos eto, sana bunso na hahaha", pabiro nyang sabi kaya tinawanan ko na lang din sya.
Marami pa kaming napag-usapan. Gumagabi na kaya nagpaalam na sya sa akin. Bawal daw kase ang mahamog sa buntis.
Marami nang nagpapamukha sa akin ng reyalidad.
May mga tao talagang nakatakda na ang takbo ng buhay, planado na at naka-fixed.
Una, yung kaklase ko noong hayskul, naging tambay na lamang. Ngayon naman yung kaklase ko noong elementary. Buntis na. Hindi na nakapagtapos ng pag-aaral.
Sa totoo lang, pwede namang mabago ang buhay nila, yet they chosed not to change it, mas pinipili nilang sabayan ang totoong nakatadhana sa kanila.
Ang alam ko, kapos sila sa pera kaya pinili na lamang nilang maging ganyan. Ginagawa nilang dahilan ang kahirapan para hindi makapag-aral. Pinagkakaitan nila ng konting kaalaman at edukasyon ang sarili nila.
Hindi naman masamang maging mahirap. Ang masama ay iyong mamatay ka ng mahirap.
Nakarating ako sa bahay kakaisip sa mga naging kaklase ko noon. Pasabi-sabi pa silang sabay sabay kaming maghahagis ng itim na sumbrero pagsapit ng graduation sa kolehiyo. Tokis amp!
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko si mama sa dining.
Niyakap ko sya sa likod. "Pagod ka mama?", tanong ko sa kanya pagkatapos ay hinalikan ko sya sa pisngi.
"Oo anak. Ang dami lang nangyare ngayong araw. Nagbayad ako sa kulang natin dito sa bahay. Malaki-laki din pala.", hinaing ni mama.
Bago lang kase ang bahay namin. Nakabili kami ni mama dito dahil ayaw na daw nyang umupa. Gusto naman daw nya kong bigyan ng maayos na tirahan.
Naaawa tuloy ako kay mama. Tapos nawalan pa ko ng allowance sa school.
"Ubos na ang savings ni mama, nak.", dugtong pa nya.
"Okay lang yan mama. May allowance naman po ako eh", kailangan kong magsinungaling kay mama. Ayokong pati sya ay ma-disappoint ko.
"Buti na lang talaga at may allowance ka haystt"
Matapos naming kumain ni mama ng hapunan ay umakyat na ko sa kwarto ko.
Napagdesisyunan kong buksan yung dating app ko.
Laking gulat ko nang makitang tumatawag si @Laki_alaga.
Aba! Mukhang nainlove na 'to sa boses ko ah. Hindi ba naman ako naka-voice changer. Dakilang madaya yan eh.
Syempre marupok ako! Sinagot ko ang malaking alaga.
I mean yung tawag.
"Hello?", nagtunog frustrated pa ang boses ko nyan takte.
"Any problem?", panimula nya. Sabi na eh. Takte kase.
"Natanggal kase ako sa DL, tapos nawalan na din ako ng allowance, tapos naubusan si mama ng savings. Syempre mabait akong bata, hindi ko sinabi yung prob ko, sabi ko may allowance pa din ako. Definitely, hindi nya alam na natanggal ako sa DL", mahabang sabi ko sa kanya.
Ewan ko ba, sobrang komportable ko pagdating sa kanya.
"I can help you. Irerecommend kita sa restau ng tita ko. Para magkaroon ka ng allowance. Game ka ba?", sabi nya na nagpalaki ng mata ko.
"Weh? Handa ka bang makipagkita sa akin? Baka tigasan ka kapag nakita mo ko", pagbibiro ko pa kahit ang totoo ay kinakabahan ako.
Syempre baka scam! Mahirap na! Takot ako sa meet up.
"Ikaw na nga nangangailangan dyan eh. Kung ayaw mo, okay la-", hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya.
"Hep, hep, hep! Gusto ko okay? Wala naman akong sinabing ayaw ko eh! Kailangan ko ng pera. Alangan namang maglakad ako papunta sa school diba? Takte! Anlayo non!", sabi ko sa kanya.
"Okay. Sa weekend free ka ba?", pagtatanong nya.
"Bakit sa weekend pa? Bukas na agad. After dismissal ko. 5:00 pm yon.", sabi ko sa kanya.
"Wow ah! Demanding? Gagabihin ako nyan eh. Sige sige bukas", papayag din naman pala hahahaha.
Marami pa kaming napag-usapan. Sobrang kulit nya! As in! Hindi ko maiwasang mamangha sa kanya. Hanggang ngayon pala ay pinipilit pa din sya ng parents nya na mag-aral sa America para mas mapagtuunan ng pansin ang business field na course. Utang na labas! Graduate na sya this year hahahaha.
At dahil batas daw sya, wala daw magawa ang parents nya. Pero after grad, doon din naman daw ang bagsak nya sa company nila.
Kawawa din sya, pag-uwi daw niya sa bahay aftee school eh nag-aaral pa sya ng about sa business nila.
After ng seryosong usapan namin, binanatan na naman ako ng pang-aasar.
Hindi ko na naman nga namalayan na 12 midnight na pala.
Nagpaalam na din sya dahil daw maaga pa ang pasok nya bukas at marami syang inaasikaso sa school.
Naiimagine ko tuloy kung anong hitsura nya. Katulad din kaya sya ni Mr. I dunno? Hmm ang layo hahahaha.
Takte! Inaantok na ko hayop.
Hindi ko namalayan na nilamon na pala ko ng antok at nakatulog.
A/N: Aeyu pronounced as e-yu