CHAPTER 4

2080 Words
Tagaktak na ang pawis ko kakalakad dito. Hinahanap ko kase yung sinabi ni malaking alaga na address ng restau ng tita nya. Doon na daw kami magkita. Takte! Wala pa naman akong alam pagdating sa ganito. Mahina ako pagdating sa mga lugar. Oo, gala ako. Pero madalas ay si Erin ang bahala kung saan kami pupunta. Ako'y dakilang taga-sama lang. Hindi ko kase talaga hilig ang paghahanap ng address at lugar. Pero kung jowa ang hahanapin? Ay nako! Expert ako dyan! Expert sa hanapan pero hanggang ngayon ay wala pa ding jowa. Ganyan talaga, magkaaway kami ni mareng destiny. Nung nakaraan lang ay bati kami. Ngayon, war na naman. Hayst. Nasan na ba kase yon? Luminga-linga pa ko sa paligid. At putspa! Finally! Nakita ko din sa wakas! Heaven Restau yung pangalan. Mukhang masarap nga dito takte. Pero labas pa lang, mukhang mamahalin na. Ang sosyal ng datingan. May malaking ulap pa na design sa ibabaw, doon nakalagay ang pangalan ng kainan. May parang mini-garden pa malapit sa parking lot. Ang cute! May pathway pa papunta sa pintuan ng restau. Puno ng mahahabang muwebles sa magkabilang gilid na talaga namang kumikinang kapag nasisikatan ng araw. Sobrang classy! Yung pintuan grabe! Feeling ko sobrang bigat! Feeling ko nakanganga ako habang pinagmamasdan ang labas ng Heaven restau na 'to. Kaya bago pa ko tuluyang maglaway dito ay naisipan ko nang pumasok. Na sana hindi ko na lang ginawa. Mas lalo pala kong maglalaway dito. Sobrang bango ng amoy sa loob! Nakakatakam ang amoy! Parang pinaghalo-halong amoy ng mga karneng niluluto na mah halong pinakamasarap na pampalasa sa buong mundo. Hinaluan pa ng amoy orange na prutas. Sobrang bango! Ang sarap kainin ng amoy! Nakakagigil! Pero syempre, hindi naman pagkain ang ipinunta ko dito. Work. Work. Work. Kailangan ko ng allowance. Umupo muna ako sa isang vacant space. Yung pang-isahan lang. Ang understanding ng Restaurant na 'to! Nagbibigay sila ng respeto sa mga single! Meron kaseng space na pang-couple, meron ding single, at meron ding family size. At dahil mag-isa lang naman ako, syempre sa single space ako pumunta, alangan namang sa family size no? Mukha akong tanga non. Takte! Nasan na ba yung malaking alaga na yon?! Luminga-linga ako sa paligid. Baka mamaya nandito na sya. Takte! Pano ko naman malalaman? Hindi ko man lang alam ang pangalan nya. Mas lalo naman yung hitsura nya! Gwapo kaya sya? Aba! Kahit mayaman yon baka mamaya mukhang tuko. Baka nga mamaya chika nya lang yung yaman nila eh. Mema flex lang ba! Luminga-linga ulit ako sa paligid. At sa hindi inaasahan, may nakita akong lalaki. Sobrang pamilyar nya sa akin. Nakaupo siya sa pang-couple size na space. Sino namang ka-date nya aber?! Hindi ko makikita dito kung sino kapag dumating. Nakakainis! Masyadong malayo! Masyadong malayong maging kami. Takte! At dahil naiinip na ako dito at natatakam sa amoy dito maging sa mga kumakain, kahit ang totoo ay kay Bright Montero ako natatakam, nag-bukas na lang ako ng online dating app. Nagkaroon na din ng pangalansa wakas si Mr. I dunno, nakinig kase ako ng mabuti sa kanya kahapon! Kaya nalaman ko ang kanyang pangalan. Takte! Sumilip ulit ako kay crush sa huling pagkakataon. Nakita ko pa syang nagtipa sa phone nya. Sakto naman tumunog ang phone ko. Nako! Sana naman si malaking alaga na yan! Agad kong tinignan ang phone ko. Nakita ko ang message. At buti naman! Buti naman nagparamdam na ang nag-offer sakin ng trabaho kaya ako nandito sa langit na restaurant. @Laki_alaga sent you a message. Nandito na ko. Nandito? Nilibot ko ang mata ko sa buong restau. Lahat naman sila may mga kasama. Well, except kay Bright na nakatingin pa din sa phone nya. Ang bagal naman ata ng ka-date nya. Tumingin pa ko malapit sa pintuan. Baka sakaling nasa labas pa sya. Paano ko naman malalaman kung nandito sya? Takte! Ano bang hitsura nya? Mukhang pennis? Replying to @Laki_alaga Nasaan Hindi ko pa natatapos itype ang reply ko sa kanya nang nakita kong tumatawag sya. At dahil hindi ko din naman alam kung paano kami magtatagpo, sinagot ko ang tawag. "Hello?", napapikit pa ako habang nagsasalita. "Nasan ka na ba? Kanina pa ko nandito", sabi nya. Aba't! Tarantado ata 'to! "Anong nandito? Eh kanina pa ko naghihintay dito! Wait nga! Pupunta ko sa entrance! Doon tayo magkita!", utos ko sa kanya at binitbit na ang bag ko. "Sige-sige, punta din ako sa entrance", sabi nya. Nag-umpisa na akong maglakad papunta sa entrance habang magkausap kami ni malaking alaga sa phone. "Malapit na ko", sabi ko pa. Nagulat pa ko nang makita ko si Bright na naglalakad papunta sa direksyon ko habang may katawagan sa phone. Nandyan na siguro ang ka-date nya. Tsk. Taken na pala amp! "Malapit na din ako", sabi ni malaking alaga. Nang malapit na sa akin si crush ay kinausap ko si malaking alaga sa phone. "Nandito na ko", baka mamaya isipin pa ni Bright na tinititigan ko sya. Tsk. Baka mag-assume pa na gusto ko sya! "Nandito na din ako", literal na nanlaki ang mga mata ko nang nagsalita si crush!  "N-nasan ka?!", literal na gumaralgal ang boses ko. Nanginginig na ang mga kamay ko. "Nandito", si Bright ang nagsalita  pero tumagos sa phone ko! At dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayare, kinapalan ko na ang mukha ko. Hinablot ko ang phone nya. "Hey!", pero pinigilan ko sya gamit ang kamay ko. "Hello?", bigkas ko sa phone ko habang nakatapat sa tenga ko ang phone nya. Ganon din ang ginawa ko sa phone ko. At dahil sa nalaman ko, nandito ako ngayon sa pinareserved niyang space. Alangan naman kaseng doon kami sa single space eh dalawa kami. "Grabe ka! Ang kulit kulit mo sa chats at sa call tapos sa personal, napaka-seryoso mo!", hinampas ko pa siya dahil hindi talaga ako makapaniwala. Sobrang komportable ko na agad sa kanya matapos kong malaman iyon. "Am I?", pagtatanong pa niya. "Tae ka! Pero seryoso, malaki 'yang alaga mo?", pang-aasar ko sa kaniya. Pero syempre niloloko ko lang siya. Masyado pa din siyang seryoso. Nakaka-suffocate kaya! "Eh ikaw? Virgin ka ba talaga? Mas fresh pa ba yan sa tahong?", pang-aasar nya din sa akin! With kasamang smirk pa! Pulang-pula na siguro ako! "Oo naman! Walang nakikinabang dito duh!", sinabayan ko na lang siya. Pero mas gusto ko iyong ganito. Kaysa naman sa seryoso nyang aura! Ang hirap kausapin! "So ano na? Sabi mo irerecommend mo ko sa tita mo", tanong ko sa kaniya. "Pwedeng kumain muna? Pagod din ako. Easy ka lang", sabi nya. Parang napahiya pa ako. "Uhm pwede naman, pero alam mo?" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang binara niya ako. "Hindi ko alam kaya sabihin mo", ngingisi ngisi nyang sabi. "Eto na nga! Easy ka lang dyan. Ang akala ko ay mukha kang tuko! Tapos akala ko din ay boses tuko ka!", sabi ko habang nginunguya ang mga pagkaing inorder nya. Sobrang sarap! Heaven nga! "So ngayon, alam mo na? Ang gwapo ko ba?", pagmamayabang niya, kinindatan pa ako ng loko! "Tse!", pagsusungit ko dito at binilisan na lamang ang pagkain! Ang sarap talaga! Hindi naman talaga ako ganitong kumain, inaasar ko lang din siya! Saka ganito yung napapanood ko sa mga kdrama! Bibilisan ni girl ang pagkain tapos mabibilaukan sya! Tapos ima-mouth to mouth siya ni boy! Ay takte! Ano yon? Nalunod? Binilisan ko na lamang ulit ang pagkain at winaglit ang mga pumapasok sa isip ko. "Hinay hinay naman. Napaghahalataan ka.", panenermon nya sa akin. At dahil dakila akong pasaway, hindi ko siya sinunod. Mas binilisan ko pa ang pagkain ko at takte! "T-tubig! T-t-ubig!" , bumara na sa lalamunan ko! "Nandyan na sa harapan mo, hindi mo ba abot?", pang-aasar nya sa akin. Takte! Hinanap ko ang tubig na sinasabi nya at napagtanto kong nasa gilid pala iyon ng plato ko. Agad ko namang ininom iyon! "Haaaay!", habol ko ang hininga ko matapos kong uminom. "Yan kase, sinabihan na.", nagtaka ako ng tumayo siya. At mas lalo akong namula sa ginawa niya! Hinimas himas nya ang likod ko! "Kulit kase", sabi nya pa. Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa office ng tita niya. Office pala ang second floor nito. At iyong ibang walang matuluyan na empleyado o kaya naman ay malayo, dito na tumutuloy. Mabait pala ang tita niya kung ganoon. May special treatment sa mga empleyado. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa loob ng office ng tita niya. Bumati naman si Bright. Kaya gumaya na din ako. "Siya yung sinasabi ko tita. Kahit anong trabaho daw.", sabi ni Bright sa tita niya. "Ang ganda mo naman bebe! Anong pangalan mo?", mukhang bata pa ang tita niya. Ang ganda kase! Tapos millenial din kung magsalita. "Ahm Aeyu po. Aeyu Tan", pakilala ko at ngumiti ng matamis. "Woah! Ang ganda ng pangalan mo! Hahahahaha pero medyo ano ah! Medyo bastos hahahahaha, pero medyo lang naman bebe", natatawang aniya kaya natawa na din ako. "Tan ang surname mo Aeyu?",  tanong niya sa akin. "Opo", sabay ng pagtango ko. "Same pala kayo ni kuya eh. Bright oh.", sabi niya pero hindi ko naman masyadong naintindihan. Sila lang ang nakaka-gets takte. "Yeah", tanging sabi ni Bright. "Ano po palang available na trabaho Ma'am?", pagtatanong ko. "Nako! Wag na ma'am! Hindi naman ako teacher hahaha, tita na lang din. Tita Aly.", nakangiting sabi niya sa akin. Napangit na din ako dahil nakakahawa talaga ang pagngiti niya. "Ahm s-sige po ma-- Tita Aly", nakangiting sabi ko. "Sa totoo lang, wala talaga kaming hiring ngayon, pero dahil request nitong pamangkin ko, pagbibigyan ko na. Tutal maganda ka din naman hahahaha. Pero hindi dito sa restau bebe.", nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano naman kaya? At saan? "Pero ano po?", nagtataka na talaga ako eh. "Kukunin sana kitang tutor ng anak ko.", sabi niya dahilan ng pagkagulat ko. "May anak na po kayo?", puno ng pagtataka kong tanong. "Oo naman iha hahaha. Hindi ba halata? Sabi sayo Bright eh! May asim pa ang tita mo!", magiliw na saad ni Tita Aly. "Nakahanap pa nga ng kakampi", sabat ni Bright dahilan ng pagtawa namin ng tita niya. "Ano bebe Aeyu? Okay lang ba sayong maging tutor ng anak ko?", tanong niya ulit. "Oo naman po Tita, pero 5:00 na po kase ng hapon ang uwian ko. Hindi naman po puwedeng ganoong oras ko turuan ang anak nyo dahil paniguradong pagod na ang utak niya at kailangan niyang mag-rest.", pagpapaliwanag ko. "Oo naman iha, naisip ko na din iyan kaya kung puwede sana ay tuwing weekend mo turuan ang anak ko. 'Wag kang mag-alala, ihahatid ka na lamang ni Bright sa bahay.", ang bait talaga ng tita niya! Sobra! " Puwedeng pwede po. Salamat po.", sabi ko. At gaya ng aking inaasahan, marami pang ikinuwento si Tita aly sa akin. Oo sa akin lang. Paano si Bright ang ibinibida niya. Ang isa naman ay inis na inis hahaha. Noong bata daw si Bright ay laging siya ang pagpapaligo. Hubo't hubad pa daw 'to. Inis na inis naman si Bright hahahaha. Ang cute lang! Tapos noong bata pa daw 'to, inagawan daw ng lollipop ang kaklase niya! Pero bandang huli, sya ang umiyak. At ang pinaka-pasabog sa kwento ni Tita aly, dati daw ay bakla itong si Bright. Nagkagusto daw sa lalake noong grade 2 siya. At dahil hindi naman daw papayag ang magulang nito na maging baklush siya, nag-home schooling na lang daw si Bright hanggang makatapos ng elementary. At sa awa naman daw ng Diyos, naging diretso na. Sobrang nakakatuwa silang mag-tita! Lakas mang-asar sa akin ni Bright pero pikon naman pala! Pababa na kami ni Bright dahil nagpaalam na sya sa tita niya. Gagabihin na daw kami masyado. "Pagpasensiyahan mo na 'yon. Ang daldal tsk. Parang ikaw.", kakamot kamot pa siya sa batok niya. Cute! "Timang! Ayos lang! At anong parang ako? Hindi naman ako madaldal ah!", idedefend ko talaga ang sarili ko! "Yeah yeah. In your dreams", shocks! Naiimagine ko tuloy na bakla sya! "Don't tell me baliko pa din ang landas mo?", tanong ko sa kanya na naging dahilan para samaan niya ko ng tingin. "Gusto mo lang halikan kita eh. Tara na nga", sabi niya at hinila ako palabas. At dahil nga siya si Bright, sobrang namumula na ako habang nakatingin sa kamay kong hawak hawak niya. "Bye bye!", paalam ko kay Bright matapos niya kong ihatid sa bahay. Binusinahan niya lang ako at umalia na. Pinigilan ko pa siya kanina. Nakakahiya naman kase kung ihahatid niya pa ako, pero he insisted. Para daw kapag sinundo niya ako sa weekend ay alam niya kung saan ako nakatira. Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyare. Hindi na naman ako masyadong naiilang kay Bright, at kung makakaramdam ako, iniiisip ko na lang na siya si malaking alaga na mapang-asar at loko-loko. Okay naman siyang kasama, pero minsan ay seryoso pa din. Pinagluto ko na si mama ng hapunan niya kung sakali mang dumating siya, gagabihin daw kase siya ngayon ng uwi. Matulog na daw ako dahil maaga pa ang pasok ko bukas. At dahil nga sa dami ng nangyare ngayon, nilamon na din ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD