CHAPTER 5

1930 Words
Aeyu's POV Mabilis na lumipas ang mga araw. It's Friday, nandito kami nila Erin sa library dahil gumagawa kami ng plates na ipapasa mamaya. Pabigla-bigla naman kase yung Prof namin. Buti na lang pure letters lang ang plates namin, hindi katulad ng sa mga engineering na may paguhit-guhit pa. Sobrang nakakaloka siguro iyon. Buti na lang education ang course ko. Some of the people think na mababa lamang ang propesyon ng mga guro but actually not. Sila dapat ang tunay na hinahangaan. Kung walang mga guro, walang mga doctors out there, walang engineer, walang architect, walang policeman, walang mga sundalo, at iba pa. Kaya ganito na din siguro ang kinuha kong kurso, mataas kase ang pagtingin ko sa mga guro. "Kamusta na pala Aeyu girl? Nakahanap ka na ba ng part time job?", tanong ni Erin sa akin habang nagsusulat siya ng plates niya. "Uhm meron naman. Kinuha akong tutor ng tita ni Bright para sa anak niya.", kwento ko dito. "Grabe talaga Aey! Hindi talaga ko makapaniwala! Napakaliit ng mundo! Akalain mo 'yon? Takte! Ang swerte mo kung kayo ang magkakatuluyan! Ang yaman yaman ng Montero na 'yon!", mahabang sabi ni Erin. "Sira hahaha, imposible iyon.", sabi ko na lang at nagpatuloy na sa ginagawa. Kinikilig-kilig pa din siya at hindi makapaniwala. Kinuwento ko kase kay Erin lahat nung nakaraan. Simula sa unang pag-uusap namin ni Bright sa online dating app hanggang sa pagkikita namin. Abay daw siya kapag kinasal dahil siya naman daw ang nag-recommend sa akin ng dating app na kung hindi niya ginawa, dakilang umaasa pa din daw ako hanggang ngayon. Umaasang magka-jowa Umaasang magkaroon ng kachat Umaasang magkaroon ng ka-fling Umaasang magkabati ni mareng destiny Sa totoo lang, hindi naman ako ganito. Dati pa nga ay napakarami kong manliligaw. Ganda ko kase! Pero iba yung noon sa ngayon. Noon kase ay inuunahan ko na sila ng sagot na 'You deserve someone better', wala kase talaga sa isip ko ang pagpasok sa isang relasyon. Masyado pang maaga para doon. Hindi naman ako mauubusan ng lalake. Pero, iba na ngayon. Nagbago na ang perception ko sa buhay. Kung kailan namang interesado na akong magkaroon ng boyfriend, saka naman walang nagtatangka. Siguro ay nagsawa na lahat ng manliligaw ko noon. Alam na din ng iba na ugali ko ang huminde. Pero iba na talaga ngayon, patapos na ako ng kolehiyo. Goodbye na as a student! Pero hanggang ngayon, wala pa ding experience! Birhen na birhen sa lahat ng bagay. Mawawala na ako sa kalendaryo pero ni halik ay hindi ko pa alam kung paano. Yung ibang halik syempre! Yung halik na may kasamang pagmamahal. Yung halik na kikiligin ka talaga! Ilang sandali pa ay natapos na kami nila Erin sa aming plates. Bumalik na din kami sa classroom dahil may pag-uusapan daw ang buong educ department. Puro kalokohan. Pagdating namin sa classroom ay halos napuno na ito ng mga kapwa namin estudyante. Tungkol saan na naman kaya ang meeting na 'to? Sumiksik kami sa loob ng room kahit parang wala nang space. Malaki ang room namin pero hindi naman kakasya lahat ng education ang course. "So ipinatawag ko kayong lahat dahil hanggang ngayon ay wala pa ding representative sa course ninyo para sa pageant na gaganapin 3 weeks from now", panimula ng isang teacher. Hindi ko alam kung saan siyang teacher. Hindi ko man lang siya napansin dahil sa dami ng estudyante. "So ngayon, I want you to cooperate with me, anyone for girls?", nagsitahimikan naman ang lahat nang magtanong ang teacher. Lahat ay hindi interesado. Paanong hindi? Eh sobrang busy ng lahat ngayon! Ang daming paper works dahil ilang months na lang ang itatagal namin dito at mga professionals na kami. "Ma'am! Si Aeyu Tan daw po!", sobrang nagimbal ako nang nagsigawan ang mga kaklase ko. At 'tong Erin naman na 'to! Kinasabwat pa ang mga classmates ko! Itinaas niya pa ang kamay ko. Hindi ako makakilos dahil lahat ng mata nila ay nakatutok sa akin. "So it's settled.", sabi ng aming guro. "Pero ma'-", hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang pumasok si Bright. "Meron na po ma'am?", tanong niya kay Ms. Bea. "Yeah. Meron nang girl representative. Si Ms. Aeyu Tan.", awtomatikong gumalaw ang mga mata ni Bright para hanapin ako. Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang magtama ang paningin namin na agad niya naman binawi. "Ako na po sa escort ni Aeyu!", nagulat lahat nang magsalita ang isang lalake na sa palagay ko ay sa kabilang section. 4-B ata siya. Gwapo siya, mala-Bright pero mas angat pa din ang crush ko! Malaki pa ang alaga! Napatawa na lang ako sa iniisip ko. Nakita ko pang nangunot ang noo ni Bright at tinitigan ang lalake mula ulo hanggang paa. Agad naman iyong nilista ni Ms. Bea. Nagpasalamat pa sila sa kooperasyon namin at umalis na din kalaunan. Saktong pag-alis nila ay hinila ko si Erin at pinagkukurot. "Gaga ka! Bakit mo ginawa 'yon?!", pagalit kong sabi sa kanya habang kinukurot pa din. "Easy ka lang! Napaka-brutal!", sabi niya habang umiilag sa pangungurot ko. "Gaga ka kase! Timang ka! Alam mo namang medyo gipit ako ngayon! Hindi ako pwedeng humingi kay mama", sabi ko sa kanya. "Alam ko naman sis! I'll help you naman eh! Saka nung nakaraan pa namin pinagplanuhan 'yan. Magcocontribute mga classmate natin! Duh!", kahit medyo lumuwag na ang pakiramdam ko ay hindi ko pa din maiwasang kabahan. Isa lang ang nasa isip ko. Nakakahiya. Hindi kaya ako sanay na humarap sa maraming tao! Kahit naman makapal ang mukha ko ay hindi ko maiwasang makaramdam ng ganito. Mabilis na lumipas ang oras. Dismissal na pala. Nauna nang umuwi si Erin dahil daw may aasikasuhin pa siya. Ako naman ay dumaan muna sa library para kuhanin yung libro na gagamitin namin para sa pag-dedemo. Sobrang dami ko pang gagawin. Medyo maaga pa naman kaya naisipan ko munang gumawa ng powerpoint presentation para sa demo. Hindi ko na namalayan pa ang oras, napansin ko na lang na isasara na ng librarian ang library kaya agad ko 'tong pinigilan. "Wait lang po!", buti na lang at narinig niya. Agad kong inayos at isinilid sa loob ng aking bag lahat ng gamit ko. Agad naman akong nagpasalamat sa librarian 'pag tapat ko dito. Madilim na pala sa labas. Medyo pumapatak din ang ulan. Ang alam ko ay may bagyong paparating sa PAR pero hindi ko naman inaasahan na mukhang ngayon pa ata ito babagsak sa kalupaan. Minadali ko naman ang paglalakad para makaabot sa shed. Wala akong dalang payong kaya mas binilisan ko ang paglalakad. Buti na lang at nakaabot ako bago pa lumakas ang buhos ng ulan. Ilang minuto pa akong naghintay pero hanggang ngayon ay wala pa ding dumadaang sasakyan. Medyo nababasa na din ang suot ko dahil sa lakas ng ulan. Napahikab na din ako dahil medyo inaantok na nga ako. Napa-diretso ako ng tayo nang may bumusina sa harap ko. Pamilyar ang sasakyan. Nagulat na lang ako nang bumukas ang pinto ng driver's seat at iniluwa noon si Bright na naglabas ng payong. Napatulala ako nang makita ko siya na papalapit sa akin. "Gabi na ah. Bakit nandito ka pa?", tanong niya pero tulala pa din ako dahil hindi ko in-expect na nandito siya kaharap ko. Napakurap na lang ako nang pinitik niya ang noo ko. "Ano ba?", inirapan ko pa siya. "Tulalang tulala ka na naman sa kagwapuhan ko.", sabi niya at hinigit ako. "Napakayabang", bulong ko pero hindi niya masyadong narinig dahil malakas ang tunog ng bumabagsak na ulan. "San mo ba ko dadalhin?", tanong ko sa malakas na boses. Pinapasok niya muna ko sa sasakyan at umikot na siya para sumakay din bago siya sumagot. "At sa tingin mo talaga may dadaan pang sasakyan sa ganitong oras? Masyado nang gabi. Pasalamat ka na lang dyan at nakita kita kung hindi, doon ka magpapalipas ng gabi", sabi niya na nagpatahimik sa akin. Gamit ang isang kamay niya ay inabot niya sa akin ang jacket niya. Nagets ko naman kung para saan iyon at sinuot ko na. Dahil nga inaantok na ako kanina pa, umidlip muna ako sandali. Nagising na lang ako nang maramdaman kong umaangat ako. Agad ko namang idinilat ang mata ko. Laking gulat ko nang ma-realize kong buhat buhat ako ni Bright. Nang titingin siya sa akin ay agad kong ipinikit ang mga mata ko. "Wag ka nang magtulog-tulugan dyan. Ibabagsak kita sige ka", pananakot niya at ibinaba na ako. "Sana ginising mo na lang ako at hindi na binuhat pa", sabi ko sa kanya. Inilibot ko ang paningin ko at napagtanto kong nasa bahay pala kami. "Oh iho, humigop ka muna ng sabaw at masyadong malamig, pampainit ng sikmura", nabaling ang atensiyon ko kay mama na kakagaling lang sa kusina. Kinabahan ako nang gumawi ang tingin sa akin ni mama na oara bang binibigyan ako ng mag-usap tayo mamaya look. "Salamat po tita", pagpapasalamat ni Bright at hinigop na ang sabaw na ibinigay ni mama. "Akyat lang ako Ma, Bright.", hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at umakyat na ako sa taas para maglinis ng katawan. Bright's POV Pagkaalis na pagkaalis ni Aeyu ay kinausap ako ng mama niya. "Anong pangalan mo iho? Boyfriend ka ba ng anak ko?", tanong ng mama niya. "Bright po. Bright Montero. Hindi pa po niya ako boyfriend. Pero malapit na po tita.", uunahan ko na si Aeyu na magsabi kahit hindi naman totoo. Nararamdaman ko namang doon din papunta ang samahan namin. Sa totoo lang, natutuwa ako sa Aeyu na nakilala ko sa online dating app, sobrang naging komportable ako sa kaniya. That's why I'm always calling her. I love her voice, I love the way she speaks, her perception. Everything about her. But, I also love the Aeyu na nakilala ko in person. Stubborn. Naughty. "So, nililigawan mo ang baby Aey ko?", magiliw na tanong ng mama niya . "Opo. Pero hindi niya alam", natatawang sabi ko. Tutulungan naman daw niya ako sa anak niya. Gusto na din daw niya na magkaroon ito ng kasintahan dahil simula't sapul ay hindi pa niya ito naranasan. Marami pang sinabi ang mama ni Aeyu sa akin. Natigil lamang ng bumaba si Aeyu. Napatulala ako sa hitsura niya. Nakasuot siya ng malaking white shirt na umabot sa kalahati ng hita niya at maiksing pambaba na halos hindi na makita dahil sa haba ng damit niya. Naramdaman kong nag-react ang ibaba ko. Napaiwas ako nang tingin nang gumawi ang tingin niya sa akin. "Nako iho! Mukhang hindi ka na makakauwi sa inyo. Bumaha na pala sa labasan iho.", sabi ng mama ni Aey na mukhang kakatapos lang makipag-usap sa phone. "Dito ka na lang magpalipas ng gabi iho, wala namang mawawala sa 'yo hahaha", dugtong pa niya. "Okay lang naman po, yun ay kung okay lang din kay Aeyu", sabi ko at tumingin pa kay Aeyu na tulala na naman. Aeyu's POV "Dito ka na lang magpalipas ng gabi iho, wala namang mawawala sa'yo hahaha", pagbibiro ni mama kay Bright. Tulala ako dito sa kanilang dalawa nang biglang sumagot si Bright. "Okay lang naman po, yun ay kung okay lang din kay Aeyu", tumingin pa siya sa akin. Agad ko naman siyang pinandilatan ng mata. "Maluwag naman sa kwarto ni Aeyu, iho. Doon na lamang kayo. Mauna na ko huh? Kanina pa ako inaantok. Maaga pa ko bukas.", paalam ni mama pero agad ko siyang pinigilan. "Tabi na lang tayo mama! Siya na lang sa kwarto ko!", sabi ko pero iniwan na ako ni mama dito. Paano niya nagawa 'to sa anak niya? Ang hayaan sa isang lalake? Ganito na ba kalaki ang tiwala niya kay Bright? Nako mama! Malaki pa naman alaga nito! Baka hindi ko kayanin! "Hindi pa ba tayo matutulog?", bulong sa akin ni Bright na nagpatayo sa balahibo ko. "Tara na! Hiyang hiya naman ako sa'yo", iniwan ko na siya pero ramdam ko ang pagsunod niya. "Bakit ba ikaw naman ang nagsusungit dyan?", tanong niya pero hindi ko siya pinansin. Pumasok na ako sa kwarto at sumunod naman siya. "Maglinis ka muna ng katawan mo bago matulog. Medyo basa na din 'yang damit mo", kumuha ako ng jersey short kong pambabae at kahit labag sa aking kalooban, kinuha ko din ang jacket nung guy na naduguan ko. Agad ko namang inabot sa kanya. Nakita kong nakatitig siya sa jacket na inabot ko. "So you're that girl?", tanong niya na nagpakunot sa noo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD