CHAPTER 6

2839 Words
Aeyu's POV "So you're that girl? ", tanong niya na nagpakunot sa noo ko. "What do you mean?", sinagot ko ng isa pang tanong ang tanong niya sa akin. "The girl in the shed, yung natagusan", sabay smirk niya sa akin. Agad naman akong namula nang mapagtanto ko ang sinabi niya. "I-ikaw yon? Sa 'yong jacket 'yan?", medyo nauutal ko pang tanong. Sobrang liit talaga ng mundo! "Yeah.", yun lamang ang sabi niya at dumeretso na sa cr ng kwarto ko. Feel at home amp! Napaupo na lamang ako sa kama sa labis na kahihiyan. Narinig ko pa ang lagasgas ng tubig mula sa shower sa cr nang nilamon ako ng antok. Bright's POV Pagkatapos kong mag-shower ay tumingin ako sa salamin dito sa cr ng kwarto ni Aeyu. Napatawa pa ako nang makita kung gaano kaiksi ang short na ibinigay niya sa akin. Nilibot ko pa ang paningin ko sa loob. Pambabaeng pambabae. Agad naman akong napaiwas nang tingin nang mahagip ng mata ko ang mga underwear niya. Agad naman akong lumabas pagkatapos ko. Nakita ko siyang nakahiga sa kama niya, mukhang tulog na. Agad naman akong napangiti nang makita kong hindi siya nakaayos ng higa. Nakalapat pa sa tiles ang dalawa niyang paa. Lumapit ako sa kaniya at binuhat siya upang maging komportable ang pagtulog niya. This girl. Agad akong tumabi sa kaniya at tinitigan ang mukha niya. Ang ganda niya talaga. Tumagilid ng higa si Aeyu paharap sa akin at mas lalo kong nakita kung gaano siya kaganda. Agad namang nag-react ang ibaba ko nang iyakap niya sa akin ang binti niya. Dahan-dahan kong inalis ito dahil baka hindi ako makapagpigil. This girl. Sa online dating app pa lang ay nagustuhan ko na siya. She caught my attention as Ms. Virgin_Fresh_Pa_Sa_Tahong. She also caught my attention as the real her. Aeyu. From the jeep, her stubbornness in the shed, that time when she bumped to me. I think I likes her. Pero kapag tumagal pa na magkasama kami, hindi maiiwasang mahulog na talaga ko sa kaniya ng husto. Dumako ang tingin ko sa labi niya. Ang pula. Nakakaakit. Naaakit ako. Hindi naman siguro niya malalaman. Tulog naman siya kaya ayos lang. Nilapit ko ang labi ko sa kaniya. I kissed her. So soft. Niyakap ko siya at pinilit ko ang sarili na matulog sa kabila ng pagrereact ng ibaba ko. Naramdaman ko ang pagtama ang araw sa mukha ko. Naaninag ko din ang flash ng kung ano. Click* Narinig ko pa ang pagtunog ng pag-capture ng camera pero pinanatili kong nakapikit ang mata ko. Nagulat na lang ako nang naglikot ang kayakap ko. Aeyu's POV Nasilaw ako sa lumapat na flash sa mukha ko. Agad akong napadilat at laking gulat ko nang makita si mama na pinipicture-an ako. Nagulat ako nang maramdaman kong may nakayakap sa akin. Hindi na ako nagulat nang makita ko si Bright. Agad naman akong bumalikwas ng bangon nang mapagtanto ko ang dahilan ng pagkuha ni mama ng litrato. "Mama naman! Natutulog kami dito oh!", huli na nang ma-realize ko ang sinabi ko. Parang ipinaparating ko pa na disturbo si mama sa amin ni Bright. Nakita ko ang pagsilay ng ngiting nakakaloko ni mama. "Oh sige na baby ko, hindi ko na kayo aabalahin pa hahaha, gets ko nang may baby na ang baby Aeyu ko", bago pa ako makapagsalita ay lumabas na si mama. Saktong paglabas naman niya ay ang pagbangon ni Bright. "Good morning", shocks! Ba't ba ang husky ng boses niya? Mapupungay na mata niya ang sumalubong sa akin pagharap ko sa kaniya. Ang gwapo! Ang sarap ibulsa para hindi na makuha pa ng iba! "G-good morning din", nauutal na sabi ko. "Ahm may tutorial pala ko ngayon. Sa pinsan mo, right?", dugtong ko pa. "Oo nga pala.", kinusot-kusot niya pa ang mata niya. Ang cute! "Ligo lang ako Bright, gusto mo bumaba ka na, siguradong may inihanda si mama bago umalis.", sabi ko dito at bumangon na. "I'll wait for you.", sabi nito at humiga muli. Dumeretso na ako sa cr para makapag-ayos. Buti na lang at napaghandaan ko na lahat ng pwede kong ituro sa pinsan niya. Buti na lang talaga at matalino ako, malas ko nga lang dahil natanggal ako sa DL. Kainis na dating app kase 'yan. Pero atleast may nakilala akong gwapong Bright. Swerte ko pa din. Pagkatapos kong maligo ay may naalala ako. Tangina! Wala akong dalang damit! Sana naman nakatulog si Bright! Please! Sana nakatulog siya. Dahan-dahan akong lumabas ng cr na towel lamang ang tanging tumatakip sa katawan ko. Medyo pumikit pa ako ng konti. Sumilip ako sa kama ko nang makitang wala doon si Bright. "Hooo", huminga ako ng malalim. "Sexy huh?", lahat ata ng balahibo ko ay nagsitaasan nang may bumulong direkta sa aking tenga. Napapikit ako ng mariin nang maramdaman kong namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Mas lalong nagtaasan ang balahibo ko nang hinipan niya ang tenga ko. "Perv!", agad akong tumakbo papasok sa cr nang makabawi ako ng lakas. Feeling ko kase ay natunaw ako sa eksenang iyon. Narinig ko pa ang malakas na halakhak ni Bright na talaga naman nakapag-paasar sa akin. This guy! Kung hindi lang talaga kita crush! "Labas ka na!", kahit nanghihina ay pinilit kong sumigaw. "Oo na future misis ko, lalabas na po", hindi ko alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob si Bright para masabi ang mga salitang 'yan. Nakakakilig! Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto at nakasisiguro akong lumabas na siya. Buti na lang at nakinig! Agad akong lumabas ng cr at nagulat ako nang nakita ko siyang nakatayo sa pinto ng kwarto ko. "Bright!!", napipikon na talaga ko. " Eto na hahaha", talagang inaasar ako. Agad naman siyang lumabas. Simpleng white statement shirt na naka-tucked in sa denim skirt na above the knee lamang ang isinuot ko. Pinaresan ko ito ng white snickers na bumagay naman sa akin. Naglagay lang ako ng hair band at pinanatiling nakalugay ang wavy kong buhok na umabot sa aking siko. Hindi muna ko naglagay ng baby powder at liptint dahil kakain pa naman ako. Bumaba na ako para kumain. Nakita ko si Bright na nakaupo sa couch habang nagkakape. Putspa! Feel at home amp!" Tumingin naman siya sa akin nang lumapit ako sa kaniya. "Ang cute mo", namula ako nang purihin niya ako. "Baliw! Tara na, almusal muna tayo", inaya ko siya. "Uhm", tumango lamang siya kaya tinalikuran ko na. Hindi pa ako masyadong nakakalayo nang humawak siya sa kamay ko at sumabay sa akin sa paglalakad. "Parang mag-asawa na tayo", pagbibiro niya. Bakit ba pinapakilig niya ko?! Hindi na lang ako umimik dahil baka mag-c***k pa ang boses ko. Naghain na ako at nauna na siyang umupo sa upuan sa dining. Nang akmang uupo na din ako sa katabi niyang upuan ay hinigit niya ako kaya ang resulta, napaupo ako sa lap niya. "Ano ba?", pagsusungit ko at akmang tatayo na pero hinawakan niya ang bewang ko. "Eat.", maawtoridad na sabi niya. "Addict ka ba? Anyare sayo?", nalilito na talaga ako. Bigla na lang naging ganyan amp! "Addict sayo", kumuha siya ng pagkain at nilagay sa plato. Akmang kukunin ko ang isang plato para sa 'kin nang nilayo niya ito. Kinunutan ko naman siya ng noo. Nilapit niya ang kutsara sa bibig ko. Alangan namang magpakipot pa ko, sinubo ko na din. Natapos kamimg kumain at ako na ang nagpresinta na maghugas ng pinagkainan namin. Siya naman ay pumunta sa kwarto ko dahil magpapalit daw siya ng damit. Pinatuyo niya daw kagabi yung damit niya. Pagkatapos ko ay siya namang pagbaba niya. "Kunin ko lang gamit ko", sabi ko sa kaniya at umakyat na. Nag-toothbrush muna ako bago naglagay ng baby powder at liptint. Agad din naman akong bumaba dahil baka naiinip na si Bright. Tinahak na namin ang daan papunta sa bahay ng Tita Aly niya. Pumasok kami sa isa pang exclusive village na katapat ng village na tinitirahan ni Bright. Tanda ko kaseng doon siya bumaba nung natagusan ako. Huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay. Mansyon na ata 'to eh. Ipinark na lang ni Bright sa labas ng gate ang sasakyan niya at sabay kaming pumasok sa loob. Sobrang ganda ng garden nila Tita Aly! Paradise. May pa-fountain pa malapit sa pool. Sana all may pool. Pumasok naman kami ni Bright sa loob nang pinagbuksan kami ng pinto ng isa sa kasambahay nila Tita Aly. Base kase sa suot nito ay makikita mo kung anong trabaho niya. Hindi ako judgemental. Pagkapasok namin sa loob ay mas lalo akong napanganga. Sobrang ganda! "Nasan po si Alisha?", tanong ni Bright sa isa na namang kasambahay. Bago pa sumagot si manang ay may isang anghel na tumakbo papalapit sa amin. "Kuya Bright!" Hindi literal na anghel. Mukha lang siyang anghel. Ang cute niya! Tapos ang ganda! "Hello Alisha", sabi ni Bright at ginulo ang buhok ni bebe Alisha. Ang ganda ng name! Alisha. "Hello ate ganda!", nagulat ako nang binati niya ako. "Ahm hello Alisha", magiliw kong bati at yumuko ako ng konti para i-kiss siya sa cheeks, ang cute kase! Hirap magpigil. "Ang sweet naman ng girlfriend mo kuya Bright! Hindi katulad nung dracula mong dinala dati dito.", sabi ni Alisha na ikinpula ng mukha ko. Pero sino yung dracula? Natawa naman si Bright kay Alisha. "Ahm hindi niya ko girlfriend bebe", ako na ang nagsabi dahil mukhang walang balak si Bright na sabihin ang totoo. "Future wife ko Alisha", pagtatama ni Bright kaya kinurot ko siya ng palihim sa tagiliran niya. "Kinikilig ako sa inyo kuyaaa! Nakakakilig kayo!", she said whike giggling. Napatawa naman ako sa reaksiyon niya. "Siya yung magtuturo sa'yo Alisha", sabi ni Bright. "Kung siya po ang magtuturo sa akin ay sobrang makikinig po ako! Ang ganda niya kase kuya!", sabi ni Alisha habang nakatingin sa akin. "Salamat bebe", nahihiya kong sabi. Pumunta kami sa sala dahil doon daw kami mag-aaral ni Alisha. Hinigit niya pa ako kaya napatawa ako ng mahina. Excited na excited daw kase siya. Kasalukuyan kaming nakasalampak sa sahig ni Alisha at si Bright naman ay nakaupo sa couch nang marinig naming tumunog ang door bell. Si manang ang nagbukas at iniluwa noon ang isang magandang babae. Ang classy niya tignan. Napansin kong tumingin si Alisha sa bagong dating na babae. "Si Dracula", narinig kong sabi niya. Nakita kong umikot ang paningin ng babae at nahinto iyon kay.. kay Bright. "Bright baby! Bakit hindi mo sinasagot ang calls ko? Kung hindi pa ako nagtanong kay tito ay hindi ko pa malalaman na nandito ka!", nagulat ako nang tumabi siya kay Bright at nilingkis ang mga braso niya dito. Nagtama naman ang paningin namin ni Bright at ako na ang unang umiwas. Nagpapakita sakin ng motibo, may baby na pala. "Ate ganda, nabutas na yung papel", nag-aalalang sabi ni Alisha na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Hindi ko napansin na ang diin pala ng pagkakalapat ko ng ballpen sa papel. Nabutas tuloy. Tinignan kong muli yung magandang babae at nagulat ako ng sinamaan niya ako ng tingin. Umirap pa! So, siya pala yung dracula na tinutukoy ni Alisha? Tsk. Hindi na pala maganda! Ang arte. Naka-dekwatro pa. Hindi ba siya aware na maiksi ang suot niyang dress? Strapless pa tapos kung makalingkis kay Bright parang gusto nang ikiskis ang kaluluwa niya. Habang tinuturuan ko si Alisha ay sumusulyap ako sa kanila. At talaga namang ipinatong pa ni ate girl yung ulo niya sa balikat ni Bright! Nakakagigil Sinubukan kong tignan si Bright kung magpupumiglas siya pero nagulat ako nang hinila niya patayo yung babae. "Sa kusina lang kami", hindi ko alam kung kanino siya nagpaalam pero hindi ko iyon pinansin. Kumapit na naman ang tuko. "Ate ganda? Nagseselos ka ba?", nagulat ako nang magsalita si Alisha. "Ano? Ako? Hindi ah!", pagdedeny ko pa kahit alam ko naman sa sarili ko na selos na selos na ako. Wala naman akong karapatan. Ang sweet lang naman kase niya sa akin kanina. Siguro ay part lang 'yon ng pang-aasar niya sa akin. "Wag ka nang mag-deny ate ganda, saka wag kang magselos sa dracula na 'yon! Mas maganda at mas mabait ka sa kaniya. Ayaw ko sa kaniya. Si tito Andrew lang naman ang nagpupumilit na gawing girlfriend ni kuya Bright yan", mahabang sabi ni Alisha. "Sino naman si tito Andrew?", tanong ko kay Alisha. "Father ni kuya Bright, napakasungit ng Chinese na 'yon", sabi ni Alisha. "Chinese ang tatay niya?" Tumango lang siya at nagsagot nang muli. Same pala kami. Pero iba ang sitwasyon. Kumpleto sila samantalang kami ni mama ay iniwan. Hindi ko alam kung bakit kinuha pa akong tutor ni Alisha, parang mas matalino pa kase siya sa akin. Saka ang ipinagtataka ko, high school na siya pero kumuha pa ng tutor. "Hindi talaga 'ko nagseselos Alisha", pagsisinungaling ko pa. "You're not good at lying po", sabi niya na ikinatawa ko. Mag-aral na nga ulit tayo. Maya-maya pa ay lumabas ng kusina sila Bright. May dala pang cake yung babae at sinusubuan si Bright. Ang akala ko ay tatanggihan ito ni Bright pero sinubo niya! Ang sweet nila. Mukhang galing sa mayamang pamilya 'tong babae. Bagay na bagay sila. Kung hindi kaya kami iniwan ng papa ko ay mayaman din kami ngayon? Bagay na din kaya kami ni Bright? Inalis ko sa isipan ko ang mga iniisip ko at nag-focus na lang kay Alisha. Nakita ko pa sa peripheral vission ko na bumalik sa kusina ang dalawa. Natapos kami ni Alisha pero hindi pa din nagpapakita ang dalawa. Natapos na kaming kumain, nagdaldalan, at kung ano ano pa. Inihatid daw kase ni Bright kanina yung babae at hanggang ngayon ay hindi pa din bumabalik. Madilim na din sa labas. Si tita Aly daw ay mamaya pa uuwi. "Tawagan ko na po si kuya Bright para mahatid ka.", sabi ni Alisha "Wag na Alisha, baka madisturbo pa 'yon. May mga dumadaan namang sasakyan dito sa village niyo.", sabi ko. "Pero ate--", hindi na natapos ang sasabihin niya nang inunahan ko na siya. "Promise bebe, okay lang talaga", wala na siyang nagawa pa. Inihatid niya ako sa may gate at nagpaalam. "Ate gabi na oh, delikado sa daan", pag-aalala niya. "Malaki na ako bebe, kaya ko 'to hahaha", pabiro kong sabi at nagpaalam na. Naglalakad-lakad na ako dito sa loob ng village papunta sa labasan. Masyado kase akong gagabihin kung maghihintay pa ako ng mga sasakyang rumoronda doon. Mukhang wala naman kase. Medyo pumapatak na ang ulan, pero hindi ko ito ininda. Lumalakas ang pagpatak ng ulan. Binilisan ko ang paglalakad ko. Tumakbo ako nang mabilis nang lumakas pa ang ulan, hindi na patak. Buti na lang at walang mga siraulo dito na gaya ng sa mga nababasa kong libro, tapos mangre-r**e pa! Binilisan ko ang takbo ko at napaupo ako nang madulas ako kasabay ng nakakasilaw na dumeretso sa mata ko. May huminto kaseng sasakyan sa mismong harap ko, at ang malas dahil nagulat ako. Madulas pa naman yung part na natapakan ko. Buti na lang malapit na sa labasan. Tumayo ako at nagulat nang may umalalay sa akin. "Bakit umalis ka doon? Nabasa ka tuloy", si Bright pala. "Gabi na, uuwi na ko.", sabi ko sa malamig na tono. Totoong naiinis ako. Sana sinabi niya na hindi niya ako maihahatid pauwi para naagahan ko sana. Hindi sana ko naabutan ng malakas na ulan. "Sorry, hindi kase ako pinaalis agad ni tita Amanda, Nicole's mom.", pagpapaliwanag niya. So, Nicole pala ang pangalan nung babae kanina. "Okay lang, wala naman akong pakialam", sabi ko at naglakad na ulit. Konti na lang naman, hindi ko na kaya pang tumakbo dahil masakit ang paa ko. "Aeyu! Stop being stubborn", hinarangan niya pa ako. "I'm not", sabi ko at naglakad muli. Nakita kong may bus na paparating kaya binilisan ko ang lakad ko. "Kuya sandali!!!", sigaw ko pero mukhang hindi ata ako narinig. Nalampasan ako. "Last trip na yon. Sumakay ka na sa akin", Nagulat ako nang binuhat niya ako at isinakay sa sasakyan niya. Sinuotan niya ako ng jacket dahil nga nabasa na naman ako. Pagkarating sa tapat ng aming bahay ay dire-deretso akong bumaba at pumasok na sa loob ng gate. Hindi ko na siya pinansin. Narinig ko pang sumigaw siya at nagpaalam pero hindi ko iyon pinansin. I know nag-oover react lang ako pero wala akong pake. Masama ang loob ko ngayon. Nakita kong nakatitig sa akin si mama pero hindi ko na siya pinansin pa. Ang aga ni mama umuwi. Naligo ako sa cr at humiga sa kama ko pagkatapos. Ayoko munang mag-isip ng kung ano ano. Wala naman akong karapatan kay Bright pero bakit ganoon ako? I acted like a jealous girlfriend. Nakakahiya pero iyon ang nataramdaman ko. Nagulat ako nang pumasok si mama sa kwarto ko. "May problema ka ba anak? Bakit basa ka kanina?", sunod-sunod na tanong ni mama. "Okay lang po mama, naabutan lang kami ni Bright ng ulan. "Hindi iyan ang nakikita ko. Pagkapasok mo ay para kang mangangain. Galit na galit ang mukha mo", medyo natatawang sabi ni mama. "Normal lang ba na magselos ako mama? Eh wala namang kami", hindi naman masamang ikwento ko ang nararamdaman ko kay mama. "Sabi ko na nga ba eh, tungkol kay Bright yan eh. Alam mo anak, nararamdaman ko namang may nararamdaman ka kay Bright, hindi naman masamang magselos dahil base sa obserbasyon ko sa inyo ay parehas naman kayo ng nararamdaman. Opisyal na nagpaalam sa akin si Bright para ligawan ka.", mahabang sabi ni mama. Nagulat ako sa sinabi niya. "Hindi masamang magselos anak, ang masama ay iyong patulan ang iyong pinagseselosan", payo ni mama. Bata pa lamang ako ay tinuruan na ako ni mama na umiwas sa gulo. Kung maaari ay huwag na huwag akong papatol sa mga taong mapang-api at nagtatapang-tapangan. Isip-bata lamang daw ang mga mapag-patol. Noong bata ako ay tampulan ako ng tukso dahil wala akong ama. Pero kahit isa sa kanila ay wala akong pinatulan. "Pero mama, hindi naman ako papatol doon, masyado akong maganda para awayin ang panget na 'yon", pagbibiro ko kay mama. "Hahahaha wag ka talagang pumatol dahil wala naman kayong relasyon ni Bright hahahahaha", pabirong sabi ni mama at talagang tumawa pa ng malakas. "Mama naman! Akala ko pa naman dadamayan mo ko!", nagtatampo kong sabi. "Matulog ka na ngang bata ka, mukhang magdedate na naman kayo bukas eh", yun lang ang sabi ni mama at kiniss ako sa cheeks. "Goodnight 'nak", lumabas na si mama. Medyo gumaan naman ang loob ko dahil sa kalokohan ni mama. Hindi rin nagtagal ay kinain na ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD