Aecka's POV (Aeyu's mom)
Pauwi na ako ng bahay nang maalala kong pupunta pala si Aeyu sa Tagaytay sa weekend, plano kong bumili muna ng makapal na jacket para sa kaniya sa Mall, malamig kase sa Tagaytay kaya kailangan niya 'yon.
Pagbaba ko sa taxi ay agad na akong pumasok sa loob ng mall. Agad akong pumasok sa H&M dahil paboritong brand ni Aeyu 'to, malambot din ang tela ng sweater nila, naalala kong hoody pala ang gusto ng baby ko kaya humanap ako ng magandang hoody na babagay sa kaniya, pinili ko ang pastel brown na kulay, bagay na bagay sa maputing balat ng baby ko.
Agad kong binayaran sa counter ang nabili ko at lumabas na din sa H&M, habang naglalakad ako palabas ng mall ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na lalake, sobrang pamilyar. Nakaupo siya sa loob ng restaurant dito sa mall, may kasama siya, isang babae na kaedaran ko lang at si Aly? Yung tita ni Bright? Bakit niya naman kasama si Aly?
Aeyu's POV
Maaga akong nagising dahil ngayong araw ang balik ko sa Flynn University, one week din akong hindi nakapasok, 1 week ko nang hindi nakikita si Erin, malamang maraming chika 'yon!
Ginawa ko ang morning routine ko at nagbihis ng uniform, pagkatapos ay bumaba na ako para mag-breakfast, at dahil nga maaga pa, naabutan ko si mama na tulala sa dining.
"Hoy mama!", panggugulat ko dito at kita ko ang pagsinghap niya.
"Nandito ka na pala, breakfast ka na Aey", mahinang sabi ni mama.
Weird. Nag-breakfast na ako kasabay siya pero sa kalagitnaan ng pagkain ko ay nagpaalam na siya dahil baka malate daw sya sa office. Okay lang kaya si mama? Baka naman nagbebenta na 'yon ng drugs? Shocks! Mukhang lutang at sabog ngayon si mama. Nakakapagtaka.
Nag-aabang na ako kay Bright dito sa labas ng bahay habang iniisip si mama, mamaya ay balak kong itanong sa kaniya kung may problema siya. Kahit ako ay hindi mapakali.
Ilang sandali pa ay dumating na si Bright, nakasakay sa tricycle, sabi ko kase sa kanya na trip kong mag-commute kaya iyan! Umarkila pa siya ng sasakyan papasok sa kanto namin pero balak kong maglakad today kaya binayaran na niya ang sinakyan niya.
Naglakad na kaming dalawa papunta sa labasan, mukhang hindi pa kami magkakilalang dalawa dahil magkalayo pa ang distansiya namin. Nang makarating kami sa walang mga tao at walang kabahayan, agad kaming lumapit sa isa't isa, hinawakan niya bigla ang kamay ko. HHWW ang peg namin today! Umiiwas lang kami sa tsismis kanina kaya bawal pa, pero ngayong wala namang mga chismosang kapitbahay, pwede nang maghawak ng kamay! Duh! Pagbigyan si Bright na mahilig chumansing!
Walang nagsasalita kahit isa samin hanggang sa nakarating kami sa labasan. Sakto may humintong bus kaya nakasakay kami ni Bright. Syempre tabi kami!
Nagulat ako nang nilagay niya ang ulo niya sa balikat ko at bahagya akong niyakap.
"I'm tired Aeyu, pengeng lakas.", medyo nag-double meaning pa sa akin ang sinabi niya.
"Dahil ba kagabi? Kamusta gawa niyo?", tanong ko na lang.
"Hindi ako nakasama, nagkaroon kami ng family dinner kagabi.", mahinang sabi niya.
"Bakit ka pagod? Pagod ka sakin?", deretsahang sabi ko.
"Crazy tsk. Pagod ako dahil naglakad tayo. Ikaw ba hindi pagod?", masungit na sabi niya. Taena mo Bright!
"Pagod din! Taena ka! Akala ko kung ano na!", nilayo ko pa siya sa akin dahil sa inis ko, agad niya naman akong inakbayan.
"Kung ano ano kaseng pumapasok sa utak mo tsk", bulong niya sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin, hinayaan ko ding nakaakbay siya dahil nakikita ko yung mga babaeng sakay din ng bus ay panay sulyap kay Bright! Sorry off limits!
Malapit na kami sa school nang biglang nag-music si kuyang konduktor. Kita ko sa peripheral vission ko ang pagkunot ng noo ni Bright hahahaha! Kahit kelan asar talo!
-Hindi tayo pwede,
Pinagtagpo pero di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y wag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede -
Ang tanga din ng kanta ni kuyang konduktor! Chorus agad amp! Hanggang sa pagbaba ng bus ay nanatiling nakakunot ang noo ng future ko.
"Hoy! Ayos ka lang?", pumunta pa ko sa harap niya para kunin ang atensiyon niyang naiwan niya ata sa bus.
"Yeah yeah", inakbayan niya na lamang akong muli, at syempre, nakikita ko ang mga mapanuring mata ng ibang estudyante, yung iba naman ay kilig na kilig, solid fans namin ni Bright since pageant. Yeah! Solid fans! Assumera 'ko e!
Pagdating namin sa room, sumigaw ng malakas si Erin. Nakngtokwa!
"Aeyuuuu Tannnnnnnn!", sinalubong niya ako ng yakap, miss na miss?
"Aeyu, una na ko", mahinang sabi ni Bright sa tabi ko.
"Sige, mamaya na lang",
"Babye fafa Bright!", ngumiti lamang si Bright sa amin at umalis na din agad.
"Hoy Aeyu girl! Kumusta ang demo?", tanong ni Erin sa akin, akala mo naman hindi siya nag-demo.
"Edi nakakapagod. Pero nakakatuwa kase stress reliever ang mga bata, ka-close nga din sila ni Bright e", kwento ko habang naglalakad papunta sa upuan ko.
"Ikaw kumusta?"
"Nako! Nakakagigil yung mga batang natapat sa akin! Ayoko sa kanila!", iritableng sabi niya, may pagtaas pa ng kilay psh.
"Kelan ka ba nagkagusto sa bata? Kahit nga pinsan mong bata ayaw mo", sobrang masungit kase si Erin sa mga bata, especially sa mga makukulit, minsan kahit walang ginagawa sa kaniya, naiinis pa din siya, nagsimula 'yan nung nalaman niyang may kapatid siya sa labas, at ang malupet, sobrang kulet! Pero kahit gamoon, ipinapaintindi ko naman sa kaniya na kapatid niya pa din 'yon, salamat shopee at naintindihan niya naman lahat ng payo ko.
"Basta Aey! Kung alam mo lang! Nakakagigil kaya! May hindi pa nakasagot sa actual demo ko! Buti na lang may matalinong nag-save hanep! Laking butas 'non girl!", ginulo niya pa ang buhok niya ala Sisa.
"Baliw", natatawa kong sabi.
"Kelan pala ang Tagaytay trip niyo ni Bright?", tanong niya out of nowhere.
"Sa weekend sana"
"Anong sana? Bakit may sana? Libre na yun oy!", hinampas pa ako ng bruha.
"Edi sa weekend, happy?", iritable kong sabi.
"Buti pa si Gerald ang swerte sa mga estudyanteng natapat sa kaniya, mababait!", umiral na naman ang pagka-inggitera ng chismosa.
"Mabait kase 'yon kaya pinagpapala! Magpakabait ka din para matapatan ka ng mabait ulol!"
Pumasok na si Ms. Jenneth sa amin kaya agad kaming natahimik, ang teacher na naging dahilan ng pagkawala ko sa DL, tarages! Kahit konting kembot na lang ay gagraduate na kami, may mga lessons pa din kami na tinatapos.
Natapos ang maghapon nang hindi ko nakikita si Bright, ang alam ko'y marami silang tinatapos, lalo na ngayon, hindi pala siya nakapunta kagabi, paniguradong gagamitin 'yong dahilan ng mga members niya para ipang-blackmail sa kaniya, ang resulta, siya lang ang gagawa ngayon. Nako! Mapagsamantala pa naman mga kagrupo niya! Iaasa lahat kay Bright ngayon pero wala din naman sigurong nagawa kagabi. Panigurado 'yon! Mga nag-sleepover lang!
Dahil alam kong busy si Bright, pinauna ko na si Erin na lumabas dahil plano kong sunduin si Bright. Palabas na ako ng room nang biglang bumungad si Gerald sa pinto.
"Hello Aeyu! Kumusta ang demo mo?", ang walang kamatayang kamustahan.
"Maayos naman, hindi ako nasabon ng panel dahil mababait at magagaling ang mga estudyante ko", magiliw kong sabi, mabait kase si Gerald kaya deserve niya ang mabait kong side, hindi katulad ni Erin na maldita! Pero bestfriend ko!
"Same pala tayo Aeyu, mababait din ang natapat sa akin, natatawa nga ako kay Erin e, ang malas niya kase sa demo niya", natatawang kwento niya, so pati pala sa kaniya ay nagdrama ang chismosa na 'yon? Hindi talaga maitikom ang bibig kahit saglit.
"Ah hehe", tanging lumabas sa bibig ko.
"Ahm free ka ba? Cafeteria muna tayo, treat ko", magiliw na alok ni Gerald.
Sasagot na sana ako pero naunahan ako nang nasa likod ko.
"Sorry pero hindi siya free, ihahatid ko na ang girlfriend ko", nilingon ko siya at napagtanto kong kay Bright nanggaling ang maawtoridad na boses na 'yon.
"G-girlfriend mo na si Aeyu?", nagtatakang tanong ni Gerald at tumingin pa sa'kin for assurance.
Ako na ang sumagot sa kaniya, "Hindi pa."
"Hindi pa pero malapit na. Any problem with that?", dugtong ni Bright sa sinabi ko.
"Sorry Gerald.", nakayuko kong sambit.
"Let's go", sabi ni Bright at maingat akong hinila palayo doon.
Nagtagpo ang paningin namin ni Gerald nang lumingon ako sa kaniya, alanganin ko siyang nginitian. Nakakahiya.
Pagdating namin sa shed ay agad kong binawi ang kamay ko kay Bright.
"Ang rude mo kay Gerald kanina", I mouthed then umupo na sa bench na nandito.
"Tsk, alangan namang payagan kita? I'm your suitor for goodness' sake Aeyu and I will never let you hang out with other man", maawtoridad na sabi niya at tinabihan ako sa pag-upo.
"OA mo brad! Inaya lang akong kumain, kakain lang Bright. Ikaw pa din naman ang gusto ko, saka mas masarap ka sa pagkain", binulong ko lang ang huling linya na sinabi ko pero alam kong narinig niya dahil nakita kong namula ang tenga niya pero ang gago! Nakangisi amp!
"I know", nagawa niya pang sabihin 'yan sa kabila ng pamumula niya.
"Bright lang malakas hahaha", biniro ko pa siya at hinampas ang braso.
Sabay kaming tumayo nang makita naming may paparating nang bus. Pinauna niya akong sumakay nang huminto ito sa tapat namin. Nadismaya ako dahil kahit anong hanap ko ng upuan, wala pa ding bakante, muntik na akong matumba nang biglang umandar ang bus, buti na lang may humawak sa bewang ko para manatili akong nakabalanse. Pagtingin ko ay si Bright 'yon, nakakapit na siya sa bakal na sinasabitan ng mga pagkain ng mga nagbebenta ng hopya, mani, popcorn sa bus, hindi ko alam kung anong tawag 'don, basta bakal siya.
Nakakainis kase si manong driver! Hindi pa ko handa bigla bigla na lang umandar! At dahil nga pabebe ako, kumapit ako kay Bright kahit na abot ko naman yung hinahawakan niya. Chansing muna mga besh!
At sa maraming pagkakataon, tumugtog na naman ang kanta na kakarinig lang namin ni Bright kanina.
-Pilit nating iniwasan
Ganitong mga tanungan
At kahit di sigurado,
Tinuloy natin ang ating ugnayan
Ngayo'y naubos nang kwentuhan,
Nagsimula nang magsisihan-
Medyo malayo pa kami ng Bright sa kanto namin pero pumara na agad siya kay manong driver. Napikon ata sa kanta!
"That song pissed me off, kanina pang umaga namumuro sa'kin", kinuha niya ang kamay ko at hinawakan. HHWW na naman ang peg namin! Sabi na pikon e!
"Ano bang kinakagalit mo sa kanta na 'yon? Ang ganda nga e! Ang gwapo pa ng banda na kumanta non!", kinikilig na sabi ko at iniimagine ang banda! Lalo na si Rj! My future! Ang gwapo!
"That's it! Kahit mga babae sa room namin kinakabaliwan 'yang banda na 'yan, idagdag mo pa yung content ng song, for pete's sake! We're future couple pero yung ambiance ng bus because of that song, pinaparating na maghihiwalay agad tayo, na hindi tayo pwede!", frustrated na saad niya.
"Sorry na okay? Wag mo na lang intindihin, talo ka pala e. Kanta lang 'yon pero asar na asar ka hahahaha", pumunta ko sa harapan niya at niyakap siya. Buti na lang walang mga tao, highway kase 'to at walang kabahayan, medyo malapit na din kami sa kanto.
"It's okay, not your fault", malambing na sabi niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad, nakapasok na kami sa kanto namin.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay, hinarap ko siya.
"Bukas na pala yung defense niyo right?", gusto ko kase siyang bigyan ng fighting spirit, gagayahin ko yung sa mga napapanood ko at nababasa na supportive girlfriend, kahit hindi pa naman kami. Try lang naman!
"Yeah", he mouthed.
I tiptoed then kiss him on his forehead, nose and the both side of his cheeks.
"Goodluck!", pagkasabi ko niyan ay tumakbo ako papasok sa gate pero agad niyang nahawakan ang aking kamay.
"Thank you", nagulat ako nang hinalikan niya ako.
Sa cheeks nga lang.
Pero ayos na din! Nakakakilig!
Hindi na niya ako hinintay na magsalita, agad niya kong tinalikuran at naglakad paalis.
Sobrang namumula siguro ako ngayon!
Pagkapasok ko sa loob ng bahay, balisang mama ang nadatnan ko, nakatulala siya at parang ang lalim ng iniisip habang nakaupo sa couch, bukas ang tv pero sa center table ang tingin niya.
"Ma? Ayos ka lang?", agad ko namang naagaw ang atensiyon niya.
"Ha? Ahm ayos lang, mag-meryenda ka doon anak, nag-prepare ako kanina dahil halfday lang ang duty ko sa office.
"Okay po"
Hanggang sa pagtulog ko ay binabagabag ako ng mga ikinikilos ni mama. Ano kayang iniisip niya? Palagi siyang lutang simula nung pag-uwi niya nung nakaraang binigyan niya ako ng jacket na binili niya sa H&M.
Hayst.