Aeyu's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw. Naka-one week na ako sa pagiging student teacher. Ang dami kong experience, minsan hindi na kinakaya ni pareng brain. Si Josefina nabugbog ng tatay niya, pagpasok puro pasa. Ang bata pa pero napagbubuhatan na ng kamay. Nalaman daw kase na bading siya. Yung isa naman ay dalawang araw hindi pumasok, pinuntahan ko pa sa bahay nila, pinagbantay pala sa kapatid niya. Pero sa kabuuan, sobrang wonderful ng experience ko. It was a great experience!
It's Sunday. Balak naming lumabas ni Bright at isama si Alisha. Hindi na kase ako nakapagpaalam sa kaniya ng personal. Biglaan kase si mama sa pagpapatigil sa akin sa pagtututor. Nakakahiya naman kay Tita Aly.
Kasalukuyan naming tinatahak ni Bright ang daan papunta sa bahay nila Alisha. Natanawan namin siya na nag-aabang sa tapat ng gate nila. Hindi naman siya excited sa lagay na 'yan?
Pagkahinto ng sasakyan ay agad na pumasok si Alisha sa back seat.
"Ate ganda! Nagtatampo na ko sayo! Bakit naman ayaw mo na kong turuan?", mahihimigan ang tampo sa boses niya.
"Pinatigil na kase ako ni mama, wag daw akong excited magturo", natatawang paliwanag ko.
"Namimiss na kita ate ganda! Isang araw mo na kong hindi natuturuan!", ang cute niya magtampo! Sarap ibulsa!
Napagdesisyunan naming sa Heaven Restaurant na lamang kumain dahil kakausapin ko din si Tita Aly. Medyo disappointed si Alisha nang malamang doon kami kakain. Nagsasawa na daw siya sa mga luto doon. Kaya balak naming mag-picnic after. Ewan ko na lang kung saan ko itatambak yung mga kakainin ko.
Pagkarating namin ay agad umorder si Bright. Nagugutom na din naman ako kaya pabor sa akin. Mag-aalas nuwebe na at hindi pa ako kumakain ng almusal.
Pagkadating ng breakfast meal ay agad namin itong nilantakan. As usual, sarap na sarap ako! Ewan ko ba, type na type ko ang luto dito! Ang bango pa ng paligid. Si Alisha naman ay konti lang ang kinain. Busog pa daw siya at nauumay sa luto. Inubos naman ni Bright ang tira ng pinsan niya dahil sayang daw.
Hindi ko alam na uso pala ang salitang sayang pagdating sa mayayaman.
Pagkatapos naming kumain ay umakyat kami papunta sa office ni Tita Aly.
"Oh hello love birds!", masiglang bati niya at sinalubong kami ng yakap.
"Hello po Tita Aly", nakipag-beso na din ako.
"Hindi mo na daw tuturuan si Alisha? Totoo ba yon iha?", tanong niya nang makaupo kami sa couch.
"Yes mom! Sinabi ko na nga sayo diba?", maarteng singit ni Alisha.
"Sumasabat ka na naman", pagsusungit ni Bright kaya inirapan siya ni Alisha.
"Ahm opo Tita, pinatigil po kase ako ni mama nung nalaman niya. Buti nga po hindi nagalit e", pagkekwento ko sa kaniya at hindi na pinansin ang pag-aaway nila Bright at Alisha.
"Nakakalungkot naman. Pero kapag kailangan mo lang ng trabaho, tatanggapin ka pa din namin", napakabait talaga ni Tita.
"Ito po pala yung sobrang sahod na binigay nyo nung una. Hindi ko na po natapos yung month", inabot ko sa kaniya ang 5000 na sobra sa ibinayad niya nung una.
"Nako iha! Sa'yo na 'yan ano ka ba? Binigay ko na 'yan. Regalo ko na lang sa pagkapanalo mo doon sa pageant.", sabi ni Tita at nilapit pa sa akin yung pera.
"Nako Tita, wag na po." Kahit ang totoo'y gusto ko nang tanggapin. Syempre pakipot muna, inilapit kong muli sa kaniya.
"Hayst sige na nga", nagulat ako nang kinuha niya ang pera. Ngeks? Bat kinuha? Nagpapakipot lang ako ay!
Ngumiti ako nang pilit. Akala ko naman ibibigay ulit sa akin. Tita Aly naman!
At gaya ng nakasanayan, marami na namang kwento si Tita. Inabot kami ng halos 1pm bago makaalis sa Heaven Restaurant. Napagpasiyahan muna naming bumili ng mga pagkain sa convenience store bago dumeretso sa park kung saan kami magpipicnic.
Marami kaming biniling pagkain, mga soft drinks, chichirya, cup noodles, pizza, saka yung ibang hindi ko naman alam. Si Alisha kase ang panay kuha. Pagkatapos ay bumyahe kaming muli. Buong akala ko ay sa malapit lang kami pupunta. Inabot ng halos 2 oras ang byahe namin.
Kamangha-mangha ang naging destinasyon namin. Pagkababa namin sa sasakyan ay hindi ko maiwasang mapapikit at damhin ang malamig na simoy ng hangin. Wala lang, gusto ko lang gayahin yung mga napapanood ko sa kdrama. Ang totoo'y hindi naman malamig ang hangin. Mainit nga e. Kapansin-pansin kase ang kaunting bilang ng puno malapit dito. Mabababang d**o lamang ang tanging berde.
Naglatag na kami ng tela sa damuhan para doon ilagay ang mga pagkain naming dala. Syempre uupuan din namin.
"Ang init naman here kuya Bright. Bakit dito mo pa kami dinala ni ate ganda? May balak ka bang magpa-tan skin?", maarteng sabi ni Alisha at binuksan ang malaking payong. Natawa naman ako ng palihim, baka kapag nilakasan ko ang tawa ko ay mas lalong mapikon si Bright ko!
"Sana hindi ka na lang sumama kung magrereklamo ka lang", masungit na sabi ni Bright sa pinsan niya.
"Shh!", saway ko dito. Napaka-isip bata kase!
Hindi niya ako pinansin, inayos niya na lamang yung malaking payong para hindi kami mainitan.
Naging maganda ang takbo ng picnic namin, marami kaming tinake na pictures, naging instant photographer pa si Bright dahil gusto ni Alisha na magmukha kaming model, maganda daw kaseng kumuha ng pictures si Bright. Pagkatapos ng picture taking, kumain ulit kami. Sobrang busog na ako! Feeling ko nabuntis na ko ng pagkain at anytime, manganganak na ako ng tae.
Nang bandang 5:30 pm na, napagpasiyahan ni Bright na iuwi si Alisha, may pasok pa kase sila bukas dahil lunes na. Ako naman, araw na ng demo bukas, yung totoo na, yung may mga panel.
"Babye ate ganda! 'Til next time!", pamamaalam ni Alisha sa akin sabay dinilaan si Bright. Para talagang aso't pusa 'tong dalawa na 'to.
"Babye bebe!", kinawayan ko pa siya.
Agad naman kaming umalis ni Bright pagkatapos. Agad akong nagtaka nang ma-realize na ibang daan ang tinahak namin.
"Hoy! Saan tayo pupunta? Sa kabilang kanto yung bahay namin woy!", sinigawan ko siya pero hindi niya ko pinansin. Takte!
"Rereypin kita sa damuhan", seryosong sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
"Hoy! Umayos ka nga Bright!", sinigawan ko siya pero ngumisi lang siya. Bakit ang gwapo?! Siguro kung ibang lalake ang gagawa niyan sa akin, paniguradong matatakot ako! Pero takte! Si Bright 'yan! Naiimagine ko tuloy kung paano niya ko hahalayin! Waaah! Erase! Umiiral na naman ang kalandian!
Nagtaka ako nang huminto kami sa may bangin. Pagtingin ko sa aking relo ay past 7:00 pm na. Inabot kami ng halos isang oras sa pagbabyahe? Hindi ko man lang naramdaman. Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Lumabas na din ako. Pumunta siya malapit sa bangin kaya sinundan ko siya. Agad akong napasinghap sa ganda ng tanawin! Kitang-kita ang liwanag ng buong syudad, kapansin-pansin din ang ganda ng mga ilaw sa bawat gusali at bahay.
Nakaka-relax pala dito. Nagulat ako nang pumunta si Bright sa likod ko at niyakap ako. Naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko, lalo na nang pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.
Nandyan na naman yung parang tumatambol sa puso ko.
"Alam kong demo mo na bukas, pampawala ng stress 'to kaya dinala kita dito", ramdam ko pa ang pagtama ng hininga niya sa leeg ko. Nakakakiliti! Feeling ko tumaas lahat ng balahibo ko, yung parang kapag natatae ka na tapos humangin nang malakas. Parang ganon yung pagtaas ng balahibo ko.
"S-salamat", takte! Bakit nautal ako?!
"Shuttering huh?", alam kong nakangisi siya ngayon.
"Psh", hinampas ko pa ang braso niyang nakayakap sa bewang ko.
"Maka-chansing ka, akala mo naman tayo na!", dugtong ko.
"Edi tayo na", deretsahang sabi niya.
"Bakit? Sino ba nililigawan mo? Sarili mo?", natatawang sabi ko.
"Tsk", siya naman ang nagsungit susmaryosep!
Ilang sandali pa kaming nakatunganga sa siyudad. Naisipan naman naming humiga sa damuhan. Swerte na lang namin kapag naka-chamba ng tae ng anumang hayop hahaha.
Magkawak ang kamay namin habang nakatingin sa kalangitan, madaming bituin. Ang ganda tingnan!
"Nakikita mo 'yang mga bituin na 'yan?", biglang tanong niya at itinuto pa yung tabi-tabing bituin na naghugis puso. Hindi ko alam kung hugis puso nga ba 'yon o imagination ko lang. Sabi kase ng teacher ko sa amin noong highschool, dinadaya daw tayo ng mga mata natin kapag nasa malayo ang tingin natin. Kagaya ng mga bituin na 'yan, hindi daw 'yan kumukutitap, sadyang nadadaya lang tayo ng mga mata natin dahil sobrang taas nila.
"Yup", sagot ko.
"Katulad mo sila", what the heck?!
"Pinaglololoko mo ba ako Bright?"
"I mean, you're like them. Like a star, hard to reach. Whatever I do, still impossible. You're so near yet so far.", pagdadrama niya.
"Ayos ka lang ba? Or naka-drugs ka? 'Wag kang mag-alala, malapit na kitang sagutin. Nakakahiya naman sayo", kailangan kong pagaanin ang atmosphere, ang drama kase masyado ng manliligaw ko.
"Seryoso ako Aeyu. Kung alam mo lang", makahulugang sabi niya. Hindi ko na lang inintindi, kinuha ko na lang yung kamay niya at pinaghahalik-halikan. Tinignan ko siya at nakita kong namumula ang buong mukha niya pati yung tenga niya. Kilig ka na naman!
Past 9:00 pm nang maisipan namin na umuwi na, maaga pa kase ako bukas. Kailangan kong mag-prepare at magmukhang presentable sa harap ng panel. Nang makarating kami sa bahay ay agad ding umalis si Bright, wala pa din naman si mama kaya ayos lang.
Ginawa ko ang routine ko sa gabi pagkatapos ay natulog na.
Maaga akong nagising, 4:00 am pa lang ay nakaligo na ako. Kailangan kong mag-ayos ngayon, hindi pwedeng baby powder at liptint lang, soon magiging professional na 'ko sanayin ko nang magmukhang ganito. kaya dapat
Nag-ayos ako ng mukha, naglagay ako ng kaunting face powder then blush on. Lipstick na ang nilagay ko sa labi ko imbes na liptint. Nag-bun ako ng buhok para hindi makalat mamaya habang nagdedemo. Nagsuot ako ng necklace na silver para naman may makikita sa leeg ko, same outfit pa din na uniform ang suot ko. Lumipat ako sa human size mirror para makita ang kabuuan ko. Maayos naman so far, ewan ko mamaya kung magiging haggardo versoza ako.
Inayos ko ang lahat ng gagamitin kong props para mamaya, chineck ko din ang ginawa kong powerpoint 1 week before the pageant sa school. Gladly, na-satisfied ako sa gawa ko. Agad naman akong lumabas ng bahay bitbit ang mga gamit ko nang marinig ko ang pagbusina ng sasakyan ni Bright.
Sa loob ng halos isang buwan niyang panliligaw sa akin, na-memorize ko na ang tunog ng sasakyan niya, tunog ng busina nito at syempre yung hitsura! Naging instant driver ko kaya siya! Pero minsan, nagcocommute din naman kami.
"Tagal mo", reklamo niya pagsakay ko sa loob.
"Syempre pa-importante", pambibiro ko sa kaniya.
"Importante ka naman talaga sakin", nakangising sabi niya.
"Aga-aga nagpapakilig ka! Nako! Wala na! Good mood na ko"
"Kilig na kilig ka na naman", bakit ba ang hilig niyang ngumisi?! Nakakairita! Ang gwapo!
Naging mabilis ang dalawang oras na biyahe dahil sa asaran namin ni Bright. Inihatid niya ako sa loob ng school, dahil elementary school nga ito, maaagang pumapasok ang mga estudyante. Pagpasok namin sa room ay napuno ito ng masisiglang pagbati ng mga bata, marahil ay namiss nila ng husto si Bright, kahit naman kase isang araw lang nila ito nakasama ay sobrang naging malapit na sila dito.
"Sir Bright namiss ka namin!", masayang sambit ng isa kong estudyante na sa pagkakatanda ko ay Hanie ang pangalan.
"Oo nga Sir pogi! Hindi ka na nakabalik", sabi ni Bea.
"Naging busy din kase ako, kaya hatid sundo na lang muna ko kay Ma'am Aeyu niyo.", malambing na paliwanag ni Bright. Takte! Bakit sa kanila malambing magsalita? Bakit sakin palaging masungit? Nagtataka na tuloy ako kung sino ba talaga ang nililigawan niya!
"Umayos na kayo ng upo mga bata, malapit nang dumating ang panel, panigurado madidismaya 'yon kapag nakitang magulo kayo, anong sabi ko?"
"May premyo kay Ma'am Aeyu ang pinaka-behave sa demo! Tapos lahat kami may libreng pagkain mamaya!", malakas na sabi nila, as usual, hindi na naman sabay-sabay. Echos lang yung may premyo, pero yung may libreng foods, totoo 'yon. Um-order ako kina Bea ng turon na sakto sa kanila para may meryenda sila. Pa-farewell ko na din dahil ito na ang huling araw ko dito sa Ilang-Ilang Elementary School.
"Nang-uto pa nga", singit ni Bright.
"Tse!", pagsusungit ko sa kaniya.
"Una na ko, sunduin na lang kita mamaya.", paalam niya sabay halik sa pisngi ko na ikinapula ng mukha ko.
"Ayieeeee", panunukso ng mga bata.
Agad ko namang inayos lahat ng gagamitin ko pagkaalis ni Bright. Sinet-up ko na din ang laptop ko at ang tv dito sa loob ng room. Isinalansan ko na din ng maayos ang pagkakasunod-sunod ng visual aids ko batay sa gamit, pati na din yung mga test papers para sa kanila. 30 minutes per subject ang mangyayare, scripted na lahat ng gagawin ko pati na rin gagawin ng mga bata. Syempre! Ganon naman talaga! Pero sana, hindi mahalata ng panel. Nakakakaba!
Ilang sandali pa'y dumating na ang mga panel, kasama si Ms. Principal.
"Good morning Ma'am Tria, Good morning visitors", masiglang bati ng mga estudyante ko nang pumasok sila sa loob, pinractice pa namin yung pagbati nila grabe.
"Good morning students", tanging bati ng mga panel at umupo na sa designated seat nila sa likod.
Nag-umpisa na ang demo ko, naunang subject ang science, syempre tuwang-tuwa ang mga bata, pano ba naman? Yung topic namin is all about human organ system at natapat pa na reproductive system. Kababata pa nila pero buhay na buhay na ang dugo sa ganoon, tawa nang tawa habang pinapanood yung video na pinrepare ko. Mas lalong lumakas yung tawanan nila nang ituro ko ang v****a at pennis. Hanep! Nakakahiya sa mga panel pero nung nakita kong tumatawa sila, aba! Palakpak tenga ko!
Natapos na namin ang 4 na subject which is Science, AP, Mapeh and English, as usual, dugo utak sa English! Kahit hindi matatas ang pagsasalita nila, nakikita kong tinatry nila ang best nila para hindi mapahiya sa panel. Sa AP naman, as usual din! As usual boring hahaha! Sino ba namang mag-eenjoy sa pagbabalik tanaw sa nakaraan diba? Pero kahit ganon, sinabihan ko sila na mahalaga pa din ang mga pangyayare sa nakaraan na dapat nating dalhin sa kasalukuyan, part na 'yon ng buhay ng lahat.
Kasalukuyan akong nagtuturo ng math, last subject pero worst. Find the missing value lang naman. Kaya medyo madali. Pagkatapos kong ituro ay pinag-test ko sila. 1-5 lang naman kaya walang kaso. Kitang kita ko sa ekspresyon ng mga panel na nag-eenjoy sila sa panonood ng demo ko.
1. 200 - ____ = 100
2. 100 + ___ = 200
3. 4 × 5 = ____
4. __ × 5 = 20
5. 4 × __ = 20
'Yan yung nilalaman ng test, sobrang dali lang! Kahit grade 1 ay kayang sagutin. Mabait naman kase akong teacher, saka kawawa naman sila, masyado nang pagod ang utak nila. Pagkatapos nilang sagutan ay nagtawag ako isa-isa ng mga pwedeng sumagot sa pina-test ko. Syempre planado na 'yan, scripted nga e, pati mga tatawagin ko ay alam na ang isasagot. So 'yon! Naging successful naman ang actual demo ko na scripted. Pero secret!
Kasama ng mga panel at ng principal na si Ms. Tria, kami ay pumunta sa principal's office para pag-usapan ang naganap na demo. Pinag-lunch na din ang mga bata.
"We're glad dahil successful ang demo mo Ms. Tan, we enjoyed your presentation, the transition for every change ng subject, napaka-smooth. The way you teach, such a joyful teacher, paniguradong magiging favorite ka ng mga future students mo. We can clearly see that the students enjoyed your demonstration. The aura and the atmosphere was soft, powerful and energetic, job well done Ms. Tan.", magiliw na pagpuri ng panel sa akin, awtomatikong kumurba ang aking mga labi at napangiti. Inabot niya sa akin ang criteria at mga records nila pati na rin ang feedbacks per subject.
Para akong nakalutang sa alapaap habang binabasa ang mga feedbacks nila habang papunta sa room 3. Nang makarating ako ay nagsigawan ang mga bata, job well done nga naman. Sobrang tuwang tuwa sila dahil daw nakita nila na tumatawa yung mga panel kanina. Inabot din ng isang oras ang pakikipag-usap ko sa mga panel, actually yung samin, 20 minutes lang, pero yung pakikipag-chikahan nila kasama ang principal, umabot ng isang oras. Ang rude ko naman kung aalis agad ako diba? Kaya 'yon! Nakipag-plastikan muna ko sa kanila kahit hindi ko magets ang mga pinagsasasabe nila.
Saktong dumating ang inorder ko na turon kina Bea. Kapitbahay nila ang nagdala dahil hindi naman makakapunta dito ang nanay niya. Agad ko namang pinagbibigyan ng tig-iisang turon ang mga bata. Sa ngayon, iyan muna, wala pa naman kase akong trabaho. Nag-presinta pa si Bright na papakainin niya ng lunch ang mga bata, ako na mismo ang bumawal dahil nakakahiya, saka gusto ko din na ako mismo ang magpapakain sa kanila dahil malaki ang naitulong nila sa akin. Sinabi ko na lang na sa susunod na siya magpakain, kapag may trabaho na siya dahil panigurado allowance niya ang gagastusin niya. Kahit naman mayaman si Bright ay ayokong umabuso.
Kasalukuyan kaming naglilinis ng silid aralan, uwian na din kase. Nagulat ako nang pumasok sa loob ng room si Bright. Ang aga naman niya?
Mas lalo akong nagulat nang may mga lalaking nakapula ang sumunod sa kaniya. Jollibee worker 'to ah? Well, base kase sa suot niya. May mga dala-dala silang take outs galing syempre sa jollibee, alangan namang mcdo diba? Agad kong kinunutan ng noo si Bright nang magtama ang paningin namin. Lumapit siya sa akin para siguro magpaliwanag. Kitang kita ko ang saya sa mukha ng mga bata kahit hindi pa nila alam kung para kanino ang mga yan, pero obvious naman na para sa kanila.
"Mga bata, sa bahay niyo na lang kainin yan ha? Isipin niyo na lang pamasko namin 'yan sa inyo ni Ma'am Aeyu niyo. Last na punta na din kase namin 'to, malapit na kaming grumaduate.", paliwanag ni Bright.
"Salamat poooo! Sarap nito!", naglabasan na yung iba dahil panigurado sabik ang mga 'yon. Nagpaalam na din ang iba sa amin.
"Balik po kayo dito ha? Mamimiss po namin kayong dalawa.", sabi ni Bea.
"Oo nga po! Ma'am Aeyu! Sagutin mo na 'tong si Sir pogi! Kung hindi, aagawin ko siya sayo sige ka!", pananakot ni Josefina hahaha baklang 'to!
"Pagbalik namin, kami na promise!", natatawa kong sabi.
Nang makaalis ang mga bata ay inimis namin ni Bright ang mga kumalat na pinaglagyan ng mga take outs. Pagkatapos ay sabay naming tinahak ang daan palabas ng gate para makauwi na din kami.
Gaya ng nakasanayan, wala pa din si mama. Agad na ding umuwi si Bright dahil dederetso pa siya sa bahay ng kaklase niya para sunduin ito. Overnight daw sila sa school para tapusin ang prototype nila at thesis. Sa isang araw na din kase ang defense nila. Malaki ang tiwala ko sa kakayahan ni Bright kaya hindi ako kinakabahan sa resulta non. Panigurado pasado sila!
Hindi ko na ipinagluto si mama ng hapunan dahil may take out din kami from Bright, kinain ko na ang sa akin at inilagay sa ref ang kay mama.
Naglinis ako ng katawan bago humiga sa kama. Akmang matutulog na ko nang tumunog ang phone ko. Agad kong tinignan kung sino ang nag-message.
From: TNT
Ang iyong load balance ay nag-expire na! Mag-reload na para tuloy-tuloy ang pag-surf to all networks!
Putcha! Seriously? Akala ko naman kung sino na! Isampal ba naman sakin ang masaklap na katotohanan na wala na kong load?
Hindi ko na pinansin pa ang papansing TNT at natulog na.