Aeyu's POV
It's Monday.
Kasalukuyan kong hinihintay si Bright dito sa labas ng gate namin, umupo na muna ako sa gutter dahil nangangawit na ako. Ang tagal kase! Usapan namin 5:30 am niya ko susunduin. 5:32 na! 2 minutes na akong nakatunganga dito.
PEEP! PEEP!
Nag-angat ako ng tingin nang may bumusina. Nandyan na pala yung future ko!
Agad akong tumayo at sumakay sa front seat.
"Ang tagal mo! Sabi ko 5:30 ah!", pagrereklamo ko.
"5:33 pa lang Aeyu, wag kang mag-hysterical dyan", masungit na sabi ni Bright.
"Sinusungitan mo na ko? Hindi kita sagutin dyan e!"
"Sorry okay? Sorry kung na-late ako ng 3 minutes", frustrated na sabi niya na ikinatawa ko.
"Joke lang! Hahahaha! Tinatry ko lang mag-inarte! Bagay ba?", tinaas baba ko pa yung kilay ko.
"Tsk. Mas bagay tayo", pagbanat niya na ikinapula ng mukha ko. Bakit ba ang hilig niyang magpakilig?
"Natameme ka ngayon", nakangisi niyang sabi.
Hindi ko na lang siya pinansin dahil sobrang kinikilig talaga ako. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng salitang ipambabato sa sinabi niya. Nanahimik na lang ako hanggang sa nakarating kami sa Ilang-Ilang Elementary School. 2 oras akong walang imik? Himala!
Agad naman akong nagpaalam kay Bright, nag-flying kiss na lang ako, nakakahiya naman. Sinabihan ko din siyang sunduin ako mamayang 4 para makauwi kami bago mag-7 pm. Buti na lang 3 pm ang dismissal nila.
Pumasok ako sa loob ng school. Dahil past 7 am na, nakikita ko ang mga batang nag-aaral dito. Nakakamiss tuloy maging elementary. Nakikita ko ang mga batang nagtatakbuhan papasok sa loob ng kani-kanilang silid-aralan, may iba naman na nagwawalis sa mga garden. Yung ibang bata talaga, umiiyak pa at humahabol sa mga magulang nilang taga-hatid.
Dumeretso ako sa faculty para itanong kung saang room ako at kung sino ang tuturuan ko. Nakarating agad ako dahil maliit lang naman ang school na 'to. Halatang konti lang ang nag-aaral, bago kase ako magpunta dito ay nag-research muna ako about sa school na 'to, syempre kasama na yung sa mismong baranggay. Mga kapos-palad ang karamihan. Hindi na ako magtataka kung dito ako ipinadala ng school namin. Kadalasan kase kapag baguhan, sa mga ganitong klase ng school ipinapadala. Para una pa lang, ramdam mo na yung mga hinaing ng mga estudyante. Tanggap ko naman na dito ako magdedemo, motivation na din!
"Good morning po Ms. Principal, ako po yung student teacher na ipinadala ng Flynn University.", magalang na sabi ko sa focal ng school.
"Ikaw pala 'yon. Anong pangalan mo Ma'am?", magalang din na tanong niya.
"Aeyu po. Aeyu Tan", nakita kong nagpipigil siya ng tawa pero ipinagsawalang bahala ko na lang. Katawa-tawa naman kase talaga ang pangalan ko. Pero proud ako! Duh!
"Ms. Tan, room 3. Grade 5 students ang tuturuan mo.", sabi niya at ibinigay ang piling documents ng mga bata tulad ng class records nila.
"Salamat po, mauna na po ako", nagpaalam na din ako dahil wala naman akong balak na maki-chika pa sa kaniya. Sawang sawa na ko sa tsismis ni Erin, ayoko nang madagdagan pa.
Nagsimula na akong maghanap ng Room 3 na sinabi ni Ms. Principal. Nang mahanap ko ito, pumasok na din ako agad.
Bumungad sa akin ang mga batang naghahabulan sa loob ng silid aralan, putspa! Ang aga aga mag-aamoy kalabaw sila!
"Mga bata? Tigil muna kayo.", saway ko sa mga ito dahil magpapakilala na ako sa kanila. Nagtataka naman nila akong tinignan. Siguro ay hindi pa sila aware na ako muna ang magiging pansamantala nilang guro para sa demo ko na gaganapin next week.
Nagtataka man ay huminto naman sila sa paglalaro. Love ko na sila! Napakamasunurin! Daig pa ko! Nang umupo na sila sa kaniya kaniya nilang upuan ay pumunta ako sa harapan kung nasaan ang teacher's table.
"Ako nga pala si Ma'am Aeyu. Simula ngayon hanggang sa friday, ako muna ang magiging pansamantalang guro ninyo. Nag-eensayo kase ako para maging magaling na guro someday. At dito ako ipinadala ng school ko para turuan kayo. Okay ba yon mga bata?", magiliw na sabi ko sa mga ito.
"Opoooo", malakas na sabi nila, pinipilit pang magsabay-sabay kaya medyo hindi maganda sa pandinig.
Patience. I need patience. Masasanay din ako.
Sinabihan ko silang magpakilala at ilarawan ang mga sarili nila. Nakakatuwa ang mga bata, napakabibo nila. Matatas din sila hindi tulad ng ibang bata dyan na bulol pa magsalita.
Nag-umpisa na akong magturo sa kanila. Naging masaya at masigla ang takbo ng klase. May bakla din akong estudyante kaya hindi nakakabored.
Napuno ng tawa ang ang buong silid-aralan hanggang sa huling sandali ng aking pagtuturo.
Kasalukuyan akong nag-aabang sa shed sa labas ng school. Hinihintay ko si Bright. Malamang mamaya pa 'yon. 4:30 pm pa lang kase, 5 ang sabi ko. Maraming dumadaan dito, marami ding lumalabas galing sa loob ng school. Marahil ngayon lang nagsiuwian ang mga pasaway na estudyante. Naglaro muna bago umuwi ng bahay.
Natanawan ko ang isa kong estudyante na naglalakad. Si Bea. May bitbit siyang basket. Nagtataka ko naman itong nilapitan.
"Ay hello po Ma'am Aeyu. Ahm bili na po kayo ng turon. Gawa po ni nanay", nahihiya niya pang sabi.
"Bakit nagtitinda ka? Nasan ang mama mo?", nagtataka kong tanong.
"Pilay po kase si nanay, siya po ang nagluluto nito tapos ako naman po ang nagtitinda para sa pang-araw araw naming gastusin sa bahay. Wala na din po kase si tatay. Iniwan na kami.", malungkot na sabi niya.
Ramdam na ramdam ko ang lungkot niya, wala din akong kinalakihang ama pero kahit ganoon, normal si mama. Nakakapagtrabaho siya para mabuhay kaming dalawa. And here I am, graduating na.
"Sasamahan kita Bea. Tutulungan kitang ibenta ito. Medyo mabigat din iyang dala mo", kinuha ko ang basket na dala niya at inaya ko siya sa shed para kunin ang mga gamit ko. Saktong dumating si Bright.
Bumaba siya nang makita ako.
"Ano yan?", kunot-noong tanong niya.
"Turon. Binebenta ng estudyante ko.", sagot ko.
"Hello po kuya! Ma'am Aeyu ang gwapo naman po ng boyfriend nyo", namula ako sa sinabi ni Bea.
"Salamat bata.", ngiting ngiting sabi ni Bright.
"Sasamahan natin siyang ibenta 'to.", sabi ko at nilagay sa loob ng sasakyan niya ang mga gamit ko.
"What? Bibilhin ko na lang", deretsong sabi ni Bright.
"Saan mo naman dadalhin? Ang dami niyan masyado.", kunot noong sabi ko.
"Fine. Bibilhin ko ang iba, ibenta natin yung tira.", sumusukong sabi niya.
Sama-sama naming nilibot ang lugar na pinagbebentahan madalas ni Bea. Si Bright ang nagdala ng basket.
"Aba'y kay ganda at kay gwapo naman ng kasama mo Bea", natutuwang saad ni Lola na madalas daw bumili sa kaniya.
"Teacher ko po si Ma'am Aeyu. Si kuya Bright naman po ang boyfriend niya", natutuwang pagpapakilala ni Bea sa aming dalawa.
"Aba'y bagay na bagay kayong magkasintahan. Napakaganda ng mabubuo ninyong supling pag nagkataon", halos mabilaukan si Bright sa sinabi ni Lola. Kain pa more! Nilalantakan niya kase yung tinda naming turon habang naglalako kami.
"Salamat po Lola, pero wala pa po sa isip namin 'yan. Ang totoo po ay nililigawan pa lang niya ako", nahihiyang sabi ko.
"Aba'y sagutin mo na 'yang manliligaw mo iha. Bagay na bagay kayo", magiliw na sabi ni Lola.
"Tama si Lola, Ma'am Aeyu! Bagay na bagay pa naman kayo!", kinikilig na sabi ni Bea.
"Malapit na ho hahaha", natatawa kong sabi.
"Narinig nyo 'yon La? Malapit nang maging kami", masayang sabi ni Bright. Bumalik na naman siya sa pagiging bubbly niya. Palibhasa nakarinig ng maganda!
"Mauna na po kami at marami pang ititinda", pamamaalam ko kay Lola.
Lahat ng madaanan namin ay kinikilig. Bawat pagbentahan namin ay sinasabihan kami ni Bright na perfect match. Kaya siglang sigla si Bright na magtinda. Sinasabayan pa ang sigaw namin ni Bea.
"Bili na po kayo ng turon! Para sa future namin ng asawa ko!", pabirong sigaw ni Bright na nakaagaw ng atensyon sa isang kumpol na tao sa may tindahan. Agad naman silang nagbilihan.
Halos 20 minutes lang kaming nagtinda pero dahil chismosa ang mga tao dito, inabot ng 40 minutes ang pakiki-isyoso.
Iyon! Inabot kami ng isang oras. Medyo dumidilim na ang kalangitan kaya napagdesisyunan na naming ihatid si Bea sa kanila. Binigyan ni Bright si Bea ng 500, bayad daw sa mga kinain niya. Baunin na lang daw ni Bea sa school yung sukli. Nagpakilala din ako sa nanay niya pati sa mga isa niyang kapatid.
Kasalukuyan naming tinatahak ni Bright ang daan pauwi sa bahay. Medyo inaantok na ako dahil sa pagod. Kung hindi lang ako kinausap ni Bright ay baka tuluyan na kong nakatulog.
"Kelan natin gagamitin yung trip to Tagaytay na prize natin sa pageant?", tanong niya at sinulyapan pa ako nang maghikab ako.
"Siguro next weekend. Tapusin muna natin yung demo ko para masaya at walang iintindihin sa trip natin.", hinawakan ko pa ang isa niyang kamay at hinalikan iyon.
Nakita kong napangiti siya at namula ang dalawa niyang tenga.
"Uy kinikilig!", sinundot ko pa ang tagiliran niya.
"Hey! Stop Aeyu", napipikon niyang sabi.
"Kinikilig ka naman ayiee!", hinalik-halikan ko pa ang kamay niya na talaga namang nagpapula ng mukha niya.
"Nagba-blush pa siya ayiee! Kilig na kilig ka girl?", pang-aasar ko pa sa kaniya.
"Stop that childishness of yours Aeyu or else, ihihinto ko 'tong sasakyan at hahalikan ko yang labi mo", ngumisi pa ang loko.
Wala na akong nagawa kundi tumigil sa pang-aasar sa kaniya. Kahit ang totoo ay gusto kong halikan niya ako. Baka isipin niya pa na desperada ako! Napasinghap ako nang siya naman ang humawak sa isa kong kamay at hinalikan ito. Taena! Nainggit na naman sa first move ko! Walang originality kung magpakilig!
Nakarating kami sa bahay nang hawak hawak niya ang aking kamay. Akala mo naman iiwan ko siya at tatalon ako palabas ng sasakyan niya.
"Bukas ulit huh? Same ng oras", sabi ko sa kaniya. Medyo makapal mukha ko hahaha.
"Yes Ma'am Aeyu", natatawang sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.
"Wag ka namang chansing Bright!", natatawang sabi ko.
"Kinilig ka naman", nakangising asar niya.
"Oo na lang", sabi ko habang bumababa ng sasakyan niya.
"Bye na! Muah!"
Bumusina siya ng tatlong beses bago tuluyang umalis. Pumasok ako sa loob ng bahay nang may ngiti sa labi. Sinalubong ulit ako ng aso kong si Yona, masayang amo featuring masayang alaga! Binuhat ko ang aso ko at masigla siyang inehele. Ilang minuto pa akong nakipaglaro sa aso ko. Kung hindi niya ako inihian sa damit ay hindi pa ako hihinto sa pakikipagharutan sa kaniya. Hindi na ako naiinis kapag ginagawa niya iyon, nakasanayan ko na. Dati nga sa kama ko pa umihi e. Pati sa couch umihi! Iyon! Sa labas ka ngayon titira. Simula noon ay napagdesisyunan namin ni mama na sa labas na lamang siya pagawaan ng mumunting bahay.
Ipinagluto ko muna si mama ng hapunan. Kumain na din ako ng kaunti dahil nabusog ako kanina sa turon ni Bea. Mukhang hindi ko na maaabutan si mama dahil sabi niya kanina malelate siya ng uwi. Sakto naman dahil kanina pa ako inaantok. Napagod talaga ko sa paglalako.
Naalala ko yung usapan namin ni mama kahapon. Akala ko talaga magagalit siya ng bongga dahil natanggal ako sa DL. Napaka-understanding talaga niya!
Dahil sa pagod, nakatulog din ako agad.
Nagising ako dahil parang may nakatitig sa akin. Pagmulat ko ng mata, nagtama ang paningin namin ni Bright.
Bright?
Kumurap-kurap pa ako at si Bright nga ito! Hindi ako namamalik mata o nagde-daydream.
"Anong ginagawa mo dito?", takang tanong ko at dumeretso sa cr para magmumog. Nakakahiya baka mamaya sobrang baho ng hininga ko! Ang bango pa naman niya. Baka mamaya, pamatay kong hininga ang magiging dahilan ng pagtigil niya sa panliligaw sa akin.
"Kanina pa ko bumubusina sa baba, sakto papasok na si Tita Aecka. Pinapasok niya ko, gisingin daw kita dahil para ka daw mantika kung matulog", paliwanag niya paglabas ko. Ang loko! Feel na feel na naman ang kama ko. Yakap yakap niya pa ang unan ko. Taena! Bahala siya dyan! Baka amoy laway pa yon!
"Feel na feel mo naman ang unan kong amoy laway", hindi ko mapigilang masabi ang nasa utak ko.
"Sa totoo lang, nandidiri na nga ako e, pinipigilan ko lang dahil mahal kita.", nakangising sabi niya.
"Gago", natatawa kong sabi. Sa totoo lang, nagtataka ako sa mga nababasa kong mga kwento na feel na feel ang mabangong kobre kama at unan, isama mo pa yung kumot! Seriously? Sana all diba? Ako kase, kahit anong ingat ko, kahit naglilinis naman ako ng katawan bago matulog, hindi pa din maiwasang mag-amoy laway yung unan ko. Kasalanan ko bang nakanganga ako matulog?
"Bilisan mo na, late ka na oh", nakapikit niyang sabi.
Tinignan ko naman ang oras at tama nga siya. Past 7 am na. Buti na lang naalala ko na pang-hapon yung klase ko ngayon.
"Ikaw kamo ang late na", natatawa kong sabi habang kumukuha ng isusuot ko.
"Wala akong pasok. Sasamahan lang kita ngayong araw. Baka may umaligid pa sayong teacher doon", kahit nakatalikod ako, alam kong nakakunot na naman ang noo niya.
"Oo na papa! Sige na! Maliligo na ako, nakakahiya naman po sayo", sarkastiko kong sabi at dinilaan ko pa siya nang makita ang asar niyang mukha. Napaka-pikon! Hahaha!
Habang naliligo ako, naalala kong pinatigil na pala ko ni mama sa pagtututor kay Alisha. Kaya naman daw niyang tustusan ang baon ko. As long as kaya daw niya, mas mabuti daw na aral na lang ang atupagin ko. Mas maganda daw na mag-enjoy muna ko sa pagiging teenager bago pasukin ang mundo ng pagiging isang trabahador. Ang OA ni mama, hindi naman mahirap mag-tutor. Pero bilib talaga ko sa kaniya. Sobrang bait.
Nang matapos ako ay agad akong magbihis. Uniform pa din sa school ang sinusuot ko sa pagiging student teacher. Pencil cut na skirt na 1 inch above the knee at white long sleeve na may chaleko na kulay grey kung saan nakaburda ang logo ng Flynn University. Pinaresan ko ito ng black shoes na may 1 inch heels, para naman medyo madagdagan ang height ko kahit papaano.
Nagulat ako nang paglabas ko ay yakap agad ni Bright ang sumalubong sa akin. Nagulat pa ako nang inamoy-amoy niya ang buhok ko. Ang sweet naman ata neto masyado.
"Hoy Bright! Ayos ka lang? Naka-drugs ka ata", medyo lumayo pa ako ng konti para makita ang mukha niya. Kita ko na nabahiran ng lungkot ang mga mata niya.
"Okay ka lang?"
"Yeah. I'll just missing you", sabi niya at niyakap ulit ako.
"Hindi ka naman OA niyan Bright? Naligo lang ako oh", natatawang sabi ko sa kaniya.
"Tsk", yan na naman po! Sumungit na naman ang loko.
Dumeretso ako sa harap ng tukador ko kuno at nag-ayos. Nagblower ako ng buhok at naglagay ng baby powder sa mukha. Nag-apply din ako ng liptint sa labi. Gusto ko mang mag-make up minsan, hindi naman pwede. Hindi kase ako marunong at wala akong balak mag-aral dahil paniguradong panget ang kalalabasan.
Nararamdaman ko ang mga titig sa akin ni Bright. Weird. Medyo creepy siya ah. Ano kayang nangyayare sa lalaking 'to?
Hindi na ako nakapag-breakfast dahil hindi naman ako nakakaramdam ng gutom. Maybe later. Sa canteen ng Ilang Ilang-Ilang E/S, masasarap kase ang luto nila. Bago sa panlasa ko kaya doon ko na lang aayain si Bright na kumain. Kahapon ay may mga nakasundo akong guro. Sa totoo lang, natatawa ako kay Bright nang sabihin niyang baka may umaligid sa aking teacher na lalaki. Wala naman kaseng prof doon. Puro kami babae.
Nakarating kami school nang hindi ko namamalayan. Taena! Ang hilig ko kaseng mag-isip ng kung anu-ano. Hindi ko tuloy namamalayan ang pagdating namin.
Sinalubong kami nang mapanuring tingin ng ibang tao. Yung iba naman ay ngingiti-ngiti sa amin. Marahil ay nakita nila kami kahapon na nagtitinda ng turon. Aba! Sikat na kami ng future mister ko!
Hanggang sa nakarating kami sa room 3. Nagulat ako nang nagtatakbuhan na naman sila sa loob ng classroom pero nung nakita ako ay agad silang nagsiupo sa mga designated seats nila. Kita ko din kung paano nila tignan si Bright.
"Siya yung sinasabi ko sa inyo na boyfriend ni Ma'am Aeyu", narinig kong sabi ni Bea kaya medyo natawa ako. Tumingin ako kay Bright at nakita ko siyang ngumingiti sa mga estudyante ko.
"Good morning class", magiliw kong bati.
Agad naman silang nagsitayuan.
"Good morning Ma'am, good morning Sir pogiiii", malakas nilang bati, medyo mabagal at pinahaba pa ang dulong salita. A typical elementary student. Noong elem ako ay ganyan din kami bumati kaya sobrang natutuwa ako dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanila.
"Good morning mga bata", magiliw na sambit ni Bright. Medyo nagulat pa ako dahil kita ko ang saya sa mukha niya. Mahilig pala siya sa bata huh? Pano pa kaya kapag anak na namin yan? Takte! Puro kalandian ang nasa utak ko!