Bright's POV
Nagulat ako nang bigla akong hinalikan ni Aeyu sa pisngi pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng sasakyan ko.
"Bye!", narinig ko pa ang pagsigaw niya sa akin.
Nababakla na ako dito sa loob ng sasakyan kakangiti habang naiisip ang ginawa niyang paghalik. Hanggang sa makarating ako sa bahay ay hindi nawala ang ngiti ko. She's so cute in making first move. That's why I'm inlove with her, always.
Pagkapasok ko sa bahay ay seryosong mukha ni Dad ang bumungad sa akin.
"Heard that you're courting Alisha's tutor. How cheap you are? I told you to court Nicole, didn't I?", seryosong sabi ni Dad.
"Yes, I'm courting her. Now what?", bored na sabi ko at iniwasan ang tanong niya tungkol kay Nicole.
That's him! Always. Pushing me over Nicole.
"Invite that girl, I wanna know more about her and if she's able to reach my standard", maawtoridad na sabi niya.
Dumeretso na lamang ako sa kwarto ko. Hindi ko gusto ang ugali ni Dad. As if may pakialam siya sa akin. Sa business niya baka meron, yun lang naman ang inaalala niya. That's why he wanted me to court Nicole, for partnership sa business.
Aeyu's POV
Maaga akong gumising dahil susunduin ako ni Bright ngayon. It's Saturday at tuturuan ko si Alisha. Narinig ko ang pagbusina sa labas ng gate kaya dali-dali akong lumabas. Binuksan ko ang gate at nakita ko si Bright na bumababa sa sasakyan niya.
Lumapit naman agad ito sa akin.
"I miss you", sabi niya at niyakap ako.
"Hoy! Nanliligaw ka pa lang pero may payakap-yakap ka na agad!"
"Ikaw nga nanghahalik", pambabara niya sa akin kaya natahimik ako sandali.
"Pumasok na nga tayo! Baka mamaya ma-tsismis pa na may asawa na ko! Utang na loob, nanliligaw ka pa lang!", medyo nilakas ko pa ang boses ko para naman aware yung mga tsismosang kapitbahay. Nakakahiya naman.
Inakbayan niya ako habang papasok kami sa loob.
"Nag-breakfast ka na?"
"Not yet", tipid niyang sagot.
"Sakto naghanda si mama bago siya pumasok."
Inaya ko na siya sa dining para makakain na kami. Hindi ko na inabala pang kumuha ng plato niya at kutsata. Alam kong magsasalo lang kami sa isang kainan. Kung hindi lang siya sweet ay iisipin kong tinatamad lang siyang maghugas ng pinagkainan kaya mas gugustuhin niyang magsalo na lamang kami.
Gaya ng dati ay pinaupo niya ako sa lap niya. Sinubuan niya ako at ganoon din ang ginawa ko sa kaniya. Kung may makakakita sa amin ay aakalaing bagong kasal kami dahil sa ka-cornyhan naming taglay. Walang basagan ng trip!
Siya na ang nagpresinta na maghugas ng plato. Umakyat naman ako sa taas para magtoothbrush at mag-retouch.
Nagsuot lamang ako ng simpleng black na statement shirt at white jeans na pinaresan ko ng low cut converse shoes na color white and black na bumagay sa suot ko.
Nag-liptint lang ako at naglagay ng baby powder. Ang ganda ko talaga! Maglaway ka Bright!
Bumaba na din ako agad dahil nakakahiya naman sa panauhing pandangal ko na nangungunot na ang noo kakahintay sa akin.
"Ang tagal mo", reklamo niya.
"Syempre! Nagpaganda pa ko para sayo!", pagbibiro ko sa kaniya.
"Tsk. No need to do that. Maganda ka na.", pambobola niya na talaga namang nagpakilig sa akin! Kulang na lang magtitili ako dito na parang kinukurot ang singit ko!
"Ba't nagpapakilig ka?", nag-pout pa ko para cute tignan.
"Just telling the truth.", tipid na sabi niya at hinila na ako palabas.
Napaka-gentledog!
Hindi ko na namalayan ang oras, nandito na pala kami kina Tita Aly. Kung hindi ko pa maririnig ang pagbukas ni Bright ng pinto ay hindi pa ako matatauhan. Hindi ko alam kung bakit, basta biglang bumigat ang pakiramdam ko. Parang may hindi magandang mangyayare.
"Hello ate ganda!", magiliw na pagbati ni Alisha
"Hello bebe Alisha", sinabayan ko ang pagiging magiliw niya. Medyo umayos ang pakiramdam ko, hindi na tulad kanina na sobrang bigat. Thanks to Alisha.
"Ate ganda halfday lang tayo ngayon ha? Nagpaalam ako kay mommy! Sabi ko isasama ko kayo ni kuya Bright sa mall!", sabi niya.
"Ganon ba? Sure sure", nginitian ko pa siya.
Nagsimula na akong magturo sa kaniya. Medyo ginagandahan ko ang pagtuturo ko, syempre! Nakatingin si future mister ko! Nagagandahan na naman ata sa akin!
Hayst.
"Ang talino mo talaga ate ganda! Sobrang naliwanagan ako sa lessons namin! Nung tinuro sa akin 'yan nung teacher namin sa math, hindi ko nagets! Ang bilis kaseng magsalita!", pagmamaktol ni Alisha.
"Matalino ka din naman bebe ah! Kung tutuusin ay hindi mo na kailangan ng tutor", pagmumuri ko sa kaniya.
"Nako ate ganda! Tama na nga ang bolahan. Magbibihis na ko sa taas! Wait nyo ko ni kuya Bright ha?", tumakbo na siya papunta sa taas. Sa kwarto niya siguro.
"Ang bilis ng session nyo ah", binaling ko kay Bright ang tingin ko dahil sa sinabi niya.
"Ayaw mo?", pagsusungit ko sa kaniya, trip kong itry sa kaniya lahat ng ugali ng babae! Gagayahin ko lang yung ibang babae na maaarte at masusungit! Moody swing kunyare pero pabebe naman talaga. Hayst.
"Gusto syempre. Akala ko masosolo na kita, extra si Alisha.", pagmamaktol niya.
Akmang yayakapin niya na ako nang biglang sumigaw si Alisha.
"Hep! Hep! Hep! Walang yakapan hangga't walang label!", natatawang sambit niya.
"Label? Nililigawan ko siya Alisha.", naiinis na sabi ni Bright na ikinatawa namin ni Alisha.
"Pikon ka talaga pare!", pabirong sabi ko sa kaniya.
"Let's go na nga love birds!", hinila na kami ni Alisha palabas kaya wala nang nagawa si Bright.
Kasalukuyan kaming namimili ng damit ni Alisha. Namimili lang, hindi naman bibili. Pero for sure 'tong kasama ko ay bibilhin lahat ng napipili niya. Si Bright? Nakaupo dito sa loob ng botique na napasukan namin. Pikon yan kanina sa sasakyan. Pinag-aasar ni Alisha. Lakas mang-alaska!
"Ate ganda bagay sayo oh!", inabot sa akin ni Alisha yung pastel pink na dress. Sleeveless siya tapos above the knee. Okay naman siya. Bagay sa akin kase maputi ako.
Akmang aabutin ko na sana ang dress na ibibigay ni Alisha nang may umagaw noon.
"So beautiful. Bagay sa akin!", matinis na sabi ng epal sa buhay ko. Si Nicole. Taena! Pano napunta dito 'yang babae na 'yan? Kaya pala mabigat pakiramdam ko kanina!
Nakita kong lumapit siya kay Bright. Palihim akong napairap.
"Bagay ba sakin baby Bright?", maarteng tanong niya sa bored na Bright.
"Yeah yeah", matipid na sabi ni Bright.
"Dakilang extra talaga! Dracula!", mahina pero matigas na sabi ni Alisha.
Hinila niya ako papunta kay Bright.
"Kuya Bright! Let's go na sa other place! Yung maganda yung ambiance! Bigla kaseng pumanget yung nandito, I mean yung mood ko", nagpaparinig si Alisha. Alam ko. Ayaw na ayaw niya sa Nicole na 'yan e.
"Oh! Can I join you guys?", maarteng tanong ni Nicole.
"Bawal", prangkang sabi ni Alisha.
"Oh, so goodbye then? See you sa school baby Bright.", napasinghap kami ni Alisha nang hinalikan ni Nicole si Bright sa pisngi.
Kumukulo ang dugo ko! Pagkaalis na pagkaalis niya ay punahiran ko ng wipes ang pisngi ni Bright.
"Baka may bacteria!", madiin kong pinunasan ang pisngi niya dahil sa inis.
"Let's go na kuya and ate ganda! Eat na lang tayo ng lunch! Nawalan ako ng gana", hinila kami ni Alisha sa Jollibee para doon na lamang kumain.
Past 2:00 pm na nang inihatid ako ni Bright sa bahay. Inuna niyang ihatid si Alisha para daw may quality time pa kaming dalawa. At ngayon, halos 20 minutes na kami dito sa loob ng sasakyan niya.
"Hindi man lang kita nasolo ngayong araw", malungkot na sabi ni Bright habang kayakap ako.
"Hoy chansing ka na kamo!", pagrereklamo ko sa kaniya sa kabila ng kilig na nararamdaman ko.
"Pakipot pa tsk", pagsusungit niya.
"Aba! Ang kapal mo naman!", pinaghahampas ko siya na agad niya namang pinagsasalag. Nahawakan niya pa ang dalawa kong kamay at agad niya akong niyakap.
"Let's stay like this for a while baby", halos tumigil ang paghinga ko dahil sa sinabi niya.
Baby! Baby what?!
Dahil dakilang marupok ako, niyakap ko din siya pabalik. Syempre! Tama na muna ang pagpapakipot. Ang sarap sa feeling na kayakap mo ang taong mahal mo. Na-fall agad ako sa kaniya ng ganon kabilis. Almost a month pa lang simula nang magkakilala kami through online dating app. Pero almost 4 years ko na siyang nadadaan-daanan dito sa campus.
Hindi tayo pwede,
Pinagtagpo pero di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y wag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede
Agad kong sinagot ang tawag. Pinatapos ko pa talaga yung ring tone ko dahil nakikita kong napipikon si Bright.
"Hello ma?"
"Magluto ka na ng dinner natin ha? Maaga akong uuwi. Bonding tayo.", sabi ni mama. Ngayon na lang ulit kami makakapag-bonding. Malamang ay magmo-movie marathon kaming dalawa. Tapos ang papanoorin ay kung hindi kay Sharon Cuneta, kay FPJ naman.
"Opo ma! Hintayin kita. Iloveyou! Muah!", pinatay ko na agad ang tawag dahil alam kong nasa trabaho pa siya.
"Si tita?", tanong ni Bright habang nakayakap sa akin.
"Mama nga diba? Edi sa malamang siya.", obvious naman kase tinatanong pa. Bright naman!
"Sungit tsk. Sige na, uuwi na ko.", sabi niya.
"Dapat lang. Bukas naman ay magkikita tayo kaya chupii!", pinagtabuyan ko pa siya.
"Kiss muna", ngumuso pa ang loko!
"Hindi pa nga tayo! Grabe ka!", hinampas ko pa siya.
"Uwi na Bright, bukas na lang ulit", hinalikan ko siya bigla sa pisngi at akmang bababa na ko nang hinila niya ako.
"Hindi pwedeng ikaw lang ang may moves.", sabi niya at hinalikan din ako sa pisngi. Tiyak na tiyak kong namumula ako sa mga oras na 'to! Grabe! Para kaming teenager na nagliligawan! Actually, ganoon nga talaga kami.
"Ba-bye", nginitian ko lamang siya at bumaba na sa sasakyan. Agad naman siyang bumusina ng tatlong beses bago umalis.
Pagkapasok ko sa bahay ay agad akong nagpalit ng damit. Inasikaso ko na din lahat ng lulutuin. Napagdesisyunan kong lutuin ang paborito namin ni mama na Calderetang baka. May stock naman sa ref e. Nagluto din ako ng popcorn para sa movie marathon namin ni mama. Sinamahan ko na din ng fries! My favorite!
Umupo na ako dito sa couch para hintayin si mama. Nakatapos na din ako sa lahat ng gawain ko. Sinet-up ko na din yung tv at speaker. Paniguradong sa Netflix kami manonood ni mama.
Narinig ko ang pagbukas ng gate kaya agad akong lumabas ng bahay.
"Mama!", agad ko siyang sinunggaban ng yakap. Gusto ko lang maglambing ngayon. Feeling ko kase may hindi magandang mangyayare.
"Tara na sa loob Aey, isip bata ka na naman dyan hahaha", pang-aasar ni mama. Noong highschool kase ako, ganito ako kapag dadating na siya. Lalambitin sa braso niya tapos yayakapin siya. Hindi ko na kaya yung paglambitin dahil mabigat na ko! Baka mabali pa ang buto ni mama hahaha. Kaya yakap na lang.
"Sakto mama, gutom na 'ko! Kanina pa kita hinihintay ay!", pagmamaktol ko.
"Lagi ka namang gutom", pambabara ni mama.
Kasalukuyan kaming kumakain ni mama ng hapunan. Inoobserbahan ko si mama, titignan ko kung masasarapan ba siya.
"Pweee!", ibinuga ni mama yung caldereta hahahaha!
"Izza prankkkkkkk!", sigaw ko habang tumatawa ng malakas.
"Gaga ka talagang bata ka! Hahaha", uminom nang marami si mama.
Naglagay kase ako sa isang bowl ng caldereta tapos nilagyan ko ng maraming asin, 3 kutsara ng suka at toyo, 8 kutsara ng chili powder at 5 kutsara ng paminta. Mukhang masarap ngang tignan eh. Kaya si mama na gutom na gutom, kumuha agad! Natakam masyado!
"Sorry na agad mama hahahaha!", kinuha ko yung totoong caldereta na niluto ko. Baka mabugbog pa ako nang wala sa oras dahil sa kagagahan ko.
"Eto na ang specialty ko! Beef Caldereta ala Aeyu Tan! Mas masarap pa sa pangalan ko!", pabiro kong sabi kaya hinampas ako ni mama sa pwet.
"Loka-loka!", natatawang sabi niya at tinikman ang luto ko.
"Mana sayo mama hahaha! Ano? Masarap ba?", tinitigan ko pa siyang mabuti.
"Aba! Pwede na kayong magpakasal ni Bright! Pwede ka nang mag-asawa! Kuhang kuha mo na yung itinuro ko sayo.", sunod-sunod ang ginawa ni mamang pagsubo kaya halatang halata na nagustuhan niya talaga ang luto ko.
"Aba kumain ka na din, baka matunaw ako kung tititigan mo lang ako nang ganyan.", pabirong sabi ni mama.
Nag-umpisa na din akong kumain. At gaya ng sabi ni mama, masarap nga! Mas masarap pa sa pangalan ko! Hanep! Ipagluto ko kaya si Bright ng ganto? Next time na lang! I'm a busy person. Chareng!
Mabilis kaming natapos ni mama sa pagkain. Pano ba namang hindi? Nakipag-paunahan sa akin! Kung sino daw mahuling kumain, siya ang maghuhugas ng plato. Napaka-isip bata din naman ng nanay ko oh! Kaya heto ako, basang basa ang kamay! Ano pa nga ba? Edi naghuhugas ng plato. Kahit siya naman ang nahuli. Pagod na pagod daw siya sa trabaho kaya dapat lang na ako ang maghugas ng plato. Pumayag na din naman ako dahil baka mamaya, isumbat pa yung hirap niya sa pagle-labor nung pinanganak ako. Mahirap na!
Pero kahit ganyan si mama, aba! Mahal na mahal ko 'yan! Sobra!
"Hoy Aeyu Tan! Bilis bilisan mo, mag-uumpisa na yung papanoorin natin!", sigaw ni mama mula sa sala.
"Opo ma! Nagpupunas na ng kamay! Wait lang!", pagkatapos ko ay agad akong tumakbo papunta sa sala at tumalon sa couch dahilan ng pagtapon ng hawak ni mama na juice sa damit niya.
"Hahahaha! Di ko sinasadya!", tinaas ko pa ang dalawa kong kamay.
"Gaga! You're nothing but the second grey, trying hard, copycat!", pamatay na linyahan ni mama kahit mali-mali naman sabay buhos ng natirang juice sa akin.
"Mama!", nakita kong sobrang natatawa si mama kaya tumawa na lang din ako ng malakas. Minsan lang kami maging ganito kaya sulitin na!
"Kita na bra mo Aeyu! Hahaha bra lang, wala namang boobs!", pang-aasar ni mama.
"Ikaw naman mama! Mali-mali yung linya mo! Gaya-gaya! Copycat!"
"Nako! Tara na at manood", pagaaya ni mama.
Ang akala ko sa Netflix kami manonood, hindi pala. Sinalpak ni mama sa tv yung USB niya. Nag-download daw kase siya ng movie nung nasa opisina siya. Anak yung pamagat, si Maricel Soriano at Claudine Baretto yung bida. Kaya heto kami, nag-iiyakan! Parehas pa naman kami ni mama na mababaw ang luha. Grabe makapagmura si Claudine! Walang preno yung bibig! Kung putangina, putangina talaga! Grabe siyang sumagot sa nanay niya. Mahirap talaga kapag nalalayo ka sa nanay mo, iba ang epekto. Though maganda yung reason ng paglayo ng mama niya, for their future, iba naman ang naging impact sa mga bata. Lalo na't iniwan ng bata at binalikan nang dalaga na.
Natapos namin yung movie at puro hikbi namin ni mama ang naririnig ko. Tumahimik na kase dahil tapos na.
Nagtawanan kami ni mama nang magkatinginan kami. Pero nagulat ako nang bigla siyang sumeryoso.
"Aeyu, may hindi ka sinasabi sa akin hindi ba?", nagulat ako sa tanong niya.
"Ha?", naguguluhan kong tugon.
"About sa pagiging DL mo", seryosong sabi ni mama kaya kumabog nang malakas ang dibdib ko. Kinakabahan ako!
"Ahm ano kase mama", hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sasabihin ko.
"Naiintindihan naman kita anak. Kinwento na sa akin ni Erin lahat. Akala niya kase alam ko na. Normal lang 'yan sa pagiging teenager, alam ko na yung about sa online dating app. Wala naman akong issue doon, ang sa akin lang Aeyu, wag sobra. Siguro naman ngayon, hindi ka na gumagamit non? Nakita mo na yung future mo diba?", mahabang pangaral ni mama at sinamahan pa ng pagbibiro.
"Salamat mama, sorry po. Sorry nabigo ko kayo. Sorry po talaga mama. Isang araw lang naman ako naging addict doon pero ang laki ng naging epekto. Malaki kase yung points na nawala sa akin kaya ganoon. Sorry mama.", niyakap ko pa siya para walang palag.
"Oo na, basta wag nang uulit ha? May Bright ka na naman e", sinabunutan niya pa nang mahina ang buhok ko.
"Opo mama!", hinalikan ko ang buong mukha niya. Minsan lang ako maglambing!
"Nako Aeyu! Puno na ng laway mo ang mukha ko! Mabaho! Akala mo ata mabango!", pagrereklamo niya.
"Arte mo ma!"
"Matulog na! Inaantok na din ako. Maaga pa ko bukas, good night", umalis na si mama at nagpunta sa kwarto niya.
Madaya talaga! Palusot! Ako na naman ang maglilinis ng mga kalat. Hindi man lang ako tinulungan!