Bright's POV
"Bright!", narinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sa akin kaya hinarap ko ito.
Si Tita Aecka.
Nilapitan ko ito.
"Tita Aecka", sabi ko at nagmano sa kaniya.
"Nako naman nagmumukha akong matanda niyan.", sabi niya pero tinanggap din naman ang kamay ko.
"Supportive mama huh?", pagbibiro ko sa kaniya.
"Oo naman! Inagahan ko talaga ang pag-out ko para maabutan ang unica ija ko!", pagmamalaki niya.
"Nako mama! Sabi mo nga hindi ka makakapunta eh!", pagmamaktol ni Aeyu.
"Syempre para surprise! Napakagwapo mo naman ngayon Bright.", papuri bigla ni Tita Aecka.
"Maganda din naman po ang anak ninyo.", nahagip ng mata ko ang namumulang si Aeyu.
Kilig na kilig na naman ang isang 'to.
"Nako! Edi bagay kayo ayieeee", pang-aasar bigla nung Erin.
"Nako baby Erin! Sinabi mo pa! At sino naman 'tong isang gwapo na 'to?", tanong bigla ni Tita habang nakatingin kay Gerald.
"Partner ko ma, si Gerald. Gerald, si mama.", pagpapakilala ni Aeyu.
Kinunotan ko naman siya ng noo.
"Hello po Tita", magalang na sabi niya.
"Hello iho, ang gwapo mo din!", magiliw na papuri ni Tita Aecka.
"We are calling for the contestants for the announcement of winners.", narinig namin ang pag-anunsyo sa stage.
"Let's go", pag-aya ni Gerald kay Aeyu.
"Balik na kami ni Erin doon Aeyu", pamamaalam ni Tita.
"Goodluck Bright", nginitian ko naman si Tita dahil sa sinabi niya.
Aeyu's POV
Nanginginig ang kamay ko habang nakakapit sa mga kapwa ko contestant na babae.
Kami kase ang unang papangaralan.
"3rd runner up goes to Architecture Department!", naghiyawan ang buong Archi students.
Ang 2nd runner up ay nasungkit ng Tourism.
"1st runner up goes to Engineering Department!", nakita ko ang pagbusangot ng mukha ni Nicole.
Siguro ay gusto niyang siya ang manalo.
Taena! Wala na kong pag-asa!
3rd runner up lang ang inaasahan ko, marahil ay masusungkit ng Accounting.
"And finally, Ms. Flynn University goes to..", pabitin pa yung host.
"Our Ms. Flynn University is none other than Ms. Aeyu Tan from Education Department!", literal na napanganga ako sa sinabi ng host.
Isang masigabong palakpakan at pagsigaw sa aking pangalan ang nananaig sa pandinig ko.
Hindi ako makapaniwala!
Pero dahil nga maganda ako, kailangan kong maniwala.
Kinoronahan ako at nilagyan ng sash.
May title na ako sa school!
Binigyan din ako ng isang bouquet ng bulaklak.
Pinaupo na ako sa parang trono kung saan uupo ang magiging Mr. and Ms. Flynn University.
1st runner up sa Mr. Flynn University si Gerald.
Nagmamaktol pa din si Nicole dahil bakit daw iyon ang magiging kapartner niya.
Nanlalamig ang kamay ko dahil sa mga posibilidad na naiisip ko.
Sino kaya ang magiging katambal ko? Sana naman si Bright na lang.
Ayoko sa iba, hindi ko kaclose.
Kahit naman medyo makapal ang mukha ko ay hindi ko gawain ang kumausap sa lalaking first time kong makikilala.
Well. Except Bright. Nakilala ko na kase siya ng lubos sa online dating app kaya no worries. Idagdag mo pa yung magandang images niya sa school.
"And our Mr. Flynn University is none other than...", pambibitin ng host. Sa mga ganitong pangyayare, lagi akong nagtataka. Bakit binibitin pa nila? Sasabihin din naman agad! Mas lalo lang nilang pinapakaba ang bawat contestants! Kapag ba binitin nila, lahat mananalo? Kapag ba binitin nila mapapalitan ang panalo? Hindi naman!
"Mr. Bright Montero from Engineering Department!"
Naghahabulan ang mga bulate ko sa tyan! Bumibilis ang t***k ng puso ko! Grabe! Siya ang mister ko! Enebe!
Nagsitilian ang mga tao! Pero itong Bright na 'to? Nananatiling kalmado! Hindi man lang magwala! Sabagay, immature naman non.
"Let's give them a round of applause! Let's call on our Mr. and Ms. Flynn University! Mr. Bright Montero and Ms. Aeyu Tan!", masiglang sabi ng host.
Inalalayan naman ako ni Bright sa pagtayo at sabay kaming humarap sa lahat ng nasa loob ng gymnasium.
Narinig ko pa ang hiyaw nila mama.
"Ang ganda mo talaga ate ganda!", nagulat ako nang makita ko sa Alisha na sumigaw kasama si Tita Aly.
Ngumiti ako sa kanila. Nandito pala sila? Hindi ko man lang napansin. Marahil ay nilamon talaga ako ng kaba kanina.
"The winners will receive 10 thousand cash with a free trip to Tagaytay for 3 days!", yan ang sinabing prize na talaga namang nagpaningning sa mata ko! Kaming dalawa ni Bright? Sa Tagaytay? Magkasama? Omo! Can't wait!
"Let's call on our Mr. and Ms. Flynn University again as they sing and dance a song together! Sit back and relax! Handa na ba kayong kiligin?!", masiglang sabi ng host.
"Readyyyy!", hiyawan ng mga tao.
Kanina ay kinausap na kami na imemerge ang ginawang talent. Sasayaw kami ng slow dance habang kumakanta ng duet. Sayang naman daw kase ang entrance fee ng mga nanood kung hindi kami magpapakilig ng husto.
Nagpalit ulit ako ng white dress.
Nasa stage na kaming dalawa, nagsimula na ang beat ng "Grow old with you", hindi ko alam kung sinong kumanta nyan. Basta yung may lyrics na All I wanna do is grow old with you. Hindi naman kase ako matandain pagdating sa mga pangalan ng kumanta. Ang mahalaga, sinusuportahan ko ang mga piyesa nila.
Si Gerald ang nagpresinta na tumugtog nito gamit ang kaniyang gitara. Sinabayan ni Bright ang intro habang nakatingin sa mga mata ko. Unti-unti kaming lumalapit sa isa't isa. Ang lamig ng boses niya. Mas lalo akong naiinlove! Kapag ako nanggigil, sasagutin ko na 'to ngayon! Tarages!
"I wanna make you smile whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
Oh all I wanna do is grow old with you"
Nagulat ako nang binuhat ako bigla ni Bright habang kumakanta. Ang resulta, tilian at hiyawan ng mga tao sa gym. Agad din ako nitong ibinaba. Ako naman ang nagsimulang kumanta.
I'll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you
Tila tumigil ang mundo ko at siya na lamang ang nakikita ng mga mata ko.
Nag-duet na kami ni Bright, he put his free hand on my waist that makes me shiver. In return, I also put my free hand around his nape.
"I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control"
Para kaming nagsasayaw sa alapaap. Hindi ko na inintindi pa ang hiyawan at tilian sa gym.
Kay Bright. Sa kanya lang ako naka-focus.
Tumigil naman si Bright sa pagkanta para sa solo kong line. Medyo lumayo ako sa kanya na tila inaasar siya, ngiti lang ang isinukli niya sa akin. Syempre! Alangan namang sungitan niya ko dito! Bash siya!
"So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you've had too much to drink"
Tumingin lamang ako sa mga mata niya habang kumakanta.
Tumigil ako para siya naman ang kumanta ng solo niyang line. Lumapit siya sa akin.
"I could be the man who grows old with you
I wanna make you smile whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
Oh all I wanna do is grow old with you"
Feeling ko hinaharana niya ako. Pulang-pula na siguro ako ngayon dito.
Para sa huling stanza ng kanta, nag-duet kami ni Bright.
"I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control"
Biglang pumunta si Bright sa likod ko at niyakap ang bewang ko. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon. Pinihit niya paharap sa kaniya ang mukha ko para magtama ang mga mata namin.
Nagtitigan kami habang kumakanta.
"So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you've had too much to drink
I could be the man who grows old with you"
Biglang pumunta sa harap ko si Bright at hinawakan ang mga kamay ko. Lahat ay napasinghap sa huli niyang ginawa. Lumuhod siya sa harapan ko habang hawak ang isa kong kamay.
"I wanna grow old with you"
Hinalikan niya ang likod ng palad ko pagkatapos naming kumanta.
Napuno ng malalakas na tilian at hiyawan ang buong gymnasium dahil sa performance naming dalawa.
Pagkatapos ng program ay inaya ako ni Bright na mag-date.
At kung saan? Walang iba kung hindi sa Heaven Restaurant. Hindi naman kase talaga ko aayain ni Bright, kung hindi lang kami inaya ni Tita Aly at libre niya daw kami ay hindi pa maiisip ni Bright na mag-date kami. Mahilig din sa libre eh! Kuripot!
Actually, hindi couple date ang nangyare.
"Ang sarap naman dito girl! Favorite kainan ko na 'to", sabi ni Erin habang sarap na sarap sa kinakain niyang desert.
Yes, family date ang nangyare.
"Nakakabusog. Ngayon na lang ulit ako nag-enjoy sa pagkain. Nasira ang diet ko.", sabi ni mama habang tila na-conscious pa base sa pagtingin niya sa tiyan niya.
Inaya din kase sila ni Tita Aly.
"Ate ganda! You're so beautiful at the pageant! Talbog si Dracula! Kitang kita ko yung insecurities niya sa katawan kanina! Para siyang bomba na sasabog!", tuwang-tuwa si Alisha na parang binabalikan niya pa yung eksena kanina.
"Tama lang na nanalo kayo ni Bright. Bagay na bagay kayo!", magiliw na saad ni Tita Aly.
"Sinabi mo pa tita!", naki-tita pa si Erin. Fc talaga ang babaita! Kapal amp!
Madilim na ang kalangitan nang inihatid kami ni Bright sa bahay.
"Goodnight", sabi ni Bright at niyakap ako. Nandito pa din kase kami sa gate ng bahay. Almost 20 minutes na kaming nagpapaalam sa isa't isa. Hayst. Hirap talagang maging maganda.
"Sige na. Gagabihin ka na sa kalsada oh", kahit gabi na naman talaga.
"Mamimiss kita", potaena! Bukas lang ay magkikita kami sa school tapos mamimiss?
"OA mo! Umuwi ka na nga!", pang-aasar ko sa kaniya.
"I love you", nagimbal ang mundo ko sa 3 salitang binanggit niya. Natulala ako sa kaniya.
"I love you", sabi niya ulit sabay halik sa pisngi ko. Mabilis siyang tumakbo papasok sa sasakyan niya at binusinahan pa ako ng tatlong beses.
"Hoy! Nakita ko yon Aeyu!", nagulat ako nang magsalita si mama.
"Ha?", feeling ko ay umalis sa katawan ko ang aking kaluluwa. Hindi ako makaget-over sa sinabi ni Bright.
"Gaga! Pumasok ka na dito! Pahalik halik pa!", patawa tawang sabi ni mama at nauna nang pumasok sa loob.
Hanggang sa paghiga ko sa aking kama ay inaalala ko pa din ang nangyare kanina.
I love you
I love you
I love you
I love you
Pinaulit-ulit ko sa isip ko ang sinabi ni Bright kanina. Ang sarap sa feeling! Nakakakilig!
Sagutin ko na kaya siya? Hindi na masama ang one week na panliligaw!
Erase! Erase! Erase!
Hindi ako easy to get! Hindi ganito ang dream ko sa lovelife ko!
Matagal na liagawan ft. Matagal na relationship!
Yan ang gusto ko!
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Ngayon kase sasabihin kung saang school kami magsasagawa ng demo. Sana naman sa malapit lang. Mahirap mag-commute.
"Miss Tan, Ilang-Ilang Elementary School.", awtomatikong sumimangot ang mukha ko sa sinabi ng Prof namin. Isa kase sa mahirap puntahan ang school na pagdedemo-han ko.
Bakit naman malayo? Hindi naman ako pwedeng magreklamo. Baka hindi pa ko maka-graduate.
"Copy po Prof", pinilit kong siglahan ang boses ko kahit na hindi ko gusto ang ibinalita niya. Umaasa pa naman ako na sa malapit lang ako madedestino.
Sinuwerte nga ako kahapon sa pageant, minalas naman ako ngayon dito.
Buong maghapong nagmumukmok ang isip ko. Nakasimangot ako nang sinundo ako ni Bright sa room.
"What's with that look?", kunot-noong tanong niya.
"Ang layo kase ng school na pagdedemo-han ko. Ang malas ko", malungkot na sabi ko.
"So?", maikling tugon niya habang binubuksan ang pinto ng sasakyan niya para sakin.
"Mahihirapan akong mag-commute.", malungkot ko pa ding tugon pagkasakay niya sa driver's seat.
Ang totoo ay nagpaparinig lang ako. Malay ko ba na baka maawa siya sa akin at ihatid sundo ako sa school na 'yon.
"Kelan ka ba magsisimula?", tanong niya at nagsimula nang magmaneho.
"Next week ay puro practice together with the student tapos next next week ay actual demo na namin", pinalungkot ko pa ang boses ko.
"I can be your driver. Hindi naman ako magagahol sa oras dahil maganda ang sched ko next week", sabi niya na nagpakinang sa mata ko.
"Talaga? Yey! Libre ba 'yan?", pabiro kong tanong.
"Tsk. Nililigawan kita kaya libre. Bakit? Magbabayad ka ba?", nakangising sabi niya.
"Aba! Hindi!"
Ilang sandali pa ay makarating na kami sa bahay.
Dahil good mood ako today, hinalikan ko siya sa pisngi at nagmadaling lumabas sa sasakyan niya.
"Bye!", sinigawan ko pa siya at dali-daling pumasok sa gate.
"Nakita ko ulit 'yon", nagulat ako nang tumambad sa akin si mama na nakangisi.