CHAPTER 8

3682 Words
Aeyu's POV I will court you. I will court you. I will court you. I will court you. Wala lang. Gusto ko lang ulit-ulitin yung sinabi sa akin ni Bright. Naniniwala ako sa sinabi niya kaya eto ako, iniimagine ang nangyare sa amin kahapon. Favorite scene ko yung sinabi niya sa akin na liligawan niya daw ako. Grabe! Akalain mo 'yon? Napakabait talaga sa akin ni mareng tadhana! Bati na talaga kami! Aba susmaryosep! Ever since ay single ako! 23 years na kaming magkaaway ni mareng destiny! At buti na lang nagkaroon siya ng balak na makipagbati sa akin. "Hoy Aeyu girl! Nasa labas na yung sundo mo! Knight in shining armor amp! Maghihiwalay din kayo!", bitter na sabi ni Erin. Binatukan ko tuloy siya. "Gaga! Hindi pa kami!", natatawa ko siyang iniwan doon at lumabas na ng room. Pinanindigan ni Bright ang sinabi niya. Niligawan niya ako. 1st day pa lang pero gusto ko na siyang sagutin! Aba! Magpapakipot pa ba ako? Tuyot na tuyot na ang halaman ko! Gusto nang madiligan! Pero syempre, gusto ko pa ding matuloy yung dream relationship ko! Mahabang panliligaw featuring mahabang relasyon. Sana lang makapaghintay si Bright. Hindi ko pa kase siya lubusang kilala eh. "Saan mo gustong kumain?", nagulat ako nang tinanong niya ako. "Ahm kila Tita Aly na lang. Para sa kamag-anak mo pa din mapupunta ang perang gagastusin natin hahaha", pagbibiro ko pa. "My treat. Ako ang nanliligaw dito", ma-pride amp! "Edi treat mo, mabuti nga at makakatipid ako. Wag mo lang isusumbat 'yan kapag naghiwalay na tayo", sab ko sa kaniya. "So, tayo na?", taena! "Asa ka!", sigaw ko sa kaniya. Dala niya ang sasakyan niya kaya mabilis kaming nakarating sa Heaven Restaurant. Kahit nakapunta na ako dito ay parang bago pa din sa aking paningin ang lahat ng nakikita ko. Napakaganda talaga! Isa sa dahilan kaya dito ko pumiling kumain. Napaka-memorable din kase nito sa akin. Dito ko unang nakita si Bright bilang si malaking alaga. Dito nagsimula lahat. Sinabi ko kay Bright na yung last order namin noong nakaraan ang piliing kainin. Nagustuhan ko kase talaga 'yon sa lahat ng pagkaing nasa menu. Nagsimula na kaming kumain. Hindi gaya nung una na para kaming aso't pusa. Ang bilis kaseng paamuhin ni Bright! Ang sweet niya sa akin! "May dumi ka pa", sabi niya sabay punas sa gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya. Sobrang namumula na siguro ako ngayon! Alam ko na ang susunod niyang gagawin dyan!! Shocks! Kinikilig ako! Nanlumo ako nang ipinunas niya sa tissue ang hinlalaki niya. "Kadiri, umayos ka nga ng pagkain. Hindi ka na bata uy", nakangising sabi niya. Nakakainis! "Gago!", napipikon kong sabi. Panira ng moment! Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa taas para kamustahin si Tita Aly. Magpapasalamat din ako dahil ang laki ng binigay niya sa aking pera. 2 days ko pa lang natuturuan si Alisha pero halos one month nang sahod iyon. Sabi naman ni Alisha nung binigay niya sa akin ay ganoon daw talaga magbigay si Tita Aly, mabait daw kase ako kaya reward daw ng mama niya sa akin. Nakarating na kami sa office ni Tita Aly, agad namang pumasok si Bright pagkatapos kumatok kaya sumunod na ako. "Omooo! Hello my dearest pamangkin! Hello my future niece!", magiliw na bati sa amin ni Tita Aly. "Hello po", medyo nahihiya ko pang sambit. "Buti naman at napadalaw kayo dito", nakangiti niyang sabi. Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Bright. "We're dating", prenteng sabi niya. "Omooo! Sabi ko na nga ba eh! Una pa lang, may spark na! Congrats! Nako iha, pahirapan mo itong si Bright ha? Wag mo agad sasagutin!", pabirong sabi ni Tita Aly. "Tita naman!", napipikon na si Bright hahaha. As usual, marami na namang kwento si Tita Aly. Ginabi na tuloy kami ni Bright ng uwi. Sakto namang nandito na sa bahay si mama kaya pinapasok ko si Bright. Umakyat na muna ako sa kwarto para magbihis. Paniguradong interview-an ang nagaganap sa baba. Bright's POV Pagkaalis ni Aeyu ay agad akong nagmano kay Tita Aecka. "Ano iho? Kayo na ba ng baby ko?", magiliw na tanong ni tita. "Hindi pa nga po eh, unang araw pa lang po ng panliligaw ko", nahihiya kong sabi. Sana naman ay wag akong paasahin ni Aeyu. "Nako iho, pagtiyagaan mo iyong anak ko ha? Pakipot lang 'yon pero mapapasagot mo agad yan!", natatawang sabi niya. All I know is I want to get her. To stay her away from those men na magtatangkang manligaw sa kaniya. I think I'm starting to love her. Sobrang natutuwa ako sa kaniya. Biglang sumungit sa akin. Pero halatang halata namang kinikilig. I can't wait to be her man. I can't wait her to be my girl too. Pero magtitiyaga ako dahil gusto ko talaga siya. Sobrang bilis ng mga pangyayare pero wala akong pake. That is what I feel. Hindi ko ito mapipigilan. Kinwento pa sa akin ni tita lahat ng favorite ni Aeyu. Lahat ng dreams niya. Lahat ng gusto niya. A typical single wants. Natutuwa ako dahil ako ang unang pinayagan niyang manligaw. "Nako mukhang nakatulog na si Aeyu doon, puntahan mo na nga iho. Matutulog na din ako dahil maaga pa ako bukas.", paalam sa akin ni tita. At dahil alam ko naman kung saan ang kwarto ni Aeyu, pinuntahan ko na siya. Umakyat na ako at pumasok sa kwarto niya. Natawa ako nang makita siyang nakahiga sa kama, with her feet on tiles. Inayos ko siya ng higa. Gusto ko komportable ang future misis ko. "I hope sagutin mo na ako, sana wag mo nang patagalin pa, bago pa mahuli ang lahat", pagkausap ko sa kaniya habang tulog. Ayoko na itong patagalin pa. Dahil alam ko sa sarili ko na siya na ang babaeng mamahalin ko. Too fast? I don't care, that's my destiny. I don't care if it's cliché, but I believed in destiny. We write our own destiny. And today, I choose to write Aeyu in my own destiny. I want her. Badly. May mga naririnig ako sa kasamahan kong journalist na kapag pinapatagal, mas maraming pwedeng humadlang. I don't want that to happen. Hinalikan ko sa noo si Aeyu at kinumutan. "Goodnight my girl", sabi ko dito kahit alam kong hindi niya naman naririnig. Umalis na ako sa kwarto niya, pagkababa ko ay sinarado ko ang main door pati na din ang gate. Napabuntong hininga pa ako bago umalis sa bahay nila. Aeyu's POV Mabilis na lumipas ang mga araw. Last weekend ay tinuruan ko si Alisha. Dating gawi, sa bahay nila. Walang masyadong nangyare. Noong weekdays naman ay sobrang stressful! Pinipilit kase kaming magpractice nung bakla sa school. Kahapon ay tinuruan ko ulit si Alisha. Today is Monday. Lahat ay busy sa kanya-kanyang gawain. Yung iba ay busy sa paggawa ng banners na gagamitin sa cheering kuno sa pageant na gaganapin bukas. Ang bilis ng araw. Nakabili na din ako ng susuotin ko, sa tulong syempre nila Erin. Binilhan din ako ni Tita Aly ng damit na susuotin nung mabalitaan niyang kasali ako. Medyo nagtatampo sa akin si Bright dahil daw si Gerald ang lagi kong kasama. Anong magagawa ko? Siya ang partner ko eh. Araw na ng pageant. Maaga akong sinundo ni Erin dito sa bahay. Nakakuha daw kase siya ng glam team para sa pag-aayos sa akin. Pagdating namin sa backstage sa loob ng gym ay marami na ding inaayusang contestants mula sa iba't ibang courses. Kinawayan naman kami ng grupo na kinuha ni Erin para sa'kin. Agad naman namin silang nilapitan. "Siya yung sinasabi ko sa inyo na kasali sa pageant", ipinakilala ako ni Erin sa kanila "Hello po", nahihiya kong sabi. "Aba! Napakaganda mo naman gurl! Waley na waley ang mga kalaban mo gurl!", magiliw na sabi nila. "Salamat po haha" Inumpisahan na nila akong ayusan. Hindi naman daw kailangan ng bonggang makeup dahil maganda na naman daw ako. Nakakataba ng puso ang maya't mayang compliment nila. Feeling ko tuloy ako na ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Lumalaki ulo ko putspa! Pagkatapos akong ayusan ay halos hindi ko na makilala ang sarili ko! Taena! Wala na! Talo na sila! Maganda na nga ako, nagmukha pang Diyosa! Taena! Lumalaki na ulo ko. "Omo! Aeyu girl! Sobrang ganda mo! Talbog na sila!", sabi ni Erin pagdating niya. Umalis pala siya. Pagdating niya ay dala na niya lahat ng isusuot ko. Ramdam na ramdam ko talaga ang suporta ng section namin. Nag-contribution talaga sila. Sinabi ko na din naman kay mama na may pageant. Sayang daw at hindi siya makakanood. Kaya si Erin, instant videographer mamaya. "Nga pala Aeyu, unang isusuot mo ay yung recycled gown", sabi niya. Nung nakaraang linggo ay tulong-tulong kami sa paggawa ng gown kong iyon. Bumili kami ng tela at tinahi iyon pormang gown. Pagkatapos ay pinatungan namin ng pulang papel na binilog at nilukot yung bandang baba. Sa taas naman ay hindi ko alam kung anong nilagay nila, pero makinang iyon. Glitters siguro. Pa-balloon yung style ng gown ko. Kita pa cleavage ko! Hanep! Marami na namang maglalaway. Ang unang hairstyle na ginawa ng glam team sa akin ay naka-bun, tapos hinayaan nilang nakalugay yung konting buhok sa magkabilang gilid. Medyo kinulot nila. Sobrang ganda ko! Taena! Mamatay ka sa selos mamaya Bright! Hindi ko alam kung anong isusuot ni Gerald dahil hindi naman siya nagsasabi sa amin. Tinulungan ako ng mga bakla na isuot yung gown ko. Syempre kasama si Erin. "Ang ganda mo gurl! Bagay na bagay sa sexy mong bodyyy!", tumitili-tili pa yung isang bakla, tumingin tuloy sa amin yung ibang contestants. Aba! Umirap pa yung iba! Napadako ang tingin ko sa isang babaeng matalim ang tingin sa akin. Si Nicole! Bakit nandito 'yan? Hinila ko si Erin dahil alam kong siya ang makakasagot sa tanong ko. Tsismosa eh. "Ano ba 'yon Aey? Nanghihila bigla amp", reklamo niya. "Kilala mo 'yon?", tanong ko dito at tinuro ang nakatalikod na si Nicole. "Ay sis! Oo naman! Transferee dito yan ngayong school year. Hindi mo kilala? Nakalimutan kong ikwento sa'yo. Nung time na tinuro ko si Bright sa bintana, ikekwento ko dapat sayo eh.", mahabang sabi niya. "Anong connect?", bored na tanong ko. "Tanga! 'yang Nicole na 'yan, rumored girlfriend ni Bright! Pagkatransfer nyan dito, panay lingkis sa braso ng fafa mo! Buti nga ngayon hindi na eh", nanggigigil na sabi niya. Kaya pala. Tsk! "Ready na mga contestants! Simula na ng rampa ng recycled suit ninyo", anunsyo ng isang journalist sa amin. "Sorry I'm late", napabaling ang atensyon ko sa likod ko. Halos mapanganga ako! Ang gwapo ni Gerald! Nagpa-haircut sya! Ang gwapo! Halatang nag-shave din ng mga tumutubong bigote! Sobrang gwapo! "Uhm okay lang", nahihiyang sabi ko. "Ang ganda mo.", pagpupuri niya sa akin. "Ang gwapo mo din", binati ko din siya syempre. "Ehem", nagulat ako nang marinig ko ang pekeng ubo ng kung sino sa gilid ko kaya hinarap ko ito. "Bright?", taena! Sinuri ko ang kabuuan niya. Bakit nakasuot siya ng recycled suit? Kinunutan niya lang ng noo si Gerald. Nagsukatan pa sila ng tingin. Hayst. Ganda ko talaga. "Bright tulungan mo naman ako", napatingin kami sa nag-iinarteng Nicole. So, sila ang magpartner? Tsk! Bakit sumali 'yang Bright na 'yan?! Sila ang nagpa-pageant tapos nakisali? Nakita kong ngumisi sa akin si Nicole nang tinulungan siya ni Bright na maglakad. Magsusuot-suot ng heels na mataas tapos mag-iinarte! Tsk! "Ehem", napabaling ang tingin ko kay Gerald nang umubo siya ng peke. Dahil sa inis ko sa Nicole na 'yon at sa Bright na uto-uto, nilingkis ko ang braso ko kay Gerald. Napansin kong sumama ang timpla ni Bright. Mamatay ka sa selos! Ulol! Pinapila na kaming mga contestants. Sadly, nasa harap namin ni Gerald ang manliligaw ko kuno at yung linta niyang kapartner. Nauna na ang ibang representative ng ibang courses. At nang lumabas na ang sa engineering department, which is sila Bright, naghiyawan ang buong crowd. Taena! Kilig na kilig? "Nicole Del Vega, 24, and I believed in the saying that, 'Everyone deserves a second chance' representing Engineering Department! Pota! Ba't ganon ang kasabihan niya? HAHAHA "Bright Montero, 24, Dreams come from persistent. Representing Engineering Department.", sunod sunod na sabi ni Bright. Kahit ganoon, nagtilian pa din ang mga babae! Akala mo kinukurot ang mga singit! Kilig na kilig! "Aray", pagdaing ni Gerald. "Ay takte! Sorry Gerald", hinipan ko pa ang braso niya. Nadiinan ko na pala ang pagkakahawa ko sa kaniya. Kasalukuyan kong hinihimas ang braso niya nang may narinig akong suminghal. "Tsk. Kayo na daw ang rarampa. Bingi ba kayo? So fetch!", maarteng sabi ni Nicole. Awtomatikong bumaling ang tingin ko kay Bright na nasa braso ni Gerald ang tingin. Sige! Magselos ka! Kasalanan mo 'yan! Inirapan ko naman si Nicole. "Tara na", sabi ko kay Gerald. Mas lalong nagsigawan ang mga tao nang kami na ni Gerald ang lumabas. Isa ding heartthrob ang isa na 'to! Dagdag mo pa yung mga fans ko, syempre! Dakilang mabait ako dito sa school! Kitang kita ko ang suporta ng mga kaklase ko pati na din ang buong education department. At dahil ako ang nagrerepresinta sa course namin, ginalingan ko ang pagrampa. Feeling ko nga hihiwalay na sa katawan ko yung kalahating bahagi ng katawan ko dahil sa sobrang pagkembot ko. Nang magtatabi na kami ni Gerald, umikot ako ng isang beses, umakto ako na mahihiga tapos ay sinalo niya ako. Nagtilian ang mga tao dahil doon. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at nagtinginan kami. Ang mga tao, iyon! Parang kinikiliti ang mga tumbong! "Aeyu Tan, 24, If you want your life to be colorful, eat crayons! Representing Education Department!", masiglang sabi ko. As usual, pinagtatawanan na naman ang surname ko! Sige! Tumawa lang kayo! "Gerald Quintana, 24, always believed in the saying that, 'Time is gold', representing Education Department!", grabehan din yung kasabihan ni Gerald. Sobrang bago! Pagkatapos ay pumunta na kami ni Gerald sa backstage. Matatalim na tingin ni Bright ang sumalubong sa amin. Inirapan ko lamang siya. Wag ako! 'Kala mo ah! "Aware ka naman siguro bro na nililigawan ko 'yang kapartner mo.", nagulat ako nang lumapit si Bright kay Gerald. "Huh?", nagtatakang sabi ni Gerald. "Wag mo nang pansinin 'yan", hinila ko na si Gerald at nagulat ako nang hinawakan ako ni Bright. "Mag-uusap tayo mamaya.", maawtoridad na sabi niya. Lumapit na kami sa pwesto namin. Mabilis na tumatakbo si Erin. Alam kong pupunta dito 'yan. "Waaaahh! So kilig! Grabe kayong dalawa! Kulang na lang makakalimutan ko nang manliligaw mo si Bright!", hinampas pa niya ako. "So Bright is courting you Aeyu?", tanong ni Gerald. "Nako! Oo Gerald! Ang cute pa ng lovestory nilang dala-", hindi na natapos ni Erin ang sasabihin niya nang makita niya ang titig ko sa kaniya. Masyadong madaldal! "Nako mga bakla! Magpalit na kayo ng damit!", saved by the glam team. Inaya nila kami dahil aayusan pa ako. Simpleng white dress na below the knee lang ang sinuot ko, pinaresan ko ito ng white heels na hindi naman kataasan. Inilugay ng mga bakla ang buhok ko at medyo kinulot nila ng konti kahit natural na wavy naman ang buhok ko. "Perfect!", pumalakpak pa yung isang bakla habang pinupuri ang kagandahan ko. Hayst. Saktong lumabas naman si Gerald. Nakasuot siya ng puting long sleeve, pinaresan niya ito ng itim na slacks at itim na sapatos. Bakit ba ang gwapo nito? Napalingon ako sa puwesto ng engineering department. Nagtama ang mga mata namin ni Bright. Mas gwapo 'to! Parehas ng suot ni Gerald! Mas nadadala nga lang ni Bright! Umiwas ako ng tingin ng kumapit sa braso niya si Nicole. Sampal ko kaya sa kaniya ang katotohanang ako ang nililigawan?! Makalingkis akala mo may label sila! Tsk! Naunang nag-talent ang ibang courses. May sumayaw, may kumanta, may umarte. Nang engineering dept. na ang sasalang, todo tilian na naman ang mga estudyante! Nakasuot si Nicole ng itim na dress na above the knee. Tumugtog ang Beautiful in White. Seryoso? Beautiful in white tapos naka-itim si Nicole? Taena hahaha. Ako dapat dyan kung ganyan! Sasayaw pala sila. Tsk! Slow dance pa nga! Nakakagigil! Alam kong nanlilisik na ang mga mata ko sa mga oras na 'to! May pahawak-hawak pa sa batok ni Bright! Humanda ka sakin mamaya Bright! Hawak pa sa waist ng ibang babae! Pagkatapos nila ay masasamang tingin ang ibinato ko kay Bright. Ngumisi lang ang bugok! At talagang pinagseselos pa ko?! Humanda siya sa akin! Alam kong napaka-isip bata ng set up namin ngayon pero wala akong pake! Selosan lang pala eh! Nang kami na ang isasalang, mas lalong nag-ingay ang crowd! Sinabihan ko si Erin kanina na bonggahan ang sigaw! Yung halos makikita na ang lalamunan nila! Umupo na si Gerald sa nilagay namin na parang bench sa stage. Yung tipong para kaming teenager na nagliligawan sa parke. Medyo lumayo ako ng konti. Nagsimula na siyang mag-strum ng gitara. Sinabayan ko ang intro. "Do you love the rain? Does it make you dance, When you're drunk with your friends at a party? What's your favorite song? Does it make you smile? Do you think of me?" Unti-unti na akong lumapit kay Gerald. Nakipagtitigan sa mga mata niyang nangungusap. Feeling ko may gusto sa akin 'to! Taena! Amfeeling ko! Sinimulan ko na ulit ang pagkanta. "When you close your eyes, Tell me what are you dreamin', Everythin' I wanna know it all" Umupo na ako sa tabi niya at nakipagtitigan sa mga mata niya. "I'd spend ten thousand hours, Ten thousand more, Oh if that's what it takes to Learn that sweet heart of yours And I might never get there but I'm gonna try If its ten thousand hours or the rest of my life I'm gonna love you~" Narinig ko naman ang sigawan ng mga estudyante. Kinikiliti na naman ang mga tumbong! Ngumiti pa kami ni Gerald at sabay nag-bow. Para sa akin ay walang malisya ang ginawa naming talent. Sa kaunting panahon na magkasama kami ni Gerald, nalaman ko kung gaano siya kabuting tao. Medyo boring siya kausap pero ramdam mo yung respeto niya. Hindi siya ang tipo ko. Pero siya ang gusto kong maging kaibigan in my entire life. Sila ni Erin. Masaya daw kase kaming kasama sabi niya, nag-request pa na sana daw after pageant eh pwede pa din daw siyang sumama sa amin. Pagdating namin sa backstage, matatalim na titig ang sumalubong sa amin. Tinignan ko kung saan nakatitig si Bright. Kay Gerald. Nagulat ako nang hinila ako bigla ni Bright. Dinala niya ako malapit sa restroom. "Nasasaktan ako Aeyu. Sinabihan na kitang gusto kita, right?", lumamlam ang tingin niya sa akin. "Wow ah! Hiyang hiya naman ako sa'yo! Sinabi ko din naman na gusto kita ah!", nanggigigil na ko sa Bright na 'to! "Okay, sorry okay?", nilapitan niya ako at niyakap. "Chansing ah", pang-aasar ko sa kanya. "Tsk", pagsusungit niya habang nakayakap sa akin. Pagkatapos ng yakapan portion ay tinitigan niya ako sa mukha. "Ang ganda mo", pagpupuri niya. "Alam ko", pagbibiro ko na ikinakunot ng noo niya. "Lakas naman ng future ko", tumawa pa ang loko. "Hoy Aeyu girl! Tarages! Nandito ka lang pala! Kanina pa kayo hinahanap! Long gown na dahil Q&A na!", sigaw sa akin ni Erin. Agad naman kaming sumunod ni Bright. Hindi na siya nagpalit dahil ganoon lang daw ang isusuot niya. Ganon din ang ginawa ni Gerald. Nandito ako sa harap ng salamin. Tinititigan ang kabuuan ko. Ang ganda ng inarkila namin ni Erin na gown. Gold mermaid prom dress ang tawag dito, yun ang sabi nung tindera sa botique na pinag-arkilahan namin. Yes. Arkila lang. Taghirap eh. Pero kahit ganito, sobrang angat ang ganda ko! Expose na expose ang cleavage ko! Pati yung colar bone ko! Kumikinang din ang mga glitters na gold na nakapalibot dito. Sa kulay nitong ginto na bumagay sa maputi kong balat, siguradong mababaling sa akin ang mga mata ng mga kalalakihan! Alam ko takbo ng utak nila eh! Kasalukuyang naka-bun ang buhok ko kaya expose na expose ang bandang leeg ko. Putcha! Mas lalo nang tatahol si Bright nyan! Naririnig kong ipinapatawag na ang mga kalahok kaya lumabas na ako sa dressing room at pumunta kila Erin. "What the heck?! Ang ganda mo girl!!! Sobra!!", malakas na sigaw ni Erin kaya nagtinginan sa akin ang lahat ng kalahok. "Ang ganda mo Aeyu", namamanghang sabi ni Gerald. "Salamat", nahihiya kong sabi. Syempre dapat mahiya pa din ako! "Let's go", inalalayan ako ni Gerald papunta sa pila. Nagkasalubong kami nila Bright. Nakita ko pang napanganga siya sa kagandahan ko. Yes! Sa kagandahan ko! Assumera ako pagdating sa kaniya eh! "Booh!", ginulat ko na si Bright dahil nakatulala na siya sa akin. "Sorry. Ang ganda mo Aeyu.", sabi niya na nagpayanig sa buong pagkatao ko. Nakakainis! Hindi pa din ako sanay sa kaniya kapag nagpapakilig siya! "Bright ano ba? Pumila na nga daw eh! I'm so inip na here!", maarteng sabi ng maarteng Nicole! Kahit kelan talaga, panira! Nahagip ng mata ko ang palihim na pag-irap ni Nicole kaya naningkit ang mata ko. "Tara na nga Gerald.", aya ko sa kaniya. At as usual, nasa harap namin sila Bright. Nagsimula nang umusad ang pila. Pinauna ni Bright si Nicole. Hindi namin inaasahan ang nangyare. Nadulas si Nicole pagtapak sa hagdan. To the rescue naman si Bright na sinalo ang maarte niyang kapartner! Nakita kong ngumisi si Nicole. Wala na! Obvious nang palabas lahat! Napaka-gaga talaga! Kung hindi siya sinalo ni Bright, paniguradong hulog siya! Laking tuwa ko pagnagkataon! Nang lahat kami ay nasa entablado na, isa-isang tinanong ang mga lalaki. Sila ang unang sasabak. Natahimik ang lahat nang si Bright na ang tatanungin. "Love or Career?", deretsahang tanong ng host. Takte! Ano yon? Fast talk? Walang kwenta mga tanong sa boys! Kanina may narinig pa kong 'wet or dry'. Walang kwenta! Natigil ang pagrereklamo sa utak ko nang sumagot si Bright. "I will always go for love no matter how hard to deals with it. Career wouldn't make me happy because there's no existing love behind it. Even though you give me tons of golds, trucks of dollars, a palace, I will always go for love.", sagot ni Bright na mas nakapagpatahimik sa buong crowd. Namangha ang lahat sa sagot niya. Kahit ako ay napanganga din! Simple pero rock! Nang matauhan ang mga tao, agad silang nagsigawan. Cheering for Bright. Hindi ko na inintindi pa ang mga sumunod na kalahok. Kinakabahan na kase ako. Malapit na kong tawagin. "Ms. Aeyu Tan from Education Department!", speaking of! Ako na! Narinig ko ang hiyawan ng mga classmates ko. Sobrang thankful talaga ko sa kanila! "You had a boyfriend, if you found out that this guy is your long lost brother, what would you do? Stay or moved on?", tanong ng host. Takte! Bakit pagdating sa girls situational ang tanungan? Bias 'tong baklang journalist na 'to ah! "Well, I would choose to move on, even if I had thousand reasons to stay, one reason is enough para itigil ko na ang relationship na inumpisahan namin. Mapaglaro ang tadhana. Sadly, we are the players. Moved on is the best thing to do, in the eye of other people, society, and in the eye of our God, even though it'll cause an eternal heartache.", hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa mata ko, parang tanga lang. Pagkasagot ko ay agad na nagpalakpakan ang mga tao. Nagulat ako nang may marinig akong sumigaw ng pangalan ko. "Ang galing ng anak ko!", si mama! Nandito si mama! Ngumiti ako ng sobrang tamis dahil sobrang saya ko! Pagkatapos ng Q&A ay pumunta na ulit kami sa backstage. Sinalubong naman ako ni Erin at ni mama ng yakap. "Akala ko hindi ka pupunta ma?", tanong ko kay mama habang niyayakap siya. "Inagahan ko ang out para makaabit dito! Sobrang ganda mo nak, dalagang dalaga ka na!", sabi ni mama. Napansin kong nililibot niya ang paningin niya. Sino namang hinahanap ni mama? "Bright!", nagulat ako nang sumigaw si mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD