Prologue
"I hate arguing because I know, once I open my mouth, I'll lose control." Twain Kelly Magdangal
Mahal na mahal ni Aliyah ang tinuturing niyang asawa na si Twain. Handa siyang maging maging pansamantalang asawa nito habang wala ang kakambal.
Handa niyang punan ang responsibilidad ng pagiging asawa at ina na naiwan ng kakambal.
Handa siyang akuhin ang lahat kahit pa ginagamit lang siya ng mga taong nakapalibot sa kanya.
"Twain, Halika na at kakain na tayo." Mahinaon niyang pag-aaya sa asawa.
"Kumain ka mag-isa mo." Malamig nitong sabi bago siya iniwan na mag isa.
Handa mo bang ibalik ang taong hiniram mo lang?
Hanggang kailan siya magiging sayo?
Naging sayo nga ba siya?
Paano kung ang hiniraman mo ay ang kakambal mo pa?
Handa kabang masaktan, wag lang ang kakambal at minamahal mong lalaki?
Magiging sila ba hanggang huli? O mananatili silang magkalayo sa isa't isa? 'Yun ang mga tanong na gusto masagot ni Aliyah, labis labis ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Twain na kahit na sarili niya ay kaya niyang kalimutan para sa lalaking hindi naman niya pag-aari.
Hindi niya magiging pag-aari.
Napapagod na si Aliyah na lagi nalang itinatago at pilit na pinagpapanggap bilang maging ibang tao.
"Pangako pag bumalik na siya. Ibabalik kita ng walang pag-aalinlangan." Aliyah Tuazon