EnjoyReading:)
Aliyah's POV
"Paano pag bumalik na 'yung kakambal mo?" Tanong sa akin ni Crakky. Nandito kami ngayon sa coffee shop malapit sa grocery store.
Masayang kausap si Crakky. Nakikinig siya sa mga kwento mo at naiintindihan ka niya. Hindi ka niya huhusgahan.
Naikwento ko sa kanya lahat lahat.
At nakinig lang siya sa akin.
"Edi, aalis na ako." Sabi ko at ngumiti ng pilit sa kanya at nilaro 'yung tasa sa harapan ko.
Pinaghintay ko si kuya dahil wala akong pamasahe dahil inubos ko lahat ng binigay sa akin na pera ni Twain. Kailangan kong ipakita 'yung resibo sa kanya. Baka magalit nanaman siya.
Wala naman akong pakialam sa pera ni Twain.
"Ganon lang 'yun? Aalis ka? Ipaparaya mo si Twain ng ganon ganon lang?" Tanong ni Crakky habang titig na titig sa akin.
'Yun naman talaga dapat ang gagawin ko.
"Anong gusto mo? Agawin ko siya sa kakambal ko? Hindi 'yun mangyayari. Magkakagulo lang." Sabi ko at malungkot na yumuko.
"Alam mo, hindi naman masamang lumaban kahit na sa tingin mo talo ka. At least lumaban ka, hindi 'yung magpaparaya ka ng basta basta." Sabi nito habang nakatingin sa akin.
Sulsol itong si Crakky.
Tumawa nalang ako kasi masyadong seryoso 'yung pinag uusapan namin ni Crakky.
"Nagkasala na ako kay Hayila dahil minahal ko ang asawa niya. Pero 'yung agawan ko pa siya at patuloy ka makikompetensya sa kanya. Hindi ko na kaya 'yun. Tsaka may plano na ako Crakky." Sabi ko habang nakangiti sa kanya.
Pinapakita na ayos na ang lahat. Bumalik man si Hayila ay magiging maayos lang ang lahat.
Tumango tango naman siya at kumain na ng cake. Napangiti ako habang nakatingin kay Crakky. May tao ng nakakaintindi sa nararamdaman ko. May kaibigan akong nakakaintindi sa nararamdaman ko.
May tao ng kilala ako bilang Aliyah.
"Oh, 'wag kang ma-in love! Wala pa kong ginagawa." Nakangiti nitong pangangasar sa akin.
Natawa naman ako ng malakas dahil sa kakapalan ng pagmumuka ni Crakky.
Binato ko naman siya ng 'di gamit na tissue.
"Baliw!" Tsaka nakisabay sa tawa niya.
Magaan kausap si Crakky.
At least ngumiti ako ng totoo ngayon. Hindi pilit at hindi mapait. Napapakita ko din ang totoong ako kay Crakky.
Totoong ngiti para sa taong kilala ako bilang ako.
"Hoy, 'wag mo naman akong i-rape sa isip mo! Bata pa ako!" Sigaw niya at nakipagbatuhan sa akin.
Ang kulit talaga ni Crakky.
"Gago!" 'Yun lang ang nasabi ko. Pero natatawa naman ako sa kakulitan niya.
Tawa ako ng tawa dahil sa mga kabaliwan na sinasabi at ginagawa ni Crakky. Masaya siyang kasama. Hindi ka maiinip at malulungkot pag siya ang kasama mo.
"M-maam, pinapauwi na po kayo ni Sir Twain. Mag usap daw po kayo." Kinakabahan na sabi ni kuya.
Kinabahan naman akong tumingin kay Crakky.
Baka kung ano nanamang isipin ni Twain dahil nga nandito ako at kasama si Crakky.
Baka sinabi ng driver namin na nandito ako at kasama ko ay isang lalaki.
"S-sige, una ka ng lumabas kuya. Susunod nalang po ako." Sabi ko at pilit na ngumiti.
Kinakabahan ako.
Inayos ko 'yung gamit ko.
"C-crakky, libre mo ah! Wala akong pambayad!" Sabi ko at ngumiti sa kanya.
May inabot naman siya sa akin na calling card.
"If ever na kailangan mo ng kausap. Tawagan mo lang ako. Nandito lang ako, Aliyah, nandito lang." Nakangiti niyang sabi.
May humaplos naman sa puso ko dahil sa sinabi niya. Sa wakas may tao ng nagsasabi sa akin na 'nandito lang siya' para sa akin.
Tumango ako at nagpasalamat bago ako nagmamadaling lumabas at sumakay sa kotse.
Nakita ko pang sumakay din si Crakky sa kotse niya.
Tinignan ko 'yung calling card niya at tinype sa phone ko. Nagtext din ako sa kanya kasi sinusundan niya 'yung sasakyan namin. Nagulat ako sa ginawa niya.
Napatingin ako sa oras sa phone ko. 11:45 na ng tanghali. Maglalunch na pala, pero bakit umuwi si Twain? Hindi naman siya umuuwi.
Pst! Aliyah ito! bakit ka pala sumusunod samin?
Text ko kay Crakky, hindi naman nagreply si Crakky kaya 'di na ko na ginulo baka malapit lang ang bahay nito sa bahay namin kaya parehas sila ng daan papunta sa bahay namin.
Nang makarating kami, huminto din 'yung sasakyan ni Crakky.
Napatingin ako dito kasi bumaba din si Crakky at pumunta sa kanya.
"Nasaan si Twain? Kakausapin ko. Baka saktan ka nanaman nag-aalala ako sayo." Sabi nito at tumingin sa bahay nila Twain.
Tila ba may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi ni Crakky. Nag aalala ito sa akin? Sa akin?! Nag-aalala siya.
Bakit ang bait nito?
"Oh, ba't nakangiti ka? 'Wag ka munang mafall sa akin, hindi pa dumadating ang kakambal mo. May asungot pa." Sabi nito at tumawa. Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Kinakabahan kasi ako.
Hinampas ko naman siya sa balikat niya dahil sa kabaliwan na sinasabi.
"Hayila!" Napatingin siya sa sumigaw. Si Twain 'yun palabas sa gate.
Tinawag siya ni Twain sa pangalang Hayila. Kasi ang alam niya siguro hindi alam ni Crakky kung sino talaga ako.
Napatingin ako kay Crakky na nakatingin naman kay Twain ng seryoso.
"What are you doing here?" Nakangunot na tanong ni Twain kay Crakky. "Bakit kasama mo ang asawa ko?" Seryoso padin na tanong nito kay Crakky.
Kinakabahan ako, galit na galit kasi sa akin si Twain. Kanina pa ito nang pumunta ako sa opisina niya.
Pumunta naman ako sa tabi ni Twain at yumuko.
"Alam mo hindi mo kailangan tawagin si 'Aliyah' na 'Hayila' sa harap ko. Alam ko ang totoo, pare." Sabi ni Crakky ng seryosong boses kaya napatingin ako sa kanya. Nagtama naman ang mga paningin namin.
Tumingin sa akin si Twain na tila ba nagulat sa sinabi ni Crakky sa kanya.
"Gusto ko lang sabihin 'yung utang mo, Aliyah." Sabi ni Crakky gulat na napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
Anong utang?!
Matawa ako bigla pero pinigilan ko kasi nakita ko 'yung dilim sa muka ni Twain.
"Joke lang." Sabi ni Crakky at tumatawang kumindat sa akin. "'Wag mong saktan si Aliyah. Ako ang nag-aya sa kanyang lumabas." Sabi nito bago siya nagpaalam sa akin at tumalikod.
Hinawakan ako ng mahigpit sa braso ni Twain.
"T-twain, nasasaktan ako." Bulong ko habang nakatingin kay Crakky na naglalakad papunta sa kotse niya.
"Mas masasaktan ka sa akin mamaya." Mahina at may diin na sabi ni Twain sa akin.
Tumingin si Crakky kaya nagpanggap ako na hindi nasasaktan.
"Nga pala wala kang karapatan na saktan si Aliyah. Hindi naman siya ang asawa mo, kaya 'wag kang maging isang walang kwentang tao. Pero kung wala ka talagang kwenta. Wala na kong magagawa. 'Wag ko lang makitang umiiyak at may mga galos si Aliyah, pare. Baka kunin ko siya sayo." Nakangiting sabi ni Crakky.
Bakit ganito si Crakky?
Masyado itong nagke-care sa akin. Hindi ako sanay.
"Tinatakot mo ba ako?" Matalim na tanong ni Twain kay Crakky.
"Nagsasabi lang ako ng totoo. Kung natatakot ka, edi bumalik ka sa sinapupunan ng nanay mo." Sabi ni Crakky. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Crakky.
Bigla nalang sumugod si Twain buti nalang nahila ko ito. Pero nagpumiglas si Twain kaya napaupo siya pero nagulat siya ng kwelyuhan ito ni Crakky.
"Wala ka ngang kwentang tao, Twain." Sabi ni Crakky kay Twain.
Bigla naman itong tinulak ni Twain kay binigyan ng mag asawang suntok bago ako hinatak papunta sa loob ng bahay.
Nagulat ako sa nangyari.
Nang makapasok kami agad akong sinakal ni Twain.
"T-twain, h-hindi ako m-ma--- ah!!" Sigaw ko dahil sa sakit. Hindi din maganda ang pagkakatumba ko.
"Putang ina! Ang lakas ng loob ng lalaki mong pagsalitaan ako ng kung ano ano! Bakit!? Kasi sinasaktan kita?!" Sigaw ni Twain at tinulak tulak siya kaya tumama si sa pader at sinakal ulit siya ni Twain. "Tandaan mo, ikaw ang may gusto nito! Putang ina mo!" Sigaw ni Twain. Pulang pula ang muka niya.
Umiyak na ako dahil sa sakit ng ginagawa niya sa akin.
"T-twain, p-please. M-masakit." Umiiyak na sabi ko. Hindi ako makahinga.
"Tandaan mo! Pwede ka ng umalis sa bahay ko! Sa buhay namin ni Hayen! Magsama kayo ng putang ina mong karelasyon!" Sigaw nito at hinatak ang buhok ko at binato ako sa kabilang pader.
Tumama ang ulo niya sa pader. At dahil magaan lang ako ay madaki nalang kay Twain na ibato ako dahil malakas masyado si Twain. May naramdaman akong likidong dumaloy sa noo ko.
Biglang nagring 'yung phone ko.
Kinuha 'yun ni Twain nang makita 'yun nagdilim ang mga muka nito at binato 'yung phone ko sa pader kaya nanlaki 'yung mga mata ko.
'Yung cellphone na bigay ni daddy.
Binili ng daddy ko 'yun para sa akin.
Umalis si Twain pagkatapos niyang ibato 'yung phone ko na parang wala lang.
Kahit nahihilo kinuha ko 'yung phone at umiyak ng makitang basag na basag ang screen nu'n. Halos mawasak ang puso ko dahil sa ginawa ni Twain.
Ito 'yung unang regalo sa akin ng daddy ko. Napakaimportante nito sa akin.
Iyak ako ng iyak!
Third Person's POV
"Pare, nakakarami ka na ng inom!" Sabi ng kaibigan ni Twain na si Sky.
Hindi naman niya mapigilan ang kaibigan.
Paulit ulit nagrereplay sa utak niya ang pagtawa ni Aliyah sa biro ng lalaking kinaiinisan niya. Napatawa nito si Aliyah sa simpleng biro lang.
Mukang close sila dahil ito ang unang may sinabihan si Aliyah ng totoo niyang pagkatao. Ito ang kauna unahang nagpakilala si Aliyah, bilang siya.
Umuwi siya ng maaga para magsorry kay Aliyah dahil sa pangiinsulto niya dito noong nasa opisina ito. Mali siyang pinagsabihan niya ito ng masasama.
Pinangako niyang magiging maayos na ang pakikitungo niya dito.
Galit siya nung araw na 'yun dahil sa nagreklamong customer nila.
Kaya ayaw niyang magalit. Hindi niya makokontrol ang sarili dahil sa galit. Lalamunin siya nun. Lalamunin siya ng buong buo at wala man lang siyang magawa.
Kailangan kong umuwi at humingi ng tawad kay Aliyah.
Nangako ako sa sarili ko na babawi ako sa kanya. Pero nasaktan ko nanaman siya.
HINDI NANAMAN NIYA NAPIGILAN!
- - - - -
Please READ, VOTE & COMMENT