EnjoyReading:) Aliyah's POV Ilang araw ang lumipas natabunan na ang araw kung saan binugbog ako ng mama ni Twain. Pinagsalitaan ako ng mama ko. Imbis na damdamin ko ay mas minabuti ko nalang na 'wag isipin at magfocus kila Twain. Alam ko sa bawat araw na dumadaan paliit na ng paliit ang oras kung saan makakasama ko pa sila Twain. Wala naman akong magagawa kundi lumayo na lang at ibigay na ang buong atensyon kay Crakky. Alam kong darating ang araw na gigising akong si Crakky na ang mahal ko. "Ang lalim ng iniisip mo ah. Birthday ni Hayen ngayon dapat masaya ka." Nakangiting sabi ni Twain sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya. Oo nga dahil hindi ko hinahayaan na maghari ang kalungkutan sa puso't isip ko. Kailangan kong ipakita na masaya ako kasama si Hayen. Ang isa sa importante sa buha

