EnjoyReading:)
Aliyah's POV
Nagising ako ng biglang may tumulak sa akin kaya nalaglag ako sa kama. Hindi ko alam kung nananaginip lang ako.
Ang sakit ng balakang at pwet ko. Pati mga braso ko ay namanhid dahil sa pagkakahulog ko. May tumulak nga sa akin.
"What the hell?! Tang ina, ano nanaman ito?!" Sigaw ni Twain habang nakatingin sa akin kahit masakit ang katawan ay umupo ako dahil nahubadan ako kaya kinuha ko 'yung nahulog na kumot at tinakpan ko 'yung maselang bahagi ng katawan ko.
Nakakahiya.
"T-twain, a-ahm g-gutom ka na ba?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.
Sabi ko maaga ako magigising para hindi niya ako makita pagkagising niya. Pero nalate naman ako nagising.
Bumaba siya sa kama namin at hinatak ako patayo! Kahigpit ng pagkakahawak niya sa braso ko. Feel ko madudurog na 'yung buto ko du'n. Masyadong malakas si Twain. Kayang kaya niya ako.
"T-twain, m-ma-------Ah!!"..."Tang ina mo! Inakit mo nanaman ako?! Ganyan ka na ba kalandi ah! Putang ina, hindi ka ba nandidiri, ah! Asawa ako ng kakambal mo! Tang ina mo talaga!" Sigaw niya sa akin at binigyan ako ng mag asawang sampal kaya napasigaw ako sa sakit.
Napayakap nalang ako sa sarili ko dahil sa panlalait na isinampal niya sa akin.
"Ano? Nasarapan ka ba kagabi? Ah?! Masarap ba?! Masarap bang i-f**k ang asawa ng kakambal mo ah?!" Sigaw niya sa akin.
Nadala lang naman ako kagabi. Sinubukan ko naman siyang pigilan.
Hindi ako makapagsalita dahil bawat salita niya. Punyal punyal ang tumatarak sa puso ko.
Napasigaw nanaman ako sa sakit ng sakalin niya ako. Sobrang higpit!
"Oras na maulit pa ito, hindi lang ito ang makukuha mo sa akin! w***e! Ganyan siguro ang nangyayari kapag naiinggit ka sa kapwa mo. Lahat gagawin para mapansin at makuha lang ang meron sa kinaiinggitan mo! Tang ina nandidiri ako sayo!" Sigaw niya bago siya lumabas.
Bakit lagi nalang ako ang may kasalanan? Hindi niya ba maalala na kasalanan niya din? Mahal na mahal ko lang siya kaya pati katawan ko ay napapasunod niya.
Pabagsak akong napaupo sa sahig. Hindi ko na mapigilan humagulgol dahil sa sakit na nararamdaman ko. Sobra sobra na 'yung sakit, umaapaw na ang pagdurusang nararamdaman ko.
At ang nakadagdag ng sobra sobra sa sakit na nararamdaman ko ay ang katotohanang.
Totoo lahat ang sinabi ni Twain.
Malandi ako dahil nga inakit ko siya kaya pumayag ang mga magulang kong tumira at magpanggap akong Hayila kahit ayaw ni Twain.
Inggit sa kakambal dahil sa atensyon at pagmamahal na nakukuha nito sa mga tao sa paligid nito.
Kahit nahihirapan tumayo ako para maligo at magbihis. Tuloy tuloy sa pag agos ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilang umiyak.
Kasi sobra na.
Wala naman akong ginawa na ikakasira at ikakasama ng loob ng mga magulang ko. Ginagawa ko nga ang lahat para maging proud sila sa akin eh. Ginagawa ang gusto nila kahit hindi ko naman talaga kaya.
Pero ba't hindi nila ako kayang mahalin?
Mabuting tao naman ako sa ibang tao. Kaya kong makisama at kaya ko namang rumespeto ng ibang tao.
Pero ba't hindi ako makatanggap ng respeto sa mga taong mahal na mahal ko.
Naging mabuti naman ako kay Twain at Hayen. Ginagawa ko ang isang tungkulin na sana si Hayila ang gumagawa. Oo, ginusto ko din, pero hindi ko naman gagawin 'yung planong akitin siya kung meron si Hayila at inaalagaan ang mag ama niya, na ako ang gumagawa ng mga gawain niya.
Pero ba't wala kahit respeto at pag una akong nakuha kay Twain?
Siguro kaya ganito ang buhay ko ngayon, pag namatay ako at nabuhay ulit magiging masaya naman ang mararanasan ko.
Pero kung mamamatay ako at hindi ko makakasama at makikilala si Twain at Hayen. Mas pipiliin ko ang sakit kaysa sa saya basta makita ko lang na magiging masaya sila at kahit papaano may nagawa ako para maging masaya sila.
Umupo ako sa kama at duon umiyak ng umiyak. Binubuntal ang dibdib ko dahil hindi ako makahinga sa sakit ng dibdib ko.
"Mommy, why are you crying?" Nagulat ako dahil nakapasok si Hayen dito.
Pero kahit ngayon lang ayaw kong magpanggap na malakas at matatag!
Tumakbo sa akin si Hayen at yumakap sa akin ng mahigpit.
Sa lahat ng nanakit sa akin si Hayen lang ang alam kong hinding hindi ako iiwan at magagalit sa akin.
Niyakap ko 'yung nag iisang kakampi ko sa buhay.
Humagulgol ako ng marinig ang mga hikbi ni Hayen.
"MOMMY, 'wag ka ng magkakacry ah. Para pong lasing kayo kasi namumula yung eyes niyo tsaka namamaga." Sabi sa akin ni Hayen. Hapon na nakapasok si Hayen kasi kaninang umaga ayaw niyang pumasok. Pasasayahin niya daw ako.
"Opo baby, sige na pasok ka na, nandito lang si mommy. Hihintayin kita muah!" Nakangiti kong sabi bago ako humalik sa noo niya.
Kailangan kong magpakaina kay Hayen. Kailangan niyang pumasok at kailangan ko siyang bantayan. Mas malulungkot lang ako kapag nasa bahay ako.
Tumakbo naman na siya papasok sa classroom niya.
Napangiti ako bago ako umupo sa waiting area.
Hihintayin ko nanaman siya. Pero hindi naman ako naiinip kasi meron activities sila Hayen na kasama ang mga bantay nila kaya masaya naman.
Hindi ako maiinip dito.
Third Person's POV
Tulala lang si Aliyah habang nakatingin sa malayo. Hindi man lang niya naramdaman na may umupo sa tabi niya. Napangiti si Crakky ng makita niya si Aliyah.
Sobrang ganda nito at napaka bata pa. Hindi niya akalain na may anak na ito.
At nagtataka padin siya sa pangalan nito.
Hayila ba o Aliyah.
Pero ramdam niya sa babae na may itinatago ito. Mahahalata 'yun sa muka nito, malalim at may kislap ng kalungkutan ang mga mata nito.
Pinalaki si Crakky kung paano makabasa sa emosyon sa mga mata nito.
O
Sa pinapakitang kilos nito at sure siyang may tinatagong kalungkutan at hinagpis sa mga mata ng dalaga.
"Ehem." Nang peke siya ng ubo kaya napatingin sa kanya si Aliyah. Nagulat siya ng mapansin na namamaga at namumula ang mga mata nito.
Malungkot nanaman ang mga mata nito.
"Are you okay?" Hindi na niya mapigilan na tanong sa dalaga.
Simpleng ngiti lang ang binigay nito sa kanya.
"Alam kung si Hayila o si Aliyah ka man. Handa akong makinig dito. Mapagkakatiwalaan ako." Sabi niya dito kaya napatingin sa kanya ang dalaga.
Nahalata niyang nag alangan pa ito bago ito napabuntong hininga.
"Ang totoong pangalan ko ay Aliyah. Aliyah Tuazon."
Alam ko. Alam na alam ko.
Aliyah's POV
"MARAMING salamat po Tito Crakky sa pagpapasaya sa mommy ko habang nagestudy ako." Nakangiting sabi ni Hayen kay Crakky.
Napangiti naman ako dahil sa magalang na pagpapasalamat ni Hayen kay Crakky.
Napatingin sa kanya si Crakky at ngumiti kaya nginitian ko din siya. Magaan ang loob ko sa kanya.
Lahat ng sekreto ko nasabi ko sa kanya. Kauna-unahang taong nasabihan ko ng mga problema ko.
Siguro dahil alam ko sa sarili ko na humihingi ako ng sandagan, karamay, kakampi.
Kailangan ko ng makakausap atleast kahit isang tao lang, alam na nageexist pala talaga ako sa mundong ito.
Nasa labas kami ng school ni Hayen. Wala pa 'yung driver namin. Nandito si Crakky at nagpapatawa para hindi kami mabored kakahintay sa driver namin.
Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Kahit papaano may mabubuti pa palang tao.
"Mommy, gusto ko po ng ice cream." Kapag papayagan ko siya mabubugbog nanaman ako ni Twain.
Pero sasaya naman si Hayen kapag pinagbigyan ko siya. Pero sumakit ang ngipin nito. Ayaw ko naman ng mangyari 'yun.
"Anak, baka sumakit nanaman 'yung mga ngipin mo. Iiyak ka nanaman, mag aalala nanaman ako sayo baby." Sabi ko sa kanya kaya nagpout siya.
"Eh masarap kasi 'yung lasa ng ice cream, mommy." Nakapout na sabi ni Hayen.
Nagsabi si Hayen na hindi na uulitin na kumain ng ice cream kay Twain. Pero paborito niya talaga ang ice cream.
Magsasalita pa sana ako ng biglang may kinuha si Crakky sa bag niya.
Bubble gam 'yun.
"Ito, masarap 'to. Nakatikim ka na ba nito, baby boy?" Tanong nito kay Hayen at binigay 'yung gam kay Hayen.
"Hindi po ako pinapayagan ni Daddy kumain ng ganyan." Sabi niya at tinanggap 'yung gam ni binigay ni Crakky at tinignan itong mabuti.
Para bang sinususi niya ito.
"Crakky, hindi kasi pwede si Hayen niyan baka malunok niya." Sabi ko at kinuha 'yun at ako ang kumain.
Magagalit si Twain.
Masarap siya!
Nagkwekwentuhan lang kami. Kumakain nadin ng gam si Hayen tapos pag wala ng lasa iluluwa na niya ito.
Kumuha ako ng cookies sa bag ko at kumain nu'n.
Nagulat ako ng pinunasan niya yung gilid ng labi ko.
"Naku si Mommy! Ang dirty kumain." Tumatawang asar sa akin ni Crakky.
Hindi ako nakagalaw dahil sa ginawa niya.
First time ito.
"At si Daddy ay galit na galit dahil hinahawakan ng ibang tao ang pagmamay-ari niya."
Napatingin ako sa nagsalita.
Si Twain habang masama ang tingin sa akin at kay Crakky.
- - - - -
Please READ, VOTE & COMMENT