EnjoyReading:) Third Person's POV Pagod na umuwi si Twain galing sa trabaho. Dumeretsyo siya agad sa kwarto nila ni Aliyah na ngayon ay ni Hayila na. Sa limang taong nagdaan si Aliyah ang nag may-ari ng kwarto nila. Nahiga siya sa kama. Gabi nanaman siya umuwi. Lagi nalang siyang nagoovertime sa trabaho niya. Hindi niya feel umuwi ng maaga kahit nandito na si Hayila. Wala namang mali kay Hayila. Maalaga ito sa kanila ni Hayen. Nagluluto ng umaga, tanghali at gabi oara sa kanila. Naglilinis ng buong bahay. Parang si Aliyah lang. Pero may kulang. Napamulagat nalang siya ng may yumakap sa kanya. Si Hayila nakangiti ito at nakamake up pa. "Magbihis kana honey or gusto mong ako ang magbihis sayo." Malambing na sabi sa kanya ni Hayila. Napaiwas nalang siya ng tingin dito. Wala siya s

