EnjoyReading:) Aliyah's POV "Kailangan mo ba ng tulong para maayos ang necktie mo?" Tanong ko kay Twain na ngayon ay nagsusuot ng sapatos. Hindi pa kasi nakakabit ang necktie nito. Baka kailangan niya ng tulong ko. "I can fix it on my own." Malamig na sabi ni Twain at tumayo na para umalis. "Hayen, anak, halika na, aalis na tayo." Sabi pa nito at hindi na ako pinansin pa. Ano bang problema niya? Wala naman akong ginagawa para iparamdam niya sa akin ngayon ito. Nung sinagot ko ang tanong niya sa akin kung sasaktan ko ba daw ba si Hayila lara ipaglaban sila. Syempre sinagot ko siya pero hindi niya nagustuhan ang sagot ko kaya hindi niya ako pinapansin at naging cold siya sa akin. Ano bang mali sa pagtanggi ko? Pinapaasa niya lang ako masyado. "Mommy, alis na po kami." Sigaw ni Hayen

