EnjoyReading:) Aliyah's POV "MOMMY! Help me!" Sigaw ni Hayen, hindi kalayuan sa akin. Tawa naman ako ng tawa dahil ng hahabulan at nagkikilitian si Twain at Hayen. Ang gulo gulo talaga ng dalawa. Kumaway nalang ako kay Hayen ng makita ko siyang nakabusangot at kiliting kiliti sa ginagawa ng tatay niya. "Mommy!" Sigaw ulit niya at pilit na kumakawala kay Twain na ayaw naman siyang pakawalan. Nagpapatingin na nga sa amin ang mga tao na namimili malapit sa pwesto namin dahil sa ingay at kakulitan ng dalawa. Nakangiti akong binuksan ang phone ko at tumambad duon ang wallpaper ko. Kaming tatlo nila Twain na masaya kami dito at tila ba isang buong pamilya at may matatag na samahan dahil may pagmamahal na bumabalot sa bawat isa sa amin. Pinatay ko 'yung phone ko at napatingin kila Twain n

