“Hay*p ka talaga!” Dahan-dahan akong napahinto sa aking paglalakad isang umaga habang papunta sa shop. Pasado alas syete pa lang iyon ngunit isang malutong na mura agad ang bumungad sa mga tainga ko. Sa makipot na kalsada kung saan ako naglalakad ay pumihit ako nang bahagya patalikod kung saan ko narinig ang galit na boses ng isang ginang. “Kung kailang anim na ang anak mo, saka ka pa nambabaeng hay*p ka!” muli niyang sigaw at doon ko nakita ang isang lalaking may edad na rin na tumatakbong lumabas mula sa kanilang gate hanggang sa kalsada. Kumunot ang noo ko. Bakit ganoon? Mas mabuti bang nambabae sana siya noong wala pa silang anak? “Ano ba? Tama na! Nakakahiya!” saway ng lalaki ngunit mas lalo lang nanggalaiti sa galit ang kaniyang asawa. “Nakakahiya? Ngayon mahihiya ka pero noong

