CHAPTER 13

1325 Words
—WILLIAM POV— Nandito ako sa loob ng library namin marami rami na rin ang na review mo sa mga papeles ng company, tinutukan ko ito at pinag aralan ang bawat isa alam ko na mahalaga ang bawat pahina nito gusto kung matapos ng madali ang pag tuturo sa akin ni Emmit. Alam kung hindi na kakayanin ni Dad ang mga problema ng company, sumabay pa ang kabi kabilang pananakot ng kalaban namin sa negosyo. Gusto kung bago mag isang buwan ay ako na ang hahawak ng company nag aalala na rin ako sa kalagayan ng aking ama dapat ay dito nalang sya sa bahay nag papahinga. "Magandang umaga Sir William!" bungad ng isang boses sa bumukas na pinto. "Morning!" tumingin ako dito. nangunot ang noo ko ng mapansin ko ang ayos nito. "Bihis na bihis ka yata? may pupuntan kaba mamaya?" "W-wala naman sir! may sinundo lang ako kanina" tila na hihiya pa ito dahil namula ang mukha nito. "Ah!!" napangiti ako na tumingin dito. "Maganda ba at sexy yan?" biro ko. "Medyo sir! kaya lang wala yata gusto sa akin, hindi ako bagay don napaka ganda nya" napa kamot pa ito sa batok tila nanghihinayang. "Gusto mong tulungan kita kung paano dumeskarte!" alok ko. "H-ha eh! wag na sir, makita ko lang sya okay na ako!" ani Emmit. "Panu mapapasayo ang gusto mo kung hindi mo liligawan!" giit ko wala pa yata itong karanansan sa panliligaw kaya di alam ang gagawin. "Naunawaan ba ninyo ang mga papeles na binigay ko sa inyo!" pang iiba nito sa usapan. "Oo na review ko kaya ko na rin siguro hawakan ang company namin bago mag isang buwan. marami naman akong alam sa pamamalakad ng negosyo." "Magandang balita yan sir William! matutuwa ang ama nyo." humakbang na ito palapit sa kinaroroonan ko. Maya maya pa ay nag umpisa na kaming dalawa. Seryoso ang bawat sinasabi ni Emmit tinuturo nito diko mapigilan humanga dito, alam nito ang pasikot sikot sa negosyo. kung titingnan parang sya pa ang may ari ng company dahil na rin sa galing nito kaya ayaw itong bitawan ng ama nya dahil malaki ang tiwala sa assistant nya. *************** Gabi na ng makatapos kaming dalawa, diko na rin namalayan ang oras, napatingjn ako sa ibabaw ng table ng tumunog ang selpon ni Emmit naka ilang ring ito dahil nasa CR sya. kaya lumapit ako napako ang tingin ko sa pangalan ng caller akmang kukunin ko sana ito para sagutin ng biglang bumukas ang pinto. "Kanina pa nag ring ng ring ang selpon mo" bungad ko. dali dali naman itong kinuha ito at sinagot. "Hello Anna!" nakangiti nitong sagot. "Oo susunduin kita hintayin mo nalang ako." tila nataranta pa, Napa tingin ako at napa iling baka ito ang sinasabi nya kanina, parang naging interesado ako sa pangalan nya, malambing ang boses ng babae ng marinig kung nag salita ito dahil sa medyo may kalakasan ang volume ng selpon ni Emmit. "Sir William, Aalis na ako susunduin ko pa si Anna sa opisina" paalam nito. "Sige ingat!" nakangiti ko pang sabi dito. Nang mawala ito sa paningin ko ay tumayo na ako para bumaba gusto ko munang makapag relax. Hinilot hilot ko ang sintido ng aking ulo para maibsan ang sakit. Lumabas ako ng library at dumiretso sa kwarto at nag bihis balak kung pumunta ngayon sa bar. pag baba ko ay nakita ko ang aking ina kausap ang isa nitong amega, nag paalam ako dito na lalabas at sinabi ko na sa bar muna ako mag papalipas ng gabi pumayag naman sya. Pag kapasok ko sa loob ng sasakyan ay pinaandar ko agad at umalis. Dahil wala naman gaanong traffic mabilis akong nakarating doon. dumiretso muna ako sa taas para ilagay ang dala kung damit na pampalit pag ka tapos ay agad din bumaba, nasalubong ko si Nicko ang bayaw ni Lucas. "Bro musta!" sabi ko simula ng nag umpisa ako tumira sa mansion ay sa tawag lang kami nag kakausap dalawa para kamustahin ang bar, maayos naman ang pamamalakad ni Nicko maasahan ito. "Dito ka pala William!," nagulat ito "kanina kapa ba?" tinapik tapik niyo ang balikat ko. "Kararating ko lang dumiretso na ako sa itaas, dito muna ako mag papalipas ng gabi" sagot ko. "okay!, enjoy!, punta muna ako sa opisina may kukunin lang ako I join you later!" paaalam nito tungo lang ako. "Sa counter lang ako!" humakbang na ako paalis. Naupo ako sa upuan na nasa harap ng counter. tumingin ako sa mga tao na nandoon walang akong nakitang may bakanteng upuan lahat ukupado, marami tao ngayon dito sa loob maingay din ang tunog ng musika. "good evening sir William!!" bati ng bartender sa akin. "Bigyan mo ako ng isang whisky," saad ko agad naman itong kumuha ng maiinom at inabot sa akin. Naka ilang baso palang ako ng alak ng mag vibrate ang selpon ko na nasa bulsa kinuha ko ito at tiningnan binasa ko ang text mula kay lucas tinatanong nito kung nasa bar daw ba ako, siguro ay nasabi ni Nicko dito kaya nag text ito ni replyan ko naman agad. "One glass of vodka! pre!" narinig kung boses ni Nicko na umupo sa isang upuan na nasa counter. "Kamusta naman ang to be CEO soon!" tanong nito ng abutin ang binigay na basong may lamang alak ng bartender. "Mahirap! pero kaya ko naman!" sagot ko sabay lagok ng alak. "Gusto mo mag relax,! marami tayo available dyan!!." nanunukso ang ngiti na tumingin ito sa akin. "No!!," tanggi ko alam ko ang ibig sabihin nito, ayoko ng madagdagan ang kasalan ko kay veron. "Okay!" nag kibitbalikat nalang ito. "Let's drink!". Malalim na ang gabi ng matapos kami ni Nicko nag kwentuhan kami kung anu anu para pampalipas oras. Medyo nahihilo na rin ako dahil sa dami ng nainom ko kaya nag paalam na ako na maunang aakyat sa taas pumayag naman ito at sinabing ito nalang ang bahala mag intindi sa bar. Pag dating ko sa kwarto ay tinanggal ko ang aking sapatos, ipinatong ko na din ang selpon ko sa ibabaw ng mesa at pabagsak akong nahiga sa kama, umiikot ang paningin ko kaya dumapa ako at ipinikit ang mga mata. rinig kong may tumatawag sa selpon ko pero diko na ito pinansin parang hinihila na ako ng antok diko na namalayan kung ilang beses na tumunog ito dahil naka tulogan ko na. ********** Kinabukasan ay nagising tanghali na ako nagising tiningnan ko ang aking relo na pamura ako ng makita ko kung anong oras na. "F**k!" napa balikwas ako ng bangon. Pasado alas dyes na ng umaga siguradong nag hihintay na sakin si Emmit. Dali dali ako tumayo sa higaan at nakita ko si Nicko na nakahiga sa couch tulog pa ito, Dumiretso ako sa banyo. Pag katapos kung maligo at mag bihis ay tumunog ang selpon ko si veron ang tumatawag agad ko itong sinagot. "Hello! Hon! kagabi pa ako tawag ng tawag sayo dika sumasagot?!" bungad nito. "I'm sorry hon! nalasing ako kagabi nag inuman kami ni Nicko dito sa bar!" saad ko, alam kung galit ito sa tuno ng pananalita. "Next time don't drink too much?" mahinahon na sabi nito. "I'm worried akala ko may nangyari na sayo! kaya tumawag ako kay tita Felisa." narinig ko ang pag buntong hininga nito sa kabilang linya. "I'm sorry again hon! dina mauulit" pangako ko dito. "Okay! I will go home there,l for vacation!" masayang balita nito. "When!?" "Maybe next week, pagkatapos ng isang show ko." "Okay!! i wait you here! call me when you leave, I'll pick you up at the airport!" matapos ang tawag nito ay agad akong umalis sa bar para bumalik sa bahay. Dina ako naka pag paalam kay Nicko nag bilin nalang ako sa tauhan ko kung sakaling magising ito na umalis na ako. Mabilis ang takbo ko pa balik sa bahay alam kung nag hihintay na sakin ang assistant ni dad. Medyo kumakalam na rin ang sikmura ko sa gutom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD