CHAPTER 14

1617 Words
— ANNA POV— Isang linggo na ang lumipas ng dumating ako dito sa Pilipinas nakausap ko naman sila tita at ang kapated ko. Pero si Mike ay hindi ko makontak lagi nalang walang signal ang selpon ito anu bang nangyayari sa lalaking yun simula ng umalis pa puntang business nito ay hindi man lang naka alalang tumawag, Kinuha ko ang selpon ko para subukang tawan uli ito wala pa naman si don Alejandro maaga akong dumating dito sa opisina dahil dinala ko ang isang sasakyan ni Kuya Maxx, hindi na ako nag pasundo dito simula nung gabing hinated nya ako sa bahay, nakita ko kasi ang pagod sa mukha nito siguro ay sa dami ng ginagawa nito nang araw na yun at naka limutan akong sunduin. mabuti nalang ay kinuha ko ang number nito at binigay ko naman yung akin. "Please leave a message after the tone! Thanks - bye!" tinig mula sa selpon nito. naka ilang dial ako pero ganun parin. "Babe its me Anna, please call me as soon as you get this!" nag iwan ako ng voice message dito para sya nalang ang tumawag sa akin baka subrang busy talaga nito. malaki siguro ang problema ng branch company nito. Ibinalik ko sa bag ang selpon ko habang hinihintay ang pag dating ng Don. ilang araw na rin nya akong personal na tinuruan sa gagawin ko. "Anna gusto mo ng coffee?" tanong ni Li-anne, sa ilang araw na pamamalagi ko ay nakagaanan ko na rin ito ng loob, mabait ito at hindi maarte natural kung kumilos hindi kagaya ng ibang empleyada na plastik kung ngumiti sa akin. "Ako nalang ang kukuha Lian!" yan ang tawag ko sa kanya mahaba kasi ang Li-anne kaya pina iksi ko nalang okay naman dito. Sabay na kaming nag lakad patungo sa elevator para pumunta sa cafeteria ng building. "May boyfriend kana ba Anna?" tanong nito pagka sara ng pinto ng elevator. "Yes i have!" sabi ko. "Talaga!!, siguro ang gwapo gwapo nya!" tila kinikilig pa ito. "Pero nasaan sya? wala kasi akong nakikita na may nag susundo sayo!" usisa pa nito. "Ah! nasa ibang bansa sya, inasikaso nya ang business nya" baliwala kong sagot. "Super yaman pala ng boyfriend mo?, Bakit naisipan mo pa na mag trabaho kaya ka naman siguro nya suportahan!" Tumingin ako dito. "Hindi porke't mayaman sya ay aasa ako sa kanya, mas gusto kung suportahan ang sarili ko, mula sa sariling sikap" tumigil ako saglit bago nag patuloy. "Baka balang araw pag nagka hiwalay kami ay isumbat nya sakin lahat ng ginastos nya." "Sabagay tama ka!" sang ayon nito. Nang makarating kami sa cafeteria ay maraming empleyado na naka upo sa mesa na naroon. napa dako ang tingin ko sa limang babae na nasa isang table, ito ang nakasabay ko sa elevator noong isang linggo. ang tatlo lang ang namukhaan ko yung dalawa ay hindi, siguro kasama nila. nag tatawanan ang mga ito. "Anna ano gusto mong coffee?" tanong ni Lian ng nasa harapan na kami ng counter. "Brewed coffee nalang!" nag order ito ng dalawa para sa amin. Nang makuha namin inorder namin ay nag hanap kami ng bakanteng table na pwedeng upuan.. saktong umalis ang dalawang empleyada sa isang table na nasa likuran ng limang babae. yayain ko na sana si Lian na maupo doon ng tumanggi ito at sinabi ma sa iba bakanteng table nalang daw kami maupo. "Bakit? may problema ba?" kunot noo kung tanong para kasing namutla ito ng tumingin sa katabing mesa. "W-wala naman, ayaw ko lang doon" iniwas nito ang tingin. "Wala naman pala, halika kana wala na tayong mauupuang bakanteng table". hinila ko ito patungo doon. ramdam kung iniiwasan niya ang mga ito. wala naman itong nagawa kundi sumunod sa akin. Inilapag ko ang dala kung tasa na may lamang kape at hinila ang isang upuan saka umupo ganun din ang ginawa nito. "Look who is behind me! the mistress of our boss!" Napatigil ako sa paghigop ng aking kape ng marinig ko ang sinabi ng nasa kabilang table namin. hindi ko ito nakikita dahil naka talikod akong naka upo sa mga ito pero ramdam ko na kami ang pina riringgan nito. Tumingin ako sa kaharap ko halatang tense ito. "What's the problem?" tanong ko tumingin ako sa kamay nito na may hawak ng tasa hindi man pang nito ginagalaw. "W-wala naman, wag mo na pansinin ang sinasabi nila." sumulyap ito sa may likuran ko. "Ganyan talaga ang mga yan. Binaba ko ang tasa na may lamang kape nangangati ang kamao ko at parang sarap balitaan ng buto, i hate bully person. bumuntong hininga ako para pakalmahin ang aking sarili, ganun din ito. "See! nag sama pa ng mabibiktima nya! para hindi paghinalaan." dagdag pa ng nasa likuran Nanga lahati palang ang laman ng tasa ay niyaya ko na ito na umalis baka mapa away pa ako, nag tatawanan pa ang mga ito ng umalis kami. Nakarating kaming dalawa sa itaas, pag bukas ng elevator ay malayo palang na pansin ko na ang isang bulto ng lalaki sa tabi ng mesa ni Lian, Bago pa kami makalapit rito ay binati nya kami. "Good morning beautiful Ladies!" Malapad ang pag kakangiti nito. we great him back. "Li-anne pinapasabi ni Mr. De Guzman said mag hanap ka ng venue para sa gaganaping party next week, then sabihan mo na rin ang bawat department and informed Mr. De Guzman if you find the place." tuloy tuloy nitong sabi sa kaharap, tila hindi pwede huminga habang nag sasalita dito, hindi rin ito makatingin sa gawi ko, Lihim akong napangiti. tinaasan ko sya ng kilay ng makita kung tumingin sa akin. Agad din naman itong umalis patungo sa opisina ni Mr. De Guzman, Bumalik naman ako sa table ko para aralin ang binigay na dokomento ng Don. Ilang sandali ay narinig kung may kausap sa kabilang linya si Lian baka tungkol ito sa venue para sa party na gaganapin sa next week. Hindi ko na ito inistorbo alam kung busy sya sa pag aasikaso ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ng Don. "Anna!! Don Alejandro want to talk to you". bungad ni Emmit. Agad akong tumayo para pumasok doon. "Sir!" lumapit ako sa tabi ng table nito. Nag usap kaming dalawa, sinabi nito na next week ay ang anak na nya ang mag papalakad ng company marami itong ibinilin sa akin. may lungkot akong naramdaman kahit subrang isang linggo lang kami nito mag kasama parang ama na turing ko sa kanya, mabait ang Don marami itong naituro sa akin. ******* Sabay na kaming lumabas ng building ni Lian dahil wala naman akong gagawin sa bahay kaya hinintay ko na ito na lumabas. "See you tomorrow Anna!" paalam nito ng nasa labas na kami dahil dumating na ang sundo nito. Sumakay na rin ako sa kotse dahil gabi na at tama naman na labasan ng mga nag tatrabaho kaya ma traffic na rin, para hindi mainip ay pa kanta kanta ako at nakikisabay sa rin mula sa music mula sa stereo ng sasakyan. isinandal ko ang aking ulo sa upuan ng sasakyan. Sa isang linggo ay iba na ang magiging amo . ito na ang umpisa ng totoong trabaho ko bilang personal bodyguard nito, Mag kasundo rin kaya kami nito kagaya ng ama nya. kwento sa akin ni Lian ay mabait raw ito, ilang beses na daw itong pumupunta sa opisina ng Don, Sana nga mag kasundo kami. Papasok na ako ng village ng makita ko ang guard na naka upo sa guard house ibinaba ko ang bintana ng aking sasakyan para makita ako, dahil kilala na nya ako ay agad nitong binuksan ang gate. Maliwanag ang bahay dahil sa ilaw na naka palibot dito pag dating ko ibig sabihin ay gising pa si Manang Lourdes. Mag aalas nwebe na ng gabi siguro hinihintay ako. Ako na rin ang nag bukas ng gate para makapasok ang sasakyan meron akong sariling remote para dito. Pag katapos maiparada ang sasakyan ay pinatay ko ang makina at pumasok sa loob. Pag bukas ko ng pinto ng bahay ay nadatnan ko si Manang na nakaupo tila kanina pa hinihintay ang pag dating ko. "Magandang gabi po Manang!" Lumingon ito sa gawi ko. "Bakit gising pa ho kayo?" nag lakad ako palapit sa kinaroroonan nya nilapag ko sa center table ang bag at susi ng sasakyan. "Mabuti naman nakarating kana!" bati nito, May inabot itong kapiraso na papel sa akin at may naka sulat na number. "Tawagan mo daw yang numero na yan pag dumating ka, tatlong beses ng tumawag yan overseas!" paliwanag nya. "Ano daw ho ang pangalan nya?" kunot noo kung kinuha ang ibinigay nya. kakatawag ko lang kila tita imposible naman. "Basta tawagan mo raw sya at importante raw," pilit nito. "Babae ho ba? o lalaki ang tumawag?" "Babae Ineng!, sya! tawagan muna at baka nga importante yaan." utos nya. "Maiwan na kita mag hahain na ako ng hapunan mo." umalis na ito sa tabi ko. Sinunod ko ang sinabi nito denial ko ang number na nasa papel. "Hello!!" nailayo ko ang telepono sa taenga ko dahil sa lakas ng boses nito kilala ko na kung sino. "Besty!! ay s**t!! ikaw na ba yan?" tanong mula sa kabilang linya. "Grabe!! para naman masisira ang eardrum ko sayo" kunway galit kung sabi. "Woah! ikaw pa may ganang magalit, kung hindi ko pa tinawagan si Tita Divine diko pa malalaman na nasa Pilipinas ka na pala" nag tatampong saad nito. Masaya ang kwentuhan namin dalawa, diko na malayan ang oras narinig ko nalang ang pag tawag sa akin ni Manang. "Ineng kumain ka muna mainit pa ang sabaw!" ani Manang. Nag paalam narin ako kay Sabrina, nag rereklamo na din ang tyan ko sa gutom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD