CHAPTER 15

1348 Words
—WILLIAM POV— "Welcome to the new CEO of this company! my son William!" rinig kung sabi ng aking ama mula sa stage. Nag karoon ng isang welcome party para sa akin. ito ang kagustuhan ng aking ina. lumabas ako mula sa likuran ng stage at nag lakad patungo sa kinaroroonan nito. Naroon si Dad at si Mom kasama nito si Bryan, naka ngiti silang lahat na nakatingin sa akin habang puma palakpak pati na rin si Emmit. Napadako ang tingin ko sa katabi nito seryoso at walang reaksyon ang mukha tila walang pakialam sa nangyari sa paligid nakatingin lang ito sa mga empleyado na naroon. Hindi man lang ako tumingin sa gawi ko. "Congrats son!!" bati ni mommy yumakap ito sa akin. "Thank you mom!" Lumapit ako sa tabi ng aking ama bakas sa mukha nito ang saya. Nag bigay ito ng kaunting pasasalamat sa mga empleyado na nandoon. "Thank you all of you! Sana kung paano nyo ako nirespito bilang boss, ay ganun din ang gawin nyo sa anak kung si William." saad nito, Marami pa itong sinabi sa mga empleyadong naroon, nag bigay ako ng pasasalamat sa mga matagal na nag silbi para sa aming company. Binigyan din ni dad ng parangal ang emplyadong tumagal at naging matapat. Ipinakilala rin ako nito sa bawat department ng kompanya. Matapos ang mahabang pag pasalamat ay nag umpisa ng kumain at nag kasiyan ang bawat isa. Narito kami ngayon sa isang Hotel na pag aari ng aming pamilya. naka upo kami sa isang table kasama ko si mom, bryan at si dad. Napadako ang tingin ko sa katabing mesa namin ng marinig ko ang boses ng Assistant ni Dad. "Anna you want something to drink?" tanong ni Emmit sa babaeng katabi. kanina ko pa napapansin ito empleyada rin ba ito sa company ng aking ama. "Yes! I'll just get my drink!" sagot nito, sabay pa tumayo ang dalawa para kumuha ng maiinom. narinig ko ang pananalita nito na parang sanay na sanay sa english. Pinag masdan ko ang katawan nito habang papalayo, Matangkad ito kay Emmit pwede na ito sumali sa model kung titingnan, naka pusod ang buhok bagay sa kanya ang suot nya kaya lang parang hindi yata nito naisip na party ang pupuntahan she wear all black WTF!. Napa iwas ako ng tingin ng lumingon ito sa kinauupuan ko at matalim na tumingin sa akin. nakita ko ang pangungunot ng noo nya ng kumindat ako at ngumiti dito. Kaya lang mas ako pa ang nahiya dahil wala man lang ag babago sa mukha nya, hindi katulad ng ibang babae ngitian ko lang ay di na malaman ang gagawin. "She's different from the other girls i met, o nag papakipot lang ito para mapansin ko" Umiling iling ako. "Son! " napa lingon ako ng may tumapik sa balikat ko it's Dad. "Bukas ay may meeting ako sa mga Investor at kasosyo natin sa negosyo i want you there!". umupo ito sa tabi ng aking ina."Gusto kung ipakilala kita sa kanila at makilala mo sila bago ako bumaba sa pwesto," "Okay Dad no problem!" sagot ko rito. —OTHER'S PERSON POV "Boss!!!! Boss!!" humihingal na dumating ang tauhan nito. Lumingon dito ang isang matandang lalaki mula sa pag kakaharap sa dingding na salamin ng building. "Anong balita Alvarez?" galit nitong tanong at ibinuga ang usok ng tabako. "Boss! ayon sa tauhan ko na nasa loob ng company ng mga De Guzman ay nag karoon ng welcome party para sa anak na papalit sa pagiging CEO ni Alejandro." Humihingal pa na balita nito. "Talagang mautak ka Alejandro. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya ng ipinag mamalaki mong anak!" galit na galit ito. "Nasaan na ang pina pa trabaho ko sa inyo? nakuha naba ninyo ang bunsong anak nya?" tumingin ito sa tauhan nito na nandoon. "W-wala pa B-boss hindi namin makuha meron naka bantay na mga bodyguard." Takot n sabi ng leader. "Gonggong?" dumagundong ang boses nito sa loob. walang may lakas ng loob na mag salita dahil sa takot kinuha nito ang baril na nasa loob ng drawee at itinutok sa ulo ng tauhan nya. "Kung wala ka rin silbi, wala ng dahilan para mabuhay ka!" "B-boss, parang awa muna bigyan mo pa ako ng isang pag kakataon para makuha ko ang anak ni Alejandro" pag mama ka awa nito "Wala ng isang pag kakataon ang ibibigay ko. dahil wala kang silbi!?" isang putok ng baril ang umalingawngaw, naka handusay ang wala ng buhay na tauhan nito. "Kayo!?? ganyan ang mangyayari sa inyo kapag hindi ninyo nakuha ang anak ni Alejandro?" tumingin ito sa kanyang tauhan na nasa harapan bakasa ang takot sa mukha ng bawat isa. "Linisin nyo ang kalat na yan" utos nito. "Masusunod boss!" tinig ni Alvarez. "Oh? kayo anu pang hinihintay nyo?!! alisin nyo na yan?!!" sigaw nito. "Kailangan makuha nyo ang isa sa anak ni Alejandro. Nag kakaintindihan ba tayo?!" utos nito. ********* "Good morning Gentlemen!!" Nag sitayuan lahat ng taong nandon sa loob ng conference room sa sinabi ng aking ama. "I would like to know! my son William he replace me as a CEO of this company starting tomorrow!" Lahat ay nakatingin sa direksyon ko, seryoso at pinatigas ko ang ekpresyon ng aking mukha. Lahat ay walang umimik o nag salita man lang sa sinabi ni Dad. Matapos akong ipakilala ni Dad sa mga ito ay nag karoon sila ng meeting tungkol sa mga negosyo, nakikinig lang ako at pinag aralan ang bawat sinasabi ng mga ito nauunawaan ko ang bawat pinag uusapan nila, pa minsan minsan ay nakikisali ako sa usapan ng mga ito. I Know my Dad very well pag dating sa negosyo. Sabay na kaming nag lakad palabas ng conference matapos ang meeting, malapit na ako sa pinto ng mapansin kung bakante ang upuan ng magiging assistant ko hindi ba ito pumasok. "Li-anne were is Anna?" lumapit ako sa table nito. may sinusulat ito kaya hindi agad tumingin sa akin. "Ah! Sir William kayo po pala, Absent po si Anna!" kaagad na sagot nito. Nangunot ang noo ko. "Anu?? ka bago bago palang nya dito sa company absent agad?" may inis akong naramdaman. "Alam ba ito ni Dad?" muli kong sinulyapan ang bakanteng table ni anna. "Yes sir William. alam po ito ng Dad nyo!" Tumungo nalang ako at walang salitang tinalikuran ko ito. Pumasok ako sa opisina ni Dad at magiging opisina ko na rin simula bukas, di parin maalis ang inis na nararamdaman ko. "We're is Anna Dad?" Bungad ko rito, nag aayos ito ng mga papeles nito para dalhin sa bahay. "Nag paalam sa akin kahapon na may pupuntan lang daw syang importante." hindi man lang ito umangat ng tingin sa akin. "Yan ba ang ibibigay mong Assistant ko Dad?! hindi pa nga ako nag uumpisang umupo bilang kapalit nyo absent agad?". umupo ako sa sofa. Napatingin sa kinaroroonan ko si Dad. "Why are you mad son? bukas ka pa naman mag uumpisa bilang CEO, shes under my supervision, kaya sakin pa sya mag tatrabaho hanggang ngayon. but tomorrow your the boss!" nakangiti ito. Umiwas ako ng tingin dito. "Bakit nga ba hinahanap ko ang babaeng yun, tama naman si Dad bukas pa ako mag uumpisa ng pamamalakad ng company, " bulong ng isip ko. "Bakit nga ba naiinis ako pag diko sya nakita, ano bang meron sa anna na yan?". Napa buntong hininga ako para mabawasan ang nararamdaman kung inis. "By the way son, be aware of those people who near you,. Wala kang ibang pwedeng pag katiwalaan kundi si Anna lang!" seryoso ang boses nito. "Paano ko siya pag kakatiwalaan bilang isang empleyada Dad, !" lalo pang na dagdagan ang inis ko sa babaeng yun sa sinabi ng aking ama. "at bakit ang laki mg tiwala nyo sa babaeng yon?" "You need to trust her son!, because she is your personal assistant!" Nakikiusap na sagot nito. "Sya lang ang pwede mo pag katiwalaan sa lahat". Naiiling nalang ako hindi na ako nagsalita para hindi na humaba ang usapan namin dalawa. sa sitwasyon ng pamilya namin ngayon mahirap mag tiwala kanino man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD