CHAPTER 16

1608 Words
—ANNA POV— Kasalukuyan akong nasa loob ng isang mall. nag paalam ako kay Don Alejandro na hindi muna papasok ng isang araw pumayag naman agad ang matanda. May bibilhin lang ako sa loob kaya nag sadya akong pumunta rito mabuti rin at hindi ako naligaw. Naiilang na rin kasi ako sa panay na titig sa akin ng anak ng Don, pakiramdam ko hinuhubaran ako nito kung maka tingin. ito ba ang sinasabi ni lian na mabait eh kung maka titig sa katawan ko parang sasakmalin ako. Nang makarating ako sa sadya ko ay pumasok na ako sa loob may sumalubong sa akin na isang lalaki. "What can i do for you Ma'am?" magalang nitong tanong. Sinabi ko rito ang gusto kung bilhin na agad naman ibinigay. tiningnan ko muna ang mga ito kung okay ang quality ng bawat isa pagkatapos ay binayaran ko sa counter. Gusto ko munang mag ikot ikot dito sa loob ng mall, naalala ko bigla ang kaibigan kong si sabrina mahilig kasi yun sa shopping. paglabas ng shop naisipan kung mag hanap ng boutique para bumili ng damit at underwear. kaunti lang na damit ang nadadala ko. Nang makita ko ang boutique pasok ako sa loob, iginala ko ang aking paningin mukhang puro mamahalin ang mga damit dahil sa klase, nag hanap ako ng gustong kung kulay. "Welcome to WDG boutique ma'am. marami pa po kaming damit na pag pipilian dito!" nakangiti ang isang babae na lumapit sa akin. "Okay! pipili lang ako!" sagot ko dito. umalis naman agad ito. Habang abala ako pag pili ay narinig kung nag salita ang isang babaeng bagong dating sinulyapan ko ito saglit at ibinalik ang tingin muli sa damit na nagustuhan ko. "Good morning Ms. Nicole!" bati ng sales lady. "Nasaan ang manager nyo? ready na ba ang pina reserve kung damit?" diritsong sabi ng babaeng.may kasama itong dalawang lalaki, marahil bodyguard nito dahil sa bihis. "Yes, Ms. Nicole ready na po ipakuha ko lang kay susan!" ito marahil ang Manager. narinig ko pa ang pagtawag nito sa babae na bumati sa akin kanina. "Bilisan mo? ayaw kung pinag hihintay ako, nasasayang ang oras ko,?" mataray nitong utos. Napatingin ako muli sa gawi nito. napataas ang isang kilay ko dahil sa itsura nito puno ng makapal na make up ang mukha nito. at mukhang isang bigating costumer. Dala ng napili kung damit ay lumapit ako sa counter para bayaran lahat. inabot ko ko narin ang card sa casher. "Ano ba?! bakit ang tagal ng pinakukuha mo?" sigaw ng babae sa kaharap nito. "Ang kukupad nyo kumilos dapat sa inyo tanggalin sa trabaho.?" Dumaan sa may likuran ko ang babae dala ang dalawang may kalakihang paper bag, alam kung mamahalin ang damit. kahit ako na gulat sa presyo ng binili kung damit, buti nalang dala ko ang card ni kuya maxx, dahil wala akong ganung halaga na ibabayad pag nag kataon. "ito na po Ms. Nicole" ramdam ko ang panginginig sa boses nito ng makalapit sa kinatatayuan ng babae. Napatingin ako ng isang malakas na sampal ang narinig ko. "sumusubra naman yata itong pugitang babae na ito kung maka pag trato sa saleslady" napatiim bagang ako sa nakita pulang pula ang mukha ng kawawang babae sa lakas ng pag kakasampal. "Sasabihin ko kay William na tanggalin ka sa trabaho mo, napaka kupad mo??" galit na galit nitong sigaw sa kaharap. "Ms. Nicole maawa po kayo wag nyo po akong ipatanggal sa trabaho, may sakit po ang nanay ko kailangan ko po ng pambili ng gamot para sa kanya.." pag mamakaawa nito habang nakayuko at umiiyak hawak ang kaliwang pisngi na sinampal ng babae. Nilingon ko ang mga kasama nito pati na ang manager ng boutique na saktong naka tingin sakin. dahil wala man lang reaksyon sa sinapit ng tauhan nito kaya binigyan ko ng matalim na tingin. hindi ba nito kayang ipagtanggol ang tauhan nito ni hindi man lang nagawang awatin, naawa akong tumingin sa babae. "Lumuhod ka sa harap ko at humingi ng tawad" doon na ako hindi naka pag pigil hindi man lang nito pinansin ang pag mamakaawa ng kaharap. Nag lakad ko palapit sa kinatatayuan nito akmang luluhod ito para sundin ang sinabi ng babae. nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito ng hawakan ko ang kamay nito para pigilan. "Hindi mo kailangan lumuhod Ms. wala ka naman kasalanan para gawin yan." mahinahon kung sabi at inalalayan na makatayo. Binaling ko ang tingin sa babaeng mukhang pusit ang pag mumukha. "and you? do you know how to respect others?" may diin kong sabi dito. ""wow! what a shining armor!?" naka ngising tumingin ito sakin at nag lakad palapit. "Who are you b***h?!" Tumingala pa ito para makita ang mukha ko.. "Bakit kilala mo ba ako?, para pag sabihan mo ako ng ganyan?" "ha??" sabay tulak nito. buti nalang naging alerto ako at nakaiwas sa panunulak nito. kaya ito ang napasubsub sa damitan nasa likuran ko. "b***h!!???" galit na galit itong tumayo tila napahiya. Dinaluhan sya ng mga bodyguard na kasama nya. pero sa halip na mag pasalamat ay sinipa nya ang mga ito ng makatayo mula sa pag ka subsub sa damitan. "mga t***a bugbogin nyo sya?!" utos sa dalawang bodyguard. "H-ha?? ehhh...babae po sya Ma'am". napakamot sa batok nito ang isa sa bodyguard bago tumingin sakin. "Wala akong pakialam kung babae sya?, kung ayaw mo ako ang gagawa?" kinuha ang baril mula sa likuran ng lalaki at itinutok sakin. "ngayon tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo?" "Yan lang ba ang kaya mong gawin Ms. ang manakot ng tao?" nakangisi kung tanong sa kaharap. "Oo, at kaya kitang patayin ngayon din??!" sigaw nito. "Ohh!! talaga." dagdag kung pang aasar dito kita ko ang pamumula ng mukha dahil sa galit. bago pa nya makalabit ang gatilyo ng baril ay mabilis kung inagaw ito sa kanya. narinig kong na pasinghap ang ilang tao na nakatingin sa amin. Nakita ko na akmang bubunot ang isa pa nitong bodyguard. "Subukan mong bunutin yan, baka mauna ka sa amo mo na impakta!?" "Sa susunod Ms. ayusin mo ang pag uugali mo, bago ka manakit ng iba try to hurt yourself para malaman mo kung gaano kasakit ang sampal mo bago mo isampal sa iba?! ..naiintindihan mo?." "Humingi ka ng sorry sa kanya" utos ko. tumingin ito ng matalim sa akin. "Pag babayaran mo ito sakin?!" nanlilisik ang mga mata. "Bilis!?.. nangangati na ang daliri ko baka makalabit ko bigla ang gatilyo nito" naka ngisi kung saad. "S-sorry" matigas na sabi sa harap ng saleslady na naka yuko. "Marunong ka rin pala mag sorry.," asar ko at binaba ang hawak na baril. kinuha ko ang magazine nito, alam kung hindi naka kasa ang baril kaya napa iling akong tiningnan ang bodyguard saka ibinigay ito. Nag lakad ako palapit sa manager ng boutique tinapik ko sya sa balikat bago ako nag lakad palabas. umalis narin ang babae kasama ang dalawang bodyguard nito dahil sa pagkapahiya nito peri bago ito tuluyan lumabas ay nag bantang hahanapin ako para maka ganti sa ginawa ko sa kanya. ************** Nasa parking area ako ng mall para kunin ang big bike na dala ko saka pinaharurot palabas. ginamit ko ang big bike ni kuya Maxx na nasa garahe nito mas madali kasi bumyahe pag ito gamit ko iwas traffic lalo ngayon mag gagabi na. pag katapos ng nangyari sa boutique ay namasyal pa ako kung sa loob ng mall nawili akong tumingin tingin. Nalaman ko sa manager ng boutique na hindi lang yun ang unang beses na nangyari dahil sa kilala ito ng may ari at anak ng business man kaya malakas ang loob ng babae. lagi daw sila nito pinag babantaan na tanggalin sa trabaho at hindi na makahanap pa ng pag tatrabahuan, pag nag sumbong sa may ari dahil kaibigan umano nito. at dala narin sa takot na mawalan ng trabaho ay nanahimik na lamang ang mga ito dahil sa ma impluwensya ang ama nito sa business baka daw hindi sila makahanap ng trabaho. Nakarating ako sa bahay pasado alas sais na pinarada ko ang big bike sa garahe ng mga sasakyan dumiretso muna ako sa underground ng bahay. kailangan kung maayos ang mga pinamili ko, inabot ng isang oras bago ko nagawa at natapos i assemble ang mga ito. Pagkasara ko ng pinto ng underground ay nag lakad ako patungong kusina kumakalam na rin ang sikmura ko sa gutom ng makita ko mula sa monitor ng cctv na nasa kusina habang pinapanood ko ito sa underground ng bahay. mukhang masarap ang niluto ni nanay Lourdes kaya nakaramdam ako ng gutom. "Oh! Ineng nariyan kana pala kanina pa kita hinihintay na lumabas para kumain" saad nito ng makita akong papasok. "May tinapos lang po ako kaya di agad naka baba!" naka ngiti akong tumingin dito. para kasi itong totoong nanay ko kung mag alala. Masarap sigurong maging anak nito bukod sa maalalahanin mabait pa. "Sya halika na at ng makakain na tayo!" nauna na itong nag lakad palapit sa mesa sunod nalang ako dito. Pag katapos ng hapunan umakyat na ako papuntang kwarto sa itaas gusto kung matulog at makapag pahinga dahil bukas ay umpisa na ng mission ko sa anak ni Don Alejandro. Pag dating sa loob tinungo ko ang banyo para maka pag shower dahil kanina pa nanlalagkit ang pakiramdam ko dahil sa maghapong nasa labas. Nakahiga ako sa kama ng maalala ko ang babaeng naka away ko kanina. gusto kung imbestigahan ang pagkatao nya masyado kasing high ang tingin sa sarili ang galing manakot sa mga taong alam nyang di sya kayang labanan. maya maya pa ay nakaramdam ako ng antok at unti unting hinigop ang kamalayan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD