34

1247 Words

NAPANGANGA sa labis na pagkagulat si Gemma nang pagpasok niya sa main house ay datnan niyang nakaupo ang kanyang mama at nagkakape. “Saan ka galing?” tanong agad nito sa kanya. “M-Ma, ang aga mong nagising,” sa halip ay sagot niya. “Si Greggie?” “Tulog pa. Hindi pa ako nakakatulog uli. Naalimupungatan ako kanina dahil hindi ako makahinga. Barado ang ilong ko sa sipon. Kumakatok ako sa iyo para magtanong ng Vicks, wala ka pala. Saan ka ba nagpunta?” kaswal na kaswal ang tinig ng kanyang ina pero nasa paraan ng pagtitig nito sa kanya na hindi siya uubrang magsinungaling. “Naglakad-lakad lang ako, Mama. Hindi rin kasi ako makatulog kaya naisip kong lumabas sandali.” “Sandali ba iyong apat na oras kang wala?” “Mama, nasa edad na ako. Huwag mo naman akong tanungin na para akong bata,” til

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD