THEY MADE love again. They explored each other’s body unhurriedly. Wala silang pakialam sa paglikwad ng oras. Tila binabawi ng masusuyo nilang pagdama sa bawat isa ang maraming taong nagdaan. But the c****x was nonetheless tumultuous. It was a long series of delightful shudder that she wished never to end. Noon lang niya naranasan ang ganoon. And she was glad it was with Matthew. “Hindi mo sinabi sa akin noon na ampon ka,” sabi niya dito habang magkatabi sila. Hinaplos niya ang peklat nito sa ilalim ng kilikili. Natatandaan niya noon na hinaplos din niya iyon. Sinukat pa niya ng sariling kamay ang peklat na tila hinulma sa isang kamay. “Makakabawas ba ng pagmamahal mo sa akin iyon, Gem?” Mabilis siyang umiling. “Nagulat lang ako ngayong nalaman ko. Pero bakit hindi mo sinabi sa akin no

