“DAMN you, Matt. Wala ka talagang kakuwenta-kuwenta. Bakit ba sa lahat ng lalaki ay ikaw pa ang minahal ko?” mahinang sabi ni Gemma sa sarili habang nakatingin sa cellphone. Ilang araw na silang nakakabalik sa Maynila subalit ni text ay wala siyang natatanggap mula sa binata. Oo nga at galit na naman siya dito pero hindi rin niya maipagkakaila na mahal pa rin niya ito. Baka nga mas mahal pa niya ito ngayon kesa noon. Nagkukukot ang loob niya. Palagi na lang ganoon ang nangyayari. May darating na problema at mawawala si Matt. At pagkatapos ay hindi gagawa ng anumang paraan upang magkaayos sila. “Damn you talaga, Matt,” gigil na wika niya at ibinaba ang cell phone. “Ate, pakipirmahan itong mga tseke,” lapit sa kanya ng sekretarya ni Greg na sekretarya na niya ngayon. “Ide-deliver na kasi iy

