“MATINDI ang naging atake ngayon sa papa mo,” sabi kay Gemma ng mama ni Greg. “Siya naman kasi, eh. Binalaan na siya ng doktor na mag-ingat siya sa mga kinakain niya, hindi naman nakikinig. Pangalawang atake na niya iyan, eh. Mild stroke lang noong una, tapos ayan, tingnan mo ang nangyari ngayon.” Nakaratay sa hospital bed ang pasyente. Bahagyang tabingi ang mukha nito at humal magsalita. Ayon sa doktor ay mahaba-habang gamutan ang kakailanganin para makabalik sa dati ang kalagayan nito. Ang konsuwelo nila ay nakakausap naman nila ito at malinaw ang isip. Wala na rin itong idinadaing na masakit at nag-aaya na ngang lumabas. Iyon nga lang, gusto ng doktor na obserbahan pa ito ng ilang araw. “This time, Mama, baka kelangang mapalo mo na si Papa,” biro na lang niya. Napailing na lang ang b

