DOON na nagpalipas ng gabi si Fabella. Gumising siya nang maaga sapagkat iyon din ang sinabi sa kaniya ni Xander no'ng gabi. Umagang-umaga pa, marami pang hamog sa labas at malamig. "Wear this," Xander told him to wear what he's handling. It was a jacket, a warm jacket. Mabilis niya naman 'yon na isinuot. "Ang lamig, pero ang ganda pa rin." Marahang natawa si Xander kay Fabella. In-aya na siya ni Xander na mag-almusal. Nakita niyang muli roon ang mayordoma na kung hindi siya nagkakamali ay Miranda ang pangalan nito. "Kumain na kayo nang maaga kayong makaalis," saad nito sa kanila. Mabilis naman silang kumain at pagkatapos nilang magpahinga ng isang oras ay napagpasyahan ni Xander na ilibot na muna si Fabella sa hacienda bago 'to ihatid pauwi. Sumisikat na rin ang araw at pawala

